Hapag
"Mabuti naman at naisipan mong umuwi rito, Anak", sabi ni Papa sa kalagitnaan ng aming pagkain.
Hiniwa kong dahan-dahan ang beef steak upang malasap ang nanunuot na lasa nito. Si Mama naman na katapat ko ay aking sinulyapan. Namutawi ang ngiti nito at ginantihan ko rin siya ng isang ngiti.
Inabot niya ang kamay kong nasa mesa at hinaplos iyon. "Akala ko hindi ka susunod sa akin sa pag uwi mo dito. Sabi kasi ni Pixie ay abala ka sa mga projects mo"
Ilang beses niya kong niyayang umuwi rito pero ni-isang beses ay hindi iyon umubra sa akin.
Balak ko naman talagang umuwi rito. Pagkatapos sana ng aking teleserye pero nagkaroon ako ng photoshoot sa isang sikat na clothing brand na pagmamay-ari ng kaibigan ni Pixie. Kaya hindi ko na iyon nagawang tanggihan.
"Actually, mayro'n akong upcoming projects sa sobrang dami ay ni-reject ko ang iba. Pagod na rin kasi ako kaya ang tinanggap ko na lang — 'yung isang movie ko na ish-shoot namin pagkatapos kong magbakasyon dito", I flipped my hair at pinagpatuloy ang pagkain.
Hindi katulad ng kanina ay maingay ang paligid. Pinaalis na ng mga body guards ni Papa ang mga nag pro-protesta. Mabuti nga iyon ng hindi ako naiistorbo. Kung sakaling madalas ang pagpro-protesta ng mga magsasaka ay naisip kong kila Letty muna ako magbakasyon. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila pero kailangan kong makapahinga ng ayos.
Napangiti ako ng may bigla akong maalala. Tanda ko pa kung paanong nag-igib kami ni Letty at namitas ng mga prutas para ipang ulam. 'Yun nga lang madalas ay taga pulot lang ako ng manggang pinapanguha ni Abel — kapatid niyang panganay.
Kumusta na kaya si Abel? Hindi kami friends sa FB kaya I'm clueless kung anong itsura niya ngayon. Ang alam ko lang ay kumpara noon mas luwag na ang buhay nila. Nang isang beses kong nakausap siya sa Face time ay pinakita nito ang kabuuan ng bahay na hindi pa tapos ayusin.
Hindi ko manlang naabutan si Abel ng oras na 'yon dahil busy raw.
"Ma, pwede bang kina Letty muna ako ngayong bakasyon?" nabitawan ni Mama ang hawak nitong tinidor. Si Papa naman ay tiim-bagang na nakatingin sa akin.
"Kung papayag si Manang Evy sa gusto mo", sabi ni Papa ngunit ang aking ina ay ilang beses ang pag inom ng tubig habang pinapaypayan ang sarili.
Kita ang pagtutol sa itim na mga mata ni Mama ng magtama ang tingin namin. Bahagyang lumungkot iyon.
"Hayaan mo na siya, Leonora." kasabay ng paghawak niya nang mahigpit sa kamay ng aking ina.
Ang mga mata niyang puno ng lungkot ay pilit na ngumiti. Sumingkit iyon ng kumurba ang kanyang mga labi.
"Pwede bang dito ka muna anak kahit isang linggo lang ng makapag bonding naman tayo. I'll promise kakain tayo with your Papa sa mamahaling restaurant. Saan ba ang gusto mo?"
I love my Mama so much na kahit putok lamang ako sa buho ay hindi niya pinagkaitan ako ng buong pagmamahal pero mas malapit ako kay Papa. Dahil noon pa man, Papa always spoiling me and treats me like a Princess. Habang si Mama ang nag di-disiplina sa akin hanggang sa hindi niya na ako kinaya. Kung kaya't umuwi kami sa Laguna kung nasaan ang iba kong pinsan. Kaso lang hindi lahat sila ay kasundo ko.
Ilang beses kong pinasakit ang ulo ni Mama lalo na nu'ng nag highschool ako.
Madalas ay nasa Manila ako dahil sa pag a-artista pero umuuwi din akong Laguna. Condo kasi ang tirahan ko sa Manila at ang bungad sa akin kada umaga ay nagtataasang building. Hindi katulad sa Laguna ay puro bulubundukin ang nakikita ko pag- inaayos ko ang tali ng bintana.
It's like hell for me when I got there for the first time. Pero nang tumagal ay nasanay rin ako kaya't nahilig din ako sa pag a-acting. Sa katunayan nga ay hindi na ko nakatapos ng pag aaral dahil mas inuna kong maging artista when I've got an opportunity.
Nasa Manila ako ng panahon na iyon, walking with my friends sa mall. Someone scouted me dahil sa ganda kong iyon ay nabighani siya. Para raw akong model. And yes, nagsimula ako bilang model tapos nag shampoo commercial ako. Hanggang sa may nag-offer sa akin na maging extra at heto! Viola! I'm on billboards na.
Masasabi kong hindi lang pagiging pulitiko ang pinaka dirtiest na trabaho pati ang pag a-artista. Kasi aminado ako, iilan lang sa mga kasama ko sa iisang entertainment ang kasundo ko. Plastikan lang kami on-cam, o hindi kaya naman we're educated enough para respetuhin ang isa't-isa na kahit di okay samahan ay nag ngi-ngitian pa rin.
"No, Ma. Ayokong kumain sa mamahaling restaurant. Umay na ko. Lalo na sa fast food." malimit kasi akong umuwi sa bahay ng late kaya hindi na ako nakakapagpaluto. Ang ending nag o-order ako ng spaghetti, burger, pizza, at etc.
Minsan naman sila Mama at Papa ay pumupunta roon pero bihira lang si Papa kasi marami siyang ginagawa as a governor of this province. Pero hindi maipagkakaila na kahit minsan lang kami magkita-kita ay present sila sa family gathering.
"You're right anak. I think I should cook for you", but my Papa insisted sa sinabi ni Mama.
"Ako na lang ang magluluto kung gusto ng anak mo ang lutong bahay", lihim akong ngumiti sa sinabi nito pero si Mama ay iba ang naging reaksyon. Pinagtaasan niya ng kilay si Papa.
"Pinapamukha mo talaga sa akin Don Emilio na masarap ang luto mo?" tumawa naman si Papa sa sinabi ni Mama.
To be honest, ayaw ni Papa ang luto ni Mama. Hindi kasi ito maalam sa gawaing bahay lalo na ang pagluluto pero si Papa, siya ang madalas magluto noon para kay Mama. Kwento niya sa akin. That's why Mama fall inlove with him.
Sa totoo lang nu'ng binata si Papa ay masasabi kong he's tall dark and handsome. He's like a dark version of Kuya Tendery. Mas kamukha pa ni Kuya Ten ang aking ama kaysa tunay niyang ama. Si Mama naman ay akong-ako nung dalaga pa siya pero unlike Mama madami siyang dinate na lalaki before niya makilala si Papa. Hindi ko alam kung paano kami naging magkahawig pero I'm thankful because it's such a blessing.
Matagal din bago nagpakasal silang dalawa. Si Mama kasi ay kasagsagan ang kasikatan niya bilang artista while my Papa naman ay nangangandidato para maging Mayor ng bayan na ito.
----#ESTA
GUERRA ----Someone's POVSa wakas...Simula ng nangyari ang insidente ay hindi na muling makausap si Piper. Parang wala siya sa sarili.Palaging nakakulong sa kwarto at nagmumukmok. Minsan pang nadatnan ito ni Letty na tumatawa mag isa habang kausap ang larawan ni Cade, o hindi kaya naman larawan ng tunay niyang mga magulang.Kasalukuyan may dalang tray si Letty upang mananghalian si Piper. Pag bukas niya ng pinto ay hawak nito ang gunting at ginugupit ang sariling buhok.Ang mahabang buhok ni Piper ay gulo-gulo. Ilang araw na kasing hindi naliligo dahil nagwawala siya sa tuwing inaaya siya na maglinis ng katawan. Ang mga mata niya ay malalim at maitim ang ilalim. Halos wala na siyang pisngi at payat ang mga braso niyang puro sugat. Paano ay kinakalmot minsan ang kanyang sarili kapag nakikita niya si Donya Leonora."Piper! Wag mong gawin yan! Pa-panget ang buhok mo!" ma
Apong's POVPinabayaan"Gracio, nahihibang ka na ba!? Parang wala kayong pinagsamahan ni Presigo" galit kong sabi sa kanya ng makita siyang sinasaktan nito si Cazue.Kilala ko ang mga taong may kauganayan kay Presigo. Alam ko kung anong klase siyang tao."Himala at nagpakita ka ulit, Apong?" aniya nito sa natatawang boses.Kasalukuyan kaming nasa bahay niya. Alam kong mapagkakatiwalaan siya kahit nagbago ang pakikitungo nito sa halos lahat ng magsasaka.Kitang-kita kung gaano binago ni Don Emilio ang buhay niya mula sa sahig hanggang sa kasuluk-sulukan ng bahay na ito."Hindi naman ako mamatay tao kahit taga sunod ako ng gobernador. Alam ko ang limitasyon ko. Magtiwala ka" sinindihan niya ang sigarilyong hawak.Hinagis niya sa akin ang kaha na galing sa sarili niyang bulsa."Ewan ko ba sayo bakit ka nag r
Don Emilio's POVMamaalam"Don Emilio!" nakaupo ako sa swivel chair habang hinihigop ang aking kupita.Umikot ako para harapin kung sino ang nagsalita. Isa iyon sa mga tauhan ko.Hawak nito ang dibdib niya habang naghahabol ng hininga."Bakit biglaan yata ang pag dalaw mo sa akin Mang Garber?" isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan."Nagkakaroon na ng progreso sa binabalak ni Cade. Usap-usapan iyon kanina sa bukid"Lumisik ang mga mata ko sa sinabi niya. Iniisa isa kong binato ang mga bagay na nasa mesa.Lumapit ako sa kanya at kinuwelyahan. "Hindi ba't sabi ko bantayan mo ng igi ang batang 'yon!"Nanginginig ang mga mata niya."D...don... E...milio... G...ginawa ko ang lahat ng makakaya ko!"Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanya. Unti-unti siyang lumiyad dahil sa g
Galit"Gago ka! Hayop ka!!!" agad na bumungad ang mga salitang iyon ng makita ni Karlos ang pag panhik ni Mang Hermano sa bahay niya.Dahil sa mabilis niyang pagkilos namataan na lang namin na ilang beses niyang sinuntok ang matanda."Awat na!!!" sigaw ni Abel. Dahil sa paghigit nito kay Karlos ay muntikan pa niyang mapunit ng husto ang damit nito.Si Mang Hermano ay hindi mapigilang maluha. Pilit ko siyang hinawakan sa magkabilang braso pero gusto niyang kumawala doon."Lalapit ako! Bugbugin mo na ko hanggang sa mamatay ako!" aniya.Si Karlos na tila nahimasmasan dahil ay tinitigan lang siya."Ano pang hinihintay mo!?" kinuwelyuhan ni Mang Hermano si Karlos pero nagbalik na ito sa katinuan niya.Kahit hindi naimik ay ramdam ang galit sa mga mata nito. Kung paano ang paghinga niyang may intesidad at ang kamao niya na
NagsisisiPinatuloy kami ni Mang Hermano sa nagsisilbi nitong bahay. Maliit iyon na gawa sa pinagtagpi-tagping plywood"Opo, Inay. Uuwi rin ako kinabukasan", sabi ko bago binaba ang tawag.Nagpaalam akong may kailangan akong gawin. Hindi ko detalyadong sinabi dahil alang-ala ito sa kaligtasan ng matandang nasa harap ko."Kain na kayo" alok niya.Tinulungan siya ni Abel sa paghahain ng pagkain. Ako naman ay tinitignan ang mga picture frame sa maliit nitong cabinet. Larawan ng masayang pamilya kasama ang pumanaw na si Fr. Kule. May larawan pang kasama ang aking Itay."Magkakilala po ba kayo ni Itay?"Naghila siya ng upuan pagkatapos magsalin ng tubig sa aming baso. Ako naman ay nakisalo sa pagsisimula ng kumain."Oo, kakilala ako ng Itay mo pero hindi kami gaanong malapit sa isa't-isa"T
Cade's POVMagtagoSa maghapon kong paghahapon sa bayan ng Gurabo ni-anino ni Mang Hermano ay hindi ko makita. Wala pa rin balita na galing kay Abel. Gusto niya rin tumulong sa paghahanap kaya nagsabi ako ng ilang detalye.Pero uugatin na yata ako sa paghihintay ng tawag galing sa kanya.Dumiretso ako ng pamilihang bayan pumasok kasi sa isip ko na wala ng pagkain sa bahay. Hindi kasi makapamili ang Inay dahil sa rayuma nito. Ilang araw na rin siyang hindi nagsasaka kaya kami ni Cazue ang palaging nasa palayan.Samu't-saring amoy ang tumambay sa aking ilong habang namimili."Bili ka na pogi" sabi ng isa sa mga iyon. Nagpupunas siya ng pawis habang nakangiti sa akin. Matandang babae na halos kasing edad ni Inay."Kahit hindi po ako bumili. Gwapo pa rin ako"Awtomatikong nagtinginan ang ilang mamimili sa akin. Natawa naman ako s