Mag-log inClea Mair’s Pov
“Nice to meet you, Mister Andrel Henan.” I offered my hand in front of him. “Thank you for letting this meeting happen despite your sudden change of schedule.”
Sa totoo lang, pwedeng-pwede niyang i-cancel ang meeting na ito pero nag-effort pa siyang dalhin ako dito para lang matuloy ang meeting namin.
He accepted my hand and shook it. “I should be the one thanking you for agreeing to meet me all the way here.” He let go of my hand and we sat facing each other.
I put my things in the vacant seat beside me and looked at him.
“Let’s eat first,” he said and called the server. “I am sure, Leon didn’t offer you anything to eat while you were traveling.”
Well, kanina pa nga ako nagugutom at hindi ko naman magawang magsabi sa mga staff niya na sumundo sa akin dahil nahihiya ako kaya hindi ko na tatanggihan ang offer niya.
Isang staff ng SweetHeart ang lumapit sa amin. “Welcome to Sweetheart. This is our menu.” Inilapag niya ang menu sa harap namin at agad iyong kinuha ni Mister Henan.
Mukhang hindi naman server dahil iba ang uniform an suot nito kaya tumingala ako upang makita ang mukha nito.
At nanlaki ang mga mata ko nang makita siya.
Napatingin din siya sa akin at tulad ko ay gulat din siya nang makita ako. “W-what the hell?” Napahawak siya sa kanyang bibig at napatingin kay Mister Andrel na bakas din ang pagkabigla.
Iyon nga lang, dahil iyon sa sinambit ng babaeng ito.
“Ahm, sorry about that, Sir,” aniya.
“Y-you know each other?” tanong ni Mister Andrel habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
Tumango ako. “She is my sister who left our home three years ago,” I said. “And I didn’t expect to see her here.”
“You want to catch up for now?”
I shook my head. “We can do that later.” Bumaling ako kay Miracle, ang nakakatanda kong kapatid. “Let’s talk later, okay?”
Bumuntong hininga siya pagkuwa’y tumango at bumaling kay Mister Andrel. “Please call me again when you decide what you will order.” And she left us.
“What a coincidence, huh?” Mister Andrel said. “Seeing your sister here, of all places.”
“Yeah,” I said. “Akala ko ay nasa Exor City lang siya. Ang layo ng narating niya.”
“You didn’t communicate with each other?”
“Sa aming magkakapatid, pinakamalihim ang babaeng iyon kaya naman gusto niyang itinatago kung saan siya nakatira sa mga panahong ito,” sabi ko. “So, she only called us using a public phone once in a while to let us know that she is okay.”
“Hmm.” Tumangu-tango siya tsaka ipinakita sa akin ang menu. “Let’s decide what you want to eat so we can order.”
I smiled and nodded.
Unexpected ang pagkikita namin ni Miracle at gusto ko siyang makausap pero dahil importante ang meeting na ito ay pipilitin kong i-focus ang buong atensyon ko dito.
Pwede ko naman siyang kausapin mamaya pagkatapos dito. Kung kinakailangan na mag-stay ako dito sa Yain City para lang makausap siya, gagawin ko.
We just ordered some cake and a latte for me while he ordered black coffee.
And while we were eating, I couldn't help but check him out.
I still can’t believe that the hottest bachelor in the country is eating some cake in front of me. He looks so sexy in every bite he takes in that cake using those reddish lips.
Ngayon ay malinaw na sa akin kung bakit grabe kung magkandarapa ang mga babaeng nakikilala ng lalaking ito.
Sa itsura pa lang ay talaga namang panalo na. Idagdag pa ang pagiging mayaman at maimpluwensya nito.
Kahit ako naa-attract sa kanya lalo na’t kahit nasa gitna namin ang mesa ay amoy ko ang mabango niyang pabango. And it was kind of hypnotizing me to be near him.
But of course, I am still sane so I managed to stop myself before doing something inappropriate.
“Done checking me out?”
Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing nakatingin na din pala siya sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. “Yeah.” Shit! Tama bang sagutin ko ang tanong niya?
I just admit that I am checking him out. Kahit na totoo ay nakakahiya pa din na aminin iyon noh.
I sighed and looked at him again. “Well, you can’t blame me, Mister Henan,” I said. “You’re a good-looking guy that has these unique traits that charm any woman around you. Normal lang para sa mga babaeng tulad ko na titigan ang tulad mo.”
Isang ngiti ang lumabas sa kanyang labi at ilang sandali pa ay kinagat niya ang labi niya na halos magpawala ng self-control ko.
Shit! Gwapo na nga, sexy pa!
Nakaka-distract ito! Baka hindi ko magawa ng maayos ang presentation ko.
Ilang beses akong huminga ng malalim upang maikalma ang sarili ko.
Sanay naman akong makakita ng mga gwapo. Marami noon sa JFCC, lalo na kapag naglilibot ako sa mga restaurant na under ng company. Gwapo din ang boss ko at ang mga kaibigan niya.
Pero never naman akong naging ganito sa kanila.
Kaya may kakaiba talaga ang kagwapuhan ng isang ito.
Tuluyan lang akong nakahinga ng maluwag nang dumating si Miracle at kinuha ang mga pinagkainan namin pagkuwa’y binigyan niya kami uli ng latte at black coffee.
“So, can we proceed to the main purpose of this meeting?” I asked.
“You don’t need to do any presentation, Miss Mair,” he said. “Just give me your proposal and I will read it.”
“W-what?” tanong ko. “Will that be enough for you to let us rent one of your warehouses in your port?” Inabot ko sa kanya ang folder na naglalaman ng proposal.
Ngumiti siya at tinanggap ang folder. “This is just a formality, Miss Mair.”
Kumunot ang noo ko. “W-what do you mean?”
“When you agreed to meet me here instead of asking for another appointment, that was already enough for me to give you a chance for that warehouse.”
“Eh?”
“Madalas mangyari ang ganitong sitwasyon sa akin,” aniya. “Iyong kailangan kong pumunta sa malayo kahit na may susunod pa akong appointment. At dahil nga busy ako, instead of canceling the said appointment, I always asked them to meet me where I was at that time. And guess what?” He looked at me. “Ikaw pa lang ang pumayag sa ganitong set-up.”
“What about your previous clients?”
“They choose to set another appointment rather than get out of their way to meet me,” he said. “That is why I already decided to approve your application to rent my warehouse at Henan Port.” Binuksan niya ang folder na binigay ko at agad na pinirmahan ang lahat ng papel na naroon.
Maliban kasi sa proposal, may contract of approval din doon na siyang inihanda ko. Iyon ang isa sa pinirmahan niya na siyang katibayan na ang JFCC na ang pinili niya para mag-rent ng warehouse niya.
“Seryoso talaga ito, Mister Henan?” I asked. “Ni hindi pa natin napag-uusapan kung magkano ang magiging rent namin doon. At hindi mo pa sinasabi ang mga demand mo para sa tamang paggamit namin ng warehouse.”
Tumayo na siya at ibinalik sa akin ang folder. “Do you intend to stay here longer to catch up with your sister or are you going back to Teur City?”
“I was planning to stay,” I said.
“Then, let’s meet here again tomorrow,” he said. “Around lunchtime. We can discuss the other details of this agreement over lunch. Is that okay?” he asked. “Or your company will send someone else for that matter?”
I shook my head. “Ako na ang pinag-handle ng company namin para sa bagay na ito.” At sinabi ng superior ko na huwag muna akong babalik sa trabaho hangga’t hindi nako-close ang agreement tungkol sa warehouse na iyon.
“Then, tomorrow?”
Tumayo ako at tumango. “Okay. See you tomorrow, Mister Henan.” I offered my hand again in front of him. “And thank you so much for your approval of this agreement.”
He accepted my hand and shook it. “You work hard for it, Miss Mair.” He let go of my hand. “Anyway, I gotta go. Bye.” And he left.
Oh god! Please give me a lot of self-control. Baka bigla ko na lang sunggaban ang lalaking iyon.
Clea Mair’s POV“Uh! Inis kong ibinato kay Hector ang maliit na unan na kanina ko pa yakap at tumama iyon sa mukha niya kaya agad niya akong binalikan ng masamang tingin. Pero hindi ko iyon pinansin at inirapan lang siya.Abala sila ni Rajiv sa paglalaro sa game console habang si Miracle ay natutulog habang nakaunan sa hita ng kasintahan.Habang ako ay walang magawa.Kanina pa ako nabo-bored at gusto ko nang lumabas pero dahil alam kong nasa paligid lang si Andrel at naghihintay ng pagkakataon para muli kaming magkita ay wala akong ibang pagpipilian kundi ang manatili dito.Ni hindi ako makabili ng kape na gusto kong inumin!“Kung hindi mo kayang mag-stay dito, bakit hindi mo na lang siyang harapan?” walang ganang sambit ni Hector nang hindi inaalis ang tingin sa screen ng tv. “You don’t have to act like Asper, but at least, make everything clear to him so you both avoid any possible problem that you might face in the future.”Tinaasan ko siya ng kilay. “Sa reaksyon niya kahapon nang
Clea Mair’s POVMadilim na nang makabalik sina Rajiv at Hector sa apartment.Pagod nilang ibinagsak ang sarili sa sofa at inis na ginulo ang kanilang mga buhok. Nakakunot pa ang mga noo nila at nanlilisik ang mga mata.“What happened? Tell me! Did you find him?” I asked. “Nakausap niyo?” Bahagya akong napaatras nang ituon ni Hector ang nanlilisik niyang mata sa akin.Sandali lang iyon at agad din siyang pumikit at bumuntong hininga na lang. “Yeah. The blood of Dahlia and Henan shouldn’t mix together. Loyalty and effort are one thing, but showing that kind of intense feelings…” Umiling-iling siya. “I hope the other Dahlia-Henan are not like him.”Wala akong naiintindihan sa sinasabi nila ngayon. Well, I am aware that Andrel is part of the Dahlia-Henan bloodline, but I don’t see how it is relevant to the situation.Bakit nadamay ang pagiging Dahlia-Henan niya at anong kinalaman noon sa ikinikilos niya?“Oy!” Tinapik ni Miracle si Rajiv tsaka naupo sa tabi nito. “Ano ba kasing nangyari s
Clea Mair’s POVWitnessing the one you love slowly dying in your arms, and you can’t even do anything to save her- that was what they experienced that led to their decision to distance themselves from their loved ones.Kaya naiintindihan ko kung bakit niya nagawang iwan na lang ako basta.Kaduwagan man ang pagtakbo niya palayo dahil sa takot na muli akong mapahamak, naiintindihan kong iyon lang ang naiisip niyang paraan upang hindi na muli ako malagay sa ganoong sitwasyon.Kaya nga hindi ko din magawang magalit sa kanya sa kabila ng biglaan niyang pag-iwan sa akin. Alam ko kasi na hindi din naman madali para sa kanya na gawin ang desisyon na iyon.Alam kong maging siya ay nahirapan, at wala siyang ibang pagpipilian kundi ang gawin iyon.Bumuntong hininga na lang ako at inalis na lamang iyon sa isip ko.Sa ngayon, ayaw ko na munang pagtuunan ng pansin ang lahat ng may kinalaman kay Andrel.He can look for me all he wants, but I will not face him until I finish my training.Bumaling ako
Clea Mair’s POVWe, siblings, caught up a little over breakfast.Ikinuwento nila sa akin kung ano ang nangyayari sa central island kung saan nagaganap ang coup d'etat na sinimulan ni Hector.Hindi naman ganoon kalaki ang gulong nangyayari kaya na-contain nila ang gulo sa loob ng Exor City, ang syudad kung nasaan ang palasyo na siyang pinagtataguan ngayon ng mga miyembro ng Azaria Clan.Sa labas noon ay patuloy ang normal na pamumuhay ng mga ordinaryong mamamayan. Gusto nga sana ng ibang angkan na panatilihing lihim na lang ang kinakaharap ngayon ng bansa pero mas pinili ni Hector na isa-publiko ang lahat.Well, kung ako din naman ang nasa posisyon niya ay ganoon din ang gagawin ko.Mas mabuti nang alam ng publiko ang nangyayari sa bansa nang sa gayon ay maging handa sila kung sakaling magsimula na silang maapektuhan nito.At sa ganoong paraan din ay nabigyan ni Hector ng malalim na dahilan ang pag-aaklas niya laban sa sariling angkan. In his campaign, he was only doing this coup to sa
Clea Mair’s POVTulad ng sinabi ni Hector kahapon ay maaga silang dumating ni Miracle sa apartment na inuupahan ko dito sa Cear City,Binigyan ko naman sila ng spare key noong huling punta nila dito kaya nasa loob na sila nang dumating ako at abala na si Miracle sa pagluluto ng makakain namin.Maliban sa kanilang dalawa, narito din si Rajiv na binigyan lang ako ng simpleng tango bilang pagbati at bumalik na sa pagtulong kay Miracle.“Hey, sis.” Sinalubong ako ni Hector. Medyo natigilan pa ako dahil niyakap niya ako sandali at nang kumalas ay ipinatong niya ang kamay sa ulo ko. Nakangiti din siya at para bang nakahinga siya ng maluwag nang makita ako. “Looks like you didn’t neglect yourself there, huh.”We have never been so affectionate with each other before.Oo nga’t inalagaan nila ako noong nasa coma ako, hanggang sa makalipat ako dito pero hindi ko naman inaasahan na magiging dahilan pa pala iyon para maging mas malapit kami sa isa’t-isa.Should I be glad that they are changing in
Clea Mair’s POV“Clea Mair! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!”Napapikit ako dahil sa lakas ng boses niya. Maging si Jean ay napangiwi din pero napailing na lang na para bang inaasahan na din niya ang bungad sa akin ng kapatid ko.“I suggested the navy because I want you to have a solid foundation for yourself, as you, not as someone part of the Azaria Clan.” Tikom lang ang bibig ko at mataman na nakikinig sa sinasabi niya. “But I didn’t say you should apply to be on the SEAL program. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Alam mo ba kung gaano kahirap ang training na iyan?”Wala akong ideya noon kung bakit nga ba napili ni Hector na ipadala ako dito sa naval academy. Akala ko dahil malapit siya sa mga tao dito at masisiguro niyang hindi ako mahihrapan pero nang magkausap kami ni Andrel ay doon ko na-realized kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit nandito ako.I don’t have my last name anymore. I am not part of any family; I don’t have a claim to anything, and I don’t have my previous
Clea Mair’s Pov“So?” Tinaasan ko ng kilay si Miracle nang makauwi dito sa bahay na inuupahan niya.Pinauna niya ako dito dahil may mga kailangan pa siyang asikasuhin at agad ko siyang sinalubong para komprontahin.“Why are you here?” tanong ko sa kanya. “Bakit hindi ka man lang nagpaparamdam sa ak
Clea Mair’s PovGeez!I can’t believe this! Kung kailan may importante akong meeting sa araw na ito ay tsaka pa ako tinanghali ng gising!Seriously, Clea Mair?Pinaghandaan kong mabuti ang lahat ng materials na gagamitin ko para sa magiging meeting na ito dahil crucial moment ito para sa JFCC tapos
Clea Mair’s Pov“Wait… what?” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ng kausap ko sa telepono. “Si Mister Henan mismo ang haharap sa amin para sa plano kong pagre-rent ng isa sa mga warehouse sa port niya?”“Yes, ma’am,” sambit ni Iona, isang empleyado ng Henan Port na siyang nakilala ko s
Clea Mair's Pov"Miss Clea, dumating na po ang mga bagong nating products.""Miss Clea, tumawag po ang customs and they wanted to discuss something about the shipment that we are going to receive next month,""Miss Clea, I got three new appointments for the possible investors that we are targeting







