Late
~*~*~*~
HALOS itulak ko na paalis sa dinaraanan ko ang mga tao. Late na ako sa first subject at tiyak na malilintikan ako. Dala ang dalawang makakapal na libro habang tumatakbo. Na aakalaing mong isang paglisan ng paunahan! Gah! Minalas na nga ba ako ng tuluyan? Nakailang ulit ng sumagi sa isipan ko ang mukha ng lalaki kanina. Kung hindi lang sana umepal, ‘e may chance pa sana siya sa akin. Kung hindi lang sana siya epal, kanina pa ako nakarating dito at nakikipagchikahan! Nakuuu, ‘yang gwapo mong mukha, dudungisan ko talaga ng aking super power! Kainis!
Habol ang hiningang nakarating ako sa aming classroom. Sinilip ko ito at nagdiwang nang husto nang mapagtantong wala pa ang terror naming guro! Nakanganga nila akong tinapunan ng tingin na inirapan ko lang ‘t saka ako tumungo sa aking upuan. Padabog kong tinapon ang aking pwet sa silya at pinunasan ang gabutil kong pawis sa noo. Ngumisi ako kay Jev at inilahad ang aking palad sa harapan niya. “Pahinging powder,” Mas inilapit ko pa ang kamay sa mukha niya nang hindi siya gumalaw. “Hoy, bakla! Bilis at baka dumating si Ma’am!” Mukhang nagising ko naman ang diwa niya kasi agad siyang kumurap at inabot ang pulbo na nasa gilid lang ng kanyang mesa.
“A--Aura?” Aniya. Dinilatan ko siya ng mata. Anong problema mo at nang masampal na kita sa realidad? “Where have you been? Buhaghag ang hair mo. Tapos pawisan ka pa. Ewww! Para kang ginahasa ng sampung maton!” Bulalas pa niya.
Pabiro ko siyang sinuntok. “Anong maton? Sumali ako sa marathon kamo! Sayang ‘yong takbo ko ‘e late naman si Ma’am!” Kung alam ko lang, edi sana hindi naging haggard ‘tong feslak ko. Kaimbyerna! “Almost late na ba ako?” Tanong ko.
Bumungisngis naman si Erich na ngayon ay nasa harapan ko nakaupo. “You’re not almost late, Aura dear. Late ka na talaga! Mind you, plus points kami kay Ma’am at minus fifty points sa iyo! Mukhang nasagad mo na talaga ang pagka-bitter niya sa iyo… Ano?”
Napatanga ako sa sinabi niya. Ano raw?! Minus fifty points sa akin?! “Eh, ako ba ginagago mo, Riri? Wala pa nga si Ma-” Anak ng pating! “Hi-Hindi ko ba naa--naabutan si Ma’am?”
“Exactly! Lagot ka sa nanay mo!” Palatak ng isa pa naming kaibigan na si Letty. Napalunok ako ng ilang beses. Lagot.
Minalas na nga ako ng tuluyan! Syeteeeeee!
NAKAHALUMBABA ako habang nakikinita ko na sa aking isipan ang mahabang sermon ni nanay sa akin. Kesyo hindi ko raw sineseryoso ang pag-aaral ko. Kesyo todo puyat raw ako na parang walang pasok kaya tinanghali. Hays.
Ang laking epal kasi eh! Sinulyapan ko ang lalaking dahilan kung bakit ako na-late. Nakaupo ito sa dulo at nakayuko sa kanyang libro. Sobrang weird niya! Pero naging sanhi siya ng aking latest prob. Tsk!
Papasakay na sana ako sa jeep na magdadala sa amin sa paaralang ito kanina nang bigla siyang pumasok at inupuan ang pwesto na sana ay para sa pwet ko.
Marahan ko pa siyang tinulak para iparamdam sa kanya na, ‘Hello! I exist! Ako po ang nakauna.’ Aba’t binalewala ako ng gag- No, hindi ko siya bibigyan ng masamang pangalan.
Siya ang pinakaweirdo sa school na ito, pero mukha naman siyang harmless. Ang kaso lang, nainis ako ng slight sa kanya. Slight lang kasi nahirapan lang naman ako sa paghahanap ng tricycle kanina at na-late lang naman ako na may bonus pang minus fifty points.
Kaya slight lang ang pagkainis ko. At bakit ko ba siya naging kapitbahay?! Kung minamalas ka nga naman, Aura Beatriz, oh!
Magulo at maingay ang buong classroom. Maliit lang rin ito at kinakapos pa sa hangin sa sobrang init. Oh, akala n’yo ba mayaman kami? Hindi, noh! Public school lang itong tinatapakan namin. Though, magbabayad parin kami kasi college nga pero at least tumutulong parin ang gobyerno. Pero ayos lang, kahit papaano masaya naman!
Tumayo ako at inupuan ang bakanteng pwesto sa gilid niya, ng bago kong kaibigan na kinaiinisan ko ng slight. Mas yumuko siya nang maramdaman ang aking presence sa kanyang tabi. Mahiyaing guwapo. Humugot ako ng malalim na hininga.
“Shintaro Terrano,” Tawag ko sa pangalan niya habang patuloy naman siya sa pagbuklat ng pahina sa librong nasa harapan. Tumikhim ako. “Hindi naman ako bad ‘e. Pero kailangan nating magpalit ng points... Hindi ako papayag na ako ang maagrabyado dito. Please,”
Napapatingin sa akin ang iba naming kaklase. Ito ang unang beses na may kumakausap sa weirdong si Terrano. Haka-haka kasi na pinatay niya raw ang pamilya niya kaya siya nalang ang nag-iisa. May haka-haka ring may lahing mangkukulam siya at pati narin ang pamilya niya kaya ang iba ay tumakas. At marami pang iba.. Pero marami rin naman ang hindi naniniwala sa haka-hakang iyon.. Talagang ulila raw si Shintaro Terrano at talagang tahimik na tao. Sa lugar nga namin, sa t’wing mapapadaan ako sa bahay niya, gusto kong pumasok sa bakuran. Nakakahalina kasi ang garden niya. Walang mintis sa pag-aalaga.
“Ta-Talagang nakipag-u-usap ka sa a-akin para di-diyan?” Nauutal niyang sagot.
Ngali-ngali ko siyang batukan. Suminghap ako. “Oo, para sa points. Aba! Hindi ako makakapayag na ikaw ay plus-points samantalang na-late ako dahil sa iyo.”
Kita ko ang mga sulyap sa akin nina Jev, Riri at Letty. Nakapaikot sila at alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Aba! Fighter yata ang lola n’yo! Kumindat pa sa akin ang baklitang si Jev at nginisihan ako ng dalawang bruha. Alam nilang gagawin ko ito. Alam nilang hahanap ako ng hustisya. Alam nilang siya ang ebidensiya.
Mahina siyang tumikhim at sinubukang inangat ang kanyang mukha. Natatakpan ang mga mata niya ng kanyang buhok na ‘di gaanong mataas. “Okay lang.”
“A—Ano?” Ako naman ang napautal sa biglaan niyang pagpayag.
“Okay lang sa akin na magpalit tayo ng points. But,”
“But? Ano! Wait! H--Hindi ka na u-utal!” Muntikan kong naisigaw. Napanganga ako nang makita ang multong ngisi sa kanyang labi. Huli na nang napagtanto kong hahawakan ko na sana ang labi niya kasi nahawakan niya ang kamay ko. Bumalik siya sa dating Shintaro Terrano.
Alam kong totoo iyon. Ngumisi siya. Hindi siya nauutal. Presko niya akong kinausap. Kanina, hindi siya weirdo! Ang cool niya.
“Bakit naman importante sa iyo ang mga points na iyon? Anong makukuha mo rito? Sagutin mo muna iyan.” Ako lang ba? Ako lang ba ang nakakita ng pagngisi niya? Agad akong lumingon sa paligid. Walang nagmamasid at nakikinig sa amin, maski na ‘yong tatlo. Binalik ko rin agad ang tingin sa kanya. “Answer it already.” Bulong niya ulet.
Napakunot ang noo ko. Kaya naman pala niyang makipag-usap ng normal. Bakit ang tahimik niya at wala manlang siyang naging kaibigan dito? Bumuntong hininga muna ako. Sinusubukang ipatid palabas ang daga sa aking dibdib. Kinakabahan ako sa nakikita ko sa kanya!
“Kapag hindi ko makukuha i-iyon, bababa ang grades ko. Ayaw kong ma-disappoint si nanay! Ayan, happy? Mukhang hindi mo naman papakinabangan ang points mo e, ibigay mo nalang sa akin. Shintaro,” Nakakatakot ka. Lumunok ako. “Nagpapanggap ka lang bang weirdo?”
“Sino naman ang nagsasabi sa iyong ayaw ko ng points? Pasensiya ka na, ‘di ko magagawa iyan...” Nanliit ang mga mata ko. Mahina lang ang boses niya pero kaya niyang makipag-usap... at umiwas siya sa tanong ko! Nakakagago naman oh! “Pero may ibang paraan ako para makakuha ka nito...”
“Ano?”
“Babaguhin natin ang nakaraan.”
Ano raw? “Baliw ka-”
Napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko at kasabay niyon ang dahan-dahang pag-ikot ng aking mundo. Literal! Literal na umiikot ang mundo kaya napayakap ako sa kamay niya upang hindi mahiwalay at manginig ang aking tuhod. Ano ito? Para akong nakatanaw sa isang maze na umiikot sa akin, sa amin. Pumikit ako ng mariin. Nanginginig. ‘Di nagtagal. Parang bumalik na kami sa dati. Tumigil ang pag-ikot at unti-unti na akong nagmulat. Pareho na kaming nakatayo ni Shintaro. Hi-Hindi.. Nasa classroom dapat kami! Pero, anong ginagawa namin dito?! What the hell? Paano kami na-nakarating dito?! Sasampalin ko na sana ang sarili ko nang agad niyang hinawakan ang aking kamay.
“Anong gagawin mo?” Tangang tanong niya.
“Gusto kong magising! Nanaginip ako!”
Sa kabila ng pagkagulat ko, napailing lamang siya at natawa ng bahagya. Nasa waiting shed kami kung saan hihinto ang jeep sa aming lugar. Papasikat pa ang araw at ramdam ko ito sa aking balat. Anong nangyari? Totoo ba ito? Kinurot ko ang sarili at nakaramdam ako ng sakit! Talaga bang may lahing mangkukulam si Shintaro Terrano? Anak ng patis! Nanlaki ang mga mata ko at gulat ko siyang tiningnan. Ba-Bakit ako pa?
“Huwag mong sabihing natatakot ka na sa akin?”
Dahan-dahan akong tumango habang nanlalaki ang aking mga mata.“P-Paano mo nagawa ito? I-Isa ka bang w-wizard? G-Guardian? Guardian angel?!” Mababaliw na siguro ako!
Alam kong nasa paaralan na ako! Siguradong-sigurado akong nag-uusap lang kaming dalawa sa classroom. Magising ka, Aura! Kaya ba siya ganoon ka weird! Shit na ‘yan. Talaga bang may tinatago siyang spell sa bulsa niya? Tumalikod ako at sinampal-sampal ng bahagya ang sarili ko. Sa lugar na ito kami nag-agawan ng pwesto sa jeep kanina kaya na-late ako. Oo, tama! Gaga ka, Aura Beatriz! Baka nanaginip ka lang kanina at ito ang totoo! Umayos ka at nagkasalubong lang kayo ng kapitbahay mong weird! Tama! Binangungot lang ako. Either, kanina ‘o ngayon. Tama. Ito ang realidad!
Napatalon ako nang tumikhim siya. “You looked like a crazy girl who is talking to herself.” Aba. Englishero ang kumag! Sumimangot ako’t tinaasan siya ng isang kilay. “Totoo ang nangyari ngayon at kanina. Bumalik tayo rito dahil sa ninais mong points. I just want to help you and your grades. Alam kong nabigla kita pero sa maniwala ka at sa hindi, all was true. Huwag mo nalang ikwento sa iba ang mga nangyari sa iyo kasi pagkakamalan ka lang nilang baliw at magsisisi ka.”
Napasabunot ako sa buhok ko. “Nakakabaliw naman kasi ito! Anong ginawa mo? Anong nangyari? Ano ka ba? Paano mo nagawa iyon?” Napatigil ako nang namalayan kong bakit ang iba niya sa Shintaro na kilala ng lahat. Bakit parang ang taas ng tingin niya sarili niya? Bakit hindi siya nahihiya? Bakit hindi siya umiiwas? Si Shintaro Terrano na kapitbahay ko ay ibang-iba sa kaharap ko ngayon. Tiningnan ko siya ng masama. “Saan mo dinala ang totoong Shintaro? Huh? Sumagot ka!”
Umangat ang gilid ng labi niya. “Akala ko ba matalino ang isang Aura Beatriz Cortes Diaz? Bakit hindi mo napagtagping maaaring isa akong manglalakbay sa kahapon, kasalukuyan at hinaharap... Oo, manlalakbay ako. Kaya kong baguhin ang nangyari na. Itong kaharap mo ngayon ang totoong Shintaro. Ikaw lang ang nakakaalam ng totoong Shintaro Terrano.. Ikaw lang ang hahayaan kong makaalam.”
Not Bad~*~*~*~HABANG pinagmamasdan ko sina Jev at Letty na naglalambingan, si Riri na nang-aasar sa akin habang naliligo sa pool at sina Mama at Papa na parang batang nagtatalo habang nag-iihaw, alam kong naging mabuti ang takbo ng plano na tinuloy nila para sa akin. Masaya ako kasi sa kabila ng lahat, ganito na kami. Sa lahat ng iyak, takot at saya ay magkakasama parin kami.Hindi na muna bumalik si Austin pero tumawag naman siya kanina. Sinabi niyang maganda ang pinagbabakasyonan niyang lugar. Though, hindi niya sinabi kung nasaan talaga siya. Naalala ko pa 'yon sa plano ko, mawawala siya at tutulungan ako ni Shintaro na mahanap siya upang magkalapit kami. Nakakatawa na nangyari nga iyon at sobrang kinabahan ako. Hindi ko na talaga uulitin ang ganun, nakakamatay pala sa kaba.Pero sa t'wing maaalala ko ang mga pangyayari
Smitten~*~*~*~SINABI ko na kay Shintaro ang tungkol kay Drake. Nagulat siya pero wala na siyang magawa. Nakakapagdesisyon na ako na hindi na itutuloy ang plano. Ang tanging matutuloy ay ang pag-inom ko ng gamot upang makalimot.“Ayaw mo na ba talagang makilala ang isang weird na time-traveler na si Shintaro Terrano? Baka magsisi ka. Minsan mo na nga lang akong makikitang weird tapos hindi pa matutuloy? Tss. Pinapaalis mo pa ako. Akala ko ba si David lang ang kakalimutan mo?” Nakasimangot na tanong niya.Napailing ako at bahagyang napangiti. “Magpakilala ka nalang ulit sa akin. Sa ngayon ay bumalik ka na muna sa dati mong buhay. Nagpapasalamat ako kasi nandito ka parati para sa amin Shintaro pero sasabihin ko sayo, hindi lang sa amin, sa akin umiikot ang mundo mo. May buhay ka rin na dapat mong alagaan. Hi
Emosyon~*~*~*~NAGISING ako nang maramdaman ko ang paninitig sa akin ng kung sino. Napabalikwas agad ako ng bangon. Nasa kwarto ako! Bakit narito si Shintaro? Nang makita ko ang takot sa mga mata niya ay saka ko napagtantong ako ang dahilan kung bakit siya nandito sa kwarto ko. Kung bakit katabi ko siya sa kama ko.“B-Bakit hindi ka natulog?” Nauutal na bulong ko.Nanatili siyang nakahiga habang nakayakap sa aking bewang ang kanyang braso. Napagpasyahan ni Mama na samahan ako ni Shintaro ngayong gabi. Ayaw sana ni Papa pero dahil sa ginawa kong stunt kanina habang yakap ako ni Shintaro ay sobrang nagpakaba sa kanila. Nabahala sila na baka may gagawin na naman akong ikapapahamak ng sarili ko. Si Jev ay nasa kwarto ni Austin samantalang sina Riri naman at Letty ay magkasama sa guest room.Pina
Segundo~*~*~*~PARANG kahapon lang ang mga alaalang bumalik sa akin. Parang kahapon lang na sobra akong nasaktan. Sa kabila ng kalaliman ng gabi, pinaharurot ko pabalik sa amin ang sasakyan. Hindi ako pinayagan ng tatlo pero nagmamatigas ako. Gusto kong makausap sina Mama. Gusto ko silang makausap tungkol sa lahat ng nangyari. Gulong-gulo na ang utak ko at hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa kanila pagkauwi ko. Hindi ko na inabala pang punasan ang sariling luha.Sobrang pamilyar ng eksenang ito. Nagpapatakbo ako ng kotse habang umiiyak. Sumagi sa isip ko ang ibangga nalang itong kotse sa kung ano. Ayaw ko na. Sawang-sawa na ako sa lahat ng ito! Si David. Bullshit. Si David! Ilang mura na ang nasabi ko at ilang suntok na ang binigay ko sa manibela.Wala na akong pakialam kung makaabala ako ngayon sa iba na bumibyahe rin katulad ko. A
Binalikan~*~*~*~MAY nararamdaman akong humaplos sa mukha ko kaya unti-unti akong nagmulat. Sinalubong ako ng malungkot na ngiti ni Mama. Iaangat ko na sana ang sarili ko nang pigilan niya ang aking braso at siya ang humiga sa aking tabi. Nasulyapan ko ang laptop at nasa study table ko na ito.“Ang lahat ng ayaw kong makita sa'yo, Triz.. Ang umiiyak ka. Kaya kahit labag man sa kalooban ko, sinusuportahan kitang kumalimot. Ayaw kong araw-araw kang nasasaktan.” Malumanay na wika niya.Tumagilid ako at iniyakap kay Mama ang aking braso. Sumiksik ako sa kanya na parang bata. Ako ang panganay na anak pero sa t'wing magkakasama kaming apat, parang ako pa 'yong baby sa kanila. Lalong lalo na kay Austin. Minsan ay itinuturing niya akong bata.“Kapag 'di ko po 'to maiiyak, baka ano na ang nangy
Cheat~*~*~*~NAGING mahimbing ang tulog ko nang dumating ang gabi. Tinigil muna namin ang brainstorming. Ayaw kong matuyo ang utak ko. Ang hirap pala nito. Tinulungan nila akong lahat. Hindi lang ako ang naghihirap, pati narin pala sila. Tinulungan nila ako kasi mahal nila ako.Nagpabili ako ng bagong cellphone kay Mama. Iyong mga gamit ko na nakakapag-alala sa akin kay David ay tinago ko narin. Tsaka ko na gagamitin ang bagong cellphone ko kapag mainom ko na ang capsule. Binilin ko naman kay Mama na siya na ang magtatago ng magiging dati kong cellphone.Ayaw ko kasing magkaroon ng ebidensiya sa planong ito pagdating ng panahon. Pagkagising ko ay masigla kong inunat ang aking kamay at paa. Bukas pa kami ‘magme-meeting’ ulit kaya iba ang gagawin ko ngayon. Kinuha ko ang aking cellphone at tinitigan ko ang mukha n