Share

Chaoter 5 - Kiss Me and Maybe

Hindi ko alam kung dahil sa inis o wala lang talaga ako sa mood kaya sa dami ng ilang shop na binsita ko ay wala akong nabili na kahit ano. I have five-thousand-peso cash in me which is kulang pa nga minsan na budget ko para sa isang sapatos. 

 Nauwi ako sa Mcdonalds after almost an hour of going around. I just ordered a fries and an iced coffee. Palinga linga lang ako sa paligid. Medyo may kaunting kaba ako na baka iwan ako ni Ethan pero may tiwala pa rin naman ako na minsan lang sya maging asshole at mas madalas na mabuti pa rin syang tao. 

 “Hey, it's you.” 

Tumingala ako habang s********p sa hawak ko na iced coffee. Muntik ako mabulunan nang makita na si Zyrus iyon. This time ay wala na syang hawak na paper bags, but a tray with a bunch of food in it. And he was smiling at me.

 “H-hey..” Pinilit ko ngumiti kahit nagulat ako. 

 Hindi ko inaasahan na makikita ko pa ulit ang step brother ni Ethan. 

 “Pwedeng maki share ng table?” Apatan ang table na kinauupuan ko at wala akong kasama. 

 “S-sure.” 

 Mabilis nyang nilapag ang dala nyang tray. Mukha syang out of place sa lugar although simpleng simple lang naman ang porma nya. May ilan na patingin tingin sa kanya. Maputi si Zyrus, at mamula mula ang kutis. Bagay sa smiling face nya ang soft features ng mukha nya. 

 “Bakit mag isa ka lang? I thought I was seeing wrong when I saw you alone.” Agad na tanong nya. 

 “Uh.. Hindi kami close ni Ethan.” Sabi ko na lang habang mabagal na nginunguya ang kinakain kong french fries. I was studying his face. Unlike Ethan ay hindi nakaka intimidate si Zyrus. 

 Tumango tango sya. “I'm Zyrus by the way, step brother ni Kuya Ethan. You are?” 

 “Toni. I am not associated with Ethan. Bisita ako sa rest house nila Ate Jenica.” Mabilis na sabi ko. 

 “So nasa rest house nga sya?” 

 “Yep.” I said before sipping on my iced coffee again. 

 The noise in the place is making me a little uncomfortable. Kanina pa, actually. Pero wala na ako karapatan mag inarte. Anong magagawa ng bente mil na pera ko? Maghanap man ako ng ibang mas fancy na place, naisip ko na okay na dito at least may pera pa ako. Paano na lang if emergency na kailangan ko gumastos? 

 God, I hate feeling like I have to inventory my own money. 

 “Kuha ka, oh. Madami akong inorder.” Itinulak nya palapit sa akin ang tray nya na marami ngang pagkain. Dalawang cheeseburgers, mcnuggets, etc.  

 “Mauubos mo ba yan?” Natatawa na tanong ko. 

 He smiled coyly. Nagkamot pa sya ng ulo na parang nahihiya. “Medyo. Malakas ako kumain.” 

 Purposely na bumaba sa bandang tyan nya ang tingin ko. Although medyo maluwag ang hoodie nya ay halatang flat 'yon. “May x-ray vision ako at kita ko na flat ang tummy mo.” 

 Tumawa sya. “I jog sometimes.” Kibit balikat na sabi nya. 

 Tumango lang ako. Hindi na ako nahiya nang mag offer ulit sya. Nakatikim naman na ako ng mga pagkain sa Mcdonalds but I really prefer restuarants of my choice. Wala nga lang ako choice dito at hindi naman masama ang pagkain sa fats food. 

 Tuloy lang din ang kwentuhan namin when I realized na dapat after two hours ay naka balik na ako sa may entrance. And sana nandoon si Ethan kung hindi, patay ako. 

 Hiningi ko ang number ni Ethan kay Zyrus and he gladly gave it. Hiningi nya na rin ang number ko as he promised to give me a tour in Hacienda Romualdez one of these days, which made me very excited. I have been to different hotels, resorts and such but never to an actual Hacienda. I told him na sinama na ako ni Loraine one time pero wala pa daw iyong nakita ko kaya mas maganda na mag tour. 

 “It may be too much to ask pero pwede bang samahan mo din muna ako hanggang exit lang? Baka kasi iniwan ako ni Ethan.” Pangsigurado lang. 

 “Sure! Tulungan mo na akong ubusin 'to.” 

 And we did. And I feel really dang full. Hindi ko na maalala kailan ko hinayaan ang sarili ko na mabusog ng ganon. 

 Tuloy pa rin ang kwentuhan namin habang naglalakad na kami. Inilibot ko ang paningin ko when we got out of the mall. Ethan's standing there at masama ang tingin nya sa amin. 

 “Ah Zy- S-salamat.” Hinawakan ko sya sa braso. “M-mauna na ako.” 

 “You sure? Mukhang galit si Kuya..” 

 Pinilit ko tumawa. “Palagi naman yan galit. Thank you, give me a call!”  

 Tumango sya at ngumiti bago kami naglakad palayo sa isa't isa. 

 Nilapitan ko si Ethan at bago ko sya tuluyang malapitan ay bigla syang tumalikod at naunang naglakad. Sinusundan ko lang sya. Kung galit man sya, pwes mas inis ako. Sabihan ba naman ako na 'too flirt for a virgin' while it's true that I flirted with him and I am still a virgin thanks to his so called 'I don't fuck virgins' mantra, well, my cherry's still intact pero ang sama kasi ng tono ng pagkakasabi nya sa akin kanina kaya nag walk out ako. 

 Walang imikan na sumakay kami sa sasakyan nya. Hindi nya ako tinitingnan and he started driving. Kinuha ko ang cellphone ko sa shoulder bag ko when I heard a message notification. Na excite ako knowing na si Zyrus iyon.  

 And it's him! He said thank you for the time and I replied 'no problem' immediately. 

 “If you think that my step brother would pop your cherry, he won't. He's gay.” 

 Nagulat ako nang biglang magsalita si Ethan pero nasa daanan pa rin naka tingin. 

 He's gay.

 He's gay.

 Noooooooooo! 

 “Wag mo ngang siraan yung tao. He actually looked more decent than you. Palibhasa fuckboy ka.” Inis na sabi ko. He ruined my mood. 

 “You really sound so disappointed about what didn't happened last night.” Ngumisi sya na parang nang aasar na diniinan pa ang last four words. 

 True, but I wouldn't give him the satisfaction of knowing. “I'm actually relieved you're an asshole fuckboy who doesn't fuck virgins. Baka nagsisisi na ako ngayon.” 

 Nawala bigla ang ngisi nya at naging seryoso sya. Para akong nagparty sa isip ko dahil nasaling ko ang ego nya. 

 Hindi na kami nag imikan buong byahe habang ka text ko naman si Zyrus. 

 “Thanks.” Lang ang sinabi ko bago mabilis na bumaba sa sasakyan nya at mabilis na pumasok sa bahay. 

 Naabutan ko si Loraine na nagpapalit ng punda ng throw pillow sa sala. 

 “Uy naka balik na pala kayo.” 

 “Yep! Akyat muna ako.” Sabi ko. 

 “Katukin na lang kita mamaya!” 

 “Okay!” Sigaw ko habang paakyat na ako ng hagdan. Ayoko na maabutan pa si Ethan. 

 Bumawi ako ng tulog after ko sagutin ang mga text messages sa akin nila Rareez. 

 Gising na ako pero nakahilata pa rin nang kumatok si Loraine. I told her to come in since bukas naman iyon. 

 “Magluluto na kasi kami ni Nanay para sa hapunan. May gusto ka bang kainin?” Nakalugay ang buhok ngayon ni Loraine and she really looked pretty. 

 “Bagay sayo naka lugay ang buhok mo.” Imbes ay sabi ko. 

 Tumawa sya. “Lakas mambola, oh.” 

 “Oo nga!” Natatawa rin na sagot ko. 

 “Seryoso, baka may gusto ka ipaluto at meron dyan pwede lutuin..” 

 Nag isip ako sandali. “How about fish fillet?” Bigla na lang iyon lumabas sa isip ko. 

 Nangunot ang noo ni Loraine. “Weird. Nag usap ba kayo ni Ethan? Yun din gusto nya.” 

 “Really?” Napa ngiwi ako. Weird nga. 

 “Pero meron naman dyan cream dory, kaya pwede!” Umalis na si Loraine pero napapa isip pa rin ako. Why would we think the same? 

 After an hour ay bumaba na ako. Wala na akong pake kung makita ko man si Ethan. Past is past. At kailangan ko pa rin sya picture-an. Habang nagku kwentuhan kami ni Loraine habang nagluluto sya ay nabanggit ko na ang bagal ng phone internet ko. 

 “Si Ethan may wireless modem yan. Hindi ka pa ba nakaka kabit?” 

 “Talaga?” Nanlaki ang mga mata ko.  

 Good thing, may wifi naman pala si Ethan. Bad thing, si Ethan ang may wifi. 

 “Oo. Hindi pwedeng walang internet yan kasi halos araw araw syang kailangan naka online dahil sa mga emails.” 

 Tumango tango na lang ako. 

 Kailangan ko na lang na maka gawa ng paraan para maki kabit sa wifi nya. I ate my pride and waited for him to show up at the living room. Nagluluto pa rin si Loraine at nag hahanda na si Aling Thelma sa mesa. 

 After a few minutes ay bumaba nga si Ethan. I heard the thud of the stairs at pasimple ko syang tiningnan sa peripheral view ng mata ko habang kunwari ay busy ako sa cellphone ko. He's wearing a white statement shirt na hakab sa kanya. His earphones are on his ears at naka yuko sya sa cellphone nya. 

 LESS TALK, MORE ACTION 

 I silently rolled my eyeballs at what's written on his shirt. Double meaning na naman yun, for sure. 

 Hindi nya ako pinansin at dumiretso sya sa kusina. 

 Kating kati ako na tumayo at lapitan sya para kausapin sya about sa wifi pero nag iisip ako ng pwedeng idahilan para kausapin sya. I just stood up at sinundan sya sa kusina. Nakita ko sya na kausap si Aling Thelma habang nag aayos sa mesa. Nakalapag na ang cellphone nya sa mesa at ang earphones nya. 

 Linagpasan ko sila at dumiretso ako kay Loraine na nagluluto pa rin. 

 “Saglit na lang talaga 'to. Nagugutom ka na?” Sabi nya na binabaliktan ang piniprito na fillet. 

 “Okay lang, I can wait.” Sabi ko. Umupo ako sa tiled sink near her. Malinis naman kasi iyon. 

 My brain's still working as to how I can ask Ethan na hindi ko masyado bababaan ang pride ko. Napa straight ako ng upo nang bigla syag pumasok sa kitchen. His presence automatically filled the air in the room and I don't think it's okay. 

 “May tartar sauce pa naman sa fridge diba?” Sabi nya. Hindi nya talaga ako pinapansin which is kung sa ibang pagkakataon lang ay ayos na ayos sana. But I need something from his so hindi okay. 

 “Yep! Gutom ka na rin ba? Malapit na 'to.” Sagot ni Loraine.  

 Nakayuko lang ako habang busy kunwari sa cellphone ko. Sawang sawa na ako sa dalawang games na nandito sa cellphone ko. Ayoko naman na katext si Rareez dahil kukulitin nya lang ako ng picture ni Ethan. Ugh! 

 “Okay.” Yun lang ang sinabi nya at umalis na. 

 Lalo akong na frustrate. Fine! Dedmahan gusto nya? Bahala sya sa buhay nya. Papasama na lang ako kay Loraine sa mall ulit bukas at bibili ako ng sarili kong wifi modem. 

 “Akyat muna ako saglit.” Sabi ko at bumaba mula sa pagkaka upo sa sink. 

 “Sige. Baba ka lang agad.” Sagot ni Loraine na busy pa rin sa niluluto. 

 Dinaana ko lang sila Ethan at Aling Thelma sa dining room. Paakyat na sana ako nang makarinig ako ng katok sa pinto. Sumilip ako sa bintana. There's a woman. 

 “Bakit?” Tanong ko nang buksan ang pinto. 

 Naka short shorts ang babae at crop top. Maputi naman sya at flat naman ang tummy so yeah. 

 “Si Ethan?” Nakangiti na tanong nya. May dala syang backpack. 

 Tiningnan ko sya mulo ulo hanggang paa. “Bakit? Sino ka?” Hindi ko alam kung bakit ang defensive ng tono ko. 

 “Ay, pinapunta nya kasi ako- Ethan!” Tawag nya sa likod ko. 

 I bit my lower lip to calm my self. Ramdam ko na naglalakad na palapit sa amin si Ethan. I opened the door wider at tumalikod na sa babae. Nagtama ang mga mata namin ni Ethan but we never said a word. Umalis na ako at iniwan sila. Narinig ko na lang na pinapapasok ni Ethan ang babae habang paakyat ako ng hagdan. 

 Nagpalit ako into a more comfortable clothes. Nagpalit ako into oversize shirt, nag ayos at lumabas na when I saw a glimpse of Ethan and the woman coming in to Ethan's room. I shouldn't care, pero damn it, na curious ako. Bumalik ako sa loob at parang sira na nilapit ang tenga ko sa wooden walls na naghihiwalay sa room naming dalawa. Sa kabilang side naman kasi ang kwarto na gamit nila Loraine. 

 I can hear the woman giggling. I rolled my eyeballs. 

 Ano pa bang aasahan ko? Tumayo na lang ako at bumaba na. Sobrang badtrip ako na ewan. 

 Patapos na kami kumain nang marinig namin na bumaba na si Ethan at yung babae, pero after mga two minutes pa pumasok si Ethan sa dining room na malapad ang ngiti. 

 “Sorry I'm late!” Cheerful na sabi nya habang hinihila ang upuan sa tabi ni Loraine. 

 “Sus kakain ka pa eh busog ka naman na.” Mahinang sabi ko. 

 “You were saying something, Toni?” Nakangiti pa rin na parang demonyo si Ethan na ngayon ay naka upo na. 

 “Ako?” Turo ko sa sarili ko. “Kausap ko sarili ko.” Kibit balikat na sabi ko. 

 Binilisan ko na ang pagkain at iniwan sila doon. Naiinis ako. Sa totoo lang alam ko kung bakit. I was thinking that woman having sex with Ethan at gusto ko silang sakalin. Ethan's an asshole and a certified fuckboy ut I want him. 

 Napabangon ako nang makarinig ako ng katok sa pinto. Akala ko ay si Loraine pero nangunot ang noo ko when I saw na si Ethan yon. 

 “What do you- Hey!” Bigla na lang kasi syang pumasok at dumiretso ng upo sa sofa. 

 I closed the door at tumayo sa harap nya. “Bakit ka ba nandito?” 

 “Ganyan ba kataas ang pride mo? Lalapit ka lang sa akin para sabihin na gusto mo maki connect sa wifi ko, di mo pa magawa.” Naiiling na sabi nya. 

 Napakurap ako. “Who told you that?” 

 “Si Loraine. She asked me kung naka connect ka na.” Preskong sabi nya habang nakatingin lang sa akin. I kind of liked the idea that he liked looking at me, though. 

 Hindi ako nakapagsalita. Baka kung ano masabi ko at lalong hindi ako maka connect. Seeing him sitting at the same spot he sat last night where I sat at his lap and we made out, nakaramdam ako ng kakaibang init. 

 “I could have easily connected you..” 

 “Edi i connect mo na ako.” Inangat ko ang dala kong cellphone. He looked so damn hot at the moment kaya pasimple kong inopen ang camera ng cellphone ko. Tamang tama ang angle. I took a few shots of him sitting at the sofa like a crowned prince. 

 “Make me.” 

 Tumaas ang kilay ko nang marinig ko ang sinabi nya. “What?” 

 “Kiss me and maybe...” Nakangisi na sabi nya. 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status