Iniwan siya nito sa kwarto na iyon noong gabi. Mabuti nga at hindi siya nito pinwersang gawin ang bagay na iyon. Hindi nga lang siya nakatulog lalo pa't ramdam niya ang ginawa nito sa pagitan ng mga hita niya. Naipagdidikit na lamang niya ang mga hita at pinipigilan ang umungol. Baliw na nga siguro siya't nabuhay ang bawat himaymay ng init sa ginawa nito.
Si Brylle pa ang uling nakasama niya sa kama, pero iba ang piranas sa kanya ni Gray ngayon. Daliri pa lang iyon pero tingin niya buong katawan niya ang gustong magpa-alipin dito.
Napamulat siya ng mga mata matapos maalala ang sinabi nito.
"Mabuntis sa loob ng isang buwan? Baliw ba siya? Akala mo naman mabubuntis ako sa isang gabi lang—"
Napatigil siya matapos may napagtanto. Ibig ba nitong sabihin ay gagawin nila iyon araw-araw at hindi isang beses lang?
"Sh*t! Baog nga ako!" ngawa niya sa kama.
Kahit mag-araw araw pa sila, malabo siyang mabuntis! Bakit ba kasi ayaw nitong maniwala na baog siya?!
"Arggh!"
Nilubog niya ang ulo sa unan. Kailangan na niyang tumakas agad kaysa naman ito pa ang pumatay sa kanya kapag hindi siya nabuntis. Pero paano naman? Bantay sarado ang mansyon nitong babasagin! Isang maling galaw niya, uulan ng bala sa kanyang katawan.
Napabalikwas siya ng bangon at sumigaw-sigaw sa inis. Nalulungkot din siyang hindi na siya makababalik sa clinic. Hindi man lang niya maibuburol si Madonna.
Bumigat ang puso niya matapos maalala si Madonna. Bumagsak ang luha sa pisngi niya na agad niyang pinunasan matapos bumukas ang pinto.
"Get dress and go back to your clinic. Papayagan kitang magtrabaho sa clinic mo pero hindi ibig sabihin noon ay pwede mo kong takasan." Hinagis nito sa kama ang isang paper bag.
Napakurap siya. Nananaginip ba siya? Napatitig siya kay Gray, wala na naman itong pang-itaas pero iba na ang pants na suot. Nagsusumigaw na naman sa harap niya ang mga pandesal nito. Kung liligawan lang siya nito ng maayos, baka ito pa ang sagot sa kalungkutan niya pero sinong niloko niya? Masamang tao ito at mamamatay tao!
"Ano? Titigan mo na lang ba ako?"
Doon siya napasinghap at napangiwi. Nakakahiya! Kinunot niya ang noo para ipakitang naiinis siya.
"Akala ko ba ikukulong mo ko dito sa bulok mong bahay?"
Ito naman ngayon ang nangunot ang noo, "Hindi bulok ang mansyon ko. Ang clinic mo ang bulok."
Namilog ang mga mata niya at nagtagis ang mga ngipin.
"Bawiin mo iyang sinabi mo! Hindi bulok ang clinic ko—hoy! Bumalik ka rito!"
Bumaba siya sa kama para sana habulin ito ngunit napatigil siya matapos siyang itulak pabalik ng isang katulong.
"Handa na po ang limousine. Maligo na po kayo at mag-ayos. Huwag niyo raw pong babalaking tumakas," ani ng katulong.
Gigil na lang niyang sinulyapan ang papalayong malapad na likod ni Gray. Sumunod na lang din siya sa katulong. At least makababalik pa siya sa clinic.
Hinatid siya ng magara nitong limousine. Suot pa niya ang bestidang asul na hinagis nito kanina sa kama.
Huminga siya nang malalim pagkababa ngunit nabitin sa ere ang paghinga niya matapos marinig ang tawa ni Madonna. Napakurap siya at halos magmadaling pumasok sa clinic. Napatanga nga lang siya matapos makita si Enzo na kausap ni Madonna.
"Dra. Sylvaine! Si Enzo, bagong assistant mo raw," bungad sa kanya ni Madonna.
Kumibot ang labi niya at hindi pinansin si Enzo, "Buhay ka? Hindi ka patay?"
Naguguluhang umiling si Madonna, "Huh? Hindi. Iniwan din ako rito. Nag-report nga ako sa pulis pero mukhang hindi na kailangan dahil nandito ka naman na." Ngumisi ito na akala mo ay hindi na-trauma sa nangyari.
Napamaang siya at binalingan si Enzo, "Ang sabi mo ay patay na si Madonna!"
Namilog ang mga mata nito at napataas ang mga kamay, "What? Wala akong sinabing ganyan. Ang sabi ko ay nasa tahimik na lugar na," pagdidiin nito.
Pumirmi ang mga labi niya. Buong akala niya ay patay na ang assistant niya. Bumuntong hininga siya. Mabuti na lang at buhay pa ito. May rason pa para mabuhay siya.
"What are you doing here, Enzo? Hindi kita in-hire bilang assistant ko. Bumalik ka sa amo mong demonyo," malamig niyang bulalas.
Tumabi si Madonna noong pumasok siya sa opisina niya. Sumunod naman sa kanya si Enzo.
"You're not allowed to escape—"
"Alam ko. But I don't need your presence here," putol niya sa sasabihin nito.
Ngumisi ito, "Kahit naman wala ako rito, mababantayan ka pa rin niya."
Sinulyapan nito ang kisame kaya't sumunod doon ang tingin niya. Kita niya ang maitim na maliit na bilog na nakadikit doon. May maliit na pulang ilaw na kumukurap-kurap pa. Hindi siya t*nga para hindi maisip na CCTV camera iyon. Anong balak nitong gawin? Bantayan lahat ng galaw niya?!
"Madonna, baseball bat," mariing utos niya.
"Ah? B-akit?"
Tiningnan niya ito nang mariin kaya't tumalima ito at kinuha ang hinihingi niya. Naguguluhan pa si Enzo noong ibigay sa kanya ni Madonna ang baseball bat. Napamura ito noong tumuntong siya sa upuan at walang babalang basagin ang camera. Ilang beses niyang pinalo at hinampas iyon hanggang sa magkadurog-durog.
"Stop that, Dra. Sylvaine. Baka pagsisihan mong binasag mo iyan," pagbabanta ni Enzo.
Mataray niya itong tiningnan, "I am sure this is not the only one. Saan nakadikit ang iba?"
Pumirmi ang mga labi ni Enzo habang si Madonna ay napayuko. Siguradong hindi magsasalita si Enzo kaya't si Madonna ang nilapitan niya.
"Nasaan pa, Madonna?"
Napalunok ito. Sinulyapan muna nito si Enzo bago tinuro ang mesa niya. Galit siyang nagmartsa papunta sa mesa. Dumukwang siya at umakyat ang galit niya matapos makitang meron ngang nakadikit doon. Eh paano pala kung itatas niya ang paa niya? Edi nakitaan siya nito?
"Such a pervert!" bulong bulong niya bago basagin din ang camera doon. Wala siyang pakialam kahit pa nasira ang mesa niya.
"Meron pa?!"
Napatalon si Madonna habang si Enzo ay naningkit ang mga mata sa kanya. Lumabas ito at alam niyang magsusumbong ito pero wala siyang pakialam. Tatakbo na sila Madonna paalis doon.
"Nasaan pa, Madonna? Tell me."
Nanginginig ang kamay nitong tinuro ang labas, sakto sa entrada ng pinto. Lalapitan sana niya iyon ngunit pinigilan nito ang braso niya.
"Hindi mo dapat sinira. Maghihigpit sila lalo at baka pareho tayong mamatay, Sylvaine," takot na bulalas nito.
"Edi umalis na tayo ngayon din."
Umiling-iling ito. Kitang-kita niya ang takot sa mga mata nito at kung paanong manlamig ang balat nito.
"Nangako akong tutulong sa kanila kapalit ng buhay ko. Pinangako kong babantayan kita para hindi nila ako patayin," pag-amin nito.
Napanganga siya at hindi makapaniwala. Gets niya naman na nanganib marahil ang buhay nito pero pwede pa naman silang tumakas!
"Pwede pa tayong tumakbo at tumakas, Madonna—"
"Hawak nila ang buong pamilya ko, Sylvaine. Hindi ako pwedeng sumunod sa'yo at baka isa sa mga anak ko ang mamatay," naiiyak na sumbong nito.
Kumuyom ang kamao niya at lalong nagalit sa narinig. Sino ba sila para gawin iyon?! Ni hindi niya matandaan kung may atraso siya sa lalaking iyon para gawin ito sa kanila!
Sa galit niya ay malalakas na hampas ang ginawa niya sa camerang nakita. Wala namang silbi kung tatakas pa siya ngayon pero ipapakita niyang galit na galit siya.
"F*ck you, Mr. Whitlock! F*ck you!" paulit-ulit niyang sigaw habang hinahampas ang maliit na camera.
Durog na durog iyon habang siya ay hinihingal.
"Tapos ka na? Ako naman," ani ng malamig na boses.
Napalingon siya mula sa likod. Nakatayo roon si Gray at nanlilisik ang titig sa kanya. Sumulyap ito sa nadurog na camera kasabay ng pag-igting ng panga nito.
"What have you done to my precious cameras?" gigil na tanong nito habang nagtatagis ang mga ngipin.
Tinaas niya ang noo at sinalubong ang galit nitong tingin, "Wala kang karapatan na lagyan ng camera ang clinic ko."
Naningkit ang mga mata nito, "You'll pay for this!" galit na galit na sigaw nito dahilan upang mapatalon siya sa gulat.
Napaatras siya noong lumapit ito, "A-no'ng gagawin mo?"
"Pinagbigyan na kitang bumalik pero sinira mo ang mga camera ko. It is just enough for you to pay them. F*ck, dapat pala kagabi pa ako pumasok diyan sa loob mo para hindi ka na nakalakad!"
Naeskandalo siya sa sinabi nito pero mas nagulantang siya noong walang babalang buhatin siya nito na parang sako.
"Ano ba! Bitiwan mo ko!"
"D*mn, I should have done this last night," bulalas nito bago pisilin ang likod ng hita niya na tila gigil na gigil.
After a few months...Mabigay siyang nakatitig sa puntod sa harap niya. Kasing itim ng bestidang suot niya ang kanyang nararamdaman sa tuwing tinititigan ang puntod. Hindi pa rin niya lubos maisip na hahantong sa ganoon ang lahat."I'm sorry, but I have to do that."Bumuntong hininga siya at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Pinagpag niya ang kanyang itim na bestida bago muling sulyapan ang puntod."You scared the hell out of me," malamig niyang sagot dito.Napapikit siya noong umikot ang mga matipuno nitong braso sa kanyang bewang at marahang hinaplos ang kanyang baby bump."Hindi kasi titigil ang ama mo kung hindi ako magpapanggap na patay na," bulong na sagot nito.Napanguso siya at muling tinitigan ang puntod na pinasadya pa nito. Nagluksa pa naman siya ng ilang araw dahil doon. Ngayon nga ay ni-request na niyang paalisin iyon."Kasabwat mo si Gustavo?" Tumikwas ang kilay niya kahit hindi nito nakikita."Gustavo is my friend," tipid na sagot nito na tila sapat na iyong paliwan
SYLVAINE'S POV"Baliw," mahinang sambit niya kay Dimitri na ngumisi lang."Yeah~ I'm crazy. Baliw rin si Gray at pinagkatiwala ka niya sa akin. Isn't it exciting?"Nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi nito. Niyakap niyang mabuti si Gabriel. Gusto niyang manghina dahil alam niyang wala siyang ligtas dito ngunit gusto niya ring umasa na manalo si Gray at iligtas sila nito.Nangilid ang luha niya. Gusto niyang bumalik sa bahay at tingnan ang sitwasyon doon."Huwag ka ng umasang bubuhayin pa ni Don Manuel si Gray. Kating-kati pa naman iyon na tapusin—""Shut up!" mahina ngunit gigil niyang sambit.Sinulyapan siya nito. Pinaglandas nito ang dila sa sariling labi bago kinagat ang ibabang labi."Fierce. Gusto ko iyan. Palaban... sa kama," mayabang na bigkas nito.Mas lalo siyang nainis dahil doon lalo pa't naroon lang din si Gabriel. Gusto niya itong suntukin sa mukha ngunit napasigaw siya noong bigla itong pumreno sa kalagitnaan ng daan."F*ck!" pagmumura nito.Hindi niya ito pinansin bag
GRAY'S POV"Are you crazy, Gray?! Bakit mo hinayaan si Sylvaine kay Dimitri?" may gigil na kumpronta sa kanya ni Gustavo.Malamig niyang nilingon ang kaibigan. Hanggang ngayon ay nagseselos siya na may gusto ito sa asawa niya pero hindi iyon ang isinaalang-alang niya kanina. He has a plan."You know Dimitri very well," malamig niyang sagot."And you know him too! F*ck! He killed Lea, Gray. Tingin mo ay bubuhayin niya si Sylvaine at Gabriel?" frustrated na tanong ni Gustavo kahit pa parehas silang abala sa paglalagay ng bala sa baril."Ako na lang sana ang pinasama mo sa kanila," hinanakit nito bago nagtago sa likod ng sofa.Pumikit siya nang mariin at bumuntong hininga. Dinig na niya ang palitan ng putukan ng baril sa labas ngunit hindi siya nangangamba."Kung hinayaan ko si Dimitri na manatili dito at pinaalis kita. Tingin mo ba ay tutulungan niya ako?" pagpapa-intindi niya kay Gustavo bago pumwesto sa likod ng pinto."Pagtutulungan nila ako at mas malabong mailigtas ko ang mag-ina k
"Seriously, Gray? Hindi mo ko papakinggan?" hinanakit niya rito.Ayaw niyang umalis sa tabi nito. Ayaw niyang mawala ito sa paningin niya sa takot na baka huli na iyon. Ni hindi siya lumapit kay Dimitri sa pag-aakalang magbabago pa ang isip ni Gray. Ngunit sinenyasan nito si Enzo upang kuhanin si Gabriel sa itaas."We don't have enough time. Wait for Gabriel, then go with Dimitri," malamig na utos nito.Napapikit siya nang mariin sa inis. Kinuyom niya ang kamao ngunit hindi siya nakatiis. Pagmulat ng mga mata niya ay agad niyang inagaw ang isang baril mula sa malapit na tauhan na kinagulat nilang lahat."What the f*ck, Sylvaine?!" may galit na ang tono ni Gray matapos siya nitong makitang itutok ang baril sa sariling sentido niya.Walang takot niyang tinapatan ang matalim nitong titig. Mas diniin niya rin sa kanyang sentido ang baril. Kung ito lang ang paraan para magbago ang isip nito ay gagawin niya."Gusto mong harapin ang ama ko at mamatay di ba? Sige, uunahan na kita para naman h
SYLVAINE'S POV"Lea is dead."Napatayo siya sa kinauupuan matapos marinig ang binalita ni Dimitri na kararating lang. Nanlamig siya."What?" nalilitong tanong ni Gray sa kaibigan.Naibaba nito ang hawak na wine glass at mariing tinitigan si Dimitri."Narinig ko lang sa iba. Patay na si Lea pero hindi no'n ibig sabihin ay titigil si Don Manuel. Sa narinig ko, ikaw ang pinagbibintangan niyang pumatay sa asawa niya," seryosong dagdag ni Dimitri."F*ck! I didn't kill her!" hindi mapigilang sigaw ni Gray at mapatayo mula rin mula sa pagkakaupo.Lalong namilog ang mga mata niya. Malabong si Gray ang gumawa dahil kasama niya ito. Abala ito sa kung paanong maayos ang grupo.Kumibit balikat si Dimitri, "Hindi palalagpasin ni Don Manuel ang nangyari lalo pa't suot yata ni Lea ang kuwintas bago siya mamatay."Muling napamura si Gray habang siya ay napakurap."Paano mo nalaman Dimitri?" hindi niya mapigilang tanong dito.Lumiit ang mga mata nito. Akmang sasagot na ngunit bumukas ang pinto at nilu
LEA'S POVNakangisi niyang tiningnan ang sarili sa salamin ng elevator. Bagay na bagay talaga sa kanya ang kuwintas noon pa man. Kaya naman pala niyang masikmura ang ugali at itsura ni Don Manuel. Alam niyang kaunti na lang ay babalik na sa kanya ang lahat lalo pa't lahat ng nasa grupo ay nasa panig na nila.Muling umangat ang gilid ng labi niya noong makarating sa tamang palapag. Hindi pa naman niya nakalilimutan ang lalaking kasama niya sa planong ito. Kapag natalo na si Gray, madali na lang din itapon si Don Manuel. Mas pipiliin niyang gawing hari ang lalaking ito kaysa sa matandang hukluban na iyon.Inayos niya ang kanyang buhok at ang kuwintas sa kanyang leeg bago tinipa ang passcode ng condominium nito. Ngunit nangunot ang noo niya matapos mag-error niyon."Did he change his passcode?" wala sa sarili niyang tanong.Napairap siya at walang pagpipilian kun'di pindutin ang doorbell. Ilang beses pa niyang pinatunog iyon bago bumukas ang pinto. Niluwa noon ang lalaking pawis na pawis