LOGINA story about the girl who wants to escape from her life. She wants to find peace and forget everything that happened to her. In the new life and world that she's trying to build, she will meet a man who will make her feel so loved. But her past will chase her back to the nightmare she don't want to remember.
View MoreKAHANGA HANGA kung paano nilikha ang bawat makukulay na puno't mga halaman sa mundong ito. Paano nalaman ng dakilang Ama na ang rosas ay magiging perpekto kung ito ay magiging kulay pula? Na ang sunflower ay pinakamaganda kung dilaw at ang tulips ay maaaring maging kaakit-akit sa kulay puti at rosas?
Iba't ibang mga uri ng mga bulaklak ang araw araw kong nakikita sa tuwing dadaan sa dangwa papasok ng trabaho. Hindi ko mapigilan ang ngumiti habang kinikilatis ang kagandahan ng mga iyon. Ilang buwan na akong nagtatrabaho sa flower shop ngunit hindi pa din ako matigil sa paghanga sa mga bulaklak na nadadaanan ko.
"Elle! Ang aga mo, ah!"
"Magandang umaga po, aling Jen!" bati ko sa ginang na nagmamay-ari ng flower shop kung saan ako nagtatrabaho.
Sa labas pa lang ng shop ay busy na si aling Jen habang ang dalawang tauhang lalaki ay nagkakarga ng mga malalaking vase ng Aubretia sa isang truck.
"Mukhang madami po kayong idedeliver ngayon," puna ko habang nakabaling ang tingin sa mga bulaklak ng Aubretia.
"Oo, hija! Kailangan ng ating mayor sa barangay ang mga iyan para sa opening ng bago nilang clinic doon."
"Mabuti po pala at sa atin lumapit ang Mayor. Madami rin siyang biniling Aubretia!"
Tuwang tuwa na tumango si Aling Jen, "Mabuti nga iyon! Malaki ang kita natin ngayong araw."
Ngumiti ako. Bakas sa mukha ni Aling Jen ang kasiyahan. Noong mga nakaraang araw kasi ay matumal ang benta ng mga bulaklak. Maayos naman ang pasahod niya sa akin at sasapat sa mga kakailanganin ni Lyka sa araw araw pero pakiramdam ko ay lugi siya dahil may mga araw na wala talaga kaming benta.
Pumasok ako sa loob ng shop. Amoy ko kaagad ang mabangong mga bulaklak na naroon. Kagaya ng normal kong ginagawa ay inoobserbahan ko ang bawat bulaklak na nakadisplay sa magkabilaang gilid ng shop. Sinisigurado ko na walang lanta at sira.
Minsan ako din ang bumubuo ng mga bouquet. Hinayaan ako ni aling Jen na gawin iyon dahil gusto rin niya ang pagdidisenyo ko.
Kumuha ako ng pandilig na tubig at binasa ang mga paso ng sunflower at rosas.
"Naku, uulan pa yata ng malakas mamaya..." ani aling Jen nang makapasok ito sa shop, nakalingon sa bandang labas kung saan kita ang madilim na kalangitan.
"May bagyo po bang darating?"
Tumango ang ginang. Tinali niya ang kanyang kulot na buhok at inayos ang suot na apron.
"Naku, Elle! Ayon nga daw sa balita ay matindi ang papasok na bagyo. Mabuti na lang at nakabenta na tayo ng malaki ngayong araw. Sapat na iyon kung sakaling walang bumisita dito at bumili dahil sa mga susunod na pag-ulan."
Suminghap ako at binaba ang pandilig ng mga bulaklak. Inabutan ako ng kaba sa mga sinabi ni aling Jen.
Huwag naman sana ngayon kung kailan malapit na ang pag-aani ng palay. Naisip ko ang magiging problema kung hahagupitin nga ng bagyo ang aming palayan.
"Huwag naman po sana gano'n ang mangyari..." tanging nasabi ko, kabado.
Nag-aalala ako sa aming palayan. Halos ilang buwang inalagaan ni nanay at tatay ang mga pananim para malaki ang maiangkat sa market kapag nagsimula na ang panahon ng pag-aani.
Inaabot ng tatlo, apat na buwan o higit pa bago ma-ani ang mga palay. Sa loob ng ilang buwan, madalas ang pananalangin ng mga magulang ko na sana walang mga peste, daga o anumang bagyo ang dumating dahil kung mayroon man ay masisira ang inaasahan naming kabuhayan.
Ilang beses akong nanalangin na sana ay hindi matindi ang bagyong darating o sana sapat na ang mga buwan at kasalukuyan ng nagpapa-ani ang tatay ng mga palay.
°°°°
KATANGHALIAN nang nakatanggap pa kami ng ilang bisita. Ang isang lalaki ay bumili ng isang bouquet ng pulang rosas. Ang mag-asawa nama'y bumili ng basket ng puting rosas na hula ko ay para sa kanilang minamahal na namayapa na.
"Aba! Sobra sobra na ang naibenta natin ngayong araw, ah!" wika ni aling Jen habang nagpapaypay ng sarili, nakaupo sa counter at nanonood ng telebisyon.
Ngumiti ako. Inayos ko ang mga bouquet ng sunflowers na pinamilian ng customer naming lalaki kanina.
"Magpapasukan na, Elle. Wala ka pa bang planong mag-enroll? Aba't nagkakaedad ka na. Sayang ang kolehiyo," wika ni aling Jen.
Nilingon ko siya. Huminga ako nang malalim at nilagay sa likod ang aking mga kamay.
"Hindi pa po kaya kung magsasabay kami ni Lyka. Pagtatapusin ko po muna siya ng senior highschool pagkatapos ay saka ako mag-eenroll sa kolehiyo."
"Naku! Sayang lang kasi, hija! Bente singko ka na. Sana ay kung inuna mo muna ang sarili mo ay nakahanap ka na ng magandang trabaho sa Maynila," aniya.
Ngumiwi ako sa huli niyang sinabi. Sa tuwing maiisip ko na aalis ako ng baryo at iiwan ang pamilya ko dito sa Sta. Barbara ay nalulungkot ako. Isa pa, mahina ang loob ko sa mga gano'n. Mas gusto ko pang magtrabaho dito sa Iloilo kaysa ang lumayo.
"Maayos pa naman po ang pasahod niyo sa akin, aling Jen!" biro ko sa ginang.
Tumawa ito at napailing na lamang.
Pareho kaming napalingon sa labas nang biglang kumulog ng malakas. Hindi tulad ng kanina, mas madilim na ang kalangitan ngayon at halos kitang kita ang sunod sunod na pagkidlat.
"Diyos ko! Nariyan na ang matinding bagyo!" bulalas ni aling Jen.
Kinabahan naman ako. Kung kanina ay napipigilan ko pa, ngayon ay halos kainin na ako ng takot. Lumunok ako't pilit na kinalma ang dibdib.
Hindi iyan, Elle! Magtiwala ka sa dakilang Ama. Hindi Niya pababayaan ang palayan ninyo...
Nanalangin ako at kumapit sa pananampalataya ko ngunit iba ang nangyari.
Sa mismong araw na iyon ay nagkaroon ng delubyo sa Sta. Barbara. Malakas na hagupit ng ulan na may kasamang mga tipak ng yelo... malalaking kidlat at maiingay na pagkulog... mararahas na hanging halos makalikha ng ipo-ipo... ang pagtumba ng mga masisiglang puno... ang pagkasira ng mga makukulay na bulaklak, at ang pagbagsak ng iilang bahay.
Nakita ko ang sarili kong umiiyak habang binabasa ng malakas na ulan, hindi na inalintana ang mga tipak na yelong nagbabagsakan. Marami ang hiyawan sa mga nadaraanan ko dahil sa paglipad ng iilang mga bubong.
Anong nangyayari?
Nagmadali akong tumakbo pauwi sa amin, nag-aalala sa kalagayan ng mga magulang at kapatid ko, pati ng aming palayan.
Kita ko kung paano patumbahin ng malaking kidlat ang puno ng mangga na malapit sa amin. Tinakpan ko ang aking mga tainga at nagpatuloy sa pagtakbo.
Paglagpas ng burol ay nakita ko ang kalakihan ng aming palayan... Patay na ang mga pananim sa hagupit ng bagyo... At ang tatay ko na nakaluhod habang humahagulgol ng iyak.
"Tay!" tawag ko sa kanya, umiiyak.
Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya. Napaluhod ako't nakita ang miserableng mukha ng aking ama.
"Tay, bakit kayo narito?! Doon tayo sa loob!"
Humagulgol ang tatay. Tila nawawarak ang puso ko sa nakikita. Ang masiyahing mukha ng aking ama ay nawala nang tuluyan.
"Ang palayan ko!" hagulgol ni tatay habang hinang-hina sa gitna ng aming lupain.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Umiiyak kong inikot ng tingin ang buong palayan. Napayuko ako at dinampot ang nasirang mga tanim ng palay sa aking paanan. Walang buhay... Basa't kawawa...
"Tay, pumasok na tayo sa bahay! Please po... A-ang lakas ng ulan! Mamaya't magkaipo-ipo pa!"
"Paano ang pag-aaral niyo ng kapatid mo? Sinira ng lintek na bagyong ito!"
Nabasag ang kalooban ko. Hindi ko kayang makita na ganitong kawasak ang tatay.
Nanalangin naman ako nang maayos. Sumampalataya naman ako nang lubos. Bakit kailangang mangyari nito, dakilang Ama?
"Tay! Ate Elle!"
Patakbong lumapit sa amin ang nakababata kong kapatid na si Lyka. Dala ang malaking payong ay dinaluhan niya kami.
Patuloy sa paghagulgol ang tatay. Nag-angat ako ng tingin kay Lyka. Sunod sunod ang pagpatak ng kanyang mga luha, sawi rin sa nangyari sa aming bukirin.
"P-paano na tayo ngayon, Ate Elle?" nanghihinang tanong sa akin ni Lyka habang itinatayo namin ang nanghihinang si tatay.
Nagpunas ako ng mga luha. Pinagmasdan ko ang aking ama na nanghihina dahil sa nangyari. Ni minsan ay hindi ko siya nakitang ganito. Ang isang Faustus Saavedra ay hindi kailanmang nanghina ng gaya nito.
"Maghahanap ako ng tulong..." sabi ko, binubuo ang nasirang determinasyon alang alang kay tatay.
"Kanino naman, ate?" umiiyak na tanong niya sa akin.
"Basta! Gagawa ako ng paraan, Lyka. Makakabangon tayo sa delubyong ito! Pangako 'yan..."
Warren POV "What are you doing here?"I sighed before I answered him. "I want to apologize about how I act in our family dinner." Umikot ang swivel chair niya paharap sa'kin. I always remembered his angry face, I can't remembered now how he smiled when he tried to approach me when I was a kid. I always get annoyed everytime I see him. I can't accept the fact that my mom fell inlove with him. Wala pang isang taon ng namatay si dad. Hindi ko kayang tanggapin 'yon. Bata pa lang ako no'n. Pero sa isip ko noon ay hindi pa dapat mag-asawa si mom. Then after they got married. Nalaman kong nabuntis pala si mom kaya nagpakasal. Kaya mabilis ang lahat. Mas lalo lang akong nagalit ng malaman ko 'yon. Hindi ako makapaniwala na magagawa 'yon ni mom. Because of my anger I didn't even bother to ask her reason about what happened. When my mom got
Pagkagising ko ng umaga ay naramdaman ko na agad ang mabigat na braso ni Ren na nakayakap sa aking katawan. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyari sa'min kagabi. Napangiti ako sabay napahawak sa aking labi ng maalala ko kung paano niya ako hinalikan.Gumalaw ako para humarap sa kanya. Medyo gumalaw siya ng kaunti pero nakapikit pa rin ang kanyang mata.Dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang kilay papunta sa kanyang magandang ilong at pababa sa kanyang labi."Gising ka na?"bigla niyang imik sabay niyakap ako ng mahigpit kaya lalo akong napalapit sa kanya. Medyo nakatingala ako para makita kong mabuti ang kanyang mukha."Good morning."bati ko sa kanya kahit na nakapikit pa rin ang mata niya. Inilapit niya ang ilong niya sa ilong ko at bahagyang gumalaw."Good morning... I'm still tired."
Lalaine POV May family dinner ngayon sa lugar ng Dela Vista, para ito sa paglabas ng ospital ni tita dahil ngayon ay maayos na ang kalagayan niya. "Kailangan ko ba talagang sumama?"tanong ko kay Ren kahit na alam ko naman talagang kailangan kong sumama dahil hindi na rin naman iba sa'kin si tita. She's also Ren's mother. "Don't you want to go with me?"seryoso niyang tanong ng may halong lungkot. Bakit ba ako dinadala ng lalaking 'to sa ganyan niyang hitsura? Para bang hindi ko gustong makita ang guwapo niyang mukha na maging malungkot. Napakaamo ng mukha niya, imagine paano pa kaya kung nagpapaawa o nagpapacute siya 'di ba? Napatingin lang ako sa kanya, parang pakiramdam ko ngayon ay nakatingin ako sa crush ko. Akala mo akong bumabalik sa pagka-teenager. Napakaguwapo at cute niya at the same time. Seriously, paano niya nagagawa 'yon? &nb
Madalas akong busy nitong mga nakaraang araw dahil sa pinag-aaralan kong mabuti ang gagawin naming business ni Hazel. Sinisigurado ko rin na hindi namin pagsisisihan iyon. Dahil sa nag-aral naman ako tungkol sa business in America. I need to use what I learned now.This time, mas magiging challenge ito sa'kin, konting pagkakamali lang namin sa ipaplano ay siguradong masasayang ang pinaghatian namin ni Hazel dito. Isinugal ko ang perang naipon ko para sa business naming dalawa. Gusto ko rin naman gumawa ng bagay para sa'kin na hindi ko kakailanganin ang tulong ni Ren. Ang totoo, gusto ko siyang isorpresa. Alam ko din kasing mag-iinsist siya sa'kin na tumulong kaya naman minabuti ko ng hindi muna sa kanya sabihin.Ang isip ko ay madalas pagod dahil sa pagreresearch. Minabuti ko na din na ako ang mas trumabaho sa business namin ni Hazel, alam ko kasing madami siyang ginagawa sa company nila ngayon. At ayon sa karanasan ko, I'm aware na nahihira
Kahit na nasa kotse na kami ay kitang-kita ko pa ang nakabusangot na mukha ni Ren."Ano ba 'yang mukha na 'yan?"natatawa kong sabi. Bumaling ang tingin niya sa'kin. Hindi pa naman niya pinapaandar ang kotse."Sabihin mo nga sa'k
Hazel POV"Sisiguraduhin kong isasama ko 'yang si Warren sa babaeng 'yon kapag nalaman kong ginagago niya ang kapatid ko." narinig kong sabi ni kuya Steven. Ano na naman kaya ang pinagsasasabi ni kuya? Sinong babae naman?"Kuya?"&
Dahil sa lumalim na din ang gabi ay kinabukasan na kami nakalabas ng tree house."Halika na." aya niya sa'kin. Umayos na siya para sapuhin ako dahil medyo mataas pa din ang last step ng hagdan pababa ng tree house."Wait lang kasi."
Lalaine POV Sumasakit ang ulo ko pagkatapos kong mabasa ang schedule ko for this week. Everything is fine for me especially when it will help the business. But this time, kung pwede ko na lang bawiin ang lahat ng pinagkasunduan sa documents ay ginawa ko na. Dala ng inis na












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.