LOGINBumaba si Mira sa jeep at naglakad papasok ng Rockwell. Narating niya ang lugar kung saan naka pin doon sa mini map na screenshot niya mula sa kanyang cellphone. May light make-up lang siya at naka ponytail lang ang kanyang mahabang buhok at bahagyang natatamaan ng kanyang curtain bangs ang kanyang mga mata kaya inayos niya at iginilid niya ito.
May nakasulat sa entrance ng naturang establishment: Where pace meets pleasure. Ang Velocity & Velvet, mula sa labas, ay mukha lang isang stylish café slash concept store ng mga sports car sa ground floor ng isang glass building sa Rockwell Center. Pumasok si Mira at ang loob ay, makikita ang warm lights, curated art frames, cool concept sports car café and dinner's place. Ang mga barista na naka-black uniform na may golden V&V sa dibdib. Chairs modeled after bucket seats of sports cars (Ferrari red, Lambo yellow). Tables shaped like sports car hoods with matte lacquer finish. Naglakad si Mira sa loob at kapansin- pansin ang flooring nito na black marble with tire-track design accents. Natanaw naman niya ang open café bar. Meron itong chrome espresso machines & engine piston stirrers. Naamoy niya ang perfume diffuser system with custom 'Midnight Asphalt' scent. Kaparehas ng amoy sa Siren's Bar. Saka coffee beans ang naghahalong amoy. Napaka aestethic ng café. High- end at mukhang mga susyal ang tumatambay dito. Suot niya ang black pencil skirt, white long-sleeved blouse, at blazer na nabili niya lang sa ukay-ukay. Biglang nakaramdam si Mira na hindi siya bagay sa lugar na ito. Pero nilakasan niya ang loob niya. Lumapit siya sa barista na naroon. Pinakita niya ang card na binigay sa kanya ni Eva. Tinuro siya sa isang babae na naka sleek black uniform na may manipis na headset. Mukhang galing sa isang elite cabin crew training. Magalang. Discreet. “Good morning. May appointment po ba tayo?” Maayos ang tono. Walang panghusga. Dito na kinabahan si Mira. Tahimik siyang tumango at inilabas ang eleganteng black card. Ipinakita niya ito. Walang sinabi. Walang sinabi ang babae pero agad nagbago ang ngiti nito. Tila pamilyar ito sa card. “Right this way, ma’am.” Nakalahad ang kamay ng babae sa direksyon na dingding lang. Sa name plate nito makikita mo ang pangalan na Lychee. Itinapat ni Lychee ang card sa isang scanner sa gilid ng pader — parang normal lang na part ng café design. Pero biglang... nag-shift ang lighting sa isang sulok. Lumihis ang isa sa mga panel ng dingding — hindi siya pintuan, hindi rin sliding wall. More like a ripple of silk, discreet at high-tech. Walang makakaalam sa labas. Walang makakahalata. Isang elevator ang bumugad dito at nagdala sa kanya pataas. Pag bukas ng elevator isang hallway ang kanyang nakita. Meron itong Dimly lit, may faint vanilla-lavender scent. Carpeted. Tahimik. Isolated. Habang naglalakad siya ay nakita niya ang mga picture ng gagandahan na mga babae sa left at sa right naman mga gwapong kalalakihan. Nakita pa nga niya ang picture ni Eva na naka cafe maid outfit ang mga lalaki naman ay mga car racing outfit. Ang hallway ay tumatagos sa isang hidden reception room — isang eleganteng lounge na mala-hotel ang ambience. May mga leather-bound walls, ambient lights, at isang malaking abstract painting na hugis katawan ng tao pero hindi bastos. Pero artistic. Dalawa ang reception desk. Sa kaliwa, may signage na "Ligaya" in gold calligraphy katulad sa logo ng card. Sa kanan, "Adonis" in sleek calligraphy lettering. Dalawang mundo. Pero parehong may hangin ng elite secrecy. Naroon ang isang babae in a burgundy silk suit — Orange ang nakalagay sa nameplate niya na may posisyon na assistant. May hawak itong tablet, at kahit isang sulyap pa lang, alam mong walang detalye ang nakakalusot dito. “Referral code?” tanong nito at ang boses ay malumanay. Binigay ni Mira ang card, at binasa ito ni Orange sa device. Ilang segundo lang, lumabas na ang profile ni Mira. “Mirabella De Guzman Suarez. Hmm. Mukhang interesting ka.” Ngumiti ito, pero hindi madaldal. Tumingin kay Mira mula ulo hanggang paa. Hindi judgmental — more like evaluation. “Follow me.” Sa likod ng lobby may isa pang pintuan — wood and frosted glass. Dito pinapasok si Mira. "Stay here. I will just call Tita Monica." Sabi ni Orange sa kanya. Tumango lang siya pero bakit parang bigla siyang kinakabahan? Hindi niya maintindihan kung ano ang papasukin niya? Isa ba itonng barista o artista? Malabo kung artista dahil hindi naman siya ganun kaganda. Lalo naman malabo bilang isang model. Ang loob? Isang intimate interview room. May gold-trimmed mirror, faint jazz music, water carafe na may cucumber slices at malinis na baso. May vanity light sa gilid pero hindi pang-showbiz — more like self-reflection prep room. Naupo si Mira sa isang swivel chair na naroon at may isa pang swivel chair na naroon across sa kanya. Halo- halo naman ang tumatakbo sa kanyang isipan habang naghahantay sa tinawag ni Orange na si Tita Monica. Hindi nagtagal — nakarinig si Mira ng tunog ng stilettos sa corridor. Tunog na parang isang modelo sa runway ang naglalakad, hindi nagmamadali pero ramdam mo na may kaakibat na class ang bawat lakad nito. Pumasok ang isang babae na tinatawag nilang Tita Monica — matangkad, imposibleng i-miss. Suot niya ang signature black power suit, gold cufflinks, at pearl earrings. Buo ang presence niya—parang isang CEO meets mafia boss meets elegance of an old world matriarch. Ang buhok ay sleek bun, ang kilos ay parang laging may hawak na kapangyarihan. Pero hindi siya isang sigaw. Hindi at hindi rin mukhang mayabang. Tahimik siyang umupo sa tapat ni Mira. Isang sulyap. Isang ngiti ang pinaabot nito sa kanya. Hindi judgmental. Hindi rin friendly. Tamang-tama lang para pakiramdaman ka. "Mirabella De Guzman Suarez." tawag nito sa kanya. May hawak itong tablet na kaparehas kay Orange. Nagpatuloy ito na basahin ang kanyang resume na upload niya sa kagabi sa kanilang website. "Student. Working student. And you work at the Siren's Bar?" Nanlamig si Mira. Pero hindi siya nagpahalata. "Yes po. Part-timer lang po ako. VIP Server po ako." "Ah. . . Madame Belle must've seen something in you." Wika ni Tita Monica habang nagkukrus ng binti. "Kilala niyo po si Madame Belle?" Tanong niya dito. Minsan lang magpakita ang lady boss niya na 'yon. At parehas sila ng aura ni Tita Monica. Napangiti si Tita Monica. Bahagya lang."Of course, we have this kind of a business understanding thingy." Tahimik si Mira. Pero hindi niya inaalis ang mata niya kay Tita Monica. "So, Miss Suarez, alam mo na ba itong pinasok mo?" Umiling si Mira. Nahalata naman agad ni Monica na wala siyang alam at medyo lito pa ito. Banayad na ngumiti sa kanya si Monica. "Okay. Tatapatin na kita. This is an escort service agency for royalties, multi- billionaire clients and high ranking officials. In slang. . . walker o pawalk." Napabukas ng bibig niya si Mira dahil sa gulat ng narinig saka napakagat ng labi niya sa narinig. "Huh—" "This is a home for women who's dangerously beautiful, astonishingly charming and confident with class." Mira cleared her throat. "Uhm. . . Tita Monica, hindi naman ako maganda. Yes, I'm confident pero—" "Hindi mo kaya ang ganitong trabaho?" tanong ni Monica sa kanya. "hindi kita pipilitin Ms. Suarez. Pili lang ang nabibigyan ng ganito. And maybe Apple saw something in you too." "Apple?" Mira inquired. "Apple Pie our Best Flavor," she paused. "Evangeline Yang." "Ah. . . Eva. She's my classmate and friend po." "Sa private school ka nag-aral dati?" "Opo. Nawalan lang kami ng income noong mamatay ang parents namin kaya po kailangan ko magbanat ng buto para makapagtapos." "I see. You reminded me of my younger self," tumikhim si Monica. "I don't want to waste much of your time, Miss Suarez. Do you want to continue or not?" "Pwede ko po bang pag-isipan muna? Wala pa kasi akong experience dito." "You don't need to have experience. You will be trained." "I mean. . ." napakagat muli si Mira ng kanyang pang ibabang labi. "hindi naman po ako pinanganak kahapon Tita Monica, yung gusto kong sabihin po ano—" "Your hymen is still intact?" Putol nito sa kanya. "Yes po." Nahihiyang sambit ni Mira. "This is more interesting." Nginitian siya ni Monica pero walang halong evil witch smile at walang judgement. "Sige Mira, I let you think about it. Balik ka na lang if you have decided and we will prepare your contract." "Thank you po, Tita Monica." "Okay." Matipid na tugon nito sa kanya. Umalis na si Mira. "Ma'am?" Tawag ni Orange kay Monica. "Shall I put her on the blacklist? "No. Not yet. I can feel it na babalik siya. Hindi basta- basta mag- hire si Madame Belle ng outsider sa bar niya. Nakitaan siya ng potential ni Madame Belle kaya naroon siya sa assassin's hub ng House of Anubis." +++ Nakatayo si Mira sa may sidewalk at nag-aabang ng jeep. Malalim pa rin ang kanyang iniisip kung magpapatuloy pa ba siya? Pero alam niya ang mga ganitong trabaho at included doon ang hindi pa niya na try sa buong buhay niya. Ang makipagtalik. Biglang tumunog ang cellphone niya. Kuya Allan ang nakasulat. Sinagot niya agad ito. “Kuya, hello? Okay ka lang ba?” “Mira... Huwag kang mag-alala, okay ako... Pero... andito ako ngayon sa ER... tumitindi na kasi yung sakit ng dibdib ko. Nahimatay ako sa palengke.” Ramdam ni Mira na hirap itong huminga. “Anong hospital ka?! Pupuntahan kita!” “Sa San Pedro Medica... pero Mira... ayaw kaming i-admit ng doctor. Wala raw kaming down. Kailangan daw at least 3K bago ilipat sa ward. Hindi raw sila charity..." “Putcha naman...” Sambit ni Mira at naiiyak na siya. “Wag mo na ‘ko isipin. Maghahanap na lang ako ng kakilala. Baka may maawa.” “Kuya, ‘wag kang magsalita ng ganyan. Ako na bahala. Magpapadala ako.” Call ended. Naiwan niyang nanginginig ang mga kamay. Mangiyak ngiyak na rin siya. Ginamit ni Mira ang perang inabot ni Sam sa kanya para ipadala muna ito sa kanyang kuya Allan. Huminga siya nang malalim, pinunasan ang mga mata gamit ang blazer sleeve niya, at lumakad pabalik sa loob ng Velocity & Velvet Café. Pagbukas ng pinto, sumalubong muli ang scent ng Midnight Asphalt at ang tunog ng espresso machine. Pinaakyat muli siya ni Lychee. Pagpasok niya sa inner hallway, bumungad ulit ang receptionist — si Orange. “Miss Mira… nagdesisyon ka na ba?” Tumingin si Mira kay Orange at lumibot ang mata niya patungo sa glass door kung saan tanaw mo ang inner world ng Ligaya na akala mo isang stage sa Moulin Rouge dahil combination ito ng yellow neon lights at velvet red na kulay. Huminga siya nang malalim. “Where do I sign?” “Follow me.”"SAM, Rafael, meet Prince Foxglove Krausse," pakilala ni Winona sa mag-ama. "He owns a private ecological estate. He also happens to be one of the leading experts in European water management systems."Tahimik lang si Fox habang binubuksan ang leather folio niya. Pagkatapos ay tumingin siya kay Sam na parang sinusukat siya. Bahagyang napangiti sa kanya si Rafael. Pero dahil hindi nagpunta doon ang prinsipe para sa isang business conference— he doesn't want to give a god damn sh*t. May isa lang siya goal kung bakit siya naroon sa Alegre Constructions Inc. Wala na rin itong intro o paligoy- ligoy pa. Kahit na, he's known as a prince, titulo lang ito para sa kanya na hindi niya maalis kaakibat ng pangalan niya. In short he doesn't consider himself, pang 15th in line naman siya so malayo- layo pa bago siya maging ganap na King kahit demolished na ang monarchy sa bansa nila."I read about the flooding near your project site," panimula niya, calm at mababa ang boses. "That site is less than
NASA isang private boardroom sina Sam at Bernice, tahimik naman nanunuod sina Rafael at Winona. Ngayon mas intense ang atmosphere. Naka-set up ang buong kuwarto na parang Senate session: may mesa sa gitna, may mga mikropono, at ilang paralegal na nakaupo sa paligid acting as “senators.” Nakatayo si Bernice sa may dulo ng mesa, arms crossed, malamig ang titig kay Sam na nakaupo sa gitna. Ginagawa nila itong mock trial dahil kailangan masanay ni Sam sa environtment sa Senate. "Again," utos niya, sabay senyas sa paralegal na magtanong."Mr. Vergara," bungad ng paralegal na ginagaya ang tono ng isang totoong senador, "paano ninyo ipapaliwanag na sa ilalim ng inyong pamumuno ay bumaha sa project site kahit certified ang mga materyales ninyo as high quality?"Napasinghap si Sam. "W-we are currently investigating—""Stop." Mabilis na putol ni Bernice. Lumapit siya sa mesa at inilapit ang mukha kay Sam. "That’s weak. You sound like someone na n
PAGDATING niya muli sa Alegre Construction Inc., andoon na sina Winona at Bernice, nakabukas sa malaking screen ang bid documents. May mga pula at dilaw na marka na halatang minadali ang pagreview."These were supposed to be confidential," ani Bernice, malamig ang tono. "Kung sino man ang nag-leak nito, may agenda silang sirain tayo. The timing is too perfect — right after we cleared the Senate hearing."Tahimik si Sam sa kabilang dulo ng mesa, pinipisil ang bridge ng ilong niya. Kita sa mukha niya ang pagod pero hindi ito galit — mas seryoso at nakatutok."We’ll find out who leaked it," sabi ni Winona. "But right now, we need to prepare a statement. By tomorrow morning, the press will be all over this."Rafael didn’t say anything right away. Umupo siya, nagbukas ng folder at isa-isang tiningnan ang mga dokumento. Halos hindi siya kumukurap, parang bawat linya ay ini-imbak niya sa isip."This is going to be ugly," mahina niyang sabi. "Per
NAGISING si Mira sa malaking kama ng mag-isa. Hinaplos niya ang bakanteng espasyo sa tabi niya. Napabuntong- hininga siya. Naramdaman niya muli ang pangungulila. "Coach..." Mahinang tawag niya. Wala pa rin ang lalaki. Gustohin man niya umuwi, pinanghahawakan pa rin niya ang sinabi sa kanya ni Coach na babalik ito agad. Pero hanggang kailan ba siya ganito? Hanggang kailan? Bumangon si Mira at inabot ang NAVI tab niya. Napangiti siya dahil napansin niya na kasali na siya sa gc ng The Kink Band. May internal chat system kasi sa isla at lahat ng guest n nasa isla ay nakaregister sa NAVI. [The Kink Band]Captain: Oh! Our muse is alive. Good morning sunshine.Boss Daks: Good morning, Tiramisu.Swinger: 😀Night: Hey, muse. 😃Tiramisu: Good morning guys. Captain: Breakfast at Cafè Mènage?Tiramisu: Ok.Bumaba na si Mira ng kama at nag quick shower lang. Nagsuot siya ng summer outfit niya. Blue swimsuit sa loob at may pamatong na manipis na pang summer na kimono cardigan. Naka shorts siya
WALA sanang balak pumunta si Mira sa party pero kaysa maburyo sa cabana at magmaktol dahil sa pag alis ni Rafael, ngayon ay patungo na siya sa beach party.Habang naglalakad si Mira papunta sa beach venue, ramdam niya agad ang pagbabago ng vibe. May mga fairy lights na nakasabit mula puno hanggang mga pole, may mga bean bags nakahilera sa buhangin, at may maliit na stage na gawa sa kahoy at bamboo. Amoy niya ang halong alat ng dagat at kaunting usok ng inihaw na seafood galing sa food stalls. Sobrang dami ng tao. Totoo nga ang sabi ni Boss Daks na sikat ang Kink Band ng Euphoria.Nang makarating siya, nagsimula nang tumugtog ang banda. Narinig niya agad ang pamilyar na opening beat ng “Cake by the Ocean.”Nasa harap ng mic si Captain — at parang ibang tao ito kumpara sa nakita niya sa restaurant. Suot nito ang white open-collared shirt na medyo basa na sa pawis, at dahil sa stage lights, kita ang well-defined abs nito. He moved like he owned the stage, hawak ang mic stand habang nakik
NAKABALIK na si Mira sa kanilang cabana. Napabuntong- hininga dahil sa tahimik. Binuksan niya ang TV sa may living room pero pinatay niya rin ito kasi mga pre-installed movies ng isla at Netflix ang mapapanood. Humiga siya sa kama may tumunog naman na notification sa NAVI tab niya.Invitation ito ni Captain para sa gig nila mamayang gabi. Napangiti si Mira dahil may chat pa sa kanya si Captain. [Captain]Hey Tiramisu, punta ka. Nagreply naman si Mira ng thumbs up na emoji. Ilang linggo na rin pala siya rito at hindi pa niya nakakalikot ang NAVI tab. Kaya naging abala siya sandali dito. She tapped the maps, lumabas naman dito ang maraming establishments at mga activities ng isla. +++PAGKABABA ni Rafael ng eroplano, nasa pantalan sila ng Manila Bay. Sa hindi kalayuan, may naghihintay na kotse. Alam na agad ng kanyang driver kung saan sila tutungo. Nakarating sila sa Alegre Construction Inc. ang kumpanya na pagmamay- ari ng anak niya







