Pasimpleng dumikit si Damielle Astin kay Raya Faith kasabay ng pagpayong niya sa babae.
"Huwag kang magpapahalata, may sumusunod sa atin." Mahinang turan niya.
Huminto si Naya sa paglalakad dahilan upang mapahinto rin si Damielle. Nasa isang isla sila para sa photo shoot ng babae. At dahil undiscovered pa ang naturang pasyalan ay walang masyadong tao sa paligid.
Naramdaman naman ni Damielle ang pagkubli ng lalaking nakasunod sa kanila sa isang puno na naroon. Nakasuot ito ng itim na cap, plain black T-shirt at maong pants.
"Why did you stop?" Kunot-noong turan ni Damielle Astin.
Sa halip na sumagot si Naya Faith ay gumuhit ang ngisi sa labi nito. Bago pa makaimik si Damielle Astin ay humakbang na ang paa ng babae at mabilis na tumakbo. Sakto namang naka-pantalon at hoodie jacket si Naya na tinernuhan niya ng rubber shoes.
"Naya!"
Sandali siyang nilingon nito.
"C'mon, Damie! Habulin mo ako!" Humahikgik ito kasabay ng pagtakbo nito.
"Oh, please! Stop being naughty!"
Ngunit hindi siya pinakinggan ng modelo. Lalo itong humalakhak kasabay ng pagtakbo,
"Naya!" Makailang ulit pang tinawag ni Damielle ang pangalan nito ngunit tila lalong nang-aasar ang babae dahil sumuot ito sa gubat na bahagi ng isla.
Humakbang ang paa ni Damielle upang habulin ang babae ngunit dahil maraming puno sa bahaging iyon ng isla ay halos hindi na niya makita kung saan nagsuot ang babae.
"Please show up, Naya!" Umalingawngaw ang tinig nito sa paligid. Ngunit wala siyang narinig na sagot. Wala siyang marinig na huni sa paligid, maliban sa huni ng mga ibon. At ang tunog ng agos ng tubig na hula niya ay nagmumula sa malapit na dagat.
Dumagundong ang kaba sa dibdib ni Damielle Astin. Pinakiramdaman niya ang paligid. Wala na ang lalaking sumusunod sa kanila. Lalong tumindi ang kanyang pag-aalala lalo pa at wala rin si Naya sa kanyang paningin.
"Ahhhhh!" Matinis na tili mula sa isang babae ang pumukaw sa atensiyon ni Damielle. At hindi siya maaaring magkamali, nagmula iyon sa kanang direksiyon.
"Nayaaaa!" Humakbang ang kanyang mga paa patungo sa pinagmulan ng tili.
Aniya, hindi niya mapapatawad ang sarili kapag muling napahamak ang kanyang misis.
Nang makita niya ang tila maliit na daanan sa gitna ng mga matatayog na puno ay tinutunton niya iyon. Natigil siya sa paghakbang ng makita niya ang lalaking sumusunod na kanila.
Ngunit napaawang ang kanyang labi nang makita niyang may pumalo sa lalaki. Napadukdok ang lalaki at napadaing ito sa sakit.
"Tell me, sinong amo mo?" Mula sa malaking puno kung saan nakakubli ang pumalo sa lalaki ay lumabas ang isang babae--si Naya Faith Sevestre.
Kitang-kita ang tapang sa mga mata nito habang mariing nakatingin sa lalaki. Tangan nito ang isang baril at nakatutok sa lalaki na nasa lupa.
Napalunok na lamang Damielle Astin sa nasaksihan.
"Sumagot ka!" Isang malakas na sipa ang ibinigay nito sa lalaki.
"Wala! Wala akong amo!" Matapang na sagot ng lalaki. Matapang din nitong sinalubong ang tingin ni Naya Faith.
Tumikwas ang kilay ng babae.
"At tingin mo naman maniniwala ako sa sa'yo?" Gumuhit ang ngisi sa labi nito. "Tutal mukhang wala ka namang pakinabang, bawasan na natin ang taong walang silbi dito sa mundo!" Mariing turan nito kasabay ng pagkasa nito sa baril.
Napalunok naman ang lalaki. Marahan nitong itinaas ang kanyang kamay. Kitang-kita ang pamumuo ng butil sa noo nito.
"Magsasalita na ako." Kitang-kita ang takot sa mga mata nito. "Huwag mo akong papatayin."
Natawa naman ng mahina si Naya Faith dahilan upang mapaawang ang bibig ng lalaki.
"Masyado ka namang kinakabahan. Nakakatawa ang hitsura mo. Huwag kang mag-alala, walang bala 'to." Inilabas nito ang magasin ng baril upang ipakitang nagsasabi siya ng totoo. "Nagbibiro lang ako. Ikaw naman kasi. Bakit mo ba kasi ako sinusundan?"
Napalunok naman ang lalaki.
"Hindi kita sinusundan, Miss."
"Really?" Pinaningkitan niya ito ng mata.
"Oo naman, wala akong rason para sundan kita."
Sandali naman siyang tinitigan ni Naya Faith.
"Well, you're right. Pasensya ka na, napalo pa kita. Nag-panic lang kasi ako." Apologetic nitong turan.
Tumayo ang lalaki at pinagpag ang kanyang damit.
"Okay lang, miss."
"Nasugatan kita. Let me treat your wounds." Nanatili ang tingin nito sa pisngi nitong may gasgas. Kasing-tangkad lamang ni Naya ang lalaki. Sakto lang ang puti, medyo payat ito at tila napakainonsente nito dahil sa maliit at bilugan nitong mukha.
"Huwag na." Umiling-iling ito.
"I insist. Kahit punasan ko lang 'yang dumi ng sugat mo gamit 'tong panyo ko." Mabilis namang hinugot mo Naya ang panyo sa bulsa nito.
"Hindi na, Miss."
"Please." Kitang-kita ang pagsusumamo sa mga mata nito.
"S-sige."
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Naya. Agad ding tinawid ng babae ang kanilang distansiya. Wala siyang sinayang na sandali, nang makalapit siya sa lalaki ay kaagad na umangat ang kamay nito. Malakas nitong ipinukpok ang baril na hawak nito sa noo ng lalaki. Bago pa ito makakilos mabilis na ipinalibot ni Naya ang panyo sa leeg ng lalaki.
"Hindi ako tanga para maniwala sayo." Nanggagalaiti nitong sinakal siya gamit ang hawak nitong panyo.
Napaubo ang lalaki. Kumawag ito at sinubukan niyang manlaban ngunit mabilis na umupo si Naya sa kanyang likuran.
"Tauhan ka ni Rio!" Nagngingitngit nitong wika.
Lalong nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa panyo. Tumirik ang mata ng lalaki habang kitang-kita kung paano ito nahihirapan sa paghinga.
"Huwag kang mag-alala, magkikita pa kayo ni Rio. Hindi ko lang sigurado kung kailan. Pakihintay na lang ang amo mo sa impiyerno! Iparating mo sa kanyang ako ang pumatay sa'yo!"
Ilang sandali lamang ay tuluyan nang bumitaw ang lalaki sa panyo. Tumigil ito sa paghinga at unti-unting bumagsak ang ulo at kamay nito sa lupa.
Tila noon na natauhan si Damielle.
"Naya!"
Kaagad namang binitawan ni Naya ang lalaki. Mabilis siyang tumayo at napalingon sa pinagmulan ng tinig.
"Damie." Kitang-kita ang pamumutla nito.
Mabilis na tinawid ni Damielle ang kanilang distansiya. Kaagad nitong hinawakan ang magkabilang pisngi ni Naya at puno ng sinseridad na tumingin ang mga mata nito sa kanya.
"Ayos ka lang ba?"
Tila naman hinaplos ang puso ni Naya sa nakitang pag-aalala mula sa bodyguard nito. Umangat ang kamay nito at hinaplos ang kamay ni Damielle na nakalapat sa kanyang pisngi.
"Ayos lang ako."
Napunta ang tingin ni Damielle sa lalaking nakadapa sa lupa. Bumitaw siya kay Naya at saka lumapit sa lalaki. Agad niyang dinama ang pulsuhan nito. Ilang sandali lamang ay bumaling ito ng tingin kay Naya.
"H-He's already dead." Tila nag-aalangan nitong wika.
"Masama na ba ngayon ang tingin mo sa'kin, Damie?" Kitang-kita ang lumbay sa mga mata nito.
Hindi naman umimik si Damielle Astin. Hindi niya mawari kung anong dapat niyang sabihin. Makailang ulit na siyang kumitil ng buhay, parte na iyon ng mundo niya subalit hindi pa rin niya maiwasang magulat sa nasaksihan.
"I have no choice, I have to protect myself." Tila nagpapaliwanag na turan ng babae.
"Naiitindihan kita, Naya." Nangunot ang noo ni Damielle bago nagpatuloy. “Pero sabi mo kanina, tauhan 'to ni Rio?"
Tumango naman si Naya.
"Yes. May palatandaan ang mga tapat na tauhan ni Rio. Mayroon silang tattoo sa batok."
Nang mapunta roon ang tingin ni Damielle Astin ay hindi nga nakaligtas sa paningin niya ang tattoo sa leeg ng lalaki. Maliit na bungo iyon na may nakapalibot na barb wire.
"Kung tauhan siya ni Rio, dapat hindi mo siya pinatay. Paano kapag nalaman ni--"
"Hindi malalaman ni Rio kung di ka magsusumbong." Maagap nitong wika.
"Pero maghihinala siya, Naya."
"Sa'yo siguro pero sa'kin hindi. Who would thought I am capable of killing. Pero huwag kang mag-alala, hindi kita ipapahamak, Damie."
Kumilos si Naya at humawak sa dalawang paa ng patay.
"We will dispose the body. May malapit na bangin dito, itatapon natin doon ang bangkay."
Napaawang naman ang labi ni Damielle sa narinig.
"C'mon! We need to hurry up bago pa may makakita sa'tin."
Wala nang nagawa si Damielle kundi tulugan si Naya na buhatin ang bangkay. Ilang Metro rin ang tinalunton nila bago nila narating ang sinasabing bangin ng babae. Wala silang sinayang na sandali at kaagad na itinapon ang katawan ng lalaki.
"Maaanod ang bangkay at tiyak na sa ibang lugar na matatagpuan 'yan."
Hindi na lamang umimik si Damielle. Nang magsimulang humakbang paalis ni Naya ay sumunod na rin siya rito.
"Maraming kaaway si Rio. Hayaan mong sumakit ang ulo niya sa kakaisip kung sino sa mga kaaway niya ang may gawa nito."
"Why are doing this? Kung tauhan ito ni Rio, then for sure he has no intention to hurt you. Maybe he's following us to ensure your safety."
Sandali namang bumaling sa kanya si Naya.
"Then what's the point of hiring you as my bodyguard?"
Nang hindi umimik si Damielle ay muli itong nagsalita.
"Isa lang ang malinaw, walang tiwala sa'yo si Rio."
"That's expected because I am just newly hired."
Nagkibit-balikat si Naya.
"Pwedeng tama ka. But on the second thought, pwede ring wala siyang tiwala sa'kin kasi hindi naman ito ang unang pagkakataon na pinasundan niya ako."
"Maybe he just want to---"
Hinarap siya ni Naya.
"Want what? He wants to protect me?” Umiling-Ilang ito. “”I don't think so, Damie."
"Then anong dahilan niya?"
"That's what I need to know."
Nagpatuloy ang babae sa paglalakad. Wala na ring imik na sumunod sa kanya si Damielle Astin. Nang makalayo na sila sa gubat ay muli siyang hinarap ni Naya Faith.
"You have seen one of my secret, Damie. Makakaasa pa rin ba ako sa katapatan mo?"
Sinalubong ni Damielle Astin ang kanyang tingin.
"Yes, ofcourse. You can always rely on me, Naya.”
Ngunit napuno ng katanungan ang isipan ni Damielle sa posibleng dahilan kung bakit pinapasundan ni Rio si Naya. Aniya, maaaring gustong malaman ng lalaki kung may naaalala na si Naya Faith. O maaaring ring sinusubukan lamang niya ito.
Hindi na lang maintindihan kung bakit nagpapanggap itong fiancee ni Naya gayong alam nito na asawa niya ang babae?
Sa araw na dumaan ay lalong nadaragdagan ang palaisipan kay Damielle Astin.
Bukod sa nahihiwgaan siya sa totoong plano ni Rio Costor, hindi rin niya maitindihan ang kinikilos ni Naya Faith. Hindi niya maintindihan ang takbo ng isip nito lalo na ang mga salitang sunod nitong binitiwan.
"Then mula ngayon, iisa na tayo ng layunin. That is to dig deeper about Rio Costor."
"Mom! Dad! I'm home!" Ang malaanghel na tinig ni Hope ang kumuha ng atensiyon nina Raya Fae at Damielle Astin. Parehong napunta ang tingin ng mag-asawa sa kabubukas na main door ng bahay. Pumasok mula roon ang isang balingkinitan babae. Maputi at tila kaylambot ang balat nito. Natural na mapula ang may kakapalan nitong labi, matangos ang ilong at mapungay ang mga mata nitong natural na mahaba ang pilik mata. At agaw pansin ang mga mata nitong kulay abo. She is Hope Villacorda. Ang prinsesa sa kanilang pamilya. Agad na tumayo si Damielle Astin. Gumuhit ang labi nito habang nakatitig sa dalagang papalapit sa kanila ni Raya Fae. Lalo ring gumuhit ang ngiti sa labi ng dalaga nang makita ang ngiti ng kanyang mga magulang. "How's your school?" Graduating na ito sa kursong Business management. "It's fine, dad." Humalik ito sa pisngi ng kanyang ama. Sunod rin itong kay Raya Fae na nakatayo sa tabi ni Damielle Astin. "Good evening po, Tito, Tita." Gumuhit ang munting ngiti sa lalaking
"Mine." Yumakap si Damielle Astin sa beywang ng kanyang misis. Marahan niyang hinaplos ang tiyan nito. Malaki na ang umbok ng tiyan nito. Kabuwanan na nito at anumang oras ay maaari na nitong isilang ang kanilang anak. "Are you alright?" Humalik siya sa exposed na balikat nito. Sandali naman siyang liningon ni Raya. Pumatong rin ang kamay nito sa kamay ng kanyang mister. "Oo naman. Ayos na ayos lang ako." "Then why are you here?" Hindi pa rin naalis ang pag-aalala sa mga mata ni Damielle Astin. Agad naman siyang hinarap ni Raya Fae. "Binibisita ko lang siya, bigla ko siyang na-miss," gumuhit ang munting ngiti sa labi nito, "at saka para sabihin na rin sa kanya na magkakaroon na sila ng baby sister." "Yeah. Kung nandito siya, sigurong matutuwa siya katulad ni Damon. Well, except kay Devonne na ang gusto ay baby brother." "Devonne is such a loving person, hindi nga lang siya showy. Kahit sinasabi niyang baby brother ang gusto niya, I'm sure, magiging mabuting kuya pa rin siya."
Marahang hinahaplos-haplos ni Raya Fae ang ulo ng batang si Damon. Napapayag lamang niyang sumama ang mga bata sa kanila nang sabihin niya magkakasama silang pamilya. Sa huli pumayag na lamang siya sa gusto ni Damielle Astin na umuwi sa bahay kung saan siya nagising na kasama ito. Ayon sa lalaki, iyon daw ang bago nilang tahanan. Hindi nalalayo ang laki ng bahay sa dati nilang tahanan. Nangingibabaw ag kulay na puti at gold sa bahay kaya naman napakaaliwalas ng paligid. Mayroon na rin silid roon ang mga bata na may pintong konektado sa Master's bedroom. "Raya." Nakuha ng atensyon niya ang pagtawag ng kanyang mister. Nang mapunta ang tingin niya sa pinanggalingan ng tinig nito ay nakita niyang nakatayo ang lalaki sa pinto patungo sa Master's Bedroom. "Ngayong tulog na ang mga bata, pwede bang mag-usap tayo." Mahinahon ang tinig nitong nakikiusap. "Ano pang dapat nating pag-usapan? Pumayag na nag ako na umuwi dito sa bahay mo, 'di ba?" Hindi niya naitago ang pagsusungit sa kanyang
"Mga anak!" Naluluhang yumakap sa kanyang mga anak si Raya Fae. "Mommy." Mahigit na gumanti ng yakap sa kanya ang batang si Damon. Walang imik namang gumanti rin ng yakap sa kanya si Devonne. "Maraming salamat sa lumikha. Sa wakas, nahanap rin namin kayo." Hindi na napigil ni Raya Fae ang pagbuhos ng kanyang mga luha. "Mom." Tiningala siya ng batang si Devonne. Agad namang pinahid ni Raya Fae ang kanyang mga luha bago siya lumuhod upang mapantayan ang kanyang mga anak. "Kumusta kayo? Ayos lang ba kayo? May masakit ba? " Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito habang nakatingin sa mga bata. Muli ring nangilid ang kanyang luha habang hawak-hawak niya ang kanyang mga anak. "Please don't cry, mom." Kumilos ang kamay ng batang si Devonne upang tuyuhin ang kanyang luha. "We're okay, mommy." Segunda naman ng batang si Damon. "Please stop crying." Napasinghot naman ang si Raya Fae. Pinilit niya pinigil ang muling pagtulo ng kanyang luha. "Pasensya na, mga anak. Sobrang natutu
Napaungol si Raya Fae kasabay ng pagmulat niya ng kanyang mga mata. "Sa'n mo ako dadalhin?" Hindi niya naiwasang tanong habang nakatitig siya sa lalaking buhat-buhat siya. Sa halip na maghisterikal ay isiniksik niya ang kanyang mukha sa matipunong dibdib ng lalaki. Hindi niya mawari ngunit tila nakaramdam siya ng kapayapaan at seguridad sa bisig nito. "Please bring me home." Mahinang wika nito. "We're already home." Muli namang nagmulat ng kanyang mga mata si Raya Fae. Sinubukan nitong igala ang kanyang paningin ngunit tila umiikot naman ang kanyang paligid. Muli na lamang siyang napapikit upang mawala ang kanyang hilo. Pakiramdam niya ay nakadama siya ng kaginhawaan ng maramdaman niya ang paglapat ng kanyang katawan sa malambot na kutson. Sandali naman siyang pinakatitigan ng kanyang mister bago ito tumikhim. "I-I will undress you." Tila nagpapaalam namang wika ni Damielle Astin. Narinig naman iyon ni Raya Fae. Ngunit sa 'di mawaring dahilan ay hindi siya nakadama ng anumang
"Boss, bakit tayo nandito?" Hindi napigilang maitanong ni Thano Miguero kasabay ng paggala niya ng kanyang paningin sa loob ng bar. "I just want to unwind." Walang emosyong turan naman ni Damielle Astin sa kanyang tauhan. Nang umupo ang kanyang amo at umorder ito ng inumin ay wala na rin siyang nagawa kundi umupo na rin sa tabi nito. "Akala ko ba, boss, pupunta ka sa bahay nina Ma'am Raya." Napabuga naman ng hangin si Damielle Astin kasabay ng pag-iwas nito ng tingin. "Huwag na muna siguro. Baka ayaw rin lang naman niya akong harapin." Hindi na lamang umimik si Thano Miguero. Nang dumating ang order na alak ni Damielle Astin ay inialok nito sa kanya ang isang baso ngunit ngali-ngali siyang tumanggi. "Tingin mo ba, malabo na bang magkaayos pa kami ni Raya?" Tanong nito sa kanya matapos ang ilang beses na pagtungga ng alak. "Ewan ko, boss. Ikaw boss, ano sa tingin mo?" Nalukot naman ang mukha ni Damielle Astin. "You're not helping me, Thano." Napakamot naman ng ulo si Tha