Euphoria: Sugar Baby

Euphoria: Sugar Baby

last updateLast Updated : 2025-07-25
By:  GreenLime8Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
5Chapters
18views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

May mga islang hindi mo mahahanap sa mapa. At may mga gabi na hindi kailanman pwedeng ikuwento. Siya—isang dalagang nangangarap ng katahimikan. Siya—isang lalaking matagal nang ginugupo ng mga alaala. Isang gabi. Isang kasunduan.Isang halik na hindi na mabubura. Akala nilang pareho, panandalian lang ang lahat. Hanggang sa lumitaw ang katotohanang kay tagal nang itinatago—at may isang pangalan na hindi dapat banggitin sa isla. Sa Euphoria, lahat may presyo. At ang ilang halik… may kapalit na buhay.

View More

Chapter 1

Chapter 1: Ligaw

HINDI malaman ni Mirabella Suarez kung pano pa pagkakasyahin ang pera niya. Nagkabuhol- buhol na ang utak niya kung paano siya makaka- survive sa susunod na linggo. Kaka- withdraw niya pa lang ng kanyang sahod, at ilang araw pa ang susunod na sweldo pero isang libo na lang ang natira sa sinahod niya.

"Nasaan ang hustisya?" Sambit niya sa kanyang sarili.

Kung may magic lang siya pinadami niya na ang pera niya kaso wala siyang gano'n. Kahit na super sipag niya kulang pa rin sa kanya ang sinasahod niya. Halos naiyak siya noong kinuha na ng ahente ng remittance center ang pera na ipapadala niya sa probinsya para sa kuya niyang may sakit at pabalik- balik sa ospital.

"Ma'am ten thousand po lahat. Plus may service charge pa pong one hundred twenty- five o ibawas na lang?" Sabi sa kanya ng ahente.

"Uhm... Ano po, 'wag na po," inabot ni Mira ang isang libo niya. "dito niyo na lang kunin."

Nang makalabas siya sa remittance center halos manghina ang mga tuhod niya. "Sa'n aabot ang eight hundred seventy-five?"

Mangungutang nanaman siya kay Treena nito. Nahihiya na talaga siya kay Treena. Kahit naman kasi may pera ang tao ayaw niya abusuhin ito. Hindi pa nga siya nakakabayad dito ng limang daan sa inutang niya noong nakaraan. Si Treena ang kasama niya sa Siren's Bar na nagtatrabaho rin kung saan siya nagtatrabaho. Bartender si Treena at si Mira ay isang server o isang waitress sa bar. Ang Siren's Bar ay isang jazz at chill bar ang ambiance.

Sa paglalakad ni Mira ay nakarating siya sa Greenbelt. Dumaan lang naman siya dito para tumagos at makasakay ng E-jeep. Dahil papasok na siya ng trabaho ulit sa BGC.

+++

"Oh ba't nakabusangot ka nanaman diyan?" Tanong ni Treena sa kanya habang nagpupunas ng baso.

"Alam mo naman ang problema ko Treena."

"Sige na kung short ka sabihin mo lang." Ngiting sabi nito sa kanya.

"Nako! Nahihiya na ako sa'yo hindi ko pa nga bayad 'yung limang daan noong hiniram ko sa'yo." Malungkot na sabi ni Mira.

"Ano ka ba para ka namang others eh."

"Buti ka pa may sponsor ka. Kaya wala kang problema sa gastusin mo."

"Nako kala mo ba wala akong problema. Isang bagsakan ng sponsor ko binibigay sa akin 'yong pera. Kaya kailangan ko yun tipirin ng..." nag-isip muna si Treena. "Tatlong buwan bago muli makapagpadala sa akin. Minsan umaabot pa ng apat na buwan o limang buwan bago ulit magpadala. Kaya kailangan ko din itong trabaho pang back-up." Untag nito.

"Hirap din pala sitwasyon mo. 'Wag mo na ako intindihin mag- raket na lang ako bukas. Wala naman akong pasok sa school."

Biglang bumukas ang pinto ng Siren’s Bar at pumasok ang dalawang lalaki na agad nakahakot ng atensyon — parang mga scene-stealers sa isang fashion magazine ad.

Si Samuel Alegre, suot ang dark olive green na button-down polo, bahagyang bukas ang unang dalawang butones. Fit ang suot niya pero hindi pilit — relaxed, expensive, at natural ang dating. May kagwapuhan itong Jake Cuenca meets Park Seo-joon — medyo magulo ang buhok pero mukhang sinadya, tipong just got out of a Bentley, not bed. Tumambad ang matalas niyang panga at matang parang laging nangungutya ng nakangiti.

“Careful, Sam,” Zeke teased. “That table’s holding on for dear life. Baka pati love life mo madamay.”

Si Ezekiel 'Zeke' Yap De Palma naman, chic and stylish — naka all-black: black turtleneck, slacks, at gold chain sa leeg. Medyo artsy ang vibe, may hawig kay Korean actor Nam Joo-hyuk, pero mas flashy at may boyfriend energy aura. Siya ‘yung tipong kapag ngumiti, feeling mo iniinterview ka ng Vogue kahit hindi ka ready.

Matagal na niyang suki ang dalawang ito—lalo na si Sam. Tatlong taon na rin siyang server sa Siren’s Bar, at sa tagal ng panahon, kabisado na niya ang mga iniinom, mood, at galaw ng mga ito. Si Zeke palaging experimental sa drinks. Si Sam? Always neat whiskey with a lemon twist—no more, no less.

“Usual, sir?” tanong ni Mira habang pinapantay ang tingin kay Sam.

Ngumiti si Sam. “Alam mo naman ako, Mira. Loyal ako sa matagal.”

Tumikhim si Zeke, “Kahit sa tao ba, bro? O sa alak lang?”

“Depende,” sagot ni Sam, hindi inaalis ang tingin kay Mira. “Kung 'yung tao... worth it.”

Natigilan si Mira. Hindi na bago sa kanya ang banter nila, pero ngayon, iba ang tono. May lalim. May bigat.

“Bro, hindi ka pa lasing niyan ah,” biro ni Zeke. “kung makatingin ka kasi kay Mira para kang sinaniban.”

“Baliw ka talaga, sir,” pilit na natawa si Mira, pero mabilis din siyang umiwas. “I’ll just get your drinks.”

Habang palayo siya, ramdam niya pa rin ang tingin ni Sam sa kanya. Yung klase ng tingin na hindi bago, pero ngayon lang niya naramdaman na seryoso. Ipinasantabi niya muna ito at kinuha ang madalas na order ng dalawa. Neat Macallan 25 with lemon para kay Sam. Martini—Beluga Vodka, dry, with a twist para kay Zeke.

Nakangiting bumalik si Mira dala ang order ng dalawa. "Enjoy your drinks."

"Thank you, Mira." Pasasalamat ni Sam sa dalaga.

Nag bow lang ito at tahimik na umalis na ang dalaga.

“Dude, seryoso ka ba sa kanya?” tanong ni Zeke nang wala na si Mira.

“Sigurado ako, man,” sagot ni Sam, tumingin saglit sa baso niya. “Si Mira… siya lang ‘yung never akong sinuyo para lang makuha ‘yung gusto niya. She’s real.”

Past midnight na, tulog na ang kalye sa harap ng Siren’s Bar maliban sa ilang kotseng nakaparada. Nakaupo si Mira sa gilid ng sidewalk, pinapaikot-ikot ang strap ng shoulder bag niya habang hinihintay si Treena. Ilang saglit pa, bumukas ang pinto ng bar.

“Uuwi ka na?” tanong ni Sam habang kinukuha ang susi ng kotse sa bulsa niya. Kasunod niya si Zeke na tumawag ng driver.

“Mm-hmm. Nag-text na si Treena may inaasikaso pa raw siya sa loob. Baka matagalan,” sagot ni Mira.

“Eh 'di sabay ka na sa ‘kin.”

Napalingon si Mira. “What?”

“Hatid na kita sa boarding house mo, ‘di ba ‘yung malapit sa Kalayaan?” Sam offered. “I’ve seen you take the bus doon before.”

"Nako 'wag na." Nahihiyang sambit ni Mira.

"I insist, tara na. Sakay ka sa kotse, ihahatid na kita." May pagpilit sa boses nito na malumanay.

“Sakay sa ano?” tanong ni Mira, kahit alam na niya ang sagot.

“Dun.” Turo ni Sam sa black sports car na may pulang lining, parang sinadya talagang sumabay sa mga ilaw ng gabi. Makinis. Mainit. Maingay pa sa adrenaline.

Tinapik naman ni Zeke ang balikat ni Sam habang nasa telepono ito at sumenyas na mauuna na ito. Tango lang ang tinugon sa kanya ni Sam. Kumaway muna ito sa kanila at sumakay sa bagong dating na kulay itim din na mamahalin na sedan.

“Sam…” bumalik muli sila sa usapan. “Hindi ba nakakahiya? Baka isipin ng mga tao—”

“Na gusto kong ihatid ka lang ng safe?" putol ni Sam habang gumalaw-galaw ang kilay nito at sabay ngumiti sa kanya at hindi sinadyang ipakita ang kaakit- akit na dimples nito.

Tahimik si Mira. Para siyang nalusaw. Ang lakas ng dating ni Sam ngayong hindi siya nagbibiro.

“Wala akong kasamang bodyguard, Mira. Malaya kang sumakay." Dagdag ni Sam, dahan-dahang bumubuka ang ngiti.

“Ano ‘to? Cinderella moment?”

“Pwede,” sagot ni Sam. “Pero alas dose na, Mira. Sasakay ka o maghihintay ka pa ng jeep?”

Napabuntong-hininga si Mira. “Alam mo, minsan ang lakas ng tama mo.”

“Hindi minsan. Madalas,” sabi ni Sam habang binubuksan ang pinto ng kotse para sa kanya.

Tahimik sa loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang kalsada. Hindi iyon awkward na katahimikan, kundi 'yung tipong puno ng tanong na hindi pa binibitawan.

“Bakit mo ginagawa ‘to?” tanong ni Mira, hindi tinitingnan si Sam.

“Doing what?”

“Pinapansin ako. Niyayaya makipagkwentuhan. Hindi ka naman ganyan dati.”

Huminto si Sam sa stoplight. Humarap siya sa kanya, seryoso.

“Kasi noon... hindi pa kita gustong ligawan.”

Napakagat-labi si Mira. Walang maisagot.

“Ngayon, gusto na kita. Gusto ko lang malaman kung puwedeng seryosohin ‘to. Kung puwedeng hindi ako 'yung Sam na kilala ng lahat.”

“Eh sino ka?”

“’Yung Sam na tumitingin sa'yo bilang ikaw—hindi bilang laro.”

+++

Papatak na ang ulan nang dumating sila sa tapat ng boarding house. Tahimik lang si Mira habang bumababa ng kotse.

“Good night, Mira.” Sabi ni Sam habang binaba ang bintana ng sasakyan.

“Good night, Sam.” Tumalikod na siya pero sandaling lumingon ulit. “At… salamat sa paghatid.”

Ngumiti si Sam, hindi 'yung usual na palikero—kundi 'yung tahimik na may laman.

“Anytime. Basta ikaw, susunduin at ihahatid kita kahit saan... Ingat ka. And Mira—hindi ako nagpapatawa sa’yo. Gusto talaga kitang ligawan.”

Hindi na nakapagsalita pa si Mira dahil pinaharurot na ni Sam ang kotse. Medyo nahiya doon si Sam sa mga binatawan niyang salita kay Mira. He cursed under his breath while steering the wheel. Ngayon niya lang talaga na- realize 'yon at nakakahiya 'yong mga pinagsasabi niya kay Mira. Hindi pa naman siya lasing. Napabuntong- hininga na lang siya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
EmotionlessMissK
LOve it! highly recommended!
2025-07-25 09:37:39
0
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status