Share

Chapter 4

Important

“Baby, wake up.”

Unti-unti kong iminulat ang aking mga antok pang mga mata nang marinig ang panggigising ng aking kuya. “H-Hmm?”

He kissed my forehead. “Wake up, Yash. Baka ma-late ka sa klase mo.” He said in a soft voice. 

Kinusot ko ang aking mga mata, bumabangon. Nakanguso akong tumingin sa kaniya. “I'm still sleepy, Kuya Kiel.” 

He chuckled. “Hindi ganiyan ang magiging alagad ng batas, Officer Yashrie Millen Relavamonte. A police officer is always aware. Hindi patulog-tulog.” He mocked. 

I winced. Bawal ba matulog ang mga iyon, kung gano'n? 

“Bangon na. I'd cook your breakfast already.”

Nginisihan ko siya. “Magte-thank you na ba ako ha, Kuya?” Asar ko sa kaniya. 

“A simple hug will do, baby. Come one, hug me.”  He opened his arms. Lumapit ako rito bago yumakap nang mahigpit.

Palagi kaming ganito ng aking kuya. He's so sweet and caring when it comes to me that's why I love him.

Kapag wala ang mga magulang namin at nasa trabaho, dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa, siya ang umaasikaso sa akin kahit na malaki na ako.

Iyon nga lang, nagiging strict siya kapag sa mga lalaking nagnanais na ako ay ligawan. Tinatawanan ko na lang dahil wala naman sa mga lalaking nanliligaw ang gusto ko.

Markadong La Galliene ang gusto ko. Si Heimdall Vin La Galliene.

“Kuya, help me on my project.” Sabi ko kalagitnaan ng aming pagkain.

“About what?”

Pinunasan ko ang aking labi ng table napkin. “Kailangan naming magpakita ng crime scenes, e. Paano at bakit nangyari. May investigation, gano'n. I don't know how to start doing it.” I bit my lip.

He drank his water. “When to pass?”

“Wala pa namang sinabi. Pero hindi ba't mas maganda kung may ideya na ako kung anong gagawin ko?”

He smirked. “Relax, baby. Kung gagawa ka ng mga importanteng bagay siguraduhin mong magiging makabuluhan. Pag-isipan mong mabuti kung anong gusto mong palabasin at iyong tingin mong kaya mo. Make everything smooth.” He advised.

Napanguso ako. Maging iyon nga ay hindi ko kaya, e. Wala pang laman ang utak ko para sa ipinapagawa ng professor namin. Grabe naman kasing aga niyang magpagawa ng ganito.

Well, I do understand her. For a BS Criminology Bachelor in Forensic Science student like me, it is required. It's just that I can't execute a scheme for now.

Iniisip ko kasi si Dall imbes na ang proyekto na dapat kong gawin.

“Sige na, sige na.”

Matapos naming kumain ng agahan, ihinatid na niya ako sa aking school. Nang maihatid ako ay nagpaalam na rin siya. “Study well, baby. I'll buy your favorite foods later when you got home.”

Ngumiti ako. “Salamat, Kuya.”

Kalagitnaan ko nang paglalakad, nakita ko ang sasakyan ni Heimdall na nakatigil sa mismong tapat ng Culinary Building.

Lumakad ako ng kaunti palapit. Nakuntento akong Ilang metro ang layo mula sa kaniya.

“What is he doing here?” Wala sa sariling tanong ko.

Nasagot iyon nang bumukas ang passenger's seat at iniluwa ang isang babae. Babaeng nakauniform ng HRM. Hawak sa kamay ang puring sombrero pati ang puting apron, ngiting-ngiting nakikipag-usap sa nasa loob ng sasakyan.

“Thanks, Vin. I'll go now. Drive carefully.” Aniya bago isarado ang pintuan ng sasakyan nito.

Hindi ako nakagalaw sa aking pwesto. Pinapanood ko lang ang aking nasaksihan. Waring may kung anong malamig na bagay ang humaplos sa aking puso nang dahil sa nakita ko.

What a good scene to start a day, Yash?

Pinanood ko ang paglalakad ng babae papasok sa building niya. Nang mawala na siya sa aking tanaw, hinabol ng aking mga mata ang sasakyan ni Dall na medyo nakakalayo na.

Wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib. Anong ibig sabihin no'n? Is he dating her? Or in a relationship already? Who is that girl? Damn.

“Yash?”

Bahagya kong nilingon ang taong sumulpot na lang bigla sa aking tabi. “Aria.”

Inosente niya akong tiningnan maging ang dinaanan ng sasakyan ni Dall. “I saw it. Your crush just send someone here instead of...you.” Sabi niya. “Selos ka?” 

Nag-iwas ako ng tingin. “Wala lang 'yon. We're not in a relationship for me to get jealous. I don't have the right, in fact.” Sagot ko, nag-umpisa na humakbang palakad.

“Hindi naman por que walang relasyon, bawal na makaramdam ng selos, 'no? We don't have the right to demand to others. But we have the right to feel what we actually feel. That's normal. Don't deny it.”

Noong eksaktong nasa tapat na kami ng College of Criminal Justice ay hinarap ko siya. Tipid ang ngiti ko. “I just like him. I don't love him yet. If so, still, I'll choose to like him.” I remarked.

She looked at me suspiciously. “Why?”

I shrugged my shoulders. “Loving a La Galliene is poisonous. Once they incur to your system, you can't escape from their dangerous affection.” I meaningfully implied.

Right. Hindi dapat ako magmahal ng isa sa kanila. Tamang gusto-gusto lang dahil hindi ko alam kung may aasahan ako. Kung meron man, sana ay kapareho ng nararamdaman ko.

“Don't you like Sir Evans, instead?”

Hanggang sa makarating kami sa aming silid. Magkatabi kami sa likod at kanina ko pa siya iniiwasang sagutin tungkol sa tanong niya na ang paksa naman ay si Priam.

“Aria, no. I don't. Ikaw yata may gusto sa boss mo na 'yon, e. Kanina mo pa binabanggit.” Ngisi kong pang-aasar dito.

Sinilip ko ang kaniyang mukha. Gumuhit ang isang ngiting tagumpay sa aking labi nang makita ko ang bahagyang pamumula ng mukha niya.

“H-Hindi,” nag-iwas siya ng tingin sabay buklat sa Biological Science niya. Baliktad naman ang pagkakabuklat.

“Type mo 'no? Umamin ka na, Aria.” Tudyo ko.

“Hindi, a. Wala akong panahon para roon, Yash. May mas iba akong dapat na unahin kaysa sa...pag-ibig.” Dahilan niya.

Mahina akong natawa dahil sa sinabi niya. Gusto ko lang iligaw ang posible naming paksa. Gusto niya akong tanungin nang tanungin kung kaya't uunahan ko na siya.

Hindi na namin pa nagawang makapag-usap nang matagal sapagkat pumasok ang isang intern na lalaki. Nakasuot siya ng blue t-shirt at black pants. Damit na karaniwang suot ng mga criminology students. 

“Good morning. I'm Isaiah San Alejo. A criminology student from University of the Philippines, Los Baños. So for today, I would be your intern.” He introduced himself. 

Agad kong iginala ang mga mata ko sa buong silid namin. Gusto ko na lang matawa sa mga ka-block kong babae dahil sa mga reaksyon nila habang nakatutok ang mga mata kay Sir Isaiah. Ang iba pa ay animoʼy nakakita ng anghel na bumaba sa langit. 

Kulang na lang ay tumulo ang laway nila rito. Isama na rin ang pagniningning ng kanilang mga mata. 

“A crime scene investigator...CSI.” Dinig kong sambit ni Aria.

Napunta sa kaniya ang aking mga mata. Maging siya ay natulala sa intern namin ngayong araw. Uh, huh? Okay. That intern is so handsome and cool. Has this appeal that no one can resist—I'm the only exception. 

I'm only attracted to Heimdall Vin La Galliene. 

Hindi ko na lamang sila pinag-aksayahan ng panahon. Imbes ay itinutok ko ang aking mga mata sa intern na ngayon ay nag-uumpisa nang magsulat sa whiteboard. 

“From firearms to blood pattern analysis, from psychological testing to DNA sampling, the world of forensic science offers numerous career paths.” He began teaching. 

Lumakad ito papalapit sa direction ko. Nang huminto siya, “Surname?” Tanong niya sa akin. 

Tumindig ako ng tuwid sa harap niya. Iyong tindig na ginagawa ng mga lisensyadong pulis. “Relavamonte, Sir.” Sagot ko. 

“Alright, then. How do forensic science works, Miss Relavamonte?” Tanong niya sa seryosong tono. 

Ang bango ni Sir. 

Kita ko ang mga mata ng lahat sa direksyon namin. Tutok na tutok. Ano, gusto rin yatang matanong ni Sir, e. 

“Forensic Science used in legal system. This looks at evidences with specific principles in mind. Moreover, forensic work applies to criminal cases and sometimes to civil preceedings as well, Sir.” Sagot ko. 

“Sobresaliente, Miss Relavamonte. You may sit.” He praised, means that outstanding or remarkable. Wow naman, Sir. 

“Thank you, Sir.” 

Pag-upo ko, ang tinawag niya naman ay si Aria. Noon ko lang napagtanto ang malalim at seryosong titig kay Sir. Eh? Don't tell me type mo rin 'yan, Aria? 

“Surname?” Sir Isaiah asked. 

Aria stand up in a lofty manner. “Yniguez.” 

“Where do other forensic scientists focus on?” He asked, his brown eyes were fixed on Aria. 

I saw ghost smirk in the latter's lips. “Some forensic scientists focus on crime scene investigation, the scene where a crime was committed, searching for clues that will help other investigators figure out what happened, Sir.” Aria answered professionally. 

“Alright. Good answer, Miss Yniguez. Take your seat.” 

Bumalik si Sir sa unahan upang ipagpatuloy ang pagtatanong-tanong sa mga iba pa ukol sa aming kurso. 

“Forensic scientists and other's work focus strongly on the physical sciences and what include in it but is not limited to, for example, is the bloodstain pattern analysis.” He continues. 

Hindi sinasadyang nilingon ko si Aria. Tutok ang mga mata niya sa intern namin pero hindi nakaligtas sa aking mga mata ang paghigpit ng hawak niya sa librong nasa ibabaw ng monoblack chair. 

What's wrong with her? “Okay ka lang, Aria?” Tanong ko. 

Agad siyang umayos ng upo at nilingon ako na may maliit na ngiti sa namumutlang labi. “A-Ah, oo. Masama lang ang...pakiramdam ko.” 

Nakaramdam ako ng pag-aalala rito. Sinalat ko ang kaniyang noo pero hindi naman siya nilalagnat. “Gusto mo bang samahan kita sa infirmary? I-excuse kita kay Sir—” 

“Don't bother, Yash. I'm okay. Makinig na tayo.” Malamyang sabi niya, ibinalik ang atensyon kay Sir. 

“S-Sige.” 

“Where there is murder, there is blood. They can examine the pattern of bloodstains to determine where a person was standing, exactly how the perpetrator attacked them and perhaps even the weapon...used.” 

Itinuon ko na lamang ang aking mga mata kay Sir na seryosong nagpapaliwanag sa unahan. Kung minsan ay sinusulyapan ko rin si Aria mula sa gilid ng aking mga mata. 

Siguro ay masyado siyang napapagod sa takbo ng buhay niya. Papasok sa eskwela tuwing umaga tapos magta-trabaho sa gabi? Kawawa naman siya. 

Sa edad na labingwalo ay kinailangan na niyang suportahan ang sarili niya. Nakakahanga. She amazed me even more when she chose to study about forensic sciences. Where I'm in. 

I don't know what she'd been through to get here. A college student at the age of 18? When I was in grade six, I asked our principal for requirement to be accelerated. Fortunately, I completed them. 

My grades were outstanding and when I decided to tell my parents that I want to study in senior high school, they agreed since I was able to compete. 

The school I'd attended accepted me. I've got a lot of achievements back then. They can't believe that at the age of 14, I'm a grade 10 student already. And now, I'm 18 years old, already a second year college. 

Maybe, Aria Chantelle were on the same ground. Reason why she's here. 

Hanggang sa matapos ang aming klase sa umaga. May dalawang oras at kalahati pa kaming vacant kaya inaya ko si Aria na pumunta muna sa SM.

“Anong gagawin natin doon?” Tanong niya, kalagitnaan namin ng biyahe palabas ng campus.

Ngumiti ako. “Bibiling bagong libro. Bili tayo.” Anyaya ko.

“Wala pa akong pera—”

“I'll buy you free book.” Agap ko.

Winagwag niya ang kamay. “Huwag na, Yash. Gagastos ka pa ng libo doon, huwag na lang. Mahal ang mga books doon, e.”

I pouted my lips. “But it's my treat, Aria. So, I won't take 'no' as answer. Tara?”

Hindi na niya nagawa pang umangal nang hilahin ko na ang kamay nito paalis. Nag-abang kami sa may kanto ng dadaan na jeep.

Kung sana pala ay dinala ko na lamang ang aking sasakyan, hindi ako mahihirapan. Bukas nga, magdadala na ako.

Ganoon na lamang ang pagkunot ng aking noo nang tumigil ang isang Mercedes-Benz na itim sa tapat namin imbes na jeep.

Dinig ko ang ilang usapan ng mga Lycean sa paligid. Lalo na mga babae. Kesyo kilala raw nila ito. Kesyo boyfriend daw nila at sinusundo na. 

Woah, ah? Taray. 

Kusang bumusangot ang aking mukha nang lumabas ang may-ari niyon. Ang lalaking nakasuot ng itim na shades at dark blue na polo sleeves ay naglakad palapit sa gawi namin ni Aria. 

Ang lalaking may shaved ang kanang kilay at natatanging La Galliene na may mohawk style of hair with low fade!

“Hala, si Evans!” 

“My crush, sis. What a handsome?” 

“Ay? May nanalo na. Congrats kay Yashrie!” 

Dinig kong usapan ng ibang kababaihan sa paligid namin. E, 'di inyo na. 

“Sir Evans.” Bati ni Aria nang makalapit si Priam sa amin.

Priam removed his shades and hanged it in his bosom, staring at me. “Where to?”

I crossed my arms. “What are you doing here, La Galliene?” I asked.

He smirked. “I just want to see you. Is it bad?”

“Bakit?” Matabang kong tanong sa kaniya. Naalala ko iyong nakita kong babae na ihinatid ni Dall dito kanina. Damn. It made my mood worse.

He then moved closer to me. He even put the lose strands of my hair behind my ears. “I think I missed you?” He whispered. 

Halos manlaki ang mga mata ko. I was as of lost of oxygen, too! Damn. Hindi na nahiya ang lalaking ito na ipangalandakan ang kalandian niya sa akin kahit nasa tabi lang namin si Aria!

Inilayo ko ng bahagya ang aking sarili rito. “E-Excuse me?” Nautal kong tanong. “Gago ka ba?” 

He then set himself in the most attractive stance in front of me. “Let's eat somewhere, Yash. My treat.” He replied, avoiding my mocked of cuss a while ago. 

Kumunot ang noo ko sa kaniyang tinuran. What happened to this gorgeous man, huh? Why professing his admiration to me this clear now? 

I let out an amused sigh. “Why would I? And, can't you see...I am with Aria Chantelle?” I asked, derisive. “May lakad kami.” 

Sinulyapan niya ito. Tumutok naman ng husto ang mga mata ni Aria rito. Hindi ko mawari kung galit ba siya o nai-intimidate lang kay Priam. Hirap basahin ng kaniyang mga tingin. Siguro nga ay tama akong gusto niya rin si Priam.

Truth to be told? Bagay naman sila. Mukha silang bagay. Bagay na bagay. 

“M-May nakalimutan pala ako sa locker ko, Yash. Una na ako.” Biglang paalam nito sa akin, tumalikod at nagsimulang maglakad-takbo.

“Aria! We'll go to SM, ah?!” I yelled.

“Next time na lang, Yash!” Sagot nito pabalik.

Hanggang sa hindi ko na siya matanaw pa. Inis kong tiningnan si Priam. Ang gago nakangisi na sa akin. “Shall we?”

I beat his stomach. “Shall we mukha mo! Mag-isa ka!” I retorted, turning my back at him.

But I was caught off guard when he suddenly spurred in front of me in the fastest pace causing me to bump on his chest! Damn. 

Agad akong nahawakan ang aking noo. “Aww! Priam! Ano bang problema mo?” Inis kong tanong.

He chuckled. “Sumama ka na kasi.” He insisted.

“Saan ba kasi?”

“Somewhere,”

I glared at him. “Kung yayayain mo akong kumain, please make sure that you already have a destination.”

“I have, okay? Ikaw na lang ang...kulang.”

I gasped. Bwiset. Babanatan na naman ako ng ganito. I breathed out of defeat. “Bilis. Saan ba? May klase pa ako hanggang 7 pm at kailangan ko pa mag-aral.”

Walang sali-salita niyang hinila ang aking kamay. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan bago siya umikot sa kabila.

Kalagitnaan namin ng biyahe ay nagtatanong siya sa akin tungkol sa aming mga aralin. Sumasagot naman ako. However, when he suddenly inserted his flower cards, my eyes automatically throws deathly stares. 

“I told you that you will earn nothing from me, Priam. Why still doing this?” I then asked, eyes fixed on him. 

“I don't know, too. Hayaan mo. Mapapagod din ako. Pero hindi ngayon.” Seryosong sagot niya.

Nag-iwas ako ng tingin dito. “Why can't you give up now?”

He breathed. “I won't give up not until I made an effort to try. Multiple times. I just can't give...you up.”

“But...why?”

Hindi ko yata nadala ang extra'ng oxygen sa akin dahil nang sambitin ni Priam ang mga salita, tila ako ay naubusan ng hangin.

“You're important to me now, Yash.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status