Share

Chapter Two

The clear blue water from the ocean beautifully reflected the light from the sun creating a sea of sparkling diamond like glimmers in the water.

Nakangiting huminga ng malalim si Phoenix habang nakatanaw sa dagat. Ang may kalakasang hangin ay malayang nililipad ang may kahabahan niyang buhok.

The calming sound of the waves and the laughter’s and giggles from the other tourists warmed his heart. Now he could say that his stay here in this island is worth it. Sulit na sulit ang napanalunan niyang coupon sa isang raffle sa mall.

Nakangiting tinahak niya ang kinalalagyan ng resort. Agad naman na inassist siya ng mga staff doon ng pinakita niya ang card.

"Magandang umaga sir." masiglang bati ng guard. Nakangiting binati rin niya ito pabalik.

Pabagsak siyang nahiga sa kwartong inilaan sa kanya. Bilib rin naman siya sa resort na ito. Tuwing summer kasi ay nagbibigay ang mga ito ng mga coupons na maaring mapanalunan mo sa mga raffle. A three-day vacation in the resort is offered and all expenses are answered basta ipakita lang ang card na binigay ng mga ito. Iyon ang magsisilbing VIP access niya. Iilan na rin ang may ganitong pakulo na resort ngayon.

Hindi na rin masama, he thought, it's time for him to take a little break from all the stress. It is what he needs in order to keep going. Given the chance, susulitin niya ng maglibot sa resort na ito lalo na at isa ang resort na ito sa pinakamagandang puntahan tuwing bakasyon. Hindi na rin naman nakapagtataka bukod kasi sa magagandang water activities at tanawin ay maganda rin ang service ng mga staffs.

Masaya sanang subukan kaya lang sa kanyang kondisyon ay mags-settle muna siya sa pagta-try ng mga pagkain at ang paglilibot sa paligid ng resort.

Napagpasyahan niya magpahinga muna bago maglibot libot pero hindi nito namalayan na tuluyan siyang nakatulog.

Hapon na at malapit ng lumubug ang araw kaya naman napagpasyahan niyang humanap ng lugar kung saan magandang kunan ang paglubog ng araw. He looked around and saw a beautiful seascape. Napagpasyahan niyang akyatin ito.

Pagkarating niya sa tuktok ay agad na nakita niya ang mga nagagandahang mga bulaklak sa paligid. He took a shot bago naglakad but he stopped when he notice someone on the edge of the cliff. Akala niya ay nags-sightseeing lang ito kaya kinunan niya ng litrato ang kinaroroonan nito pero pagkababa niya sa hawak na camera ng may mapansin siyang kakaiba.

He slowly approached where she stood ng pansin niya na tatalon ito. Wala seremonyas na tinakbo niya ito at mahigpit na hinawakan sa bewang. Nawalan siya ng balanse kaya bumagsak ang kanyang likod sa matigas at bato batong kinatatayuan nila.

They stayed silent for a moment as they both sat downside by side. He can feel her pain as if it radiates around her. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay konektado silang dalawa. The moment she spoke words emotionlessly he already knew he had to do something for this woman.

He gave her his bracelet given by her mother. To provide her comfort and assurance that he is still there a stranger who believes in her. Sana makatulong ang maliit na bagay na ginawa niya para mabigyan ito ng panibagong rason para ipagpatuloy nito ang mabuhay.

Alam niya sa sarili ang hirap na pinagdadaanan ng mga taong nakakaranas ng nararanasan ng katabi niyang stranghero kaya naman bukas loob niya itong tutulongan sa abot ng kanyang makakaya.

Pagkauwi niya sa kanyang kwarto ng gabing iyon matapos niyang tulungan ang babae ay hindi na ito maalis sa kanyang isip at tila ba kontrolado na nito. He lay down on his bed and stared at the white ceiling thinking if he could still met that mysterious woman.

Hindi na niya namalayan na nakatulog na siya sa lalim ng kanyang iniisip.

Kinabukasan ay agad na nag-ayos siya ng sarili. Hawak ang camera na naglibot siya sa isla hoping na makita muli nito ang babae pero malapit ng magabi ay hindi na niya ito muling nakita pa.

Bagsak balikat na bumalik siya sa kanyang kwarto. Maaring isa itong tourist tulad niya.

Baka umalis na, isip niya.

Pakiramdam niya ay nanlumo siya kanyang naisip. Sana lang ay patuloy na labanan nito ang hirap ng buhay at sa kung ano man ang pinagdadaanan nito, piping dasal niya.

Naputol ang kanyang iniisip ng magring ang katabing cellphone. Nang makita na ang kanyang ina ang tumatawag ay agad na sinagot niya ito.

"Ma," sagot niya.

"Anak kumusta ka na diyan."

"Ayos lang ma. Ang ganda ng isla ang linis ng tubig ang daming pwedeng gawin at ang babait pa ng mga staff dito." kwento niya.

"Oh, huwag kakalimutan Finn ang bilin ko sa'yo ha." paalala nito.

"Opo ma, don't worry everything is under control." he assured.

"Mabuti." napahinga ito ng malalim.

"Ma don't stress yourself. Di bale kapag napag ipon ako dadalhin ko kayo dito. Maganda dito para makapagrelax ka naman."

"Naku ito talaga hindi na kailangan iyon basta nandito ka lang sa tabi ko okay na ako."

"Pero ma di nga, maganda po talaga dito sure ako na mageenjoy kayo. Andami ring mga turista mostly mga taga ibang bansa." tinatak niya na talaga sa kanyang isip na pagiiponan niya ito para makapagrelax naman ang kanyang ina.

Ang dami na rin nitong sakripisyo para lang mabuhay sila. Sadly, he is the only one left for her and he is going to do anything to repay her hard work.

"Oh, siya siya tawag na lang ulit ako mamaya enjoy your day. Basta huwag masyadong magpapagod." bilin nito.

"Opo ma," sagot niya.

Pagkababa nito ay pabagsak na nahiga siya sa kanyang kama. Matagal tagal na rin nung magsimulang mamuhay sila ng ina na silang dalawa lang. Magiisang taon na rin ng mamatay ang kanyang kapatid na babae dahil sa depression.

Hanggang ngayon ay sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit hindi man lang niya napansin na may pinagdadaanan na ang kanyang kapatid. And the moment they noticed things it was already too late. They tried to bring her to the doctors, but it did not help her. She was still defeated by her thoughts.

Kaya naman hanggat kaya niya ang tumulong sa mga taong pakiramdam niya ay nagdadaan sa pinagdaanan ng kapatid ay gagawin niya. He thinks that by just listening to their pain is already a great help. Iyon naman usually ang kailangan nila eh. Mga taong handang makinig sa kanilang kwento without judgement.

Napabuntong hiningang bumangon siya sa pagkakahiga at inabot ang camera. He viewed all the beautiful sceneries he captured. Talaga naman na nakapagbibigay saya ang islang ito. Bukod kasi sa mga tanawin ay tahimik at nakakakalma ng pakiramdam ang manatili dito. Tunay na nakatatangal ng stress.

Lumabas siya ng kanyang kwarto ng magtanghalian na. He enjoyed the delicious food served in his table. Talaga namang walang mapipintas sa kanyang pananatili dito. Sadly, he only has a day left.

Kapag nagkataon talaga ay babalik siya dito kasama ang kanyang ina.

Nang magsawa siya sa kakukuha ng litrato ay napagdesisyonan niya na lumangoy naman. Syempre nandito na rin naman siya kaya hindi na niya palalampasin ang pagkakataon na damhin ang malaasul na tubig sa isla.

Nilapag niya ang mga gamit sa napiling pwesto. Sa silong ng niyog naglapag siya ng tela bago inilagay ang camera at ibang hawak na gamit. He took off his shirt leaving him on his trunks. He doesn't have a body with raging muscles which usually attracts women but still he made himself fit enough and his contented with that.

Naglakad ito papalapit sa tubig hindi alintana ang ilang kababaihan na napapalingon sa kanya. Well, he may not have defined physique but still have a sort of attractive aura that catches attention and not to forget his beautiful face to die for.

He started enjoying the water and swan his heart out to contentment. Umupo siya sa buhangin upang magpahinga ng naramdaman niya ang isang presensya na tumabi sa kanya.

Wala sa sariling liningon niya ito at tinitigan. Bumakas ang recognasyon sa kanyang mukha ng makita ito.

“Arissa!” gulat na saad niya.

“Thank goodness at naaalala mo pa ako. Akala ko mapapahiya na ako eh,” nakangiting saad ng dalaga.

“Nah, I doubt na makakalimutan kita eh halos sabay na tayong lumaki.” Natatawang sagot niya. “Anyway, anong ginagawa mo dito?”

“Team outing. Mukhang nakalaklak ng sangkaterbang kabutihan ang boss naming at naisipan na ilibre kami dito. Ikaw, ‘musta na?” tanong nito.

“Ito tulad ng dati. Walang nagbago,” kibit niya.

Sasagot pa sana ito ng marinig nila ang pangalan nito na tinatawag na ng mga kasamahan ‘di kalayuan sa kinalalagyan nila. Tumayo naman si Arissa at nagpagpag ng mga dumikit na buhangin sa sarili bago nilingon ang binata.

“Kailangan ko ng umalis. Nice seeing you again Finn. Bisita na lang ako sa inyo kapag may oras.” Paalam nito na tinanguan niya.

“Sure.”

Patakbong lumapit ito sa mga kaibigan at napansin pa niya ang titig sa kanya ng mga kasama nito. Nang makalapit si Arissa ay agad na may sinabi dito ang mga kasama na natatawang sinagot ng kaibigan. She looked back at him and waved her hands, and he knew her friends teased her when he waved back.

Naiiling na lang na pinanood niya ang papalayong mga bulto ng mga ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status