MADILIM ang mukha ni Cross habang naglalakad sa malawak na hallway ng CREC. Tinungo niya ang opisina sa ibabang floor. Pasalampak siyang naupo sa swivel chair. Nagtatangis ang kanyang mga bagang. “Damn it!” saka niya pinakawalan ang tinitimping emosyon. Sobrang daming bumabagabag sa isip niya. He was looking forward for his wedding in two weeks. Planado na ang lahat. Pero hindi niya inaasahan na malalaman mula sa isang malapit na kabigan ang tungkol sa panloloko ni Dana. Hindi rin siya makapaniwala sa una, pero nag-send ng picture sa kanya na may kahalikan ng lalaking foreigner. Cross met Dana at a business conference in New York. They clicked right away. At sa kabila ng nakaraan nito ay tinanggap naman niya ito. So, what if she was born a man? Ang importante sa kanya ay nakakaintindhan sila. Dana was sweet and caring. Ang nakakalungkot lang dahil nang sitahin niya ito tungkol sa issue ay hindi naman nito itinanggi. Dana said she was sorry, that man was her long-time ex-boyfriend.
SA CONDO unit umuwi sina Nikole at Julian pagkagaling sa opisina. Gusto kasi niyang makapagpahinga kaagad. Hindi naman siya kinulit ni Julian at nirespeto nito ang pananahimik niya. Nag-grocery na lang si Julian at nagluto ng pagkain. He cooked pork sinigang. Madali lang kasi iyon lutuin at baka magustuhan ni Nikole ang maghigop ng mainit na sabaw. Pero nagkulong lang ito sa kuwarto. Kaya lalong nadagdagan ang pag-aalala niya. Iba ang sitwasyon ngayon at alam niyang hindi niya ito madadaan sa simpleng pag-entertain sa dalaga gamit ang pambihirang dancing skills niya. Maging siya ay namumrublema rin. Dahil kung totoong galing kay Vicente ang utos na ligawan ni Cross si Nikole, dehado siya roon. Anong laban ng isang hamak na gaya niya sa lalaking pinili ng isang Vincente Castellaneta? Habang nagpapakulo siya ng karne. Hindi na siya nag dalawang isip na tawagan si Clive. Agad naman itong sumagot. “Yes, Jules? Napatawag ka. May problema ba?”“Pare, busy ka ba? Pasensya na. Pero nandi
HINDI pumasok si Nikole sa opisina kinabukasan dahil pinaghandaan niya ang dinner sa mansyon nila. Tiyak kasing naroon na naman si Cross. Umiinit ang ulo niya sa tuwing naalala ang tungkol sa maaaring mangyari sa kanilang dalawa kapag hindi siya nakagawa ng paraan ngayong maaga pa. Gaya ng inaasahan, maagang nakarating sina Nikole at Julian sa bahay at nadatnan na nilang naghihintay sa living room si Vicente. Hindi na nagulat si Nikole nang makitang naroon si Cross. Kung dati ay nagso-swoon siya sa harap ng lalaki. Lalo na ngayon na halatang pinaghandaan nito ang gabi. Cross wore a black three-piece suit. But that was another story. Ayaw niya sa lahat ay pinangunguhan siya lalo na at halata naman napipilitan lang si Cross dahil sa utos ng ama. Nikole planned to talk with her father. Dadaanin niya ito sa mahinahong usapan. Alam naman niyang hindi siya nito matatanggihan. She was too confident about her father’s love for her. Nagtipon sila sa mesa at nagpaiwan si Julian sa may pinto
SUMUNOD naman sa usapan si Vicente at hindi siya nito kinulit tungkol kay Cross nang mga sumunod na araw. Lahat sila naging abala sa maraming bagay hanggang sa mabilis na lumipas ang dalawang buwan. Wala ring nagawa si Cross sa mga nakalipas na linggo dahil lagi itong nasusupalpal ni Nikole at laging nakakagawa ng paraan ang dalaga na takasan ito. Ginawa na nga niyang katatawanan si Cross sa tuwing hindi sila nagpapangabot. Si Julian ang laging may pakana kung bakit hindi siya mahuli-huli ni Cross sa opisina at kahit sa bahay. “You’ve evaded Cross for the last two months. Congratulations!” bati ni Julian sa dalaga habang nagmamaneho. Kasalukuyan silang papunta sa Tagaytay Para sa monthly site visit nila sa project na hawak nila ni Clive. The three of them had stick on the schedules. Umuwi sila sa bahay sa Marikina kapag maraming libreng oras lalo na kapag Friday. Nikole enjoyed every Friday night for that. Hindi rin pinalampas ni Clive ang kanilang weekly date na minsan ay sinasama
“LET’S drop by to a clinic. Bernila is not feeling well,” suhestiyon ni Nikole matapos nilang kumain. Hindi nila naman binanggit sa dalawang lalaki ang posibleng dahilan hanggat hindi sila na kasisiguro. Naka convoy ang mga sasakyan nila pabalik ng Manila. Naroon si Bernila sa sasakyan ni Clive kasama ang driver ng mga ito.“Bern, what happened out there?” Nag-aalalang tanong ni Clive sa babae.Nag-iwas ng tingin si Bernila. Sasabihin niya ba sa boss ang hinala? Ilang sandaling nagtalo ang damdamin niya. Pero sa huli ay nagdesisyon siyang ikuwento ang nangyari sa loob ng ladies’ room. Clive was like her older brother.“I feel like the world is spinning, boss. Nalulula ako at nasusuka.” Nag-alis siya ng bara sa lalamunan bago nagpatuloy. “Sabi ng isang marites doon sa ladies’ room… baka raw buntis ako.”“Oh,” napatango si Clive. Bagama’t hindi na iyon nakapagtataka dahil sa mga kalokohang iniutos ni Nikole rito. Pero nag-aalala siya na baka hindi nito gusto ang mga nangyayari. “Are yo
NAG-IPON ng hangin sa dibdib si Nikole bago nag desisyon. “All right, let him in.”Tumalima naman si Julian at binuksan ang pinto. Pumasok si Cross suot ang business suit na kulay maroon ay may dala itong isang bouquet ng pink roses. “Where’s Nikole?” Tiningnan nito si Julian na nakasuot lang na damit pambahay. “Join us, Mr. Santillan. We are having dinner.” Iginiya ni Julian si Cross sa kusina. Natigilan sa paghakbang si Cross nang makitang may mga bisita ang dalaga. “Oh, you have visitors. I should wait,” nakakaunawang wika ni Cross. “Please take your time, I’ll wait here.” Tinungo nito ang living room at naupo sa couch. Napansin ni Bernila ang biglang pagbabago ng mood ng mga naroon. Lihim lang siyang nakiramdam dahil wala siyang ideya sa kung ano ang nangyayari. The was who just arrived was the well-known Cross Santillan. Madalas niya itong nakikita sa mga society pages at balitang-balita ang tungkol sa naudlot nitong kasal. Pero bakit narito ito at may dalang bulaklak? Nanlil
BIGLANG napabalikwas ng bangon si Kaden. It was around seven in the morning when he glanced at his digital watch. Madalas namang pumupunta rito dati pa si Nikole dahil may sarili itong susi ng unit niya. Pero ano na naman ang ginagawa nito rito nang ganito kaaga?“What are doing here?!” bulalas ng binata. Lumagpas ang tingin niya sa kababata at nakita niya sa labas ng pinto sina Bernila at Clive. Narinig pa nila ang nagulat na boses ni Clive sa labas. “Vani?!” Hindi makapaniwala si Clive nang makilala ang babae. Minsan na niya itong naka-one night stand noon. Mabilis na kinabig ni Clive ang pinto ng silid ni Kaden.Maging ang babae ay nagulat din. “Oh, hi Clive!”“What the hell are you doing here?” Clive was curious and amazed at the same time.“It’s a long story.” Mabilis na nagsuot ang babae ng damit.Samantalang walang kibo si Bernila. Pakiramdam niya nangangatog ang tuhod niya dahil sa nasaksihan.“I should go. This situation spell trouble.” Hindi na naisuot ni Vanessa ang mataa
“BERN, I’m sorry about how Kaden acted. Please understand he’s just shocked,” wika ni Nikole nang naglalakad na sila sa malawak na hallway ng gusaling kinaroroonan ng bachelor’s pad ni Kaden.Walang kibo si Bernila na pinunas ang luha sa mata. Nagsalita rin ito pagkalipas ng ilang sandali.“Alam ko namang ganoon ang kalalabasan ng usapan. And I understand him. Kahit ako naman magugulat na katapusan na pala ng kanyang buhay-binata. But his rejection hurts, but I’ll get over this.” Puno ng determinasyon ang timbre ng boses ni Bernila.Inakbayan ito ni Nikole. “Just wait and you’ll see. When Kade had finished sorting his thoughts, he’d do the right thing. Maniwala ka dahil kilalang-kilala ko siya.”Bernila frowned. “Ayaw kong umasa. Baka lalo lang akong masaktan. Kuntento na naman akong mag-isa e.”Kumaway na hindi kalayuan si Julian na naghihintay sa kanila. Agad itong nagtanong dahil sa nakitang laglag ang balikat ni Bernila. “Anong nangyari? Did it go as planned?”Si Clive ang sumagot