Share

Chapter 124: Ang Birthday Ni Julian

Penulis: Starstellar
last update Tanggal publikasi: 2026-08-29 11:36:48

Umangat ang gilid ng labi ni Rozen, kasabay ng pagtitipa ng kan’yang mga daliri.

[Heartless woman.]

Iyon ang reply niya, ngunit hindi na nag-seen pa ang dalaga. Inilapag na rin ng lalaki ang kan’yang phone sa lamesa. Hindi nawawala ang kapilyuhan sa kan’yang labi.

‘Ayos lang kahit ayaw mo akong panagutan, Lianne,’ isip ni Rozen. ‘May ebidensiya ako ng ginawa mo sa akin, at hinding-hindi ka makaaalis.’

Sa mga oras na iyon, may kumatok sa pintuan, dahilan para mapatingin si Rozen doon.

Pumasok si
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 336: Alam Mo Ba Kung Gaano Ka Ka-Wild Noong Gabing 'Yon?

    Pero dahil nasa ibang lugar sila ngayon, hindi maiwasan ni Lianne ang makaramdam ng hiya.“Rozen… N-Nasa inn tayo…” bulong niya bago kinagat ang pang-ibabang labi. “Wala tayo sa penthouse… o kaya ay sa apartment ko…”Para sa kan’ya kasi ay ibang lugar na ito, at hindi siya sigurado kung makakaya niya bang may mangyari sa kanila ni Rozen kung hindi naman ito sa kanila.“Hmm?” Ipinagdikit ng lalaki ang noo nilang dalawa. Mas lalo lang napupuno ng pagnanasa ang kan’yang emosyon sa bawat segundong lumilipas. “I know. Our first time was in a hotel, too.”Mas lalo lang namula ang pisngi ni Lianne dahil sa mga katagang ‘yon.“Lianne…” pagtawag nito sa dalaga bago niya hinalikan ang pisngi nito. “Naaalala mo pa ba noong unang beses na may mangyari sa atin?”Mas dumiin lang ang pagkakakagat ng dalaga sa pang-ibaba niyang labi, at nagpapasalamat na lang siya dahil hindi pa dumudugo iyon.Nagsimula naman si Rozen na dampian siya ng mumunting mga halik, mula mukha, leeg, at pati na rin sa balikat

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 335: Ayaw Mo Bang Iparamdam Ko Sa 'Yo Kung Gaano Kita Na-Miss?

    “Okay, next time na lang…” wika ni Rozen at tumango. “Pero anong sabi ng lola mo noong sinabi mo na may boyfriend ka na? Sinabi mo lang ba sa lola mo, o pati na rin sa ibang kamag-anak?”“Sa kanilang lahat,” sagot naman ng dalaga. “Nandoon kasi ang mga tito, tita, pati na rin ang mga pinsan ko nang mabanggit ko kay Lola na may boyfriend na ako… Kaya alam na rin nila ang tungkol doon.”Mas lalong lumawak ang ngiti ni Rozen nang marinig ‘yon. Parang mas lalo siyang na-curious kung paano iyon nangyari—kung paano siya ipinakilala ng dalaga bilang boyfriend niya.“How did you introduce me?” tanong ng binata bago naningkit ang mga mata. “May sinabi ka bang masasama tungkol sa akin?”“Hindi, ‘no!” pagdepensa naman kaagad ni Lianne sa kan’yang sarili. “Puro papuri lang kaya ang binanggit ko tungkol sa ‘yo!”“Oh, really?” Tila mapupunit na ang mukha ni Rozen kangingiti, ngunit wala na siyang pakialam pa roon. “Anong klaseng compliments naman ang sinabi mo tungkol sa akin?”“Sinabi ko na guwapo

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 334: Baka Hindi Pa Ito Ang Tamang Oras

    Nanatiling tahimik si Rozen. Iniwas niya ang tingin habang hindi sigurado kung ano ba dapat ang maramdaman niya.‘Matutuwa ba dapat ako dahil sa wakas ay napatigil ko ang pagtahan niya, o kakabahan dahil pakiramdam ko, gusto niya akong makitang umiiyak?’ isip niya pa.At tama nga ang kan’yang hinala dahil iyon ang tumatakbo sa utak ni Lianne ngayon. Bigla kasi siyang na-curious sa isang bagay, at hindi niya maiwasang tanungin si Rozen tungkol doon.“Rozen… Ano kaya ang itsura mo kapag umiyak ka?” aniya bago hinawakan ang magkabilang pisngi ng lalaki at pinag-aralan ang ekspresiyon ng mukha nito.“Habang umiiyak ba ako, pakiramdam mo ay iiyak ka na rin?”Hindi sumagot kaagad si Rozen, dahilan para makaramdam ng kung ano si Lianne sa kan’yang puso. Parang gusto niyang makita na umiiyak din ang lalaki ngayon kasama niya.‘Parang gusto ko siyang paiyakin… pero hindi ko alam kung papaano…’ isip niya pa, at ang lungkot na nararamdaman niya kanina ay tuluyan nang napalitan ng kuryosidad. ‘D

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 333: Kapag Umiyak Ka Pa, Iiyak Ako Kasama Mo

    Tahimik lang si Lianne at Rozen sa buong kuwarto, at tanging ang tibok ng puso lang ng isa’t isa, pati na rin ang paghinga nila ang kanilang naririnig.Minsan ay bumabagal, at minsan din ay bumibilis.Nakangiti lang si Rozen bago hinawakan ang ulo ni Lianne. Marahan niyang hinaplos iyon at mas lalong ibinaon ‘yon sa kan’yang dibdib, natutuwa dahil mismong ang dalaga ang nagkusa na yakapin siya.Maya maya ay biglang gumagalaw ang magkabilang balikat ng dalaga, at may mumunting hikbi na rin ito. Nakaramdam din si Rozen na parang nababasa na ang kan’yang damit, dahilan para kumunot ang kan’yang noo.“Lianne?” pagtawag niya sa dalaga bago lumuwag ang pagkakayakap niya rito. “Lianne, tumingin ka sa akin.”Ngunit hindi sumunod sa kan’ya si Lianne. Nanatili lang itong nakayakap at ayaw ipakita ang mukha niya.Kaya naman hinawakan ni Rozen ang magkabilang pisngi ng dalaga, at kahit iniiwas pa ni Lianne ang sarili noong umpisa, wala rin naman siyang nagawa kundi tingnan ang kan’yang boyfriend.

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 332: Mukhang Effective Naman Ang Surprise Ko

    Hindi makapaniwala si Lianne, kaya naman habang hawak niya ang kan’yang phone ay tumakbo siya papunta sa pinto.Pinihit niya ang doorknob at binuksan iyon, at bumungad sa kan’ya si Rozen na nakasuot pa ng black suit habang nakalagay ang phone sa kanang tainga nito.‘S-Siya nga!’ hindi makapaniwalang wika ni Lianne sa isip habang tinititigan lang ang kan’yang boyfriend. ‘Pero… Paano siya napadpad dito?’Nanlaki ang kan’yang mga mata habang nakatitig lang naman si Rozen. Umangat ang sulok ng labi nito nang makita ang pagkagulat niya.“Surprise,” maikling wika ng lalaki, ngunit halata na medyo nang-aasar ito. “Base sa ekspresiyon ng mukha mo, mukhang effective ang surprise ko.”Hindi kaagad nakasagot sa kan’ya si Lianne. Nanatili lang itong nakatingin kay Rozen habang bahagyang nanginginig ang mga kamay.‘Paano nangyari ito? Ni hindi ko naman sinabi sa kan’ya kung saang inn ako nag-book…’ isip niya pa habang bahagyang nakaawang labi. ‘Saka… ang bilis? Magkausap lang kami kagabi…’May big

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 331: Buksan Mo Ang P***o

    Nakaramdam ng kirot sa kan’yang puso si Genelie dahil sa tanong na ‘yon.Hindi naman sa hindi niya nakilala ang sariling anak. Natatakot lang siya tanggapin sa kan’yang sarili na si Lianne nga ang nakita niya mula pa kagabi, lalo na at iniwan niya ito noong bata pa lang ang babae.Alam niya sa sarili kung gaano siya kasama dahil sa ginawa niyang ‘yon.Hinding-hindi niya makalilimutan ang sakit na nakita niya sa ekspresiyon ng mukha ng kan’yang anak, na anim na taong gulang pa lang noon, nang iwan niya ito sa ina ng kan’yang dating asawa—si Miranda.Naalalala niya rin kung paano tumulo ang luha ni Lianne, na para bang gusto nitong magmakaawa na huwag niya itong iwan, ngunit dahil sa dai ng emosyong umaagos sa buo niyang katawan ay hindi niya magawang makapagsalita.Kapag naaalala iyon ni Genelie, mas lalo lang nadudurog ang puso niya. Gustuhin man niyang kunin si Lianne, ngunit hindi niya pa iyon puwedeng gawin sa ngayon.Parang kahapon lang nangyari ang lahat dahil tandang-tanda pa ng

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 6: Lahat Naman Ng Lalaki, Nagloloko

    Tumigil ang kotse sa harap ng isang mumurahing apartment.Hindi na hinayaan ni Lianne na ipag-drive pa siya ni Rozen hanggang sa parking lot. Baka kasi may makakita sa kanila na kakilala niya.“Okay na ako rito. Dito na ako bababa,” aniya.Pinagmasdan ni Rozen ang paligid. Kumunot ang noo niya. “Di

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 5: Gagawin Ulit Natin Ang Bagay Na Iyon?

    Nanlaki ang mga mata ni Lianne dahil sa narinig.“Saglit… bakit naging ikaw ‘yong agrabyado rito? First time ko iyon…”“At ako rin,” sagot naman ng binata sa malalim na boses. “Sa babae lang ba mahalaga ang first time nila? Sa tingin mo ay agrabyado ka, pero ako, hindi?”Nakakunot ang noo ni Rozen,

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 4: Hindi Ba Dapat Ay Panagutan Mo Ako?

    Pagkatapos bumili ng mga gamot, umalis na si Lianne sa clinic.Maganda naman ang panahon. Maaraw at maaliwalas ang hangin, pero bakit parang hinahabol siya ng kamalasan?Hindi lang niya nakasalubong ulit ang lalaki. Nagpanggap pa itong doktor at pinahubad pa ang pantalon niya para sa examination!K

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 3: Sorry, Dadahan-Dahanin Ko

    Napanganga si Lianne. “Kailangan ko ba talagang hubarin ang pantalon ko?”“Paano ko mache-check ang kondisyon mo kung hindi ko makikita?”Napatango ang dalaga.‘May point siya roon, pero…’Hindi pa rin siya gumagalaw. Nag-aalangan siya. Paano niya iyon magagawa sa harap ng isang lalaki.At hindi la

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status