Cade
Habang naglalakad sa malawak na palayan ng aming pamilya ay ninammam ko ang sariwang simoy ng hangin nitong probinsya. tyPapunta ang daan na ito kina Letty.
"Pakiramdam ko I will enjoy my vacation." sa sulok ng aking mga mata kita ko kung paanong ngumiti si Letty.
Habang hawak ko ang skin care products na hindi ko dapat malimutan. Hawak niya ang iba ko pang gamit.
"Sana nga. Hindi ko alam kung anong naisip mo, Piper. Mabuti na lamang at pinayagan ka ni Inay. Susunod din si Itay para mabantayan ka"
Ilang beses kong kinulit si Manang Evy na payagan akong magbakasyon sa kanila. Unang pangungulit ko ay hindi siya pumayag pero pagkalaon ay pumayag din naman. May isa pa kong pabor sa aking mga magulang. Wag akong pabantayan kay Mang Ben. Kailangan niya rin naman mag bakasyon. Hindi yung ako lang ang nagre-relax.
Magpahinga muna siya sa sakit ng ulo na dahil sa akin.
"No. Mang Ben will not follow us. Du'n muna siya sa bahay. Kung ayaw niyang magbakasyon ay 'di ko siya tutulan. Kung gusto niyang magtrabaho sa bahay ay ayos lang"
Ang mga naninilbihan sa amin ay mayroon sariling kwarto para hindi na sila umuwi. Ayaw ni Papa na nasasayang oras kaya ayaw niya ng late. Pero itong sina Letty at Manang Evy ay nauwi kung minsan. Malapit lang din naman ang bahay nila.
Huminga nang malalim si Letty saka binaba ang hawak niyang gamit. Ang mainit na sikat ng araw ay sadyang masakit sa balat dahil saklob lang ang aming suot.
"Sinabi ko sa'yo kanina dapat nag tricycle na tayo", pagod niyang sinabi habang nagpa-paypay gamit ang sarili nitong kamay at nakapamewang sa daan.
"Minsan na nga lang ako magpainit. Saka I have my skin care products." tinaas ko ang shoulder bag na naglalaman ng mga iyon.
"Much better. Kahit papaano ay nabawasan ang init na nararamdaman ko", sabi ko.
Sa lilim ng malaking puno kami nagpahinga habang pinagmamasdan ang mga magsasaka na abala sa trabaho.
"Bilis-bilisan niyo! Magta-tanghali na!", singhal ng isang lalaking wari ko'y nasa mid 40's. May hawak siyang payong. Suot nito ay mahabang manggas saka pantalon na sira-sira. Bumaba ang tingin ko at nakasuot siya ng bota na katulad ng suot ng iilang magsasakang nandoon.
"Bakit may tumambay agad sa kubo! Hindi pa tapos ang gawain!" hirit pa nito.
Lumapit siya sa isa sa mga pinakabata doon. Hindi rinig sa pwesto namin ang sinabi niya ngunit alam kong galit siya dahil sa pagtiim ng bagang nito. Piningot niya ang bata saka sinabuyan ng putik sa mismong inaaro nitong lupa.
Ang isang lalaki ay patakbong lumapit sa batang iyon—galing sa malaking kubo kung saan nagtipon ang mga magsasaka.
He's wearing a red long sleeves. Ang ilan sa mga butones niya ay bukas. His pans are ripped and fadednaka bota rin siya. Kahit na gano'n lang ang kanyang suot ay malakas pa rin ang dating nito.
Napagpasyahan kong lumapit sa kanila at hindi ako nagpapigil kay Letty ng hinawakan niya ko.
"What's with you?", tanong ko sa lalaking nangangalit ang mga mata sa batang ngayon ay nakahawak sa braso ng lalaking nakapulang long sleeves.
I'm mesmerized to his handsomeness. His sweat dripping on his face. Binagtas ko ang mukha niya gamit ang mga aking mga mata. Hindi gaanong makapal ang kilay nito at tama lang ang bilugan niyang mga mata. Ang kinis ng mukha nito na para bang hindi isang magsasaka.
Idagdag pa yung Adam's Apple niyang umaalon. Para siyang isang hunk actor. Bumaba ng bahagya ang tingin ko sa kanyang katawan. Ang dibdib niya'y bakat sa kanyang damit dahil sa pawis na malapit ng matuyo.
"Senyorita Piper, bakit kayo nandito?", magalang na tanong sa akin ng lalaki na ngayon ay parang maamong tupa.
Tinitigan kong mabuti ang kanyang mukha. Napagtanto kong siya si Gracio ng mahanap ko ang mga taling sa mukha nito pati ang pilat sa kanyang kilay.
Tinignan niya sandali ang babaeng nasa likod ko saka binalik ang mga mata sa akin.
"Hindi dapat kayo naggagala ng ganitong oras. Tirik ang sinag ng araw"
Pinagmasdan ko ang batang nakatingin sa akin na ngayon ang mga mata niya'y unti-unting nawawala ang pagkatakot.
Ngumiti ako sa kanya at pilit din siyang ngumiti sa akin.
"Hindi niyo dapat pinagmamalupitan ang mga tao dito lalo na ang batang ito. He looks to young. Sa palagay ko'y underage lang ang isang ito"
Tumingin ako kay Mang Gracio upang pagtaasan siya ng kilay. Inayos ko ang aking saklob ng sandaling umihip ang hangin. Muntikan pang malaglag. Buti na lamang at nasalo agad ng kamay ko. Kung hindi patay ako kay Aria kapag nagkataon bigay pa naman niya ito sa akin na galing sa Taipei.
"Hindi dapat sila pinag tra-trabaho", sabi ko.
Araw ng Sabado ngayon kaya alam kong walang pasok ang mga estudyante. Dapat nagpapahinga siya, o hindi kaya naman tumutulong sa gawaing bahay.
"Mga tamad!" aniya Mang Gracio.
"Mang Gracio, pag pasensyahan niyo na lang ang kapatid ko dahil mabagal siyang kumilos. Ako ng bahalang mag disiplina sa kanya pero 'wag niyo siyang saktan. Kapwa lang tayo mga trabahador dito", he said in a husky voice. Ang lalaking nakasuot ng pulang sleeves.
Napaawang ng kaunti ang bibig ko. He's so manly. His muscles flex as he hold his brother's arms.
Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa kaya inayos ko ang aking tindig. Si Letty naman na nasa likod ay pasimpleng bumulong sa aking tenga.
"Cade ang palayaw niya"
Even his nickname makes me weak. I wonder if he's single.
My gosh! Piper! Nasisiraan ka ng bait!
Nagwapuhan lang ako sa kanya at wala ng iba. Mukhang maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya kaya sigurado akong babaero siya.
"What's your name kid?" magiliw kong tanong sa kanya ng pinantay ko ang sarili ko sa kanya.
Imbis na sumagot sa aking tanong — ang lalaking si Cade ang nagsalita.
"Dero ang pangalan niya", matipid nitong sabi.
Aalis na siya ng bigla akong nagsalita. "si Dero..."
""Ayos lang naman siya kaya 'wag kang mag alala"
Para bang dinala niya ako ng umalis siyang palayo. Ang lakas ng dating nito.
"Senyorita, bakit parang na tulala ka?" usisa ni Letty habang winawagayway ang kamay nito sa harapan ko.
"Huh? Ano... Uhm... May inisip lang." kinagat ko ang ibaba kong labi.
----#ESTA
GUERRA----Someone's POVSa wakas...Simula ng nangyari ang insidente ay hindi na muling makausap si Piper. Parang wala siya sa sarili.Palaging nakakulong sa kwarto at nagmumukmok. Minsan pang nadatnan ito ni Letty na tumatawa mag isa habang kausap ang larawan ni Cade, o hindi kaya naman larawan ng tunay niyang mga magulang.Kasalukuyan may dalang tray si Letty upang mananghalian si Piper. Pag bukas niya ng pinto ay hawak nito ang gunting at ginugupit ang sariling buhok.Ang mahabang buhok ni Piper ay gulo-gulo. Ilang araw na kasing hindi naliligo dahil nagwawala siya sa tuwing inaaya siya na maglinis ng katawan. Ang mga mata niya ay malalim at maitim ang ilalim. Halos wala na siyang pisngi at payat ang mga braso niyang puro sugat. Paano ay kinakalmot minsan ang kanyang sarili kapag nakikita niya si Donya Leonora."Piper! Wag mong gawin yan! Pa-panget ang buhok mo!" ma
Apong's POVPinabayaan"Gracio, nahihibang ka na ba!? Parang wala kayong pinagsamahan ni Presigo" galit kong sabi sa kanya ng makita siyang sinasaktan nito si Cazue.Kilala ko ang mga taong may kauganayan kay Presigo. Alam ko kung anong klase siyang tao."Himala at nagpakita ka ulit, Apong?" aniya nito sa natatawang boses.Kasalukuyan kaming nasa bahay niya. Alam kong mapagkakatiwalaan siya kahit nagbago ang pakikitungo nito sa halos lahat ng magsasaka.Kitang-kita kung gaano binago ni Don Emilio ang buhay niya mula sa sahig hanggang sa kasuluk-sulukan ng bahay na ito."Hindi naman ako mamatay tao kahit taga sunod ako ng gobernador. Alam ko ang limitasyon ko. Magtiwala ka" sinindihan niya ang sigarilyong hawak.Hinagis niya sa akin ang kaha na galing sa sarili niyang bulsa."Ewan ko ba sayo bakit ka nag r
Don Emilio's POVMamaalam"Don Emilio!" nakaupo ako sa swivel chair habang hinihigop ang aking kupita.Umikot ako para harapin kung sino ang nagsalita. Isa iyon sa mga tauhan ko.Hawak nito ang dibdib niya habang naghahabol ng hininga."Bakit biglaan yata ang pag dalaw mo sa akin Mang Garber?" isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan."Nagkakaroon na ng progreso sa binabalak ni Cade. Usap-usapan iyon kanina sa bukid"Lumisik ang mga mata ko sa sinabi niya. Iniisa isa kong binato ang mga bagay na nasa mesa.Lumapit ako sa kanya at kinuwelyahan. "Hindi ba't sabi ko bantayan mo ng igi ang batang 'yon!"Nanginginig ang mga mata niya."D...don... E...milio... G...ginawa ko ang lahat ng makakaya ko!"Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanya. Unti-unti siyang lumiyad dahil sa g
Galit"Gago ka! Hayop ka!!!" agad na bumungad ang mga salitang iyon ng makita ni Karlos ang pag panhik ni Mang Hermano sa bahay niya.Dahil sa mabilis niyang pagkilos namataan na lang namin na ilang beses niyang sinuntok ang matanda."Awat na!!!" sigaw ni Abel. Dahil sa paghigit nito kay Karlos ay muntikan pa niyang mapunit ng husto ang damit nito.Si Mang Hermano ay hindi mapigilang maluha. Pilit ko siyang hinawakan sa magkabilang braso pero gusto niyang kumawala doon."Lalapit ako! Bugbugin mo na ko hanggang sa mamatay ako!" aniya.Si Karlos na tila nahimasmasan dahil ay tinitigan lang siya."Ano pang hinihintay mo!?" kinuwelyuhan ni Mang Hermano si Karlos pero nagbalik na ito sa katinuan niya.Kahit hindi naimik ay ramdam ang galit sa mga mata nito. Kung paano ang paghinga niyang may intesidad at ang kamao niya na
NagsisisiPinatuloy kami ni Mang Hermano sa nagsisilbi nitong bahay. Maliit iyon na gawa sa pinagtagpi-tagping plywood"Opo, Inay. Uuwi rin ako kinabukasan", sabi ko bago binaba ang tawag.Nagpaalam akong may kailangan akong gawin. Hindi ko detalyadong sinabi dahil alang-ala ito sa kaligtasan ng matandang nasa harap ko."Kain na kayo" alok niya.Tinulungan siya ni Abel sa paghahain ng pagkain. Ako naman ay tinitignan ang mga picture frame sa maliit nitong cabinet. Larawan ng masayang pamilya kasama ang pumanaw na si Fr. Kule. May larawan pang kasama ang aking Itay."Magkakilala po ba kayo ni Itay?"Naghila siya ng upuan pagkatapos magsalin ng tubig sa aming baso. Ako naman ay nakisalo sa pagsisimula ng kumain."Oo, kakilala ako ng Itay mo pero hindi kami gaanong malapit sa isa't-isa"T
Cade's POVMagtagoSa maghapon kong paghahapon sa bayan ng Gurabo ni-anino ni Mang Hermano ay hindi ko makita. Wala pa rin balita na galing kay Abel. Gusto niya rin tumulong sa paghahanap kaya nagsabi ako ng ilang detalye.Pero uugatin na yata ako sa paghihintay ng tawag galing sa kanya.Dumiretso ako ng pamilihang bayan pumasok kasi sa isip ko na wala ng pagkain sa bahay. Hindi kasi makapamili ang Inay dahil sa rayuma nito. Ilang araw na rin siyang hindi nagsasaka kaya kami ni Cazue ang palaging nasa palayan.Samu't-saring amoy ang tumambay sa aking ilong habang namimili."Bili ka na pogi" sabi ng isa sa mga iyon. Nagpupunas siya ng pawis habang nakangiti sa akin. Matandang babae na halos kasing edad ni Inay."Kahit hindi po ako bumili. Gwapo pa rin ako"Awtomatikong nagtinginan ang ilang mamimili sa akin. Natawa naman ako s