Share

Chapter 7 - Chaperone

“Ethan ano ba? Babalik na ako sa kwarto ko.” Mariin na bulong ko sa kanya. Tinatanggal ko ang pagkaka yakap nya sa akin pero sinasadya nya na higpitan pa iyon. 

 Pasado alas singko na at anytime ay liliwanag na pero hindi pa rin ako binibitawan ni Ethan. We were still both naked under the sheet. We slept cuddling and I really liked it, at kahit na hindi ko alam ang magiging pakikitungo namin sa isa't isa later on ay ayaw ko na malaman nila Loraine ang nangyari. 

 “Bakit ba nagmamadali ka? Parehas tayong puyat.” Paos pa na sabi nya na hindi pa nagmumulat. I felt his hot breathe on my shoulders. 

 “Dun na nga ako matutulog ulit. Baka makita tayo nila Loraine..” Parang bata na sabi ko. 

 Nagmulat sya ng mata at nag angat ng ulo. “So what?” Nagsalubong ang kilay nya. 

 “Ayokong makita nila tayo..” Nahihiyang sabi ko. 

 He groaned bago nya muling ibinagsak ang ulo nya sa balikat ko. “It's not as if we had sex.” 

 I rolled my eyeballs. “Ganon na din 'yon. Sige na, bitawan mo na ako.” Pilit ko ulit na hinihila ang kamay nya pero ayaw nya pa rin akong bitiwan. I had to bit my lower lip para pigilan ang mapangiti nang maalala ang mga nangyari dahil sa sinabi nya.  

 “Mamaya ka na bumangon.” He lazily said again, halos hindi ko na iyon marinig dahil sa hina. 

 “Ethan! Seriously!” Frustrated na bulong ko ulit.  

 After a few try, I gave up. Ayaw nya talaga akong bitawan. Ayoko naman na gumawa kami ng ingay. Malamang na kung hindi pa gising ay magigising na ang mag ina ng ganitong oras. Isiniksik nya pa lalo ang sarili nya ng maramdaman nya na hindi na ako nagpipilit umalis. 

 I closed my eyes and went back to sleep.  

 Nagising ako na wala na sya sa tabi ko. Naka ayos na ang mga damit ko sa paanan ng kama. Mabilis akong nagbihis at bumalik sa kwarto ko.  

 Habang naliligo ako ay tsaka ko lang napagtanto ang mga nangyari. We had our orgasm but I am still intact. I never thought that it was possible.  

 Pasado alas nueve na ako bumaba. I feel fresh and neat. Naka puting halter blouse ako at floral na micro shorts na maong. I was humming habang pababa ako ng hagdan tapos nakasalubong ko si Loraine na tagaktak ang pawis sa noo. 

 “Uy gising ka na pala. Nasa lamesa yung pagkain. Kain ka na lang.” Magiliw na sabi nya. 

 “Anong ginagawa mo? Bakit pawis na pawis ka?” Kunot noo na tanong ko. 

 “Nagbungkal kami ng lupa ni Nanay sa green house. Magpapalit na muna ako ng damit, ang alinsangan ko nga.” 

 Tumango na lang ako at mabilis syang umakyat. 

 Napatigil ako nang masilip ko na kumakain si Ethan sa dining. He was engrossed with his phone na nakalapag sa gilid ng plato na kinakainan nya. Nagkakamay lang sya at sumusubo sya habang nagba browse sa cellphone nya ang isang kamay nya. 

 Nakayuko lang sya at balak ko pa na gulatin sya. 

 I suppressed my smile by biting my lower lip. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa mag inhale exhale bago ko sya i approach. 

 Bago ko sya tuluyang malapitan ay napatigil ako nang biglang may babae ang sumulpot na may dalang plato at umupo sa upuan na nasa tabi ni Ethan. She was giggling, tiningnan sya ni Ethan at nginitian bago ibinalik ang atensyon sya pagkain at inilapag ang hawak na cellphone. 

 I got stuck. Wala naman akong inaasahan sa kanya after what happened last night, pero hindi ko napagplanuhan ang gagawin ko ngayon.  

 Pinagmasdan ko ang pagngingitian nila at pagtatawanan. They looked intimate. The woman was wearing an oversize shirt at mukhang at home na at home. Nagtatawanan silang dalawa. Touchy ang babae kay Ethan and Ethan seemed not to mind being touched. They were giggling. 

 Dahan dahan akong umatras at nagulat nang magsalita sa likod ko si Aling Thelma. 

 “Hija, kumain ka na din.” 

 She was holding a basket with gardening tools.  

 “O-opo.” 

 Ngumiti sya sa akin. “Saluhan mo na si Ethan, nauna lang sya ng kaunti sa pagbaba sayo.”  

 Tinitigan ko sya. Nakahinga ako ng maluwag ng tingin ko ay wala naman syang alam. 

 And why am I even suspecting this nice old lady? 

 “Idadala ko na muna sa storage itong dala ko. Ipaghahain kita pagbalik ko.” 

 “Ay, h-huwag na po.. muna.” I'd rather eat alone than eat with Ethan and whoever that woman is 

 Bumangon ang inis ko. We almost had sex last night, ayaw nya pa nga ako na bumangon kanina tapos gigising ako na may babae syang kung sino na kasama ngayon sa pagkain? I can already feel my veins boiling. 

 “Hindi ka pa ba nagugutom? Aba'y tanghali na. Basta, mauna ka na sa kusina at hahainan kita.” 

 Wala na akong nagawa nang mabilis nya akong lagpasan. Sinundan ko na lang sya ng tingin. Napalingon ako nang may maramdaman akong presensya sa likod ko. 

 “Kain ka na.” He was all smiles. Halatang bagong ligo, his hair's still wet at ang pinaghalong amoy ng cologne nya, shampoo at sabon ay umaalingasaw. 

 Pero sinimangutan ko sya. “Hindi pa ako gutom.” Bago ko sya mabilis na tinalikuran at umakyat. 

 Naramdaman ko na sinundan nya ako sa hagdan. Padiretso na ako sa pinto ng ginagamit kong kwarto nang mabilis syang humarang sa dadaanan ko. His scent was all over the place at nawawala ako sa focus. 

 “What's wrong? Are you mad?” Kunot ang noo na tanong nya. 

 “Wala. Inaantok pa ako.” Sabi ko na lang. Tinabig ko ang kamay nya para maka daan na ako pero katawan nya naman ang hinarang nya kaya nauntog ako sa baba nya. “Aw. Ano ba?” Angil ko. 

 Naging seryoso ang mukha nya. “Is that how you treat men you almost had sex with in the morning?” Flat tone na sabi nya. 

 “Well, how do you?” Hamon ko sa kanya. 

 “Woah. Nag aaway ba kayong dalawa?” Sabay kaming napalingon kay Loraine na kaka labas pa lang ng pinto sa kwarto nila. 

 Lumayo ako ng bahagya kay Ethan. “H-hindi. May tinatanong lang sya.” 

 “Ah. Eh akala ko kakain ka na?” Nagtataka na tanong ni Loraine. Bumaling sya kay Ethan. “Si Zaisa, nandyan pa rin?” 

 Umiwas ng tingin sa akin si Ethan. “She's still there.” Mahinang sagot nya kay Loraine. 

 That must be the girl a while ago. 

 “Loraine, pwedeng pakidalhan na lang ako ng pagkain sa kwarto? Wala ako sa mood kumain sa dining room. Thank you.” Hindi ko na hinintay ang sagot ni Loraine at nilagpasan ko si Ethan para makapasok sa kwarto. 

 Nagsisi pa ako dahil napalakas ang pagsara ko ng pinto. Halatang nagdadabog ako. 

 God, why am I even behaving like this? Porket may babae sa baba na kasama ni Ethan at nginingtitian nya? Bullshit. 

 Cellphone ko na lang ang inatupag ko na naka kabit pa rin sa wifi ni Ethan. Gusto ko na ulit bigla bumalik sa Manila seeing my friends' pictures while clubbing and just going around the metro. How I wish my old life back. 

 De bale, ilang linggo na lang naman. Hindi ko na iniisip na matagal, ang iniisip ko na lang ay sa bawat araw, mapapadali na ang pag uwi ko. Manila will still be there after two months. Specially the clubs and the place we used to hangout. 

 After a few seconds ay kumatok si Loraine. Pinagbuksan ko sya dahil sya yung nagsalita. 

 “Ano bang meron? Nag aaway ba kayo ni Ethan kanina? Narinig ko kasi kayo.” Agad na tanong nya ng maka pasok na sya hawak ang tray na may pagkain at inumin. 

 Umupo kami sa sofa after nya ilapag ang tray. Corned beef, one cup of rice, tocino and melon juice ang dala nya. Agad akong natakam dahil gutom na rin naman talaga ako. 

 “Hindi. Eh kasi ewan ko dun.” Hindi ko alam ang sasabihin kaya sumimsim ako sa melon juice. 

 Tumawa si Loraine. “Uyyyy. Baka mamaya nyan maging kayo.” 

 Napanguso ako. “Sus. Ikaw na nagsabi na medyon malikot sa babae yan.” 

 “Sabagay.” Tumango tango si Loraine. “Andyan pa nga si Zaisa. Malamang mamaya nasa kwarto na ni Ethan silang dalawa.” 

 Hindi ako nagsalita. Lalo ako nainis. Ang bilis mag move on. From me to that Zaisa. 

 Sabagay, ano pa ba ang aasahan sa kagaya nya? 

 Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako. Before I knew it, pinitik ni Loraine ang daliri nya sa garap ng mata ko, that's when I came back to my senses. Napakurap ako at tumingin sa kanya. 

 “S-sorry. May inisip lang ako.” Apologetic na sabi ko. 

 Makahulugan lang na ngumiti si Loraine bago sya tumayo. “Kumain ka na nga. Bababa na ako.” 

 Tumango na lang ako. I started eating nang makalabas na sya. 

 Nasa gitna ako ng pagkain nang makatanggap ako ng message from Zy. He's asking me kung gusto ko daw ba na samahan sya sa Cauayan at ililibot nya na rin ako. Walang sabi sabi na nag reply ako ng OO dahil wala naman ako gagawin. 

 Isa pa, this will take my mind off of Ethan. 

 Dadaanan daw ako ni Zy in one hour. Nagpalit ako into a high waist short, i tucked in my black racer back sando na pinatungan ko ng oversized cardigan. Nag rubber shoes ako at nag suot ng baseball cap. Nang makatanggap ako ng message kay Zy na in five minutes ay nasa may gate na sya, bumaba na ako. 

 Naabutan ko sa sala si Loraine at Aling Thelma na nagkukwentuhan. 

 “Aalis ba tayo?” Nagtataka na tanong ni Loraine nang makita ako na naka ayos. 

 “Ay, hindi. Nagpapasama kasi si Zyrus sa Cauayan tapos ililibot nya na rin ako. Ihahatid nya rin naman ako pabalik.” Masiglang sabi ko. 

 Pasimple kong hinanap si Ethan sa paligid at pinigilan ang inis ko when I realized na malamang nasa kwarto na sya kasama yung babae. God, I hate being distracted. Si Ethan lang yan. Eh ano naman kung sya ang dahilan ng first orgasm ko? Eh ano naman kung umiinit ang pakiramdam ko tuwing naaalala ko ang ginawa namin kagabi? 

 He's probably fucking that girl a while ago already. 

 At least ako virgin pa rin! 

 “Zyrus? Zyrus as in Zy na-” 

 “Yep. Hindi ko nasabi sayo, when I went out with Ethan, nakasalubong namin si Zy. We exchanged numbers so ayon. Mabuti na rin so you won't be tired to join me around.” Nakangiti na sabi ko.  

 Cellphone at coin purse ko lang ang dapat na dala ko. Iyon lang naman ang kailangan ko, I guess. Pakiramdam ko ay hassle pa kung nag ang dadalhin ko, but fought against it at kinuha ang favorite shoulder bag ko.  

 “Ganon ba? Sige.” Ngumiti si Loraine. “Kay Zy ka na lang magka gusto, mas okay pa yun.” Mahinang sabi nya. 

 Tumawa ako. “Grabe! We're just gonna go around town.” 

 “Malay mo. Ikaw pa naman ang tipo ng batang iyon.” Sabi naman ni Aling Thelma. 

 I bit my lower lip to suppress my smile. 

 “Tipo nino?” A familiar voice said at my back. 

 I rolled my eyeballs. A nuisance. 

 “Oh, u-uuwi na ba si Zaisa?” Gulat na tumayo si Loraine. Hindi ako lumilingon. 

 Naramdaman ko na lang na naglakad palapit sa amin si Ethan na naka akbay pa sa babae na may suot na shoulder bag. Naka pink na skirt at puting silk blouse na ngayon ang babae na basa pa ang buhok. 

 “Yep, ihahatid ko sya sa kanila.” Nakita ko sa peripheral vision ko na lumingon sa akin si Ethan. “Where are you going?” 

 “Dyan lang.” Kibit balikat na sabi ko. 

 Then, I heard a beep from a car outside. 

 “Nandyan na sundo ko.” Excited na sabi ko kay Loraine. “Bye!” 

 “Ingat kayo!” Sabi ni Loraine habang palabas na ako ng pintuan. 

 I saw Zy's car outside the gate. Hindi na ako lumingon at diretso lang ang lakad. Sumilip sya sa bintana at kumaway sa akin, ganon din ang ginawa ko. Lumabas sya ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto then we took off. 

 Bigla akong napangiti nang makita na suot nya ulit ang itim na hikaw nya. I really think na bagay na bagay uyon sa kanya. Yung wavy na buhok nya ay 

 “Ano pala ang gagawin mo sa Cauayan?” 

 “May mga kakausapin lang ako na tao. Sandali lang naman 'yon, kaya naisip ko na ilibot ka na lang pagkatapos.” 

 Tumango ako. “Thank you ha? Medyo nababagot na nga talaga ako eh.” 

 Nakangiti sya na lumingon sa akin. “Then papayag ka na ikaw ang maging plus one ko sa birthday ni Mama this coming Saturday?” 

 “Hindi ba nakakahiya?” 

 Tumawa sya. “Of course not. Matutuwa pa nga sila Mama at Papa kapag may kasama ako. I told them na wala ako maisip isama.” Kibit balikat na sabi nya as he put his eyes back on the road. 

 “Bakit naman? Don't you have friends to bring?” 

 “I have a few friends here, pero hindi ko naman sila madalas kasama. I'm more of a-” Napatigil sya sa pagsasalita nang pareho naming mapansin na nag ring ang cellphone nya. Apologetic syang tumningin sa akin, tumango naman ako. Sinuot nya ang earphones nya at sinagot ang tawag. “Hello..” 

 Tumingin na lang ako sa bintana malapit sa akin para libangin ang sarili ko, pero hindi ko mapigilan na marinig magsalita si Zyrus. 

 “Kuya? May problema ba?” 

 Napalingon ako nang marinig ang sinabi nya. Di yata ay si Ethan ang kausap ni Zy? Or may iba pa ba syang tinatawag na kuya? 

 Nilingon nya ako, kunot noo sya bago sya ulit tumingin sa daan. 

 “Ha? Sandali lang naman kasi ako.. Oo, I know.” Nilingon nya ako ulit na parang may binabasa sa mukha ko. “Sige, o-okay lang. Bye.” Mabilis nyang tinanggal ang suot na earphones. 

 “Is that Ethan?” Hindi ko napigilan na tanong. 

 “Oo, eh. Tinatanong nya kung saan tayo pupunta. Gusto nya yata sumunod. He sound angry..” 

 “Sus. Busy yan dun sa babae nya. Yung Zaisa ba yun.” Humalukipkip ako at sumandal sa upuan. 

 Tumawa si Zy.  

 “What's funny?” Taas kilay na tanong ko. 

 “Wala lang. You sound jealous. Kung hindi ko lang alam na parang inis ka kay Kuya..” Tapos napailing sya. 

 “H-hindi no!” Agad na tanggi ko. “B-bakit ako magseselos?” 

 “Your cheeks are red, Toni. It's cute.” Ngumisi sya sa akin. 

 Yumuko ako at hindi na nagsalita. Ramdam ko na lalong uminit ang mga pisngi ko at hindi na ako makikipag argue pa. 

 When we arrived at Cauayan, may isang hotel kaming pinasukan. Kilala si Zy nung receptionist. Pinaupo muna ako ni Zy sa isang couch sa lobby bago sya dumiretso sa kung saan sya may kakausapin. I ordered a juice and a muffin and just read magazines. 

 Napatigil na lang ako sa pag simsim sa juice ko when after a few minutes ay may umupo sa upuan na kaharap ng kinauupuan ko. Tumingala ko only to be dismayed. Akala ko si Zy na. 

 “Disappointed?” Nakangisi na tanong ni Ethan. 

 “Anong ginagawa mo dito?” Taas kilay na tanong ko. 

 “Chaperone sa date nyo ng kapatid ko.” Makahulugan na sagot nya at sinalubong ang mga tingin ko. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status