Mag-log inManghang-mangha naman ang dalaga dahil sa mga sinasabi ng lalaki. Sa sobrang tuwa niya, parang gusto niya pang ipagluto ulit si Rozen.“Marami pa akong kayang iluto na pagkain. Kung nagustuhan mo ang mga iyan, ipagluluto kita ng iba pa sa susunod!”Rinig ang excitement ni Lianne sa kan’yang pagsasalita.Napangiti naman si Rozen habang patuloy pa rin sa pagkain ng buffalo wings.“Yes. Gusto ko ‘yon.” Tumango siya habang nakatitig pa rin sa dalaga. “Masarap pala magluto ang girlfriend ko. Ang suwerte ko naman.”Tila kamatis na ang pisngi ni Lianne ngayon dahil sa patuloy na pagpuri ni Rozen.Ngayon lang kasi niya naranasan ang ganito. Na mayroong isang tao na naa-appreciate ang mga effort niya.Alam niyang tila normal lang naman ang ginagawang pagpuri ni Rozen, pero para kay Lianne, higit pa ‘yon sa sapat upang maging sobrang saya niya.Nasanay siyang tina-take for granted lang siya ng iba, kaya naninibago man siya sa ginagawa ni Rozen, mas malamang pa rin ang kan’yang galak.May naalal
Umangat naman ang paningin ni Lianne upang tingnan kung ayos lang ba si Rozen. Ang inaasahan niya kasi ay baka nakangiwi na ito dahil sa sakit ng kan’yang daliri.Pero laking gulat ng dalaga dahil iba ang ekspresiyon na nakita niya. Nakangisi ito habang nakatitig lang sa kan’ya.‘Nahiwa na nga siya sa daliri, pero gan’yan pa siya kung makangisi sa akin ngayon?’ isip ng dalaga bago kumunot ang noo. ‘’Yong totoo, hindi man lang ba siya nasaktan?’Ilang segundo pang nanahimik si Rozen habang nakatitig pa rin sa kan’ya. Pagkatapos ay dinilaan nito ang pang-itaas na labi.“You care about me that much, my little rabbit?”Nang marinig ang mga salitang iyon, kaagad na namula ang pisngi ni Lianne at inalis sa kan’yang bibig ang daliri ni Rozen.“B-Bahala ka na nga riyan!” nauutal pa nitong sabi dahil nahihiya, at kaagad na nag-iwas ng tingin.“Pero kailangan ko pa ng tulong mo, Lianne…” bulong ni Rozen na para bang nang-aasar at nang-aakit. “Ang gusto ko, ‘yong paraan na ginawa mo kanina…”Hin
Kinagat ni Lianne ang pang-ibabang labi bago nagtanong. “A-Ano ba ang gusto mong sabihin ko?”Hindi kaagad sumagot si Rozen. Imbes ay umatras lang siya nang bahagya upang mas mahagkan niya nang maigi ang dalaga. Ibinaon niya ang mukha sa leeg ni Lianne bago bumulong sa tainga nito.“Sabihin mo sa akin na gusto mong hinahawakan kita at niyayakap nang ganito, na gusto mong hawakan kita habangbuhay, at gusto mo lang manatili sa tabi ko…”Bahagyang kumurap si Lianne sa narinig, at hindi na rin niya napansing napigil na pala niya ang paghinga.Biglang pumasok sa kan’yang utak ang ini-imagine kanina tungkol sa kanila ni Rozen. Na kasal na sila, bubuo ng sarili nilang pamilya, at magiging magkasama sila hanggang pagtanda.Hindi man niya masabi kay Rozen, pero iyon naman talaga ang gusto niya. Pero…‘Talaga bang… posible na mangyari ‘yon sa aming dalawa?’ isip niya bago kinagat ang pang-ibabang labi. ‘Ang layo ng estado naming dalawa… malalabanan ba namin ‘yon kapag nagsimula nang malaman ng
Parang gusto na lang ni Lianne na bumuka ang lupa at kainin siya dahil sa kahihiyan.‘Kung saan-saan na tumakbo ang imagination niya… Wala naman doon ang mga iniisip ko, eh!’ wika ng dalaga sa kan’yang utak.Pero dahil sa ginagawa ni Rozen ngayon, at dahil ang lalaki rin ang nagsimula ng ganitong topic, may naisip siyang kapilyahan. Gusto niyang asarin si Rozen ngayon.“Ang sabi roon sa nabasa ko… humihina na raw ang katawan ng lalaki kapag lagpas na sila sa twenty-five…” aniya.Walang katotohanan iyon dahil wala naman talaga siyang nabasa na ganoong klase ng article. Sadyang nag-e-enjoy lang si Lianne dahil minsan lang dumating ang oportunidad na siya naman ang tumutukso sa binata.“Hah.” Umangat ang sulok ng labi ni Rozen at saka pinasadahan ng mga daliri ang kan’yang buhok. “Sa tingin mo, Lianne, mukha ba akong mahina?”Hindi sumagot ang dalaga. Bahagya lang itong ngumuso bago tumingin sa kalsada, at sumipol din nang kaunti.Namumula na ang mukha ng binata ngayon dahil sa inis, is
‘Narinig naman niya ang tanong ko, ‘di ba? Bakit kaya hindi niya ako sinagot?’ isip ni Lianne bago kumunot ang noo. ‘Alam ko namang mas matanda siya sa akin… pero sobrang tanda na ba niya?’Pinasadahan niya si Rozen ng tingin. Madalas itong naka-suit, pero nakita na rin naman niya ang lalaki sa casual clothes nito noon.‘Mukhang mas mature lang naman siya manamit kaysa sa ‘kin, pero hindi siya matanda… defined lang talaga ang features niya,’ dagdag pa nito.‘Saka kung hindi naman pala siya sasagot sa tanong ko, dapat tumahimik na lang talaga siya. Bakit kailangang itapon pa ‘yong bulaklak sa basurahan?’‘Sayang naman ‘yong effort ng bata…’ Napailing na lang siya.—Samantala, tumakbo naman ang batang lalaki papunta sa kan’yang nanay. Nakasuot ito ng branded na damit, at mukha ring presentable.“Ikaw na bata ka, saan ka na naman nanggaling?” wika ng ina sa anak niya.Kahit pinagagalitan niya ito, marahan pa rin ang tono ng kan’yang boses.“‘Di ba ang sabi ko sa ‘yo, kapag lalabas tayo
Napatigil si Rozen sa paglalakad nang marinig ang mga katagang ‘yon mula sa kan’yang likuran.Kumunot ang noo niya nang makita na isang batang lalaki ang nagtanong kay Lianne.‘This child… Hindi niya ba ako nakikita sa tabi ng babaeng tinatanong niya kung puwede niyang maging girlfriend?’Alam niyang bata lang iyon, pero hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng inis.‘Bakit ba kasi ganito kaganda si Lianne, at pati isang inosenteng bata ay nahuhumaling sa kan’ya?’ dagdag pa nitong wika sa isip.“Ha?” Bahagyang umawang ang labi ng dalaga. Nasa limang taon o namin lang kasi itong batang lalaki na kumakausap sa kan’ya ngayon. “Gusto mo akong maging girlfriend?”Sa mga oras na ‘yon, hindi alam ng dalaga kung matatawa ba siya o mahihiya dahil nakatingin na rin sa kanila ang ibang tao ngayon.‘Pero ang cute! Ang sarap pisilin sa pisngi!’ nanggigigil niyang wika sa isip, ngunit pinigilan niya ang sarili.Mas lalo namang kumunot ang noo ni Rozen dahil tila natutuwa rin si Lianne roon sa mali
Nanlaki ang mga mata ni Lianne dahil sa narinig.“Saglit… bakit naging ikaw ‘yong agrabyado rito? First time ko iyon…”“At ako rin,” sagot naman ng binata sa malalim na boses. “Sa babae lang ba mahalaga ang first time nila? Sa tingin mo ay agrabyado ka, pero ako, hindi?”Nakakunot ang noo ni Rozen,
Totoo naman ang sinabi ni Lianne. May plano talaga siya ngayong gabi.Niyaya siya ni Eunice sa isang dinner para makapag-catch up sa isa’t-isa. Matagal na rin kasi noong huli silang magkita.Nagkita sila sa isang restaurant.Habang kumakain, kinuwento ni Lianne ang pangha-harass sa kan’ya ng manage
Tumigil ang kotse sa harap ng isang mumurahing apartment.Hindi na hinayaan ni Lianne na ipag-drive pa siya ni Rozen hanggang sa parking lot. Baka kasi may makakita sa kanila na kakilala niya.“Okay na ako rito. Dito na ako bababa,” aniya.Pinagmasdan ni Rozen ang paligid. Kumunot ang noo niya. “Di
Sa isang presidential suite, nakakalat ang damit ng isang lalaki at babae sa sahig, kasabay ng lumalagablab na init sa loob ng kuwartong iyon.Lumalangitngit ang kama sa bawat paggalaw ng lalaki, dahilan upang mapaungol nang malakas ang babae sa ilalim niya.Ilang oras na rin nang may mangyari sa k







