Beranda / Romance / Etiquette / CHAPTER 8 – LUNCH MEETING

Share

CHAPTER 8 – LUNCH MEETING

Penulis: Grecia Reina
last update Terakhir Diperbarui: 2022-06-02 11:39:04

TAAS-NOONG bumalik si Nikole sa conference hall kasabay si Kaden. Naabutan niyang abala ang ama sa pakikipag-usap sa ilang miyembro ng Bids and Awards Committee.

“You’re back. We’re going to have a lunch meeting.” Masiglang salubong ni Clive sa dalaga.

Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya rito.

Feeling close ang loko.

Hindi puwedeng malaman ng daddy niya ang kalokohang niluluto niya lalo na ngayong makaka-apekto ito ng malaki sa negosyo nila. She trained herself not to mix business with pleasure. Pero s’yempre, dahil kay Cross ay siya rin naman ang unang bumali niyon. Ika nga, for every rule, there should be an exemption.

Nikole nodded. “We’ll go then.”

“Shall we?” ani Kaden na sumabay kay Nikole. Sinasadya nitong dumikit sa dalaga dahil tiyak na may kung anong kalokohan na naman itong pinaplano sa utak. Kilalang-kilala niya ang kababata at alam niya ang hindi kanais-nais na tinatakbo ng isip nito.

Samantalang tahimik naman na sumunod si Julian nang lumabas sila sa malaking pinto ng conference hall. Malikot ang mata nito at nakikiramdam sa paligid.

Gustong mainis ni Nikole dahil para siyang invisible kay Cross. Ni hindi man lang ito nag-abalang tapunan siya ng tingin kahit kaswal lang. Kahit paano ba napansin kaya nito ang ganda niya? She was sure that she looked extra beautiful today. Kanina pa siya nagpapa-cute rito pero wala pa ring epekto.

Huling-huli naman ni Kaden ang paglalakbay ng tingin niya kay Cross na naglalakad sa unahan nila. Katabi nito ang kanyang ama at si Clive.

Namilog ang mata ni Nikole nang tumingin sa kanya ang kaibigan na nakaangat ang isang kilay. There was a warning look in his eyes.

“What is your problem?” pasimpleng sita niya rito at sandaling pinalakihan ng mata.

“I never knew you’ll stoop this low,” mahinang usal ni Kaden pero mariin.

She rolled her eyes again. “We’ll talk later about this! You’re ruining my day, Kade!”

Kaden shook his head. Hindi na ito nagkumento pa hanggang makalabas sila ng gusali.

AGAD na binuksan ni Julian ang pinto ng sasakyan nang marating nila ang parking area. Taas-noong pumasok sa loob si Nikole.

Wala silang imikan hanggang marating ang venue ng kanilang lunch meeting matapos ang halos kalahating oras. They were somewhere in Cavite.

Muli ay tinulungan ang dalaga ni Julian pababa ng sasakyan at aksidenteng natapilok si Nikole dahil sa pagmamadali. Mabuti na lang maagap ang kanyang bodyguard at agad na nahapit ang kanyang baywang bago siya tuluyang bumagsak sa sahig.

“Hey, careful!” Nagulat din si Julian kaya halos mag-isang dangkal na lang ang layo ng kanilang mukha.

Napalunok si Nikole nang magsalubong ang kanilang mata. Ramdam niya ang pagtama ng mabangong hininga nito sa kanyang mukha. Dali-dali namang inalalayan ng binata ang dalaga na makatayo nang maayos.

“Don’t touch me!” angil ni Nikole sa bodyguard. Nagbuga siya ng hangin at inis na tiningnan si Julian.

“You’re welcome,” sarkastikong wika ni Julian na sinabayan ng marahang pagkibit ng balikat.

Nikole cleared her throat. Hindi na siya nag-abalang tingnan si Julian dahil taas-noo siyang naglakad patungo sa pagdarausan ng meeting.

The nerve of this guy! Ewan ba niya at gigil siya sa kanyang bodyguard kahit kung tutuusin ay dapat magpasalamat siya. Siguro sadyang hindi niya gusto ang presensya nito dahil laging nakabuntot sa kanya at pakiramdam niya ay bigla siyang nawalan ng kalayaan mula nang italaga ito ng ama na magbantay sa kanya.

Itinuon na lang niya ang atensyon sa kanilang kinaroroonan. The venue seemed to be a private property. It was a luxury resort with modern architecture. Nakapalibot sa gilid ng parihabang swimming pool ang ilang palm tree at sa gitna ay mayroong man man-made white sand kung saan nakalagay ang mga outdoor lounge chair na parang nanghahalinang mag-sun bathing. The translucent water gave a calm vibe in the ambience as well.

“I hope you liked my place.”

Napapitlag si Nikole nang makita si Clive sa kanyang harapan. Masyado siyang naging abala sa pagtingin sa paligid at hindi niya napansin na nakalapit na ito sa kanya.

“Oh, so this place is yours.” Kaswal na napatango-tango si Nikole.

Ngumiti si Clive at halos mag-isang guhit na lang ang tsinito nitong mata. “Yeah, I volunteered to be the host of this lunch meeting.”

“Great!” Alanganin siyang ngumiti. Ayaw niyang salubungin ang mata ng lalaki dahil inaatake siya ng hiya.

“Let’s go to the main villa. I guess everyone is settled there,” magiliw na wika ni Clive.

Tumango si Nikole at sabay silang naglakad. Tahimik naman si Julian na nakasunod sa kanila.

“Join us in,” baling ni Clive kay Julian.

Tipid na ngumiti ang bodyguard. “I’ll be fine here. Thank you, sir.”

“Are you sure?” Clive asked again.

Hindi naman maiwasan ni Nikole na mamilog ang mata. Hindi niya nakita ang saglit na pagkislap ng mata at pilyong ngiti sa labi ni Clive habang tinapik nito ang balikat ni Julian bago sila tuluyang pumasok sa loob ng villa.

Minsan pang nahigit ni Nikole ang paghinga nang biglang inilapit ni Clive ang labi sa kanyang tainga.

“You and your bodyguard make a good pair. Why don’t you recruit him to your harem?” Nakakalokong ngumiti si Clive sabay kindat.

Nanlalaki ang matang tumingin siya rito. Biglang nag-init ang kanyang mukha dahil sa sinabi nito.

“Over my dead body!” aniya nang makahuma.

Tinawanan lang siya ni Clive at inalalayan siyang maupo sa mesa kasama ang kanyang ama. Halos hindi niya napansin na katabi niya si Cross dahil naging okupado ang isip niya sa pang-aasar ni Clive.

“Niki, are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Kaden. Katabi niya ito sa kaliwang bahagi.

“Yeah, I’m fine.” Tipid siyang ngumiti.

“I was looking for you earlier. Where did you park?”

“We were at the right-wing.”

“Oh, I see. We entered a different entrance.” Napatango-tango si Kaden.

Kinalma ni Nikole ang sarili. Ngayon abot-kamay na niya si Cross. Pero bakit kahit magkatabi na sila, ni hindi man lang nito i-acknowledge ang kanyang presensya? Abala pa rin ito sa pakikipag-usap sa kanyang ama, gayung apat lang naman sila sa kanilang mesa.

Take it easy. A day will come. He’ll sweep off your feet. Tiwalang paalala niya sa sarili.

If Cross kept on ignoring her, then she would be more persistent to build a harem and learn everything to make him hers. Sisiguruhin niyang mahahaling ito sa kanya at mababaliw ito sa taglay niyang ganda at galing sa kama.

All I need is time. Pinigil niya ang pagguhit ng isang makahulugang ngiti habang s******p ng red wine mula sa kopita niyang hawak.

Bigla siyang natauhan sa pagmuni-muni nang maramdaman ang biglang pagsipa ni Kaden sa kanyang paa kaya bigla siyang napatingin rito na nakaangat ang kilay.

Inilapit nito ang labi sa puno ng kanyang tainga. “Loosen up, you’re too obvious.”

She just smirked. Inilapit rin niya ang bibig sa tainga ng kababata.

“Are you jealous?” pang-aasar niya sa binata.

“What if I am?” seryosong wika ni Kaden na hindi nag-abalang tingnan siya. Nakatingin lang ito sa stage kung saan nagsasalita si Clive at nagre-ready para sa isang toast.

Saglit na natigilan si Nikole sa sinabi ni Kaden. Pasimple niya itong kinurot sa tagiliran at muling bumulong rito.

“Yuck, you’re giving me creeps.” Sinipa niya ang paa nito sa ilalim ng mesa.

Nilingon siya ni Kaden at gumuhit sa labi nito ang mapang-asar na ngiti.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Etiquette   SPECIAL CHAPTER II

    FAMILY REUNIONNAGTIPON ang lahat sa pahabang mesa sa loob ng mini library sa bahay. Kaden was explaining the situation and Nikole would support him with information. Ipinaliwanag nila kung ano ang hindi inaasahan na pangyayari noong debut ni Tehani. “In short, Lucas’ father is… Uncle Julian?” hindi makapaniwala si Kane. Although he couldn’t remember the man, puno ng pictures sa bahay na magkasama sila habang karga siya nito noong bata pa. “Now I know why Teha is not here. She’d surely freak out.”Hindi mapakali si Juli sa kinauupuan. Parang hindi agad natanggap ng kanyang sistema ang mga sinabi ng magulang. Buhay ang ama niya. Pero ang masaklap ay hindi sila nito makikilala. Pero kahit isang yakap lang sana, okay na siya roon. Matagal nang nag-iipon si Juli ng impormasyon tungkol sa pagkawala ng ama. Suportado naman siya ng magulang kahit sa napakaliit na tyansa na maaaring nakaligtas ito. Because everyone knew, Julian Arevalo died a hero. Kaya isang napakalaking surpresa sa kanila

  • Etiquette   SPECIAL CHAPTER I

    THE PRESENT“BAKIT pakiramdam ko kilala ko sila. It’s weird, they felt familiar.” Lumalim ang gatla sa noo ni Luke habang pabalik na sila sa kanilang Mesa. Hindi naman kasi talaga sila dapat pupunta sa party na ito kung hindi sa pangungulit ni Lucas. Apparently, he liked this girl. Kaya kinilala na rin nila ang magulang nito. Biglang tinambol ang dibdib ni Hera sa sinabi ng asawa. May koneksyon kaya ang mag-asawang iyon sa nakaraan ng ni Luke? Alanganin na ngumiti si Hera. “Love, kalma lang. We’ve been together for twenty years. Even our son is having a girlfriend. You’d still want to know your past?”“I want to be whole again, Love. Para bago man lang ako mamatay masagot ang napakaraming katanungan sa isip ko.”Tumango si Hera. “I will help you…”Bumalik na sila sa mesa pero nagpaiwan si Lucas na kausap pa ang magulang ni Tehani. Luke couldn’t get his eyes off Tehani’s mother. She was surely pretty, but there was something about her that he could not explain. Bakit malakas ang kab

  • Etiquette   FATEFUL NIGHT AT THE SEA

    NAPASIGAW si Julian nang tumama sa kanyang ulo ang matigas bagay. It was a ship debris. Naroon na siya sa speedboat at papaalis na siya. Kailangan niyang makabalik sa pampang. Pero dahil sa malakas na hagupit ng hangin at sa kanyang tama sa ulo ay nahihirapan siyang makagalaw. “Hirsch! Do you copy?” There was a faint static sound. Mas tinatalo ng lakas ng hagupit ng hangin ang tunog mula sa kanyang earpiece. Pinanatili niya ang natitirang katinuan bago pa siya maianod ng nangangalit na mga alon kaya itinali niya ang sarili sa speedboat. “Hirsch! Hirsch!” Pero isa pang debris ang tumama sa ulo niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay. Milagro na maituturing na sa isang pribadong isla napadpad ang naghihingalong katawan ni Julian na sa awa ng diyos ay nanatiling nakatali sa speedboat. Habang sa hindi kalayuan ay may isang babaeng panay ang hikbi at sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman ay gusto niyang lamunin na lang siya ng karagatan. She just got married. But her husband die

  • Etiquette   CHAPTER 130 - EPILOGUE

    20 YEARS LATERABALA si Nikole sa pagiging Chairman ng CREC at malalaki na ang mga anak nila. She had another two kids with Kaden, isang lalaki at babae ang bunso. Sina Nikolas at Tehani. Ang panganay nilang si Kane ay siya na ngayong namamahala ng law firm. And kambal nilang si Callie at Juliette ay siya namang namamahala ng negosyo ng naiwan ng mga ama niyo. Si Nikolas naman ay mukhang susunod sa yapak ng ama na mag-aabogasya rin. Pero ang bunso nilang si Tehani… ay mukhang hindi pa alam kung saan ang patutunguhan.Nasa loob si Nikole ng kanyang opisina nang biglang pumasok ang madilim na mukha ni Kaden. Halos dalawang dekada na ang dumaan mula nang ikasal sila pero makisig pa rin ito. Alaga nito ang katawan kaya parang hindi ito tumatanda. “What’s wrong sweetheart?” takang tanong ni Nikole sa asawa.“Ang magaling mong bunso may boyfriend na!” Nanggigigil itong naupo sa receiving chair. Masyado itong protective sa bunso na namana yata ang taglay na katigasan ni Nikole noong kabata

  • Etiquette   CHAPTER 129 – GRAND WEDDING

    NIKOLE and Kaden celebrated a wedding of a century makalipas ang tatlong buwan. Napakabongga niyon na ginanap sa Manila Cathedral. Halos lahat ng kilalang tao sa mundo ng negosyo ay imbitado roon.Litaw na litaw ang ganda ni Nikole sa suot nitong traje de boda na idinisenyo pa ng pinakasikat na fashion designer sa Europe. She was like a princess. Even Kaden looked dashing in his wedding suit. Every guest was mesmerized by them.Puno ng galak ang bawat pamilya nina Kaden at Nikole. Lalo na si Vicente na hindi napigil ang maluha habang hinahatid si Nikole sa altar. Tuwang-tuwa rin si Kane na laging pinamamalita sa school nito na may bagong mommy na siya. Kane was their ring bearer. He even made Noah his best friend. Naroon rin ang bata bilang coin bearer. Callie and Juliette were the most adorable flower girls. Nagsasaboy ang dalawa ng petals ng pulang tulips sa red carpet nang ginanap ang wedding entourage. Kulay pula at ginto ang motif ng kasal at punong-puno ng mga fresh flowers a

  • Etiquette   CHAPTER 128 – TOGETHER AT LAST

    “MAMA Niki and Daddy are sleeping together!” halos mabulabog ang buong kabahayan dahil pa ikot-ikot si Kane na nag-sisisisgaw habang hila-hila ang kanyang saranggola. “Yehey, they are making a baby!” Nagulantang ang mga nakarinig. Habang si Ken ay halos about tainga ang ngiti habang nagkakape nang umaga ng iyon. But the olds pretended they didn’t hear it. Bumalikwas ng bangon si Nikole. Kanina niya sapo ang noo dahil sa kahihiyan. Sa dinamirami ng makaka kita sa kanila ay ang batang makulit na iyon pa. Akmang tatayo na siya nang bigla siyang pigilan ni Kaden. “Stay…” “Kade, you have seen what happened? Ano na lang sasabihin ng pamilya mo?” parang biglang nawala ang antok niya sa katawan. “They won’t mind, believe me. Baka nga sila pa ang unang mag-celebrate.” Nikole’s face burned. “But—” “No more buts.” Hinila siya nito pabalik at bigla na lang itong pumaibabaw sa kanya. “You’re really something. After all our acrobatic show last night, you could still walk?” pinalihmgian si

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status