Home / Romance / Euphoria: Sugar Baby / Chapter 2: Raket

Share

Chapter 2: Raket

Author: GreenLime8
last update Last Updated: 2025-07-22 22:26:32

Maaga nagising si Mira dahil sa ingay ng bunganga ni Aling Conching ang kanilang land lady sa boarding house na tinutuluyan niya. Maingay ito dahil naniningil sa mga boarders na hindi pa nagbabayad ng renta. At kasama na siya doon.

"Hoy Mira bayad mo?"

"Aling Conching mamaya po kapag uwi babayaran po kita raraket lang ako."

"Oh sige. Kapag 'di mo 'yan tinupad itatapon ko mga gamit mo at sa kalsada ka matulog."

"Opo aling Conching pangako. 'Wag mo naman itapon mga gamit ko."

"Nako aga- aga huh pinapainit niyo lahat ang ulo ko! Kaloka kayong lahat!" Padabog na nag marcha palabas ng boarding house nila si Aling Conching.

"Siya itong high blood kakasigaw. Sinisi pa tayo." Reklamo ni Ikay na ka-boarder niya.

"Nako ganyan naman si aling Conching kapag hindi nakakahawak ng pera laging mainit ang ulo." Sumali sa usapan si Debbie.

"Hayaan niyo na. Kapag uwi ko makakahawak na siya ng pera at tatahimik na si aling Conching."

"Good luck na lang Mira. Kasi ako next week pa ako magkakapera. Hindi naman porket sa call center ako nagtatrabaho madami akong pera." Sabi ni Debbie.

"Ako rin. Hindi pa nakakapagpadala yung tatay ko. Mahina kasi ang ani ngayon." Si Ikay naman ang nagsalita.

"Dapat makadilehensya ako para pang takip sa bunganga ni aling Conching."

Ngumiti si Debbie. "Nako umaasa kami sa'yo Mira para makalusot kami hanggang next week pa kami makakabayad."

"Ako pala ang alay." Ngiting wika ni Mira.

Her two boardmates giggles.

+++

Nilagay si Mira sa labas ng isang luxury brand store ng pabango. Mainit pa rin sa hapon, pero kahit pawisan at pagod si Mira, hindi niya ito pinapansin. Nakangiti pa rin siya sa mga dumadaan habang iniabot ang mga tester cards ng pabango. Ang nasa isip niya lang ay kailangan niya kumita at para makabayad kay aling Conching.

“One more hour… konting tiis Mira.” Sabi niya sa sarili.

Pero biglang…

Nag-freeze ang mundo niya.

Isang babae ang lumapit sa booth—matangkad, may confidence ng isang runway model, at suot ang isang emerald green satin dress na parang binuhos lang sa balat niya. Simple pero sophisticated. Maayos ang ayos, eleganteng tinted shades, clutch pouch na mukhang worth one year of Mira’s rent.

Pero hindi ‘yun ang nagpatigil sa puso ni Mira.

“Eva?”

Nang alisin ng babae ang shades, ngumiti ito. Malambing. Familiar.

“Mira? Miraaaa?! OMG!” Masaya nitong tawag sa kanya. "Ikaw na ba talaga 'to? Ang tagal na natin 'di nagkita!"

Agad siyang niyakap ni Evangeline Yang, dating inaasar na 'Ebak' noong high school ng mga mean girls. At ngayon? Para siyang galing Vogue Philippines cover shoot.

“A-Ang ganda mo, Eva…”

“Ikaw rin, noh! Hindi ka pa rin nagbabago—ang cute mo pa rin!” Puna ni Eva sa kanya.

Nagkatawanan sila sandali. Parang walang lumipas na panahon.

“Kumusta ka na? Dito ka pala nagtatrabaho ngayon?” Masayang tanong ni Eva.

“Oo, raket lang ‘to. Alam mo naman, hustle is life.” Sagot ni Mira.

“Alam ko ang feeling. Diyan din ako galing.”

Mula sa clutch niya, may kinuha si Eva — isang eleganteng black matte calling card na may embossed na calligraphy letter “L”. Walang ibang detalye, pero may QR code sa likod.

“Mira, I know this sounds crazy… pero kung kailangan mo ng extra income, like big income, mag- apply ka rito. Hindi scam ‘to ha! Legit. Kaso, hindi lahat pwede. Pero I can vouch for you.”

Napatingin si Mira sa card, at balik kay Eva ang tingin. Hindi niya maintindihan kung bakit parang ang gaan ng loob niya. Alam niyang hindi siya ibebenta ng kaibigan.

“Seryoso ka ba, Eva?”

“Hindi na ako si Ebak. Pero ikaw pa rin ang Mira na kilala ko. Kaya alam kong kaya mo ‘to.”

Ngumiti si Eva, hinaplos ang braso niya, at umalis na ito. Simple. Walang yabang. Puno lang ng genuine concern.

Si Mira, naiwan sa booth, hawak ang card. Tahimik. Nagtataka. Pero nagkakaroon ng pag-asa. Napaka elegante tingnan ng card at mabango ito amoy pang mayaman.

+++

Nag korteng 'P' ang mga mata ni Aling Conching nang abutan ni Mira ito ng kanyang bayad sa renta. Mabuti at kumita siya ng dalawang-libo sa pagtayo niya buong araw sa labas ng tindahan ng mamahalin na perfume. Ibinayad niya na ang one thousand five hundred kay Aling Conching at may tira ulit siyang eight hundred dahil three hundred na lang 'yong natira doon sa nakaraang pera niya. Napabuntong- hininga si Mira sa iniisip niyang mga bayarin. Halos hindi na rin siya kumakain para lang may pamasahe siya sa mga susunod na araw papasok ng school at trabaho.

Kumalam ang sikmura niya pero tiniis niya ito at pinikit na lamang niya ang kanyang mga mata. Naalala niya ang card na binigay sa kanya ni Eva, kaya kinuha niya ito sa kanyang bag.

Ni- scan niya ang QR code na nasa card. May data pa naman siya kaya lumitaw ang isang ka akit- akit na website na parang website ng isang fashion magazine. Kaso walang ni isang sulat ang website maliban sa logo nito na caligraphy na letrang 'L' na may korona na nasa gitna at may nakabilog na may mga bitwin dito.

Meron din dito nakalagay na 'Log in' sa baba naman ang 'Enter referral code.'

Inilagay ni Mira ang referral code na nasa card.

Lumitaw ang isang address at mini map sa screen. Sa may Rockwell Center, Makati ang office at ang pangalan ng establishment ay Velocity & Velvet. Pati ang dress code naka- indicate na rin. Meron din doon na option to upload the resume. May nakahanda na siya na resume na nakasave sa kanyang phone, kaya upload niya ito.

Dali- dali naman hinanap ni Mira ang white polo long sleeve na may colar saka blazer niya. Nilabas niya rin ang pencil cut na black palda na binili niya lahat sa ukay-ukay noong nakaraang buwan.

"Pwede na siguro 'to." Sambit niya sa kanyang sarili pagkatapos maplantsa ang damit na susuotin.

Pumasok naman si Ikay na ka boardmate niya at pagod na pagod ito galing school kaya sumalampak agad ito sa kama niya.

"Hay! Nakakapagod tapos sinisingil ka pa ng renta ni Aling Conching grabe lang."

"Wala na nga rin akong pera kaya raraket nanaman ako bukas."

"Ang sipag mo Mira hanga ako sa'yo. Ako, pag- aaral lang inaasikaso ko pagod na. Ikaw, may school at trabaho. Rumaraket pa, iba ka rin talaga."

"May umaasa kasi sa akin bhe. Kaya need ko ng pera. Gusto kong gumaling ang kuya ko para makapag trabaho na siya."

"Ano ulit sakit ng kuya mo?"

"May sakit siya sa puso. Pero gagaling din kung maoperahan siya."

"Ah. . . kaya pala ang sipag mo."

"Oo kailangan ko ng seventy thousand para ma operahan na si Kuya."

"Grabe ang laki rin. Dibale bhe may awa ang Diyos sa atin malalagpasan din natin 'to."

"Oo nga Ikay malalagpasan din natin 'to."

Itinulog na lang ni Mira ang kumakalam niyang sikmura dahil ayaw niya na gumastos pa. Kailangan niyang magtipid.

+++

Six o'clock pa lang at gising na muli si Mira para maghanda sa pupuntahan niya sa Makati. Malapit lang naman ito pero gusto niyang maging maaga doon para makauwi siya ng maaga dahil papasok pa siya mamaya sa Siren's Bar.

Bibili siya ng almusal sa labas pero may isang pamilyar na mukha siyang nadatnan sa labas. Ngumiti ito sa kanya at may dala itong paper bag at coffee cup na pang dalawa.

"Good morning, Mira. Breakfast tayo?" Itinaas ni Sam ang hawak niya.

"Uy Sam. Kanina ka pa diyan?"

"Kararating ko lang."

"Tara, pasok ka."

Pumasok si Sam at inilapag ang dala nito sa maliit na lamesa. Maliit lang ang common area ng boading house ni Mira. Wala nga itong salas kusina at lamesa agad ang nasa ibaba.

"Anong agenda mo today?" Tanong ni Sam sa kanya.

"May pupuntahan ako. Mag- apply ako ng another raket."

Inilabas ni Sam sa paper bag ang dala niya. Inabot kay Mira ang tuna sandwich. Saka inilapag sa harap niya ang hot latte. "Hindi ka ba napapagod?"

"Napapagod rin. Pero may umaasa kasi sa akin kaya need ko magbanat ng buto." Kumagat si Mira sa sandwich.

"Kung mag- resign ka na lang kaya sa Siren's Bar and work for me."

Tumaas ang isang kilay ni Mira. "At ano naman ang trabaho?"

"Secretary ko." Ngumiti si Sam sa kanya. "Promise hindi kita pahihirapan at hindi ako cold hearted boss."

"Nge, alam ko naman na hindi ka ganoon. Saka hindi ko kaya mag full-time kasi nag-aaral pa ako. Part- time lang kinukuha ko."

"E 'di pakasalan na lang kita. Ako na sasagot ng pag-aaral mo para hindi ka na rumaket."

"Luh! 'Wag kang magbiro ng ganyan, Sam."

"Seryoso ako."

"Ewan ko sa'yo kulang ka lang yata sa kape." Sabay inom sa kape niya si Mira.

Alam niya naman na hindi nagbibiro si Sam pero hindi pa siya handa sa mga kasal- kasal. Oo gwapo si Samuel Alegre. Single, loaded and successful. Wala ka na yatang mapipintas sa kanya kasi mabait din. Ilang taon na rin silang magkaibigan at ngayon lang ito nagpahiwatig sa kanya na manliligaw daw ito.

Walang nagsasalita sa kanila hanggang maubos ang kinakain nilang sandwich. Pero nang matapos na sa kinakain nila ay nagsalita muli si Sam.

"Just give me a chance, Mira."

"Sam. . . I'm not yet ready. I want to prove something for myself. Ayaw ko i-asa ang future ko sa ibang tao."

"I respect that, Mira. Pero kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako. Huwag kang mahihiya sa akin okay?"

Tumango lang sa kanya si Mira. Pero ang totoo nahihiya siya kay Sam kaya kahit kailan hindi siya dito nanghingi.

Naglabas naman si Sam ng wallet niya at inabutan siya ng pera.

"Sam ano ba. Hindi ko kailangan. May pera pa ako."

"Please, Mira tanggapin mo na." May sinseridad nitong wika.

"May pera pa ako."

"No, Mira okay lang. Please tanggapin mo na."

"Sige tatanggapin ko 'to pero utang huh?"

Inabot niya ang pera at hinawakan ang kamay ni Mira saka inalalayang itupi ito sa palad niya. "Kahit wag mo na bayaran. Okay?"

"Sam, ano ba?!" May inis na sa tono ng boses ni Mira.

"Sige na utang okay. Sinamaan mo na ako ng tingin. Nakakatakot ka." Biro ni Sam sa kanya.

Ngumiti si Mira. "Babayaran kita kapag sumahod ako sa Siren's Bar."

Tumango si Sam ng nakangiti. Tumunog naman ang cellphone ni Sam at sinagot niya agad ito.

"Okay, I'm on my way." Sabi nito sa kausap sa kabilang linya.

"Aalis ka na?"

"Yeah kailangan na ako sa office. Gusto sana kita ihatid." May lungkot sa mga mata ni Sam.

"Huwag na Sam. Okay na ako."

"Sure ka huh? Sige see you later sa Siren's Bar."

"Okay bye. See you later."

"Ingat ka sa pupuntahan mo, Mira."

"Ikaw din mag-ingat ka. Bye." Nakangiting paalam ni Mira.

Sinulyapan muna ni Sam si Mira ng nakangiti, nagpakita nanaman ang makasalanang dimples na 'yan ni Sam. At nagpaalam na ito at umalis.

Binilang ni Mira ang inabot na pera ni Sam sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya dahil limang-libo ito. Sapat na 'to para sa kanya hanggang makasahod siya sa susunod.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Euphoria: Sugar Baby   Chapter 41: The Session Hall

    "SAM, Rafael, meet Prince Foxglove Krausse," pakilala ni Winona sa mag-ama. "He owns a private ecological estate. He also happens to be one of the leading experts in European water management systems."Tahimik lang si Fox habang binubuksan ang leather folio niya. Pagkatapos ay tumingin siya kay Sam na parang sinusukat siya. Bahagyang napangiti sa kanya si Rafael. Pero dahil hindi nagpunta doon ang prinsipe para sa isang business conference— he doesn't want to give a god damn sh*t. May isa lang siya goal kung bakit siya naroon sa Alegre Constructions Inc. Wala na rin itong intro o paligoy- ligoy pa. Kahit na, he's known as a prince, titulo lang ito para sa kanya na hindi niya maalis kaakibat ng pangalan niya. In short he doesn't consider himself, pang 15th in line naman siya so malayo- layo pa bago siya maging ganap na King kahit demolished na ang monarchy sa bansa nila."I read about the flooding near your project site," panimula niya, calm at mababa ang boses. "That site is less than

  • Euphoria: Sugar Baby   Chapter 40: Reinforcement

    NASA isang private boardroom sina Sam at Bernice, tahimik naman nanunuod sina Rafael at Winona. Ngayon mas intense ang atmosphere. Naka-set up ang buong kuwarto na parang Senate session: may mesa sa gitna, may mga mikropono, at ilang paralegal na nakaupo sa paligid acting as “senators.” Nakatayo si Bernice sa may dulo ng mesa, arms crossed, malamig ang titig kay Sam na nakaupo sa gitna. Ginagawa nila itong mock trial dahil kailangan masanay ni Sam sa environtment sa Senate. "Again," utos niya, sabay senyas sa paralegal na magtanong."Mr. Vergara," bungad ng paralegal na ginagaya ang tono ng isang totoong senador, "paano ninyo ipapaliwanag na sa ilalim ng inyong pamumuno ay bumaha sa project site kahit certified ang mga materyales ninyo as high quality?"Napasinghap si Sam. "W-we are currently investigating—""Stop." Mabilis na putol ni Bernice. Lumapit siya sa mesa at inilapit ang mukha kay Sam. "That’s weak. You sound like someone na n

  • Euphoria: Sugar Baby   Chapter 39: Confuse Feelings

    PAGDATING niya muli sa Alegre Construction Inc., andoon na sina Winona at Bernice, nakabukas sa malaking screen ang bid documents. May mga pula at dilaw na marka na halatang minadali ang pagreview."These were supposed to be confidential," ani Bernice, malamig ang tono. "Kung sino man ang nag-leak nito, may agenda silang sirain tayo. The timing is too perfect — right after we cleared the Senate hearing."Tahimik si Sam sa kabilang dulo ng mesa, pinipisil ang bridge ng ilong niya. Kita sa mukha niya ang pagod pero hindi ito galit — mas seryoso at nakatutok."We’ll find out who leaked it," sabi ni Winona. "But right now, we need to prepare a statement. By tomorrow morning, the press will be all over this."Rafael didn’t say anything right away. Umupo siya, nagbukas ng folder at isa-isang tiningnan ang mga dokumento. Halos hindi siya kumukurap, parang bawat linya ay ini-imbak niya sa isip."This is going to be ugly," mahina niyang sabi. "Per

  • Euphoria: Sugar Baby   Chapter 38: My Baby Su

    NAGISING si Mira sa malaking kama ng mag-isa. Hinaplos niya ang bakanteng espasyo sa tabi niya. Napabuntong- hininga siya. Naramdaman niya muli ang pangungulila. "Coach..." Mahinang tawag niya. Wala pa rin ang lalaki. Gustohin man niya umuwi, pinanghahawakan pa rin niya ang sinabi sa kanya ni Coach na babalik ito agad. Pero hanggang kailan ba siya ganito? Hanggang kailan? Bumangon si Mira at inabot ang NAVI tab niya. Napangiti siya dahil napansin niya na kasali na siya sa gc ng The Kink Band. May internal chat system kasi sa isla at lahat ng guest n nasa isla ay nakaregister sa NAVI. [The Kink Band]Captain: Oh! Our muse is alive. Good morning sunshine.Boss Daks: Good morning, Tiramisu.Swinger: 😀Night: Hey, muse. 😃Tiramisu: Good morning guys. Captain: Breakfast at Cafè Mènage?Tiramisu: Ok.Bumaba na si Mira ng kama at nag quick shower lang. Nagsuot siya ng summer outfit niya. Blue swimsuit sa loob at may pamatong na manipis na pang summer na kimono cardigan. Naka shorts siya

  • Euphoria: Sugar Baby   Chapter 37: Trustful Tuesday

    WALA sanang balak pumunta si Mira sa party pero kaysa maburyo sa cabana at magmaktol dahil sa pag alis ni Rafael, ngayon ay patungo na siya sa beach party.Habang naglalakad si Mira papunta sa beach venue, ramdam niya agad ang pagbabago ng vibe. May mga fairy lights na nakasabit mula puno hanggang mga pole, may mga bean bags nakahilera sa buhangin, at may maliit na stage na gawa sa kahoy at bamboo. Amoy niya ang halong alat ng dagat at kaunting usok ng inihaw na seafood galing sa food stalls. Sobrang dami ng tao. Totoo nga ang sabi ni Boss Daks na sikat ang Kink Band ng Euphoria.Nang makarating siya, nagsimula nang tumugtog ang banda. Narinig niya agad ang pamilyar na opening beat ng “Cake by the Ocean.”Nasa harap ng mic si Captain — at parang ibang tao ito kumpara sa nakita niya sa restaurant. Suot nito ang white open-collared shirt na medyo basa na sa pawis, at dahil sa stage lights, kita ang well-defined abs nito. He moved like he owned the stage, hawak ang mic stand habang nakik

  • Euphoria: Sugar Baby   Chapter 36: Father & Son

    NAKABALIK na si Mira sa kanilang cabana. Napabuntong- hininga dahil sa tahimik. Binuksan niya ang TV sa may living room pero pinatay niya rin ito kasi mga pre-installed movies ng isla at Netflix ang mapapanood. Humiga siya sa kama may tumunog naman na notification sa NAVI tab niya.Invitation ito ni Captain para sa gig nila mamayang gabi. Napangiti si Mira dahil may chat pa sa kanya si Captain. [Captain]Hey Tiramisu, punta ka. Nagreply naman si Mira ng thumbs up na emoji. Ilang linggo na rin pala siya rito at hindi pa niya nakakalikot ang NAVI tab. Kaya naging abala siya sandali dito. She tapped the maps, lumabas naman dito ang maraming establishments at mga activities ng isla. +++PAGKABABA ni Rafael ng eroplano, nasa pantalan sila ng Manila Bay. Sa hindi kalayuan, may naghihintay na kotse. Alam na agad ng kanyang driver kung saan sila tutungo. Nakarating sila sa Alegre Construction Inc. ang kumpanya na pagmamay- ari ng anak niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status