Ilang araw na ko sa ospital. Pero kahit na madali lang sana akong gumaling ay parang naging kritikal pa ang pagbubuntis ko. Sinabi ng doctor na dahil daw sa stress. Kaya din daw hindi pa maayos ang lagay ko. Pinipilit ko ng maging maayos na ang kalagayan ko dahil naisip kong ang laki na ng babayaran ko sa ospital. Paano kaya ang gagawin ko sa buhay ko ngayon?
Habang nasa rooftop ako at nag-iisip, dama ko ang malamig na hangin.
Namimiss ko 'yong mga araw na masaya pa ko at buo pa ang pamilya ko. I miss my mom and dad. I want to be with them.
Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang masayang nakaraan.
"Mom! Ayaw ko po niyan."
"Com'on princess, that dress is very beautiful to you." Dad said.
"I told you." Mom smiled.
Hayyy. Kailan kaya ako makakabili ng gusto kong style ngayon? Ang kulit kasi nila mom at dad kapag kasama ko silang magshopping.
"Okay fine. I'll get that dress. Ngayon lang 'to mom and dad ah. Ako naman mamaya ang mamimili ng gusto kong bilhin para sa'kin."
They both laughed because they still won in deciding to get the dress.
Ngayon ay nasa company naman ako dahil si dad, he wants me to inherit our company. Kaya gusto niyang malaman ko ang takbo ng negosyo namin. Kilala ang kumpanya namin sa paggawa ng mga pabango. Pero gaya ng laging nangyayari, inaantok ako kapag nasa meeting. Kahit gustung-gusto kong maging interesado sa mga sinasabi nila ay hindi ko talaga magawang magising.
Nahihiya talaga kong pumunta sa meetings ni dad dahil sa pakiramdam ko tuwing nakakatulog ako, napapahiya ko si dad. Baka nga mag-alala na 'yong mga kameeting namin kapag sa'kin pinamana ang kumpanya namin. Natatawa tuloy ako kapag naaalala ko 'yong mga mukha nila kapag nahuhuli nilang nakakatulog ako.
"Dad, sinabi ko na po sa inyo na kahit gustuhin ko pang manahin ang business natin. Hindi nga po ako magaling maghandle no'n."
"Then are you going to be okay if I arranged a marriage for you to a man that can handle it?" dad asked while we're having dinner.
Nahinto ako sa paggalaw ko sa'king pagkain at napatingin ako kay dad. Nakatingin sila sa'kin ni mom ngayon.
"What? Are you going to do that in your beautiful princess?" tanong ko na medyo nagpapaawa.
They both laughed. Napatawa na lang din ako sa usapan. I know that they will not do that to me since they are not like other parents who give more importance to their business more than their family.
"Ouch!" sigaw ko ng bigla akong mabangga ng tumatakbong lalaki.
Hindi man lang nagsorry. Nang makita niya ko, he just smirked and then walk away.
Ano pa nga ba ang aasahan ko sa mayayamang lalaki dito sa school? Puro mayayabang.
Nang makapunta na ako sa klase ay sinabi na ng professor namin kung sino ang makakagrupo namin for the presentation sa isang subject. Isa lang napagtanto ko sa araw na 'to, it's really my unlucky day. Bakit kaya pilit akong nilalapit sa mga ayaw kong tao?
"May galit ka ba sa'kin? Kanina pa kasi nakakunot ang noo mo." he laughed.
"You know what? Magfocus na lang tayo sa report natin para matapos na." I smiled. A fake smile.
Sa dinami-dami ba naman ng lalaking makakagrupo ko. Ito pa talagang ubod ng hangin?
"Alam mo, maganda ka pa rin kahit nagagalit ka."
Walang kahit anong tuwa akong nararamdaman ngayon. Naiinis talaga ko sa kanya. Ayoko sa mga katulad nilang feeling sobrang gwapo.
"Alam mo, gumawa na tayo ng report. Kasi gusto ko na ding umuwi."
Natapos naman namin ang report na 'yon. Pero halos ako lang din ang gumawa. Kinulit-kulit lang kasi niya ko. Tumutulong lang siya kapag nagagalit na talaga ko. Hayy.
"You look so stress, madami ba kayong ginagawa for this week?" mom asked.
Paano pong hindi ako maistress mom? Kasama ko na naman yung lalaking 'yon. Ayaw ko talaga siyang kagrupo dahil dumadami ang ginagawa ko. Gusto kong i-rant kay mom 'yong nararamdaman ko pero ngumiti na lang ako sa kanya.
Pinaulit kasi ng professor namin yung document para sa report namin. Ang strict pa naman nila. Ayaw nila kaming magpresent hanggang hindi approve sa kanila yung docu para sa presentation.
"Kailan ka ba aayos? Gusto mo ba talagang umulit na naman tayo sa pagpasa ng document?" naiinis kong tanong sa kanya. Wala kasi siyang ginagawa kun'di magcellphone or mang-asar sa'kin.
Tumabi na siya ngayon sa upuan na nasa kanan ko at tumingin sa'kin ng malapitan.
"Gusto mo ba kong tumino?" nakangiti niyang tanong. Ano na naman kayang iniisip nito?
"Yes, I want this document to be approve. I hope makicooperate ka."
Mas lalo pang lumapad ang ngiti niya.
"Then, let's date after this."
"What?"
"Let's date."
"Whatever. Hindi ko alam kung anong trip mo pero 'wag mo kong idamay. This is also my grade."
"Ayaw mo ba talaga sa'kin?" naramdaman ko ang lungkot sa tanong niya. Pero hindi ko 'yon pinansin. He's a playboy. I should always remember that.
"Please. Gumawa na tayo ng report." sabi ko sa mahinahon na boses.
Hindi ko na ulit siya narinig na nagsalita nang sabihin ko 'yon. Tinutulungan na rin niya ko sa report.
At ngayon, ipapasa ko na ang report namin. Kaya naman masaya na ko dahil maayos din ang kinalabasan nito. Nakailang check na ako kaya sigurado naman na kong approve na 'to. If he just cooperate in the first time we did the document. Hindi na sana kami umulit. Matalino naman pala siya. Ayaw niya lang tumulong minsan talaga.
Nang nasa school na ko ay nagkita kami dahil magpapaprint na kami. Hindi ko pa kasi napapalitan yung printer kong nasira na.
Kinuha ko na ang flashdrive niya para ipasa ang file. Kaya lang, hindi nagbubukas ang laptop ko.
Seryosong-seryoso kong inuulit ang pagpindot sa power button ng laptop ko. Pero wala pa rin nangyayari.
"Hala, Shin! Hindi nagbubukas yung laptop ko." nag-aalalang sabi ko.
"Baka naman low battery lang. Icharge mo."
"No, full charge 'to. I checked it earlier."
"Subukan mo pa ring icharge tapos saka mo ulit buksan." cold niyang sabi. Pero hindi ko na din pinansin dahil mas malaki ang problema ko ngayon.
Sinubukan ko naman ang sinabi niya pero walang pagbabago. Hindi talaga gumagana.
Naiiyak na tuloy ako.
"Tingnan ko nga." umalis ako sa pwesto ko para matingnan niya ang laptop.
"See. Walang nangyayari. Paano na ‘to?” umiiyak kong sabi dahil sa sobrang pag-aalala. Ayokong madisappoint din sa’kin sila mom. Hindi na nga ako maasahan sa business namin.
"What the? 'Wag kang umiyak. Ako na ang bahala."
"Anong gagawin mo? Wala na tayong magagawa. Kapag pinaayos ngayon 'yan baka bukas pa maretrieve yung file."
Hindi ko alam kung anong gagawin niya. Pero wala na kong makitang pag-asa. Nakiusap siya sa professor namin na bigyan kami hanggang 6pm para maipasa ang document.
Pagkatapos ng klase ko sa lahat ng subjects ay hinanap ko si Shin. Pero hindi ko na siya nakita. Mukhang sumuko na rin siya. Bukas na lang ako mag-eexplain sa professor namin. Sana bigyan pa kami ng chance.
Nang pumasok ulit ako ay dumiretso na ko sa professor namin para mag-explain. Pumasok talaga ko ng maaga para lang makipag-usap.
"Yung tungkol po sa document namin. Ano po kasi..." halos hindi ko maituloy ang sinasabi ko dahil sa pag-aalalang hindi na kami mabigyan ng chance.
"Ahh 'yon ba. Naku napakaganda ng report na ginawa niyo kaya naman pwede na kayong magpresent next week. Magready na kayo." nakangiting sabi ng professor namin.
"Really?" hindi makapaniwala kong sabi.
"Yes, akala ko nga hindi kayo aabot. Pero pinuntahan ako ni Mr. Dela Vista sa bahay para lang ipasa ang document niyo bago matapos ang araw kahapon. I heard na nagkaroon ng problema sa pagretrieve ng file."
Matapos kong marinig ang mga sinabi ng professor, naguilty ako sa pagtratong ginawa ko kay Shin. Hindi naman pala siya gano'n kasama gaya ng ibang lalaki sa school.
Hinanap ko siya sa school pero sabi din ng ibang kaklase niya, hindi siya pumasok. Bakit kaya? Nagkasakit kaya siya?
Magclassmate lang kasi kami sa ibang subject, hindi kasi kami pareho ng course.
Hanggang sa matapos ang buong week. Hindi ko pa rin nakikita si Shin. Ang alam ko, hindi pa rin siya pumapasok.
Nang makita ko ulit si Shin na pumasok, parang nagliwanag ang araw ko. Kailangan kong magsorry sa kanya. Saka kailangan ko rin palang mag-thank you dahil ginawa niya 'yong report namin. Ang talino niya para gumawa ulit ng report. Inulit niya lahat ng ginawa ko."Shin!" tawag ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin kahit nakita naman niya ko.Hindi niya ba narinig na siya 'yong tinatawag ko? Sa bagay, kung iisipin nga naman. Parang hindi 'yon mangyayari dahil sa ang sama ng attitude ko sa kanya."Shin. Bakit di ka pumasok last week?" tanong ko pero nakasubsob pa rin siya sa braso niya na nasa desk. I don't know kung nakatulog siya. Pero kakapasok lang namin ng room ah?"Shin! Sabay tayong kumain sa cafeteria." aya ko ng makalapit ako sa kanya. Lunch time na kasi namin ngayon."Oy! Hello? Hindi mo ba ko naririnig?"
Kasalukuyan kaming kumakain ni Shin pero hindi ko maiwasang tingnan siya ng may tanong sa aking isip. Hindi niya kasi ako inaasar ngayon. Kaya iniisip ko kung may nangyari ba."Bakit ganyan kang makatingin sa'kin? May gusto ka pa bang ibang pagkain?""I'm full. Kakaiba lang kasi ang kilos mo ngayon."Natawa siya sa sinabi ko bago ulit nagsalita."You're just being paranoid.""Hindi noh. Saka may sakit ka na pala, bakit lumabas ka pa ng bahay niyo?" tanong ko. Nabanggit kasi niya na medyo masama daw ang pakiramdam niya kaya hindi siya nakapasok sa klase. Pero hindi naman daw malala. Sa tingin ko nga mas maganda na ang pakiramdam niya ngayon, kumpara ng sinundo niya ko sa school kanina. Baka nga siguro nagugutom lang siya.Sandali siyang nag-isip, pero hindi na din niya naituloy ang sasabihin d
Hindi ko magawang lumabas ng kwarto ko matapos kong makita ang nangyari sa aking mga magulang. Dahil sa dami ng galit na tao sa nangyaring insidente sa aming kumpanya. Hindi ko na din pinatagal ang funeral nila mom and dad. Ayokong hanggang sa ganitong pangyayari ay makita ko pang nagagalit ang tao sa kanila. Hindi ko kakayanin na marinig ang kahit anong sasabihin nila sa aking mga magulang.Nakatingin ako sa puntod nila mom and dad. Napakabilis ng pangyayari. Hindi ko inaasahan na ngayon, wala na sila. Mag-isa na lang ako. At hindi ko din alam kung paano pa ako mabubuhay."Mom, dad. I miss you so much."Hindi ko pa rin maiwang mapaluha habang nababasa ko ang pangalan nila sa lapida."I'm sorry. Wala po akong nagawa para pigilan na mangyari 'to. I'm still weak for this. Hindi ko alam kung bakit ako ang napili na bigyan ng ganitong sitwasyon."
Ngayon ay nasa bahay na ko ni Mr. Edgar. Hindi ako makapaniwala na kukunin ko din ang tulong na inaalok niya. Actually, I usually do everything on my own. Ayoko kasing nakakaabala ako sa mga tao. But this time, I know that I can't fix it alone. Maybe I can be just a good girl to him like his own daughter or granddaughter."Go to your room now. Pinahanda ko na 'yon." sabi ni Mr. Edgar ng makarating kami sa living room.Gaya nga ng inaasahan ko, napakalawak ng mansyon na tinitirhan niya. Medyo nahihiya tuloy akong gumalaw dahil naiisip ko na parang ginagamit ko ang yaman ni Mr. Edgar para masolusyonan ang problema ko. Pero utang lang naman 'to. Babayaran ko naman ang lahat ng magagastos niya sa tulong na 'to."Thank you po for your help." sabi ko nang makita ko na ang maid na dumating para ituro kung saan ang kwarto ko."It's too early to say that, Mira."
Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko alam kung dapat pa ba kong magalit ngayon dahil sa pinalagpas ko naman na ang nangyari."Akala ko naman nalimutan mo na ko agad eh." natatawa niyang sabi."Kung akala mong natuwa ako sa ginawa mo. Hindi." sabi ko. Siya 'yong humalik sa'kin. Hindi ako makapaniwalang ang lakas ng loob niyang lapitan ako pagkatapos ng ginawa niya.Tawa pa rin siya ng tawa. Napaka-feeling close niya sa'kin."Bahala ka na dyan sa buhay mo. Madami pa kong gagawin." pagputol ko sa usapan namin dahil nasasayang lang ang oras ko."Ooops. Wait lang."Tumigil ako sa paglalakad at tamad na tumingin sa kanya."You're a rich guy kaya siguro wala kang magawa. Hindi mo ko kagaya. Kaya maghiwalay na tayo ng landas. Okay?"Tumalikod na ulit ako
Umaga na at halos hindi ko alam kung paano ako haharap kay Mr. Edgar matapos lahat ng nakita ko kagabi.Kanina pa ko sumisilip sa labas kung may tao na ba, pagkatapos hihiga lang din ako ulit sa kama.Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya, pero hindi pa rin magandang dahilan ang kahit ano para pumatay ka ng isang tao.Narinig kong may kumatok sa aking kwarto habang nakahiga at nag-iisip ako sa kama. Hindi ko nagawang lapitan yo'n o sumagot man lang para magtanong.Nakailang katok sa aking pinto hanggang sa may nagsalita na rin."Mira, ayos ka lang ba? Gising ka na ba?"Kinilabutan ako ng malaman kong si Mr. Edgar ang kumakatok. Naiisip ko, paano na lang kung magalit siya sa'kin at bigla niya kong patayin?Saka paano kapag nalaman niyang nakita ko lahat ng nangyari kagabi?Maya-maya lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa a
Hindi ko alam kung paano ko gagawin ang humarap sa taong nakahuli sa'kin sa pag-alis ko. Alam kong pwede akong mamatay ngayong oras na 'to."Hindi ko gustong mamatay, kaya nga ako aalis.""Katapusan na ng buhay mo sa oras na lumabas ka sa pinto na yan.""Bakit? Kapag nag-stay ako dito. Sigurado kong papatayin niyo rin ako.""Hindi ka niya papatayin. Hindi mo ba nakikita 'yon?"This time, tumingin na ko sa kanya."Alam kong papatayin niya ko. Bakit ba nagsisinungalin ka pa sa'kin? Nakita ko lahat, alam kong alam mo 'yon.""Mahalaga ka sa kanya, kung may dahilan man siya para patayin ka. Iyon ay kung iiwan mo siya."Saglit akong natawa sa sinabi niya."Wala siyang awa. Kaya bakit ako maniniw
Nasa puntod ako ngayon nila mom at dad. Mabigat ang pakiramdam ko dahil sa kalagayan ko ngayon. Ang hirap kapag dumadating ka sa punto na gusto mo ng umalis sa isang sitwasyon pero hindi mo pa magagawa. Isa sa pinaka-hindi ko gustong bagay ay 'yong wala akong magawa para sa sitwasyon ko kapag nahihirapan na ko. Lahat naman ng tao pangarap na mabuhay ng tahimik at masaya. Kaya kapag sobra ng nahihirapan sa isang bagay, okey lang din kung bitawan mo na kapag sinubukan mo naman ng buong lakas mo pero hindi mo talaga kaya."Mom, dad. Hindi ko po akalain na malakas din pala ako tulad niyo. Kasi sa kabila ng lahat, ito pa rin po ako at hindi sumusuko. Wala po kayong dapat alalahanin sa'kin, kaya ko na po ngayon ang sarili ko."Ngumiti ako matapos kong sabihin 'yon.Ano kayang naghihintay sa mga susunod na buwan? Magiging masaya pa kaya ako kagaya ng panahong kasama ko sila mom and dad?