LOGIN
"No!" mariin kong tanggi nang sabihin sa akin ng mga magulang ko na kailangan kong magpakasal sa isang pamilya na sumusuporta sa kanilang pamumuno nang sa gayon ay lalo pang lumalim ang ugnayan ng dalawang pamilya. "Naiintindihan ko ang gusto niyong iparating. At alam kong responsibilidad ko din na isipin kung ano ang higit na makakabuti para sa pamilya natin. Pero patawarin nyo ako ngunit hindi ko magagawa ang gusto niyo."
Kingdom of Hexoria, iyan ang tawag sa bansa na siyang tinitirhan namin.
Maliit lamang ang lupain na ito at napapalibutan ng malalakas na alon na nagmumula sa timog na bahagi ng karagatang pasipiko.
Iba't-ibang malalaking bansa din ang sumakop dito noong unang panahon hanggang sa tuluyan itong nagkaroon ng kalayaan isang daang taon na ang nakakalipas.
At mula noon, ang pamilya Azaria na ang nagpaunlad nito mula sa pamumuno ng aking yumaong lolo, ama ng aking ama, na siyang unang hari ng aming kaharian nang makuha nito ang opisyal na kalayaan.
Isa sa kultura na na-adopt ng aming mga ninuno noon sa mga bansang sumakop sa amin ay ang pagturing sa mga tulad kong babae bilang mahihinang nilalang na walang ibang kayang gawin kundi ang maging asawa lamang.
Hindi ganoon kalakas ang boses naming mga babae sa bansang ito at patuloy pa din kaming minamaliit ng mga lalaki.
At naging tradisyon na sa aming pamilya na ang papel lamang ng isang prinsesang tulad ko ay ang maging kasangkapan na siyang magbubuklod ng mga pamilya sa ilalim ng kasal.
Itinanim sa aming mga utak na upang makatulong kami sa aming pamilya at mapanatili ang impluwensiya nito bilang pinuno ng bansa ay kailangan naming magpakasal sa mga pamilyang kayang suportahan ang palasyo.
Kaya natural sa amin ang mga arranged marriage.
Pero hindi ako sang-ayon sa bagay na iyon.
Para sa akin, ang dalawang tao ay dapat mayroong pagmamahal sa isa't-isa bago pumasok sa isang relasyon. At dapat ay naiintindihan nila ang isa't-isa bago pumasok sa sagradong seremonya ng kasal.
Hindi lamang ito isang politikal na paraan upang maselyuhan ang pagkakaisa ng mga pamilya.
Higit pa ito sa ano pa mang kasunduan kaya dapat ay hindi ito minamadali.
Isa pa, hindi din ako sang-ayon na hanggang ngayon kung kailan kinikilala na sa buong mundo ang pagiging kapantay ng mga lalaki ang kababaihan ay patuloy pa din kaming minamaliit sa bansang ito.
Huminga ako ng malalim at diretsong tumingin sa mga mata ng aking ama. "Hindi ko pinili na maging parte ng pamilyang ito ngunit nagpapasalamat ako na kayo ang naging mga magulang ko," panimula ko. "At alam kong wala pa din akong maipagmamalaki sa inyo dahil wala pa akong napapatunayan para sa sarili ko. Pero..." Muli akong huminga ng malalim. "Taliwas sa aking paniniwala ang pagpasok sa isang kasal kung saan walang pagmamahal na nararamdaman ang dalawang taong sangkot dito."
"Nakakalimutan mo ba na hindi din namin mahal ng iyong ina ang isa't-isa nang kami ay ikasal?" tanong sa akin ng aking ama. "Ngunit nang magsimula ang aming pagsasama ay unti-unti naming nakilala ang isa't-isa na siyang naging dahilan kaya nabuo ang pagmamahal namin."
"Pero hindi lahat ay maswerteng tulad nyo," sambit ko. "Hindi ba't, arranged marriage din ang naging dahilan ng pagsasama nila Kuya Cloven at Ate Allucia. Pero hanggang ngayon ay aminado silang dalawa na hindi pa din nila mahal ang isa't-isa na siyang dahilan ng mapipinto nilang paghihiwalay."
"Pero, anak..."
"Hindi ko po sinasabi na tatalikuran ko ang aking tungkulin bilang prinsesa ng bansang ito," sabi ko bago pa ako putulin ng aking ina. "Gusto ko lang pong ibigay nyo din sa akin ang kaparehong kalayaan na ibinigay nyo kay Ate Rye."
"What?"
"Gusto kong maging independent," mariin kong sambit. "Gusto kong maging isang normal na mamamayan nang sa gayon ay matuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Gusto kong maging tulad ni Ate Rye upang patunayan na hindi lamang kami isang kasangkapan sa isang kasal. Gusto kong maging isang mabuti at maaasahang prinsesa ng bansang ito."
Hindi sila nagsalita. Nanatili lamang na tahimik ang aking ama at nakatingin sa akin habang ang aking ina ay naghihintay din sa sasabihin nito sa akin.
"Sabihin mo sa akin, Clea Mair," sabi ng aking ama. "Kapag nagawa mo ang sinasabi mo at napatunayan mo ang sarili mo bilang isang mabuti at maaasahang prinsesa ng bansang ito, ang kasunod ba nito ay ang paghingi mo ng karapatan upang manahin ang trono?"
Mabilis akong umiling. "Hindi ko kailanman inisip na makiagaw sa pamumuno sa bansang ito, mahal kong ama," sambit ko. "Nais ko lang imulat ang inyong mga mata na sa panahon ngayon, hindi nyo na maaaring maliitin ang kakayahan ng mga babae. Nais kong patunayan sa inyo na kung ano ang lakas, talino at diskarte ng isang lalaki ay makikita nyo na din ito sa mga babae."
Muli ay nabalot ng katahimikan ang buong silid.
Alam kong isang kapahangasan ang ginawa kong ito ngunit kung mananatili lamang akong walang imik ay hindi kailanman magbabago ang pananaw ng aming bansa sa kinalakihang paniniwala.
Bumuntong hininga ang aking ama. "Kung ganoon ay hinahayaan kitang gawin ang iyong gusto."
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Ta-talaga?"
Tumango siya. "Alam kong hindi ka titigil hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Siguradong aawayin mo lang din ako kapag hindi kita pinagbigyan kaya mas mabuti na ang ganito."
Hindi ako makapaniwala na agad kong mapapapayag ang aking ama sa unang beses kong pagkausap sa kanya.
Tama talaga ang aking desisyon na ilabas na agad ang aking hinain nang sa gayon ay mapag-usapan din agad.
"Maaari kang lumabas ng palasyo at manirahan sa labas bilang isang normal na mamamayan," dagdag niya. "Maaari kong saluhin ang iyong titirhan ngunit kailangan mong maghanap ng sarili mong trabaho upang tustusan ang iyong pagkain at pambayad ng mga bills gayong sinabi mo naman na gusto mong maging independent."
"H-hindi ba parang sobra naman---"
"Huwag kang mag-alala, mahal kong ina," nakangiti kong sabi. "Sapat na sa akin iyon."
"Kung ganoon ay gusto ko ding maging malinaw sayo na hindi mo maaaring gamitin ang mga pribilehiyo na mayroon ang isang prinsesa," dagdag pa ng aking ama. "Maliban na lamang kung nasa isang sitwasyon ka kung saan nanganganib na ang buhay mo, nagkakaintindihan ba tayo?"
Mabilis akong tumango. "Makakaasa po kayo."
Ngumiti siya pagkuwa'y tumayo sa kanyang kinauupuan. "Kung ganoon ay humayo ka at tanggapin mo ang kalayaan na aking ibinibigay sayo. At ipinapanalangin ko na sa iyong pagbabalik ay nakamtan mo na ang mga bagay na nais mong patunayan sa iyong sarili."
Clea Mair’s POVTo make up for my deal with Hector, I did what he wanted. I faced our parents and heard what they wanted to say. And just like what I expected, they already manipulated what really happened to me. I guess they heard from Miracle that my memories of that day were still blurry, and they took advantage of that.I just nodded to them, making my response as little as possible.Naging sandali lang din ang pakikiharap ko sa kanila dahil sinabi ni Miracle na kailangan ko pa ding magpahinga lalo na’t kalalabas ko lang ng hospital.Agad na din akong umalis pero imbes na magpahinga sa kwarto ay dumeretso ako sa office ni Hector tulad ng napag-usapan namin.Pagdating ko doon ay nakita ko siyang nakahiga sa sofa na nasa gilid ng silid at sa harap niya ay mayroong center table na puno ng mga papel.“Akala ko ay magtatagal ka pa doon.” Bumangon niya at itinuro ang mga papel sa harap niya. “Those papers contains the information that you want to know.”Agad akong lumapit doon at inisa-
Clea Mair’s POV“Andrel!”Marahas kong iminulat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay isang puting kisame na hindi pamilyar sa akin.Agad akong nakaramdam ng kaba at mabilis na nag-panic ang buong katawan ko lalo na’t ang unang pumasok sa isip ko ay kung ano na ba ang nangyari kay Andrel.I was about to get up, but then I realized that there were a lot of tubes and wires attached to my body. Doon ko lang din naramdaman ang sakit sa bawat sulok ng katawan ko at wala akong lakas kahit sinubukan kong itaas ang kamay ko.What the hell happened? Why am I like this?Gusto kong sumigaw pero nanunuyo ang lalamunan ko at para akong nasusuka.Shit!This is not the time for me to think about myself. I know Andrel was not in a good situation.Napapikit ako dahil sa malakas na paglagabog ng kung ano. Kasunod nito ang pagliwanag ng buong silid na kinalalagyan ko at wala akong ibang nagawa kundi ang umungol na lang bilang pagprotesta.“Clea… Clea…”I felt someone hold my hand while callin
Clea Mair’s POVLeon was right.As soon as we arrived at the downtown of the Yain City, we immediately see the crowd in every establishments around. Halos walang store ang hindi dinudumog ng mga namamasyal dito at karamihan sa kanila ay mga pamilya o kaya naman ay mag-partner.I guess my colleagues were right.Christmas is something that is best celebrated with someone you love.Kahit saan ako tumingin, hindi nawawala ang ngiti sa labi ng mga tao. Ang iba ay masaya pang nagtatawanan at nakikipagkulitan sa mga kasama nila.Ah, this should be what a normal family does for Christmas Day.My family is surely the abnormal one.Sa west side ng downtown makikita ang mga high-end resturants kaya doon kami dumeretso at sa dami ng pagpipilian ay napagkasunduan namin na sa isang stakehouse na lang kumain.Hindi ito nalalayo sa The SweetHeart na isa sa sasadyain namin mamaya pagkatapos dito.Despite what happened to Asper, the founder of that sweet shop, it is still operational, and their recipe
Clea Mair’s POVWe enjoyed Christmas Eve with so much fun and joy. Together with good food that Andrel’s friends made so much effort to cook and prepare, they also serve good liquor with it.And to be honest, I never imagined the laid-back atmosphere that we had last night.Madalas kasi ay laging seryoso ang mga kaibigan ni Andrel. They said that it was because they are responsible for Andrel’s safety, so they can’t just lower their guard.Pero iba ang attitude nila kagabi. Siguro ay dahil nasiguro na nilang ligtas ang paligid at walang kahit anong panganib sa panahong ito kaya naging relax ang paligid namin at hinayaan din naman silang mag-enjoy ni Andrel.They are not just some employees from last night, they are really Andrel’s friends who just celebrated a holiday with him despite being away with his family.They drown themselves with hard liquor, and I get to make fun of them because Andrel permitted me.Sana talaga ay kasama ko pa din sila hanggang sa susunod na taon.May araw n
Clea Mair’s POV“Merry Christmas!”I immediately turned on the Christmas lights around the tree that we set up yesterday. We rushed this, so it was not that great, but celebrating this holiday is not complete without it.Namili na din kami ng mga ipang-reregalo at ipanghahanda. Though, we only handle most of the gift shopping. Iyong sa pagkain kasi namin ay ang mga kaibigan na ni Andrel ang namili.Of course, I made sure I got the best gift for Andrel.And as for him, well, he only bought something just for me. Hindi na siya nag-abala na humanap ng ireregalo sa mga kaibigan niya.He said that they already have everything they need, and he will just send them some monetary gifts since they much prefer that.That is why I decided to buy one for everyone.It is not much since I still don’t have any idea what they might like, but I made an effort to give them something that they can use.Of course, Andrel doesn’t like the idea.That is why he was giving a death glare to his friend while I
Clea Mair’s POVSa sitwasyong kinakaharap ko ngayon, wala akong ibang gustong gawin kundi ang sabunutan si Miracle na prenteng nakaupo sa tabi ng mga magulang namin.Hindi na ako nag-abala pang itago sa kanya ang inis na nararamdaman mo at patuloy siyang binibigyan ng masamang tingin dahil hindi ko talaga gusto ang ginawa niyang pagdadala dito sa mga magulang namin.Alam naman niya na ang mga magulang ko ang isa sa dahilan kung bakit pinili ko na dito sa Yain City mag-celebrate ng christmas hanggang new year. I even made her swear to keep my location a secret and don’t even tell anyone.“Can you please hear us out first before you glare at me?” Miracle said. “They just wanted to say something important to both of you.”“What?” I immediately said. “Dahil hindi niyo ako mapilit na putulin ang koneksyon ko kay Andrel ay siya na mismo ang—” Bumaling ang tingin ko kay Andrel nang bigla niyang takpan ang bibig ko.“Will you please calm down?” he asked. “Let them say what they want.”Inalis
Clea Mair’s POVIsang linggo na ang nakalipas nang huli kaming magkita ni Andrel. Yes, he is updating me on what is happening to him at Yain City but having him here definitely feels different.According to one of his messages, his cousin is in a coma and still in a critical condition. Ginagawa nam
Clea Mair’s POVMasamang tingin ang ibinibigay sa akin ng mga magulang ko ngayong kaharap nila kami ni Andrel dito sa office nila,Hindi ako nagpasabi na uuwi ako at lalong hindi ako nag-inform sa kanila na kasama ko si Andrel. Nalaman lang nila na narito kami sa mismong oras na pumasok kami ng pal
Clea Mair’s POVWe have been receiving a deadly glare from the people of the palace as soon as I enter together with Andrel. Well, most of it is actually towards Andrel who doesn’t even bother to care about them. I guess he also expected it since he is aware that my clan does not like him.“Sorry k
Clea Mair’s PovGoing to a bar after work became our nightly routine because of Miracle. Lagi niya akong tinatawagan bago mag-out sa work para ayain na magbar at dahil bumabawi din kami sa mga nakaraang taon na hindi kami nagkasama ay hindi ko din naman matanggihan.Siguro ay naiintindihan ni Andre







