LOGINSizzling hot in red pair of swimsuit, Raya walks confidently in the runway. She smiles genuinely and owns the stage like a queen. Napakuyom na lamang ng kamao ni Damielle Villacorda. Paanong ang namayapa niyang asawa ay nasa national Television ngayon at rumarampa bilang contestant sa beauty pageant? Soon, his question was answered. Ang nasa likod ng lahat ng iyon ay walang iba kundi si Rio Costor, ang pinuno ng kalaban nilang Mafia. But no one can stop Damielle, not even danger. Hindi siya papayag na hindi niya makuhang muli ang babae. By hook or by crook ay aangkinin niyang muli ang kanyang misis. Ngunit ang tanong, paano niya sisimulang makalapit sa kanyang asawa kung wala itong maalala sa nakaraan at ang kinikilala nitong pamilya ngayon ay ang pinuno ng kalaban nilang Mafia? Ano ang kayang isugal ni Damielle sa ngalan ng pag-ibig? Handa ba siyang palitan ang kanyang katauhan, maangkin lamang muli ang kanyang mahal? At mapapanindigan niya kaya ang kanyang desisyon kung ang kapalit ay ang unti-unting pagguho ng organisasyong pinaghirapan niyang itatag?
View More"Mom! Dad! I'm home!" Ang malaanghel na tinig ni Hope ang kumuha ng atensiyon nina Raya Fae at Damielle Astin. Parehong napunta ang tingin ng mag-asawa sa kabubukas na main door ng bahay. Pumasok mula roon ang isang balingkinitan babae. Maputi at tila kaylambot ang balat nito. Natural na mapula ang may kakapalan nitong labi, matangos ang ilong at mapungay ang mga mata nitong natural na mahaba ang pilik mata. At agaw pansin ang mga mata nitong kulay abo. She is Hope Villacorda. Ang prinsesa sa kanilang pamilya. Agad na tumayo si Damielle Astin. Gumuhit ang labi nito habang nakatitig sa dalagang papalapit sa kanila ni Raya Fae. Lalo ring gumuhit ang ngiti sa labi ng dalaga nang makita ang ngiti ng kanyang mga magulang. "How's your school?" Graduating na ito sa kursong Business management. "It's fine, dad." Humalik ito sa pisngi ng kanyang ama. Sunod rin itong kay Raya Fae na nakatayo sa tabi ni Damielle Astin. "Good evening po, Tito, Tita." Gumuhit ang munting ngiti sa lalaking
"Mine." Yumakap si Damielle Astin sa beywang ng kanyang misis. Marahan niyang hinaplos ang tiyan nito. Malaki na ang umbok ng tiyan nito. Kabuwanan na nito at anumang oras ay maaari na nitong isilang ang kanilang anak. "Are you alright?" Humalik siya sa exposed na balikat nito. Sandali naman siyang liningon ni Raya. Pumatong rin ang kamay nito sa kamay ng kanyang mister. "Oo naman. Ayos na ayos lang ako." "Then why are you here?" Hindi pa rin naalis ang pag-aalala sa mga mata ni Damielle Astin. Agad naman siyang hinarap ni Raya Fae. "Binibisita ko lang siya, bigla ko siyang na-miss," gumuhit ang munting ngiti sa labi nito, "at saka para sabihin na rin sa kanya na magkakaroon na sila ng baby sister." "Yeah. Kung nandito siya, sigurong matutuwa siya katulad ni Damon. Well, except kay Devonne na ang gusto ay baby brother." "Devonne is such a loving person, hindi nga lang siya showy. Kahit sinasabi niyang baby brother ang gusto niya, I'm sure, magiging mabuting kuya pa rin siya."
Marahang hinahaplos-haplos ni Raya Fae ang ulo ng batang si Damon. Napapayag lamang niyang sumama ang mga bata sa kanila nang sabihin niya magkakasama silang pamilya. Sa huli pumayag na lamang siya sa gusto ni Damielle Astin na umuwi sa bahay kung saan siya nagising na kasama ito. Ayon sa lalaki, iyon daw ang bago nilang tahanan. Hindi nalalayo ang laki ng bahay sa dati nilang tahanan. Nangingibabaw ag kulay na puti at gold sa bahay kaya naman napakaaliwalas ng paligid. Mayroon na rin silid roon ang mga bata na may pintong konektado sa Master's bedroom. "Raya." Nakuha ng atensyon niya ang pagtawag ng kanyang mister. Nang mapunta ang tingin niya sa pinanggalingan ng tinig nito ay nakita niyang nakatayo ang lalaki sa pinto patungo sa Master's Bedroom. "Ngayong tulog na ang mga bata, pwede bang mag-usap tayo." Mahinahon ang tinig nitong nakikiusap. "Ano pang dapat nating pag-usapan? Pumayag na nag ako na umuwi dito sa bahay mo, 'di ba?" Hindi niya naitago ang pagsusungit sa kanyang
"Mga anak!" Naluluhang yumakap sa kanyang mga anak si Raya Fae. "Mommy." Mahigit na gumanti ng yakap sa kanya ang batang si Damon. Walang imik namang gumanti rin ng yakap sa kanya si Devonne. "Maraming salamat sa lumikha. Sa wakas, nahanap rin namin kayo." Hindi na napigil ni Raya Fae ang pagbuhos ng kanyang mga luha. "Mom." Tiningala siya ng batang si Devonne. Agad namang pinahid ni Raya Fae ang kanyang mga luha bago siya lumuhod upang mapantayan ang kanyang mga anak. "Kumusta kayo? Ayos lang ba kayo? May masakit ba? " Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito habang nakatingin sa mga bata. Muli ring nangilid ang kanyang luha habang hawak-hawak niya ang kanyang mga anak. "Please don't cry, mom." Kumilos ang kamay ng batang si Devonne upang tuyuhin ang kanyang luha. "We're okay, mommy." Segunda naman ng batang si Damon. "Please stop crying." Napasinghot naman ang si Raya Fae. Pinilit niya pinigil ang muling pagtulo ng kanyang luha. "Pasensya na, mga anak. Sobrang natutu












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews