Share

Chapter 5

Hindi ko magawang lumabas ng kwarto ko matapos kong makita ang nangyari sa aking mga magulang. Dahil sa dami ng galit na tao sa nangyaring insidente sa aming kumpanya. Hindi ko na din pinatagal ang funeral nila mom and dad. Ayokong hanggang sa ganitong pangyayari ay makita ko pang nagagalit ang tao sa kanila. Hindi ko kakayanin na marinig ang kahit anong sasabihin nila sa aking mga magulang.

Nakatingin ako sa puntod nila mom and dad. Napakabilis ng pangyayari. Hindi ko inaasahan na ngayon, wala na sila. Mag-isa na lang ako. At hindi ko din alam kung paano pa ako mabubuhay.

"Mom, dad. I miss you so much."

Hindi ko pa rin maiwang mapaluha habang nababasa ko ang pangalan nila sa lapida.

"I'm sorry. Wala po akong nagawa para pigilan na mangyari 'to. I'm still weak for this. Hindi ko alam kung bakit ako ang napili na bigyan ng ganitong sitwasyon."

"Hindi ka mag-iisa sa problemang ito."

Pinunasan ko na ang aking luha at tumayo para makita ang dumating ng tao.

"Kayo po pala Mr. Edgar. Good morning po." bati ko sa matandang lalaki. Siya ang kaibigan ni dad at mom na nagturo sa'kin kung nasaan silang ospital.

"Gusto kitang tulungan sa lahat ng problema mo Mira." sabi niya.

"Po? Okey lang naman ako. Saka kaya ko naman po siguro 'yon."

Tumawa siya dahil sa sinabi ko.

"Alam ko naman na kaya mong harapin ang problema. Pero alam mo din na may limitasyon ka pa sa ngayon."

Tumingin siya sa puntod nila mom and dad.

"Alam ko din na hindi gusto ni Alfred at Syrra na mahirapan ang kanilang anak."

"Gagawin ko naman po ang lahat para maayos ang gulo na 'to."

"This is not just a simple problem. Mira, hindi mo pa ito kayang mag-isa. Think about it. Madami ngayong utang ang mga magulang mo dahil sa nangyaring insidente. At ang kumpanya niyo ay nawalan ng isang leader. This is too complicated to handle by someone at your age."

"Ano po bang gusto niyong sabihin?" tanong ko.

"Let me help you with this." ngumiti siya. Pero hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa kanya.

"Hindi kita pinipilit na magdesisyon agad. Tawagan mo lang ako kung gusto mo ng tulong ko."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya. Kahit na kaibigan siya ni mom and dad. Hindi ko magawang maging kampante sa mga salita niya.

Nang makauwi ako sa bahay ay nakatanggap din ako ng message tungkol sa pagkuha ng bahay namin bilang pambayad din. 

Napahiga na lang ako at napapikit. Huminga ako ng malalim bago magsimulang mag-isip tungkol sa sitwasyon ko.

Saan na ko ngayon pupunta?

Sino na lang ang lalapitan ko?

Tiningnan ko ang contacts ko. At alam ko naman na wala talaga akong naging kaibigan sa school namin dahil madalas gusto lang nila ko dahil sa status ng pamilya ko sa business.

Nahinto ako ng makita ko ang pangalan ni Shin.

Umupo ako at agad ko siyang tinawagan. Nag-riring na ang phone niya. Pero wala pa din sumasagot.

Inulit ko muling tawagan ang number na 'yon. This time, may sumagot na.

"Shin!" masaya kong tawag sa pangalan niya. Pero wala siyang imik.

"Andyan ka ba ha?" tanong ko pero wala pa ding sumasagot. Gusto ko ng maiyak sa uwa na sumagot siya sa tawag ko. At the same time, gusto kong umiyak dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

"Ang dami ko ng kwento sayo. Bakit hindi ka na nagpapakita sa'kin? Alam mo bang nag-aalala ko sayo?" naiiyak kong sabi.

Wala akong naririnig na boses sa kabilang linya pero nagsalita pa rin ako.

"Hindi ko alam kung ano din ang pinagdadaanan mo ngayon. Pero pwede bang magpakita ka na sa’kin?"

Nagsimula ng tumakas ang mga luha ko sa'king mga mata.

"Hirap na hirap na kasi ako. I need to see you too so I can regain my strength. Ikaw na lang ang meron ako. Sana naman hindi mo ko iwan. “

Hindi pa din siya nagsalita.

"Wala na si mom and dad. I'm so down. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko."

This time, narinig ko ang mabigat na paghinga niya.

"Shin? Bakit hindi ka nagsasalita? Pwede mo naman akong sabihan ng kahit ano kung may problema ka din."

Gusto ko siyang makita ngayon para yakapin.  I miss him and I badly need him to be by my side in this situation.

"Okey ka lang ba?" tanong ko. Pero wala na akong marinig na kahit ano sa kabilang linya.

“Shin?”

Pagkatingin ko ay namatay na pala ang baterya ng phone ko.

Dali-dali kong hinanap ang charger ko. Pagkatapos no'n ay binuksan ko ulit ang phone ko and then I tried to call him again. Pero hindi na siya sumasagot.

Bakit ba ganito? Nasaan ka Shin?

Kinaumagahan, new normal of my daily life is I have a lot of messages in my email. Puro tungkol lang 'yon sa mga napahamak sa nangyari dahil sa sunog.

Dahil may ilan ding namatay sa insidente ay nagagalit sila sa parents ko. They want me to pay them.

Nauubos na nga lahat ang meron kami para lang makabayad sa dami ng utang. Wala na din ang helper namin. Mag-isa na lang ako sa bahay na ito.

Agad kong binuksan ang pintuan ng marinig ko ang pagtunog ng doorbell.

"Ano pong kailangan niyo?"

"Ngayon na po kukunin ang bahay na 'to. Nagsend po kami ng message sa email niyo. Hindi niyo po ba nakita?" sabi ng isang lalaki.

"Huh? Ah oo nakita ko." sagot ko. Tinago ko ang lungkot sa aking mukha.

Mabuti na lang at nakapag-impake na din ako kagabi.

"Pinag-utusan na po kami na linisin ang bahay na 'to. Kaya po kailangan niyo ng umalis dito."

"Ahh sige. Kukunin ko lang yung gamit ko sa taas."

Dali-dali ng pumasok ang ilan sa aming bahay. At ako naman ay dumiretso na sa kwarto ko para kunin na ang ilang gamit ko.

Pagkababa ko ay tinatanggal na ang mga ilang painting at ang malaking picture nila mom and dad. I want to take care of their things. Pero hindi ko din naman alam kung saan ako mapapadpad dala-dala ang mga gamit na 'yon.

Sinong mag-aakala na ang isang katulad ko na halos hindi pinoproblema ang kahit ano, ngayon ay hindi na alam kung saan matutulog.

Ang bilis talaga ng ikot ng kapalaran. Iyong akala mong habang buhay na meron ka, pwedeng kunin sayo sa isang iglap lang.

Meron akong kaunting perang natira dahil nagtatago ako ng ipon ko sa kwarto ko.

Iyon na lang meron ako ngayon. Alam ko din na hindi din kasya ito sa'kin. Kung ibabayad ko ito para makapag-rent ng bahay ay hindi naman ako makakakain.

Umupo ako sa bench ng park at tumingin sa langit.

Ano pong dapat kong gawin ngayon?

Mom, dad. Please guide me.

Maya-maya lang ay tumunog ang phone ko. I received an email again and there are other people that still want to get money from me.

Napatawa ako habang pinipigilan ang mga luhang gusto ng tumulo. How can I suppose to pay them kung ngayon ay wala na akong matutuluyan?

Hindi ko na din alam kung anong nangyari sa aming kumpanya. Nakikita ko lang sa balita na umaalis na ang mga taong nagtatrabaho do'n at puno ng reklamo ang mga investor. Ngayon ay lahat ng sisi mapupunta sa'kin. Dahil ako na lang ang buhay ngayon.

Everything that happened, ako ang kailangang umayos.

Sa park na lang muna ako nagstay. Do'n ako nagpalipas ng oras dahil nakita kong hindi rin gaanong mahal ang mga tindang pagkain do'n kumpara sa mall. Sinubukan ko din ulit tawagan si Shin, pero hindi pa rin siya sumasagot.

Nag-isip-isip ako ng mga bagay na pwede kong gawin habang kumakain ako para maayos ang problema ko. Pero idinadala pa rin ako sa solusyon na hindi ko gusto.

Nang sumasapit na ang gabi. Napaluha na lang ako dahil wala na talaga akong magagawa kun'di tanggapin ang tulong ni Mr. Edgar. Hindi ako komportable sa inaalok niyang tulong. Pero kung gusto kong mailigtas ang sarili ko ngayon. Kailangan kong lumapit sa kanya.

Nagsend ako ng message sa kanya at agad naman niya akong tinawagan.

"Mabuti naman at nakapagdesisyon ka na." 

"Basta, tulungan niyo po ako sa lahat ng problema. Kahit 'yong sa company." desperada kong sabi.

"'Wag kang mag-alala, Mira. I'll do everything you want."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status