Share

Chapter 3

Friends 

Sumilip-silip ako mula sa labas ng shop ni Priam. Ang alam ko ay nakabalik na si Dall mula sa Spain kahapon kaya gusto ko siyang makita. 

Tamang-tama, ang klase ko pa ay 10 am. Sisilay muna kay crush. 

I prevented myself from smiling so wide when I saw him walking past the customers and directed to one of the coffee tables with a coffee in his hand and sat there comfortably. 

He wears black shades, forest green polo sleeves and the first three button was opened. Likewise, his polo sleeves was folded up to his elbow. 

Busy siya sa kakatipa sa phone niya at hinihiling ko na hindi sana ibang babae ang ka-text o kausap via social media!

Halos magbuhol-buhol ang aking ugat sa katawan nang marinig ang malamig na boses mula sa aking likuran.

"Why don't you come in, Miss Yashrie Millen Relavamonte? Dall is there." Si Priam!

Kinagat ko ang aking labi bago siya dahan-dahang lingunin. So stupid, Yash. Ngumiti ako. "E, ano naman kung nasa loob ang pinsan mo? Hindi naman siya ang hinahanap—"

He scoffed. "Don't fool me. Come," He said before grabbing my hand and pulled me inside his shop! Oh, veggie! Nakakahiya kay Dall. 

"Hey, let go of my hand. Priam, ano bang ginagawa mo—"

Huli na para ako ay umangal. Nasa harapan na kami ni Dall. "Hey, Dall. Someone wants to talk to you." Aniya nang makalapit kami, bagay na ikinatingin sa akin nito.

He removed his shades, looked at me.

"Oh...Yash?" He called, uninformed. 

Binawi ko ang kamay mula kay Priam, masama ang tingin. Kainis. Isinukbit ko nang maayos ang aking bag bago ngitian si Dall.

"Ano...napadaan lang. Kailan ka pa dumating? Ano bang ginawa mo roon?" Sabik akong makakwentuhan siya dahil crush ko lang naman ito. 

Tumingin siya kay Priam na may maliit na ngisi. "Bumili akong cake roon sa Spain." Sagot niya. 

"Tss." Singhal ni Priam bago nakapamulsang naglakad paalis. Sungit talaga niya. 

"Have a seat, Yash. May klase ka ba?" 

Naupo akosa kaharap niyang upuan. Inilagay ko naman ang aking bag sa bakanteng upuan sa tabi ko. 

"Ah, oo. Pero mamaya pa namang 10 am." Sagot ko. Gusto lang talaga kita makita, Dall. 

Tumango siya, isinandal ang likod sa upuan. He then stared at me. "Why are you here, by the way? My cousin, right? Priam?" He just answered his own question. 

I shook my head slowly. "Huh? I mean...no. Balak kong dito na lang kumain since medyo malapit itong shop sa LPU Calamba, Dall." I reasoned out. Gusto kong ma-offend. Siya kaya ang gusto ko at hindi ang masungit niyang pinsan! 

Hindi ko alam kung manhid ba ito o ano. Hindi niya alam na noong nasa Canada ako upang dumalo ng kasal ng pinsan nila, sa mismong seremonya, ini-imagine kong kaming dalawa ang nagpapakasal.

Dall! Welcome to my life!

He sipped handsomely on his coffee. "Aren't you going to order, Yash? Sabi mo kaya ka narito ay dahil...kakain ka?" He asked rhetorically. 

"H-Huh?" 

Natawa siya. "Don't tell me... ako ang gusto mong kainin?" Biro niya, dahilan upang ako ay pamulahan ng pisngi. "Kidding."

Nag-iwas ako ng tingin. Sa isip-isip ko ay pinakakalma ko ang aking puso dahil kinikilig ako. Heimdall Vin La Galliene, you're absolutely amazing! Ikaw na. 

"Okay. What do you want—"

"Ikaw sana." Mabilis kong tinakpan ang aking bibig matapos kong maisatinig ang dapat nasa sa isip ko lang.

Nang magtama ang mga mata namin, napangisi siya. "Me?"

Damn. I shook my head. "What I mean is that—Ikaw sana ang mag-serve ng food na o-order-in ko?" Palusot ko. Nakakahiya ka, Yash.

Kapag nalaman ng kuya ko ang kalandian kong ito ay baka kinaltukan na ako. Kahit sino naman ay hindi maiiwasang lumandi kung ganito kagwapo ang crush nila.

"Weird, Yash."

Nasa ganoon kaming lagay nang bumalik si Priam sa amin. Hindi ko agad siya napagtuunan ng pansin dahil tumama ang mata ko sa mga waitress nito. Wala iyong medyo pinakabata sa kanila na nakita ko noong isang gabi rito. 

Where is she? At bakit kung makatitig naman kay Priam ang mga waitresses niya ay parang mga girlfriend? Mga veggie kayo! 

"Come on, Yash." Untag ni Priam.

Napansin ng mga nakasilip niyang waitress ang titig ko kung kaya naman ngumiti sila sa akin ng bahagy bago nagsipasok sa kusina.

Crush na crush ang boss, like that? I rolled my eyes mentally. 

Ibinalik ko ang tingin ko kay Priam. "Saan?"

"Just come with me." Iritang aniya.

Dinig ko ang mahinang tawa ni Dall. Inosente ko siyang tiningnan. "Go on, Yash." Sabi niya, muling inabala ang sarili sa kakatipa sa kaniyang phone.

Inilihim ko na lang ang panlulumo. Pakiramdam ko ay wala siyang pakialam sa akin. Oh, well. Ano bang dapat asahan ko? Iyang magpipinsan na 'yan ay puro si ayaw raw sa relasyon! Bakit ang tatlo may asawa na? 

Kakainin niyo rin ang sinabi niyo, La Galliene. 

Kinuha ko ang aking bag, tumayo at tamad na tiningnan si Priam. "Saan ba tayo?"

The corner of his lips rose up. Aaminin kong ang gwapo niya kapag ginagawa niya iyon. Kung ibang babae ako baka hinatak ko na siya sa isang tabi at hinalikan. What a thought, Yash.

Hindi siya sumagot. Imbes ay hinawakan niya ang kamay ko paalis sa table na inuokupa ni Dall. He brought me inside his office.

"What are we doing here?" Arched brow, I questioned.

He invited me to sit on the couch. In front of it was the center table with...foods. Woah? 

"I'd prepare a food for you. You eat first then I'll send you to your school." Seryoso niyang sinabi. 

Tinitigan ko ang mga pagkain na nasa table. There's also two different flavours of milkshakes. Parang nagutom ako bigla. 

"Are these all...for me?" I asked, eyes fixed on the foods. 

"Mmm."

Pigil ang ngiti kong naupo sa couch. Halos maglaway ako sa mga pagkaing nakahain. "Ikaw, hindi ka ba kakain din?" Tanong ko.

Umiling siya. "I'm good. You eat a lot." He said, walking towards his swivel chair.

"Okay. Magkano ba lahat ang mga—"

He cut me off. "Nah. That's free. Just eat a lot, Yash."

Gusto ko sanang umangal kaya lang libre ang pagkain na ito. Napakabuti ko namang nilalang kung hindi ko iga-grab ang opportunity na may nanlibre sa akin, hindi ba?

"E, 'di thank you na lang!"

Hindi ako nakakuha ng sagot mula sa kaniya. Binalewala ko rin ang paninitig niya upang mapagtuunan ko ng pansin ang mga pagkain.

Matapos kong kumain at ayusin ang sarili bago pumasok, hindi na ako nakatanggi nang sabihin ni Priam na ihahatid daw niya ako sa school ko.

Pagbaba namin, hindi ko na naabutan si Dall. Mukhang umalis na naman. 

Hindi naman ako manhid para hindi mahalata na gusto ako ni Priam. Alam ko. E, anong magagawa ko kung si Dall ang gusto ko? And besides, that feeling won't got to last so why would I bother to entertain them? 

Feelings can change. It fades.

Ayaw rin naman nila sa relasyon kaya tamang like-like lang sila. E, ako? Hindi gaya nila. Kapag gusto ko ang isang tao, mananatili iyong gusto ko.

"What time will your class dismiss, Yash?" Priam suddenly asked.

I looked at him. "Hindi ko sure kung 5 pm or 6:30 pm. Maraming gawain ang criminology students, Priam." I replied.

"I can—"

"Priam, I can go home by myself. No need to...fetch me. Hindi mo naman ako girlfriend." Pagsasabi ko. "Kaya ko ang sarili ko." 

Bukod sa nahihiya ako rito, gusto kong umiwas. Gusto ko lang siyang iwasan. Paano kapag nahulog sa akin 'to habang hulog na hulog ako sa pinsan niya? He'll get wounds from me. I don't want it.

"Gusto ko pa rin masiguro na ligtas kang papasok at lalabas ng paaralan. Hindi kailangan na girlfriend kita para masigurong ligtas ka."

Natigilan ako sa banat niyang iyon. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin. Damn. He's caring and gentleman. I'll give it to him.

Mula nang manahimik ako, hindi ko na tinangka pa talagang magsalita. Hindi ko alam sasabihin ko rito. Naiilang ako na ewan!

Hanggang sa makarating kami sa tapat ng main gate ng LPU. 

"Dito na lang ako, Priam. Salamat sa paghatid." Sabi ko, tinatanggal ang seat belt.

"Don't mention it." He said.

Bago ako bumaba, tinitigan ko siya. Gayundin naman siya. "You know what? You're cool, handsome and gentleman, Priam." I began.

His forehead knitted. "Yeah? And...why?"

Tipid akong nginitian siya. Kailangan kong i-inform siya habang maaga pa na wala siyang mapapala sa akin. Nakatatak na sa puso at isipan ko na si Heimdall ang gusto ko.

"Perhaps, you should choose to like other girls out there over me." Nagkibit-balikat ako. "You'll earn nothing from me, Priam." I said, upfront.

Nawalan ng emosyon lalo ang mga mata niya nang sabihin ko iyon nang harapan sa kaniya.

He then averted his gaze. I saw how his jaw tightened and how tightly his hold onto the steering embleem. Damn, Yash.

"Don't tell me what to do, Yash." Malamig na aniya.

Lumunok ako. "P-Priam..."

"Go to your class now. See you,"

Wala sa sariling binuksan ko ang pinto ng sasakyan niya at bumaba. Pagkababang-pagkababa ko, mabilis nitong pinaandar ang sasakyan niya.

What have I done? Stupid, Yash.

Pagpasok na pagpasok ko sa aking silid, dumiretso ako sa aking upuan, bandang likod. Wala pa ang professor namin nang dumating ako kaya nagagawa pang mag-usap ng mga ka-block ko.

"Yashrie Millen Relavamonte, right?"

Hindi ko napansin kanina ang babaeng katabi ko na ngayon ay kinakausap ako. Tumango ako. "Yeah? Oh...It's you." Manghang anas ko nang makilala ang babaeng katabi ko.

Siya iyong isa sa mga waitresses ni Priam sa shop. Noon ko lang napagmasdan ang mukha niya. Ang ganda niya at nagsusumigaw ang dating.

"I'm Aria Chantelle Yniguez. Hindi ko alam na kaklase pala kita." Tonong nahihiya siya.

Nginitian ko siya. "Ah, ako rin. Absent ako last time. Excuse naman ako ng ilang linggo dahil sa ipinapaasikaso sa akin ng Dean. Bago ka ba rito? Ngayon lang kita nakita, ah?"

Nagtataka ako bakit hindi ko alam na may bago kaming ka-block. I mean, nagsimula na ang klase at nakapag-exam na. Bakit hindi ko alam na may transferee?

Nang ngumiti siya, lumitaw ang maliit na dimple sa pisngi niya. Hindi ko alam bakit umaakto siyang nahihiya o may mahinang personality gayung ramdam ko ang lakas ng dating at angas sa katawan niya. Hindi lang mahahalata ng sinuman ng ganoon kadali.

Unless, you have a strong sense of tactile.

"Ah, oo. I transferred here before the examination. Nakiusap akong tanggapin nila ako. Laking pasasalamat ko at...tinanggap nila ako kahit late na." She explained.

“Ah... "

She chuckled. "Yeah."

Humaba ang aming huntahan. Nang tinanong ko siya kung talaga bang nagta-trabaho siya sa shop ni Priam, kinumpirma niya. Part time job daw para lang may pangtustos sa pag-aaral niya. 

Nasabi rin niya sa akin na wala na siyang mga magulang. Nag-iisa na lang sa buhay. 

Pero sa kabila ng kwento at ilang impormasyon niya, may napansin ako. Pinili kong hindi na lang pagtuunan ng pansin sa ngayon.

"Ilang taon ka na nga ulit?" Pag-iiba ko ng tanong. 

She smiled. "Mage-18 this December 22."

"Ah."

"Bakit?" Tanong niya. 

Wala sa sariling umiling ako. "Wala. By the way, kung wala ka ng parents, saan ka tumutuloy?" 

"Iyon ba? Sir Evans told me stay at Camellia House temporarily. Sabi ko ay pwede naman sa apartment pero sabi niya iyon na daw ang apartment para sa kaniya." Kwento niya. 

Bahagya akong ngumiwi. Ang bait naman, Priam. Lupit din ng apartment sa paningin ko. Veggie ka. 

"Yash, anong relasyon mo kay Sir Evans?" Wala sa hulog na tanong niya. Type mo? 

Tipid akong ngumiti. "Kaibigan lang. Pinsan siya ni Dall. Si Dall...iyon ang crush ko. Quiet ka lang." Sabi ko. 

Natawa siya nang mahina. "Akala ko atly girlfriend ka niya."

Hindi na ako nakaimik dahil sa sinabi niyang iyon. I can't see myself having a commitment with Dall's cousin. Hindi kami bagay ni Priam. 

Mas bagay kami ng pinsan niya, tingin ko. 

Pumasok na sa block ang aming professor kaya natigil na kami sa pag-uusap. Sa buong klase, bumalik sa isipan ko ang isipin tungkol sa napansin ko kanina sa kaniya. 

Ang bagay na iyon ang gumugulo sa isipan ko. Bakit pakiramdam ko ay napakabigat ng presensya niya gayung mukha naman siyang inosenteng teenager lang?

Ako din naman 18 years old na pero hindi naman ako ganiyan kabigat magdala ng presensya. Weird.

Dahil sa dami ng ibinigay na case sa amin ng professor namin, nagawa kong tanggalin sa utak ko ang tungkol kay Aria. Hindi naman ako yayaman doon.

"Okay, officers! For your requirement, you have to project a crime scene wherein there are victims. Any crimes are allowed and can be projected. Make it creative and provide deductions why and how the crime happened. I need photos and evidences."

"Yes, Miss!" Sagot namin. 

6:30 pm, she dismissed us. Sabay kaming naglalakad papalabas ng main gate ni Aria. Wala naman kasi akong dalang sasakyan dahil ihinatid ako ni Priam. Kanina namang umaga ay nagpahatid lang ako kay Kuya Kiel sa shop ni Priam.

"Sa shop ka tutuloy, hindi ba?" Pagsisinula ko ng tanong.

Isinakbit niya nang maayos ang bag sa balikat niya. "Oo. Kailangan kong magtrabaho, e. Ikaw, hindi ka ba pupunta roon?"

Umiling ako. Wala naman doon si Dall. "May dinner kami ng family ko ngayon."

Tumigil kami sa bandang gilid ng guard house. She then looked at me. "Buti ka pa." With bitterness in her voice, she uttered.

"Don't worry, Aria. Kapag nasa shop ka, feeling mo rin ay may family ka. Mababait naman sila, e." Sabi ko, pinapagaan lang ang loob niya.

She heaved a sigh. "I know. Thank you pala. Kinaibigan mo...ako."

Nginitian ko lang siya at binigyan ng mababaw na tango. Siguro ay hindi pa siya nakakarecover sa pagkawala ng mga mahal niya sa buhay.

Ramdam ko ang ikinikipit niyang bigat sa loob. That's when I decided to held her hand. "Mula ngayon ay kaibigan mo na ako, Aria. You can count on me. I promised."

Tumitig ito nang may lalim sa mga mata ko bago malawak na ngumiti. "Thank you, Yash."

I chuckled. "Best of friends, yes we are." I chanted.

Hindi ko pa man nararamdaman ang nararamdaman niya, gusto kong maging isang mabuting kaibigan para damayan ang mga taong gaya niya. 

We're friends now, Aria. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status