Sa mga oras na ‘yon, gusto na lang suntukin ni Rozen si Julian papalabas ng kotse, pero dahil ito ang magda-drive, hindi na lang niya ito pinansin.Imbes ay lumingon ito sa bintana, at umigting ang panga niya nang makita si Lianne pati ang kaibigan nito na palabas sa restaurant.Nakatayo lang silang dalawa sa may gate, tila may hinihintay.Isang blue na kotse ang pumarada sa harap nila, at sundo iyon ni Eunice.“Bye bye, Lianne! I-chat mo ako kapag nakauwi ka na, ah!” rinig niyang wika ng babae kay Lianne bago sumakay sa passenger seat ng kotse.Ngumiti lang si Lianne pabalik. Naiwan itong mag-isa sa tapat ng entrance. Mukha itong hindi mapakali at naiinip na.Nakaramdam si Rozen ng awa sa dalaga, pero nang may maalala ay umismid siya.‘May boyfriend na siya. Kung may dapat mang makonsensiya rito, siya ‘yon at hindi ako.’“Teka nga, hindi ka ba magd-drive?” tanong ni Rozen kay Julian nang mapagtantong nakaparada pa rin ang sasakyan nila.Nakangising aso naman si Julian bago sumagot,
Terakhir Diperbarui : 2026-04-20 Baca selengkapnya