Beranda / Romance / Ex-wife Return: Love Me Again / Siya ba ang ama ng kambal?

Share

Siya ba ang ama ng kambal?

Penulis: Shea.anne
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-28 20:41:38

Parang naramdaman ni Avigail na may malamig na titig na nakatuon sa kanya. Luminga-linga siya at nagtingin-tingin sa paligid nang maguguluhan, ngunit wala namang kakaibang nangyayari sa paligid.

"Ano'ng nangyari?" Tanong ni Daven napansin ang kakaibang galaw ni Avigail.

"Wala." Umiling si Avigail sa kaniyang kausap bilang sagot dito.

Kahit sabihin niyang walang problema, naging occupied ang kaniyang isipan sa buong oras na nandooon siya at kasama ang kaniyang senior.

Ang nakita niyang iyon ay hindi totoo, hindi tulad ng kanyang imahinasyon, ngunit hindi niya matukoy kung saan nanggaling ang titig. Hanggang sa matapos ang pagkain, pilit niyang itinago ang alinlangan.

Bilang isang gentleman, nagmungkahi si Daven.

"Masyado nang late, hatid na kita pauwi." Alok ni Dave.

Ngumiti si Avigail at hindi inasahan ni Daven ang sagot niya.

"Hindi na, kaya ko pa namang mag-drive kaya hindi mo kailangan mag-alala. Isa pa ayokong abalahin ka pa at maging istorbo sa iyo.” Nakangiting pagtanggi ni Av
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Mommy will fix this

    Si Dale naman ay nakakunot-noong humaplos sa tiyan niya.“Medyo masakit din po tiyan ko, Mommy, pero kaunti lang,” paliwanag niya, sabay gamit ng kamay para ipakita na talagang hindi siya ganoon kaapektado.May bahid ng pagdududa sa mukha ni Avigail habang muling napatingin kina Dane at Skylie.Limang minuto na ang lumipas mula nang bigyan niya sila ng gamot, pero parang walang pagbabago.Si Skylie, sa sobrang sakit, hindi na gumagalaw. Nakatagilid na lang siya sa gilid ng tent, balot ng malamig na pawis ang maliit na mukha niya.Halos hindi na makahinga si Avigail sa sobrang lungkot at pag-aalala.“Mommy…” biglang tawag ni Dale.Parang sinakal ang dibdib ni Avigail at agad siyang napalingon.Mahigpit na nakakunot ang noo ni Dale at seryoso ang tingin nito.“Alam ko na kung bakit sumakit ang tiyan nina Dane at Sky!”“Ano ’yon?” Agad na kumislap ang pag-asa sa mukha ni Avigail.Akala niya magsasabi ito ng kung anong ginawa nila habang wala siya.Pero laking gulat niya nang tumakbo si D

  • Ex-wife Return: Love Me Again   My Fault

    Magsasabi na sana siya sa kuya niya nang mapansin niya ang bahagyang basa sa tabi ng mga paa ni Skylie. Nang itaas niya ang tingin, nakita niya ang luhang patago nang dumadaloy sa pisngi nito.“Sky, anong nangyari sa’yo?”Kahit nasasaktan, lumapit siya kay Skylie dala ng pag-aalala.Hindi na nakayanan pa ni Skylie at tumingala siya kay Dane na may luha sa mata.“Masakit na masakit na po tiyan ko…”Humihikbi siya habang sinasabi, “Kasalanan ko ’to. Kung hindi dahil sa’kin, mas na-enjoy sana ninyo ni tita at Dale ang araw na ’to, pero dahil sa’kin, puro sakit na lang.”Gusto sanang aliwin ni Dane si Skylie, pero bigla na lang may sumakit nang matindi sa kanya kaya hindi na siya makapagsalita.Nang makita ni Dale na sabay bumagsak sa lupa ang dalawa, dali-dali siyang tumakbo palapit sa kanila.“Dane! Sky!” sigaw niya, puno ng takot at pag-aalala.Sobrang sumakit ang tiyan nina Dane at Skylie kaya hindi na nila magawang pansinin si Dale. Si Skylie, tuloy-tuloy lang sa pag-iyak, parang wal

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Poison in Water

    Nang makita ni Avigail na basang-basa na ng pawis ang mga bata, sakto siyang tumawag sa kanila.“Uy, sobra na kayo sa pawis. Halika muna rito at magpahinga kayo bago kayo sipunin.”By that time, busog na busog na sila sa kakalaro, kaya agad silang sumunod at umahon sa tubig. May hawak pang isdang maliit si Dane na napilitan niyang pakawalan bago umalis.Si Skylie naman, inipon lahat ng maliliit na batong ibinigay sa kanya ng kambal at tinupi sa palda niya, maingat na iniingatan habang naglalakad papunta kay Avigail.Nang mapansin kung gaano kabigat para sa bata, agad siyang sinalubong ni Avigail at tinulungan. Lalo namang gumaan ang hakbang ni Skylie nang mabawasan ang bigat ng dala-dala niya.Pagdating nila sa pampang, kinuha ni Avigail ang mga tuwalya na inihanda niya kanina pa at isa-isang pinunasan ang mga bata.Pagkatapos, binalot ng tuwalya ang tatlo at bumalik sila sa tent. Doon, isa-isang inilatag ni Skylie ang mga batong nakuha nila para patuyuin.Piling-pili ng kambal ang mg

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Enjoying to the fullest

    Magaan at masaya ang paligid habang nagtatawanan at nagkukuwentuhan silang apat.Samantala, isang itim na sasakyan ang dahan-dahang huminto sa di kalayuan sa bukirin.Sa loob nito, nakaupo si Lera, galit na galit habang pinagmamasdan ang apat sa pamamagitan ng bintana.Kung sino man ang makakakita sa kanila, iisipin nilang pamilya sila. Walanghiya ka, Avigail! Ang kapal ng mukha mong sabihing wala kang balak bumalik sa Villafuerte family. Kung totoo ‘yon, bakit mo tinatrato nang ganyan si Skylie gayong hindi mo alam kung sino ang totoong ina niya?Habang nakatingin sa malayo, bahagyang nanlilisik ang mga mata ni Lera at napansin niyang mas mahigpit na niyang hawak ang maliit na bote na ibinigay sa kanya ng lalaki. Samantala, wala pa ring kamalay-malay si Avigail sa presensya ni Lera.Pagkatapos ng tanghalian, bumalot ang sikat ng araw sa buong paligid. Sa halip na antukin, ramdam ng mga bata ang init ng hapon.Sinuyod ni Avigail ang paligid at dinala sila sa may talon kung saan agad s

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Barbecue

    “Ano ‘to…” Maingat na inilapag ni Skylie ang hawak niyang korona ng bulaklak at masayang tumingin kay Avigail. Nakangiti si Avigail habang hinaplos niya ang ulo ni Skylie.“Medyo nakakatawa lang tingnan kasi matagal na rin akong hindi gumagawa nito,” sabi niya nang may bahagyang tawa.Umiling nang mariin si Skylie.“Gustong-gusto ko ‘to!”At para ipakita kung gaano niya ito kagusto, maingat niyang inilapag sa harap niya ang korona at nagsimulang iguhit ito.Nang makita iyon, lumapit sina Avigail at ang kambal, curious na curious, pero napatigil sila sa gulat sa unti-unting nabubuong guhit ni Skylie.Kung dati, maayos na rin naman ang mga guhit niya sa halaman kahit halatang may pagka-bata pa ang stroke, iba ngayon. Ang guhit niya sa korona ng bulaklak, parang totoo.“Skylie, ang galing mo!” bulalas ni Dale.Ngumiti si Avigail at tumango bilang pagsang-ayon. Nang matapos si Skylie, hindi na nakapigil si Dale at nagtanong,“Skylie, nag-aral ka na ba ng art classes dati?”Umiling lang si

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Survival instinct

    Ang lugar na napili ni Avigail para sa camping ay nasa labas ng siyudad, malapit sa paanan ng bundok. Dalawang oras ang biyahe mula sa lungsod kaya halos tanghali na sila nakarating.Pagkababa niya ng sasakyan, hindi napigilan ni Avigail ang mapa-buntong-hininga habang iniikot ang tingin sa paligid. Sulit ang biyahe.Nasa gitna sila ng malawak na parang na puno ng maliliit na bulaklak. Sadyang pinili ni Avigail ang mas maluwag na espasyo para doon maitayo ang tent nila. Hindi rin kalayuan ang isang maliit na gubat.Mas makapal ang mga halaman sa loob ng gubat, at paminsan-minsan may mga kuneho pang lumalabas at paikot-ikot na parang bumabati sa kanila. Sa kabila naman ay may maliit na talon, at dahil sa agos ng tubig, presko at malamig ang hangin sa paligid.Ang lagaslas ng tubig ang nagdadagdag ng tahimik at payapang ambiance. Walang mas magiging perpektong lugar para sa camping kaysa rito. Kita sa mukha ng mga bata ang tuwa.“Ang ganda!” bulalas ni Skylie, habang nakatingin sa palig

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status