Team Shin
~*~*~*~
NAGKUMPULAN ang mga estudyante sa labas ng aming classroom. Tinitingnan nila ako at pinag-uusapan habang diretso ang aking mga mata sa whiteboard na nakikinig sa guro. Iritado akong bumaba sa kotse ni Austin kanina kasi pinipilit niya pa akong ihatid. Inaasar niya pa ako na hindi raw bagay ang get up ko sa pampublikong sasakyan!
Kagaya ng mood ko kanina ay iritado narin ang aming guro sa bulong-bulongan sa labas. Tumingin si Mrs. Torre sa akin. “Diaz, bakit hindi ka muna lumabas upang kausapin ang mga fans mo na class hour ngayon at nakakaistorbo sila!”
Tumikhim ako. “With all due respect Mrs. Torre, but I cannot tell them what to do with their lives. It’s their choice, and I won’t shoo them because they have disturbed the class. Though,” Sumulyap ako sa nakikinig sa labas. “If they are educated enough, they’ll leave because we have our class topic here.” And I gave them an apologetic smile.
Ramdam ko naman ang pag-awang ng labi ni Mrs. Torre at ang pananahimik rin ng lahat sa sinabi ko. Siguro nabigla sila sa sinagot ko. I’m properly trained with speaking and the right choices of words. Sana ‘di nakaka-offend iyon. I’m just showing formality.
“I’m sorry Mrs. Torre at sa iyo rin D-Diaz, sa istorbo,” Nagsalita ang babaeng nasa pinakamalapit ng pintuan. Kita ko ang pagwawala ng kulay sa mukha niya habang tumitingin siya sa akin. “H-Hindi na po mauulit...” Aniya at umalis na siya tangan ang kanyang grupo.
Marami ang nagtaka kanina no’ng hinatid ako ng isang kotse. Walangyang Austin kasi... Binaba ba naman ako sa loob ng paaralan kung saan makikita ng mga estudyante.
Mukhang nagtaka rin sila sa pagbabago ko ngayon. Hindi kagaya ng lagi kong suot na t-shirt at simpleng maong, nakasuot ako ng puting tank-top na kung hindi lang high-waist ang suot kong itim na ripped jeans ay kita ang aking pusod. Isang pares rin ng heeled-sneakers ang sapatos ko habang ginamit ko naman ang isa sa mga nakatago kong bagong bag na galing sa ibang bansa. I don’t do make-ups and jewelries kaya hindi ako gaano nahihirapan. Inayos lang naman ni Mama ang buhok ko into messy buns at plano pa niya akong lagyan ng bangs na hinayaan ko lang. Alam kong susuportahan ako ni mama sa kahit anong gusto ko. Mas susuportahan niya pa ako ngayon kasi magagamit ko na ang mga signature dresses and bags na binili pa niya para sa akin tuwing sinasama siya ni papa sa ibang bansa.
“Magkwento ka, ‘a.” Bulong ni Riri sa akin. “May biglaang fans ka, ‘teh. Hindi manlang namin napag-alaman na celebrity ka pala.” Humagikhik siya.
Kinurot ko siya sa gilid na agad naman niyang iniwasan. “Tumahimik ka nga muna,”
“Aura,” Ngayong tumahimik si Riri ay si Letty naman ngayon ang kumukulit sa akin. “Anong nangyari? Pansin ko ‘di mo pinapansin si Shintaro...”
“Galit ako sa kanya, Letty...” Diretsahan kong sagot habang hindi siya hinaharap. Pero hindi ako nakapagpigil at napatingin na ako sa kanya. Nginuso ko si Jev na ngayon ay nakaakbay sa upuan ni Letty habang nakatungo ang ulo sa mesa. “Anong nangyari diyan?”
Umiwas naman siya ng tingin saglit at nagkibit balikat. “E-Ewan ko..” Tumaas ang isang kilay niya at may panunukso akong nilingon ulit. “Kanina ka pa tinitigan ni Shintaro, uy. Maya-maya siya umiirap. Nag-away kayo, ano? Lover’s quarrel?”
Narinig iyon ni Riri kaya humagikhik ulit siya. “Kaya todo-paganda, hah. Paano naman si Edison niyan? Tiyak na may dadagdag pa ngayong looking gorgeous and hot ka na!”
Binigyan ko sila ng magkakambal na kurot bago ako bumaling kay Shintaro. True enough, seryoso siyang nakatitig sa akin. Inirapan ko siya.
SIMULA no’ng araw na iyon ay hindi na ako tinantanan ng karamihang lalaki. Kung may pagkakataon ay nagpapalipad-hangin sila sa akin. Mas dumadami rin ang pumapansin sa akin. Ang noong haters ko kuno ay feeling close na ngayon.
“Edison!” Napaawang ang labi ko nang marinig ko iyon mula sa bibig ni Jev. Natatawa siyang kumaway sa kung sinuman. “Sumabay ka na sa amin. Nang sa ganun walang umaaligid na iba rito kay Aura.”
Kinalma ko ang sarili. Ang tanging Edison na kakilala ni Jev ay nag-iisa lang. Kumalabog ang aking puso at nagpakurap-kurap ako.
“Jev,” Shit. Nandito nga si Edison! “Hi Aura, it’s been a while. Ang ganda mo na ngayon...” Aniya.
Napilitan akong iangat ang aking mukha at sinalubong ang kanyang mata. “So, n-noon, ‘di ako maganda?” Alanganin akong ngumiti.
Umiling naman siya habang nakatayo parin malapit sa mesa namin. “Maganda ka na noon. Maganda ka parin ngayon... Mas lalo kang gumanda…”
Bolero!
“S-Salamat,” Sagot ko nalang. Uminit ang aking pisngi kaya yumuko ako at tinuloy ang kinakain. Nagpaalam naman siya kina Jev na para bang walang ilangan sa amin. Talaga naman ‘di ba? Hindi siya naiilang sa akin at parang walang aminan ang naganap sa amin. Na para bang hindi siya tumigil sa akin.
Nang makaalis na siya ng tuluyan ay tinukso ako ng tatlo. Mas niyuko ko naman ang ulo ko kasi ayaw kong makita nilang nasasaktan ako. Parang wala lang ako sa kanya ngayon. Namimiss ko na siya.
Wala na ba akong halaga sa kanya? No’ng nakipag-usap siya ay parang walang bahid ng lungkot ang tono niya. Walang halong galit, hinayang at sakit. Parang mas masaya siya ngayong nakalaya siya.
“Aura, okay ka lang?” Tanong ni Letty nang maramdaman nila ang pananahimik ko. Hinagod naman ni Riri ang aking likod.
Umiling ako.
“Anong problema?”
Tumawa ako ng mapakla. Hanggang ngayon, hindi ko parin sinasabi sa kanila ang rason ng pagbabago ko. ‘Di ako nag-open sa kanila. Pero nanatili parin sila sa akin bilang kaibigan. Gustong-gusto kong magkwento sa kanila tungkol sa pag-uusap namin ni Edison. Kung ano ang pinag-awayan namin ni Shintaro. Kaya lang… hindi ko alam kung paano ‘o saan ako magsisimula. Doon na lang kaya sa una naming pag-uusap ni Shintaro?
“Break na kami ni Edison,”
“Naging kayo!?” Agad nilang tanong.
“Kaya nga, ‘e. Hindi na magiging kami kasi tumigil na siya... Noong nakipagkita siya sa akin sa pamamagitan ng love letter. Sinabi niya na pagod na raw siya... Pinagod ko, ‘e.” Ngumiti ako. “Doon ko inamin sa kanyang mahal ko rin siya, matagal na… Pero wala na talaga,”
Umaawang ang labi ni Jev samantalang blangkong expression lang ang dalawa.
“Ngayon, nakikita ko namang masaya na siya kaya... Kaya siguro, sana maging masaya narin ako. Naisip ko, papahalagan at mamahalin ko ang mga bagay na meron ako ngayon. Gagamitin ko upang hindi masayang at para hindi narin ako magsisisi sa kinahulihan.”
“Oh, God!” Ani ni Letty at hinila niya ako palapit sa kanya. “Bakit ‘di mo sinabi sa amin na ganoon pala?” Niyakap niya ako ng mahigpit.
“Sorry kung hindi ako nag-open up sa inyo.. Pinagkatiwalaan ko kayo at mahal ko kayo pero magulo lang talaga ang utak ko... Ayaw kong pati kayo mapagod rin sa akin…” Bulong ko. “Salamat at nandyan kayo… Salamat at naiintindihan n’yo.”
“Ano ka ba naman, Au? Mahal ka rin naming gaga ka!” Si Jev.
Hinawakan naman ni Riri ang kamay ko at ngumisi siya. “Naiintindihan namin, Aura... Maging kayo man ni Edison ‘o hindi ay kaibigan ka pa rin namin. Nagmamahalan tayo, ‘di ba?” Tumango ako. “Ngayon, #TeamShintaro na kami!”
Not Bad~*~*~*~HABANG pinagmamasdan ko sina Jev at Letty na naglalambingan, si Riri na nang-aasar sa akin habang naliligo sa pool at sina Mama at Papa na parang batang nagtatalo habang nag-iihaw, alam kong naging mabuti ang takbo ng plano na tinuloy nila para sa akin. Masaya ako kasi sa kabila ng lahat, ganito na kami. Sa lahat ng iyak, takot at saya ay magkakasama parin kami.Hindi na muna bumalik si Austin pero tumawag naman siya kanina. Sinabi niyang maganda ang pinagbabakasyonan niyang lugar. Though, hindi niya sinabi kung nasaan talaga siya. Naalala ko pa 'yon sa plano ko, mawawala siya at tutulungan ako ni Shintaro na mahanap siya upang magkalapit kami. Nakakatawa na nangyari nga iyon at sobrang kinabahan ako. Hindi ko na talaga uulitin ang ganun, nakakamatay pala sa kaba.Pero sa t'wing maaalala ko ang mga pangyayari
Smitten~*~*~*~SINABI ko na kay Shintaro ang tungkol kay Drake. Nagulat siya pero wala na siyang magawa. Nakakapagdesisyon na ako na hindi na itutuloy ang plano. Ang tanging matutuloy ay ang pag-inom ko ng gamot upang makalimot.“Ayaw mo na ba talagang makilala ang isang weird na time-traveler na si Shintaro Terrano? Baka magsisi ka. Minsan mo na nga lang akong makikitang weird tapos hindi pa matutuloy? Tss. Pinapaalis mo pa ako. Akala ko ba si David lang ang kakalimutan mo?” Nakasimangot na tanong niya.Napailing ako at bahagyang napangiti. “Magpakilala ka nalang ulit sa akin. Sa ngayon ay bumalik ka na muna sa dati mong buhay. Nagpapasalamat ako kasi nandito ka parati para sa amin Shintaro pero sasabihin ko sayo, hindi lang sa amin, sa akin umiikot ang mundo mo. May buhay ka rin na dapat mong alagaan. Hi
Emosyon~*~*~*~NAGISING ako nang maramdaman ko ang paninitig sa akin ng kung sino. Napabalikwas agad ako ng bangon. Nasa kwarto ako! Bakit narito si Shintaro? Nang makita ko ang takot sa mga mata niya ay saka ko napagtantong ako ang dahilan kung bakit siya nandito sa kwarto ko. Kung bakit katabi ko siya sa kama ko.“B-Bakit hindi ka natulog?” Nauutal na bulong ko.Nanatili siyang nakahiga habang nakayakap sa aking bewang ang kanyang braso. Napagpasyahan ni Mama na samahan ako ni Shintaro ngayong gabi. Ayaw sana ni Papa pero dahil sa ginawa kong stunt kanina habang yakap ako ni Shintaro ay sobrang nagpakaba sa kanila. Nabahala sila na baka may gagawin na naman akong ikapapahamak ng sarili ko. Si Jev ay nasa kwarto ni Austin samantalang sina Riri naman at Letty ay magkasama sa guest room.Pina
Segundo~*~*~*~PARANG kahapon lang ang mga alaalang bumalik sa akin. Parang kahapon lang na sobra akong nasaktan. Sa kabila ng kalaliman ng gabi, pinaharurot ko pabalik sa amin ang sasakyan. Hindi ako pinayagan ng tatlo pero nagmamatigas ako. Gusto kong makausap sina Mama. Gusto ko silang makausap tungkol sa lahat ng nangyari. Gulong-gulo na ang utak ko at hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa kanila pagkauwi ko. Hindi ko na inabala pang punasan ang sariling luha.Sobrang pamilyar ng eksenang ito. Nagpapatakbo ako ng kotse habang umiiyak. Sumagi sa isip ko ang ibangga nalang itong kotse sa kung ano. Ayaw ko na. Sawang-sawa na ako sa lahat ng ito! Si David. Bullshit. Si David! Ilang mura na ang nasabi ko at ilang suntok na ang binigay ko sa manibela.Wala na akong pakialam kung makaabala ako ngayon sa iba na bumibyahe rin katulad ko. A
Binalikan~*~*~*~MAY nararamdaman akong humaplos sa mukha ko kaya unti-unti akong nagmulat. Sinalubong ako ng malungkot na ngiti ni Mama. Iaangat ko na sana ang sarili ko nang pigilan niya ang aking braso at siya ang humiga sa aking tabi. Nasulyapan ko ang laptop at nasa study table ko na ito.“Ang lahat ng ayaw kong makita sa'yo, Triz.. Ang umiiyak ka. Kaya kahit labag man sa kalooban ko, sinusuportahan kitang kumalimot. Ayaw kong araw-araw kang nasasaktan.” Malumanay na wika niya.Tumagilid ako at iniyakap kay Mama ang aking braso. Sumiksik ako sa kanya na parang bata. Ako ang panganay na anak pero sa t'wing magkakasama kaming apat, parang ako pa 'yong baby sa kanila. Lalong lalo na kay Austin. Minsan ay itinuturing niya akong bata.“Kapag 'di ko po 'to maiiyak, baka ano na ang nangy
Cheat~*~*~*~NAGING mahimbing ang tulog ko nang dumating ang gabi. Tinigil muna namin ang brainstorming. Ayaw kong matuyo ang utak ko. Ang hirap pala nito. Tinulungan nila akong lahat. Hindi lang ako ang naghihirap, pati narin pala sila. Tinulungan nila ako kasi mahal nila ako.Nagpabili ako ng bagong cellphone kay Mama. Iyong mga gamit ko na nakakapag-alala sa akin kay David ay tinago ko narin. Tsaka ko na gagamitin ang bagong cellphone ko kapag mainom ko na ang capsule. Binilin ko naman kay Mama na siya na ang magtatago ng magiging dati kong cellphone.Ayaw ko kasing magkaroon ng ebidensiya sa planong ito pagdating ng panahon. Pagkagising ko ay masigla kong inunat ang aking kamay at paa. Bukas pa kami ‘magme-meeting’ ulit kaya iba ang gagawin ko ngayon. Kinuha ko ang aking cellphone at tinitigan ko ang mukha n