Share

CHAPTER 42 – SHOOTING

“MARTINA! Anong ginagawa mo rito?” gulat na bulalas ni Julian. Saglit nitong tinapunan ng tingin si Nikole bago tumayo at nilapitan ang kadarating lang na bisita.

Napaangat ang isang kilay ni Nikole nang walang pasabing humalik sa pisngi ni Julian ang babae.

“Nakakatampo ka na talaga. Hindi mo man lang sinabi ng uuwi ka!” Napanguso si Martina na lalong ikinainis ni Nikole.

Julian cleared his throat. “I have visitors. I don’t want to sound mean, but can we hang out some other time?”

Tiningnan ni Martina ang mga nakaupo sa mahabang mesa. Napasinghap pa ito nang makita sina Kaden at Clive. Hindi na iyon nakapagtataka dahil certified head turner naan talaga. Kaya lang ay hindi rin nito itinago ang disgusto sa mukha nang tingnan si Nikole.

“I should join you.” Walang pasabing naupo ito sa bakanteng upuan sa pagitan nina Clive at Kaden. “Hello, I’m Martina. Ako ang may-ari ng mansion sa kabilang property.” Ipinagdiinan nito ang salitang ‘mansion’.

Isang marahang tango lang ang isinagot
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status