Share

Chapter 6

Ngayon ay nasa bahay na ko ni Mr. Edgar. Hindi ako makapaniwala na kukunin ko din ang tulong na inaalok niya. Actually, I usually do everything on my own. Ayoko kasing nakakaabala ako sa mga tao. But this time, I know that I can't fix it alone. Maybe I can be just a good girl to him like his own daughter or granddaughter.

"Go to your room now. Pinahanda ko na 'yon." sabi ni Mr. Edgar ng makarating kami sa living room.

Gaya nga ng inaasahan ko, napakalawak ng mansyon na tinitirhan niya. Medyo nahihiya tuloy akong gumalaw dahil naiisip ko na parang ginagamit ko ang yaman ni Mr. Edgar para masolusyonan ang problema ko. Pero utang lang naman 'to. Babayaran ko naman ang lahat ng magagastos niya sa tulong na 'to.

"Thank you po for your help." sabi ko nang makita ko na ang maid na dumating para ituro kung saan ang kwarto ko.

"It's too early to say that, Mira." ngumiti siya. At ako naman ay ngumiti na lang din.

"Good night." dagdag pa niya at sumunod naman na ako sa maid dahil medyo hindi ko alam kung paano ako sasagot sa sinabi niya.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay hindi ko akalain na 'yong lawak ng kwarto na ibibigay sa'kin ay parang master's bedroom.

Humiga na ako agad dahil halos pagod ang isip ko sa kakaisip sa mga susunod kong gawin para matapos na ang problema ko.

Kinaumagahan ay nakahanda na agad ang breakfast ng magising ako. Namangha ako at nagtaka dahil sa dami ng pagkain. May maids naman din kami at hindi makakailang marangya ang buhay ko no'ng nabubuhay pa sila mom and dad. Pero hindi kami madaming maghanda sa kapag kumakain kami. Bigla ko tuloy naisip na mukhang bata pa lang si Mr. Edgar ay sanay na sa marangyang buhay.

"Good morning, Mira. Maupo ka na." bati niya ng makita niya ko.

"Good morning din po." bati ko pabalik at binigyan lang siya ng tipid na ngiti. Pagkatapos ay umupo na din ako.

Naramdaman kong sinusundan niya ako ng tingin.

"Mukhang madami po tayong magbebreakfast." imik ko dahil bigla akong nailang sa mga tingin niya.

Tila nagising naman siya sa pagtingin sa'kin nang umimik ako, kaya umayos na siya ng upo.

"Wala akong ibang kasama sa bahay. Tayo lang ang kakain ng breakfast." he smiled again.

Hindi ko maiwasang hindi mailang sa mga ngiti niya. Siguro ay hindi lang talaga ko sanay na nasa ibang bahay ako o humihingi ng tulong sa ibang tao.

"Feel at home, Mira. Just be comfortable with me, okay?"

I just nod and then I start eating my breakfast. Mukhang kailangan ko lang turuan 'yong sarili kong masanay sa presensya ni Mr. Edgar.

"Anyway, I'll have a meeting with the people in your company later. I'll give them a good offer. So I doubt that they will reject my proposal." he said while having breakfast.

"Talaga po? Para po ba to sa pagbabalik sa lahat ng nasira sa company?" masaya kong tanong.

He hold my hand.

"Ofcourse. I know na mahalaga ang company sa inyo ng family mo." he answered while smiling again.

I still find his smile uncomfortable for the unknown reason.

"Thank you po." I smiled happily and then I look at his hand.

Agad naman niyang inalis 'yon ng mapansin niya ang tingin ko.

"I'm sorry. Medyo masaya lang ako." sagot niya at uminom na sa kanyang tasa.

Nang makaalis na si Mr. Edgar para magpunta sa meeting niya ay napatingin lang ako sa card na iniwan niya sa'kin. He said that I can go shopping and then he will handle everything in our company. Hindi ko alam kung paano niya 'yon aayusin pero malaking pasasalamat talaga sa'kin ang pagtulong niya.

Naisip kong maghanap ng trabaho para naman may panggastos ako bago pa ko makaahon sa buhay ko ngayon ay kailangan ko munang mag-ipon. Una sa lahat, plano kong kayanin na makapag-rent ng sarili kong bahay para hindi ako umasa sa ibang tao.

At ang mga susunod, gaya ng pagbabayad ng utang ko kay Mr. Edgar ay kailangan kong pagplanuhan. Mahahanap ko naman siguro kung para saan ako di ba? Baka mahanap ko din 'yong talent ko para naman maging proud sa'kin sila mom and dad.

Bigla akong nalungkot ng maisip ko muli ang parents ko. I miss them very much.

Halos maghapon ay wala akong ginawa kun'di maghanap ng trabaho. Nagamit ko naman din ang ipon ko para sa pambili ng pagkain kapag gutom ako.

Matapos akong hindi matanggap sa huli kong inapplyan ay umupo muna ako sa bench. Pawis na pawis din ako dahl sa init. Napunta sa paligid ang atensyon ko habang ipinapaypay ko ang folder sa'kin.

I saw the happy people with their loved ones.

Sana pwede ko pang magawa 'yon kung nandito sila mom and dad.

Nang maramdaman kong nalulungkot na naman ako ay agad na kong tumayo para umuwi na.

Paalis na sana ako pero biglang may humawak sa braso ko at hinila ako palapit sa kanya. Sobrang bilis ng pangyayari, naramdaman kong nakapalupot na ang isa niyang braso sa'kin at ang isa namang kamay ay nasa ulo ko dahil pinilit niya kong mahalikan siya.

Halos hindi na ko makahinga sa halik niya. Sinubukan kong kumawala pero masyado siyang malakas.

Maya-maya lang matapos kong marinig ang sigaw ng isang babae ay binitawan na ako ng lalaki. Balak ko pa sana siyang sugurin dahil tumalikod na siya sa'kin matapos 'yon.

Agad akong napatakip sa'king bibig at gulat na gulat ng mabuhusan ng juice ang lalaki ng isang babae. Pagkatapos pa no'n ay sinampal siya ng malakas. Hindi ko makita ang expression ng lalaki pero I can't believe na nangyayari pala talaga 'yon sa tunay na buhay.

Masamang tumingin sa'kin ang babae bago umalis.

Nang makaalis na ang babaeng 'yon ay do'n lang ako nagising sa ginawa ng lalaki na 'yon. Gusto ko pa sanang magreklamo sa kanya dahil sa ginawa niya. Pero naisip ko na baka tulad ko, napilitan lang siyang gawin ang isang bagay na hindi naman niya gusto.

'

Nagsimula na kong umalis at kinalimutan na lang ang halik na ginawa niya.

Hindi naman sa wala lang sa'kin ang ginawa niya, pero sa sitwasyon ko kasi ngayon. Hindi ko na kayang magdagdag pa kahit na maliliit lang na problema.

Agad na sumalubong sa'kin ang galit na si Mr. Edgar ng makita ako.

"Saan ka nanggaling Mira?" nag-aalala niyang tanong.

"Naghanap po ako ng trabaho." sagot ko sabay ngiti at taas ng kamay na may ng folder.

Bumuntong-hininga siya at yumakap sa'kin.

"Akala ko umalis ka na." malungkot niyang sabi ng niyakap ako.

Tinapik-tapik ko na lang din ang likod niya dahil mukhang napag-alala ko nga siya ng sobra.

Bigla din siyang nagulat dahil sa ginawa niya kaya naman agad siyang umalis sa pagkakayakap.

"I'm sorry. Nag-alala lang talaga ko sayo." sabi niya at agad na pinunasan ang luha sa mga mata.

Bigla tuloy akong kinabahan dahil sa naging reaskyon niya. Mukhang dapat inintindi ko din na concern sa'kin si Mr. Edgar.

"Naiintidihan ko naman po. Don't worry, magpapaalam na po ako sa susunod." I said.

"I'm sure you're tired and hungry. The dinner is ready." nakangiti niyang sabi.

"Kumain na po ako Mr. Edgar. Kasi nagutom ako after no'ng last interview." sagot ko. Kahit ang totoo, kumain lang ako ng snack.

Gusto ko na din kasing magpahinga sa sobrang pagod.

"Oh okay. Sige magpahinga ka na." malumanay niyang sagot.

"Good night po." sabi ko bago magtungo sa kwarto.

Diretso sa kama ako ng makapasok sa kwarto at hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog.

Nang mag-umaga ay napag-usapan na namin ni Mr. Edgar ang tungkol sa paghahanap ko ng trabaho. Naramdaman ko naman na gusto na niyang pag-usapan 'yon kagabi pa pero naisip niya sigurong pagod ako.

"Mira, you are welcome to have a job in my business. I'll hire you if you want."

"Madami na po kayong natulong sa pamilya ko Mr. Edgar. I hope you understand why I want to find a job on my own." sagot ko. Kasi gusto kong makahanap ng trabaho ngayon ng hindi umaasa kay Mr. Edgar. Ayokong abusuhin ang kabaitan niya sa'kin.

"Please trust me. I can handle this." dagdag ko pa ng makita kong mukhang ayaw niya akong payagan na mag-apply sa iba ng trabaho.

"Okay, okay. Basta siguraduhin mo lang na uuwi ka bago na mag-gabi. And you can call Lester to fetch you or if you need something."

"Thank you. Yes, I'll call him if I need some help." masaya kong sagot.

Nasa park na ako ngayon at nagchecheck sa phone ko ng iba pang hiring post. Dahil do'n sa dalawa kong pinuntahan, meron na daw silang nahanap na worker.

Kasalukuyan akong kumakain ng burger hanggang sa biglang may kumagat sa pagkain ko kaya naman napatingin ako sa taong 'yon.

Nakaangat na kasi ang kamay ko kasi kakagat na ako sa burger.

"Hoy!" sigaw ko pero nakangiti lang siya.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukha naman siyang mayaman. Branded ang mga suot niya based in my experience na mahilig magshopping.

Nakangiti lang siya ng makita niyang nainis ako sa ginawa niya.

Hindi kaya may sakit 'to sa isip?

Inalis ko na lang ang atensyon ko sa kanya at ibinalik ang tingin ko sa aking phone para magbrowse. Time is gold, Mira.

"Naghahanap ka pala ng work."

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa imik niya. Nasa tabi ko na pala siya at nakikitingin sa phone ko.

"Oo." maiksi kong sagot at hindi na pinansin pa siya.

Maya-maya ay kinuha niya bigla ang phone ko kaya naman nainis na talaga ko.

"Hey! Do you have a problem to me?" I asked.

Inaabot kong pilit ang phone ko pero tinataas naman niya.

He laughed.

"You're too beautiful to be a poor girl. Mahirap ka ba talaga?" tanong niya muli habang natatawa.

"Why do you care? Amin na yan."

Ano bang problema ng stranger na 'to?

Pilit niya pa din na inilalayo ang kamay niya para hindi ko makuha ang phone.

"What's your problem?!"

Tumigil na ko sa pagkuha ng phone ko matapos kong galit na sabihin 'yon. Sinasayang niya ang oras ko.

"You. You're my problem. Hindi ka na mawawala lalo sa isip ko kapag nagpatuloy kang kumilos ng ganyan." he smirk.

Ano bang sinasabi ng lalaking 'to?

"Do you need anything from me? Eh hindi nga kita kilala."

"Really?" lumapit siya sa'kin. As in sobrang lapit.

"Ayan. Kilala mo na ba ko? Or gusto mong ulitin natin?"

Bigla akong may naalala dahil sa sinabi niya.

"Ikaw?!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status