Share

Chapter 31

Mabilis kong hinawakan ang binti ni Steven para pigilan siyang maglakad.

"Please, 'wag niyong idamay si Ren dito. Wala siyang kasalanan." pagmamakaawa ko kay Steven. Pero ano nga bang aasahan ko? Kung kanina ay wala na silang konsensya, paano pa kaya ngayong wala sila sa sarili nila?

"Lalaine?" narinig kong palapit na ng palapit ang boses ni Ren.

"Man, you're here. I'm glad that your memories with us are back now." Namilog ang mata ko ng tumatawa pa si Ren nang akbayan siya ni Steven. Naglalakad na sila palapit sa'kin. Lumipat ang mga mata niya sa'kin at hindi man lang siya nagulat ng makita ang kalagayan ko. What's happening?

"How are you Lalaine?" tanong niya habang nakangisi at hinawakan ang sugat ko sa gilid ng lower lip ko. Mukhang nakuha ko iyon sa malakas na pagsampal sa'kin ni Geoff kanina.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status