Home / Romance / FALLEN PROMISE (FILIPINO) / KABANATA 5: ANG UNANG HALIK NI CARMELA

Share

KABANATA 5: ANG UNANG HALIK NI CARMELA

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2024-03-01 16:04:28

GAYA ng napagkasunduan, sinundo siya ni Nestor sa harapan ng bahay nila para samahan siya sa pakikipag-usap sa iba pang mangingisda sa bayan ng Eldoria.

Plano talaga niyang magdala ng sasakyan. Pero dahil nga hindi naman pala malayo ang pupuntahan nila ay naglakad nalang siya kasama ang lalaki.

“Gusto ko nga palang ipakilala sa iyo ang kasintahan ko, si Victoria,” pakilala pa ni Nestor sa kanya sa isang magandang babaeng tinawag nito sa pangalang Victoria.

“Kumusta ka?” aniyang inilahad ang kamay sa babae bilang pakikipagkamay rito na malugod naman nitong tinanggap.

Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi ni Victoria kasabay ng malugod nitong pagtanggap sa kanyang pakikipagkamay.

“Ikinagagalak ko ang makilala ka, Carmela. Masaya rin ako na nagkaroon ng pagkakataong mabuksan muli ang Eldoria Hotel, Restaurant and Resort. Kahit papaano malaking tulong iyan para magkaroon ng trabaho ang iba pang tao rito maliban sa pangingisda,” ani Victoria.

Ramdam ni Carmela ang katapatan sa sinabing iyon ng kaharap. Kaya napangiti siyang muli.

“Iyon nga rin ang plano namin ni Papa. Para makatulong na rin sa mga taga-rito. Para mabigyan sila ng trabaho,” aniya pa.

“So, paano, Mahal, samahan ko na muna si Ma’am Carmela sa iba pa nating kasama rito. Para makilala nila siya,” si Nestor naman iyon.

Kumaway pa muna siya kay Victoria bago niya sinundan ang daang tinatahak ni Nestor. At simula nga nang araw na iyon, alam ni Carmela sa puso niya na nakatagpo siya ng isang kaibigan. Iyon ay sa katauhan ni Victoria.

*****

PERO sa paglipas ng panahon, hindi lamang ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Victoria ang lumalim. Kundi maging ang lihim na pagtingin na mayroon siya para sa kasintahan ng matalik niyang kaibigan. Kay Nestor.

Tama.

Ang inakala niya noon na simpleng paghangang nararamdaman niya para kay Nestor sa kalaunan ay lumalim. At sa kalaunan, inamin na rin niya sa sarili niyang mahal niya ang lalaki. Bagay na labis na nagpapahirap sa kalooban niya.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay pinanatili niyang lihim ang nararamdaman niya para kay Nestor. Mahal niya si Victoria at sa totoo lang, para sa kanya ay kapatid ang turing niya rito. At alam niyang ganoon rin naman ito sa kanya.

Marahil mayroon ring isang tunay na pag-ibig na darating sa buhay niya balang araw. Isang lalaking magmamahal sa kanya ng totoo at magagawang tumbasan ang pag-ibig na kaya niyang ibigay rito. Isang lalaking pwede niyang makasama sa pagbuo ng pamilya.

Mabigat ang buntong hininga na pinakawalan ni Carmela matapos ang lahat ng isiping iyon. Ilang sandali pa, mula sa pagkakaupo sa batuhan sa may dalampasigan ay tumayo na ang dalaga. Papasok na siya para makapaglinis ng katawan at magpahinga.

Pero nakakailang hakbang pa lamang si Carmela nang marinig niya ang ingay na likha ng isang papalapit na traysikel. Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang nang sa isang pamilyar na tinig ang nagpahinto ng paghakbang niya. Ang nag-iisang tinig sa mundo na tanging may kakayahan para pabilisin ang pagtahip ng kanyang dibdib.

“Nestor?” ang hindi makapaniwala pa niyang sambit nang mula sa dilim ay nakilala niya ang taong papalapit.

“Pwede ba tayong mag-usap?” tanong nito sa kanya.

Nang makalapit sa kanya si Nestor ay saka niya napag-alaman na nakainom ito. Pero dahil nga wala naman sa katauhan ng lalaki ang pagiging barumbado kapag nakainom ay nagpaunlak siya. Bukod pa roon ay ang katotohanang pinagtutulakan siya ng puso niyang kausapin ang lalaki.

“May problema ba?” tanong niya sa lalaki nang makalapit ito sa kanya.

Sa kabila ng anagag lang na liwanag na siyang nagsisilbing tanglaw nila ay nabista pa ring mabuti ni Carmela ang mukha ni Nestor. Kaya nakita niyang titig na titig ito sa kanya. At isang napakasarap na kilabot at inihatid sa kanya ng paraan ng pagtitig nito.

“Pwede ba tayong mag-usap? Sa isang lugar na tayong dalawa lang?” pakiusap pa nito.

Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Carmela.

“Anong ibig mong sabihin? At isa pa, hindi tama ang gusto mong mangyari. Ano nalang ang sasabihin ni Victoria kapag nalaman niya ang tungkol sa---,” hindi na siya pinatapos pa ni Nestor sa iba pa nitong gustong sabihin dahil nagsalita na agad ito.

“Wala si Victoria. Nasa kabilang bayan siya at dinalaw ang nanay niya doon. Isang linggo siyang mawawala,” paliwanag sa kanya ni Nestor.

Mabilis na binalot ng pag-aalangan ang mukha ni Carmela. Habang sa loob niya ay ang pagtatalo ng kanyang puso at isipan. Gusto ng puso niya ang hinihingi ni Nestor habang ayaw umayon doon ng kanyang isipan.

“Pakiusap?” ani Nestor na hinawakan ang kamay niya.

Agad na napakislot si Carmela sa ikinilos na iyon ng lalaki. Malakas na boltahe ng kuryente ang mabilis na nanulay sa bawat himaymay ng pagkatao ng dalaga. Hindi tiyak ni Carmela alam kung nahalata iyon ni Nestor pero may palagay siya na sinamantala nito ang nakikitang kahinaan niya nang mga sandaling iyon.

“S-Sige,” sa huli ay napapayag rin ni Nestor ang dalaga sa gusto niyang mangyari.

Tanging iyon lang at isinakay na nga siya ng lalaki sad ala nitong traysikel. Kung saan siya nito balak dalhin, hindi niya alam. Dahil nang mga sandaling iyon isa lang ang mas higit na nangingibabaw sa kanya. Masaya ang puso niya dahil kasama niya si Nestor. Ang lalaking pinakamamahal niya.

*****

SA isang kubo na malayo sa dalampasigan siya dinala ni Nestor. Nasa gitna iyon ng kakahuyan kaya totoong tago bukod pa sa hindi rin naman daanan ang lugar na iyon.

“Kaninong kubo ito? At saka, bakit dito mo ako dinala, Nestor?” takang tanong ni Carmela sa lalaki.

Pinatay ni Nestor ang traysikel at pagkatapos ay umikot ito para daluhan siya.

“Akin iyan, hindi alam ni Victoria ang tungkol diyan,” sagot nito.

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. “Sorpresa mo sa kanya?” tanong niya sa inosenteng tinig.

Kahit ang totoo nang mga sandaling iyon ay parang hinihiwa sa maliliit na piraso ang puso niya. Well, sanay na rin naman siya sa sakit na iyon. Wala nang bago.

Magkakasunod na umiling si Nestor habang titig na titig ito sa kanya. Tanging ang liwanag ng buwang lamang ang nagsisilbing tanglaw nilang dalawa. Pero sa kabila niyon ay nakita pa rin ni Carmela ang isang matamis ang magandang ngiting pumunit sa mga labi ng binata.

“Para sa iyo ang kubo na ito, Carmela,” pag-amin ni Nestor makalipas ang ilang sandali.

Agad na gumuhit sa mukha ni Carmela ang magkahalong pagkasorpresa at kalituhan. Kasabay niyon ay pinaglipat-lipat nito ang tingin sa mukha nito Nestor at sa kubo.

“A-Ano bang ibig mong sabihin?” kinakabahan na siya nang mga sandaling iyon ay hindi na niya nagawang itago iyon.

Hindi muna sumagot si Nestor. Sa halip ay kumilos ito saka naupo sa loob ng traysikel para tabihan siya. Nang mga sandaling iyon ay lalong nagtumindi ang tahip ng dibdib ni Carmela. Kasabay ang mabilis na panunuyo ng lalamunan niya ay ang mas napagtutuunan niya ng pansin.

“Alam ko hindi tama itong sasabihin ko sa iyo, Carmela,” simula ni Nestor. “Pero wala na akong makitang iba pang pagkakataon para sabihin sa iyo kung ano ang totoong nararamdaman ko,” pagpapatuloy pa nito.

Nahigit ang paghinga ni Carmela sa narinig. “A-Anong ibig mong sabihin?”

Sa puntong iyon ay hinawakan ng mahigpit ni Nestor ang isang kamay niya saka iyon masuyong hinalikan. Sa totoo lang para bang sa nakikita ni Carmela ay nagmamadali ang lalaki. Hindi niya maunawaan ang tungkol sa bagay na iyon pero sa huli ay mas pinili niyang huwag nalang magtanong.

“Sinubukan kong patayin ang nararamdaman ko para sa iyo. Mula nang una kita makita. Nagkaroon ka na ng espesyal na puwang dito sa puso ko. At nararamdaman ko, ganoon ka rin para sa akin, hindi ba? At ang nararamdaman mo para sa akin ang dahilan kaya nandito ka ngayon, kasama ko,” ang mahabang salaysay ni Nestor.

“G-Ganoon ba ako kadaling basahin, Nestor?” ang hindi makapaniwalang tanong ni Carmela pagkatapos.

Muli ay nakita ni Carmela ang malapad ng ngiting pumunit sa mga labi ng lalaki. Sa totoo lang nang mga sandaling iyon ay hindi na siya nag-iisip ng matuwid. Dahil isa lang ang sinusunod at pinakikinggan niya. Iyon ay ang dikta ng kanyang puso.

“Ibig sabihin ba nito tama ang hinala ko na mahal mo rin ako?” tanong ni Nestor sa kanya.

Hindi na nakita ni Carmela ang kahit anong dahilan para itago kay Nestor ang totoong nararamdaman niya para rito. Kaya naman bilang tugon ay maingat siyang tumango habang matamis na nakangiti.

“Tama ka, Nestor. Mahal din kita. Mahal na mahal kita at ikaw lang ang lalaking minahal ko ng ganito. Pero hindi tama ito. Bestfriend ko si Victoria at hindi ko gustong masira ang pagkakaibigan namin dalawa nang dahil lang sa maling pagtingin at pagmamahal na mayroon ako para sa iyo,” iyon ang mahinahon niyang paliwanag.

“Natatakot ka?” tanong sa kanya ni Nestor.

Magkakasunod na umiling si Carmela. “Mahal kita pero mahal ko rin si Victoria. At higit sa lahat, mas pinipili kong gawin ang tama.”

“Pero paano tayo? Hindi mo ba gustong bigyan ng pagkakataong tayong dalawa na maging masaya? Kahit pa sabihin mong nagtatago lang tayo?” giit ni Nestor.

“M-Magtatago tayo? Iyon ba ang gusto mong sabihin? Lolokohin natin si Victoria?” ang hindi makapaniwala at magkakasunod na tanong ni Carmela sa lalaki.

“Carmela, hindi natin siya lolokohin. Hindi lang natin siya gustong masaktan. Pero gusto rin nating palayain ang mga puso natin at kung ano ang totoo nating nararamdaman para sa isa’t-isa. Iyon ang ibig kong sabihin doon. Hindi natin ginusto ito. At pareho tayong hindi gustong masaktan si Victoria kaya wala tayong ibang choice kundi ang itago sa kanya ang tungkol sa pagmamahalan nating dalawa,” ang mahabang paliwanag ni Nestor saka masuyong dinama ang pisngi ng dalawa.

“Nestor…”

“Mahal na mahal kita, Carmela. Sana, napasaya kita sa simpleng regalo ko sa iyo. Sa kubo na ito kita dadalhin tuwing magkikita tayo. Dito tayo lihim na magkikita. Magkakaroon tayo ng sarili nating mundo. Malayo sa reyalidad. Iyong tayong dalawa lang. Gusto mo ba iyon?” tanong muli ng binata habang unti-unti nitong inilalapit ang mukha sa kanya.

Pinigil ni Carmela ang kanyang paghinga. At nang eksaktong malapit na ang bibig ni Nestor sa kanya ay saka siyang nagbuka ng bibig para sagutin ang tanong nito.

“Oo, gusto ko ang lahat ng sinabi mo. At nakahanda akong gawin ang lahat, makasama lang kita. Makukuntento ako kahit sa patagong relasyon. Dahil ang importante, ang totoong pagmamahal na mayroon tayo para sa isa’t-isa,” ang halos pabulong na tugon ni Carmela.

Ngumiti lang si Nestor. “Kung sakali ba, ako ang first kiss mo?” tanong pa nito.

Mabilis na nag-init ang magkabilang pisngi ni Carmela sa tanong na iyon pero tumango pa rin siya.

Lalong lumapad ang pagkakangiti ni Nestor. Pagkatapos ay tuluyan na nga nitong tinawid ang maliit na distansya ng mga labi nila upang tuluyan na nga ibigay at ipalasap sa kanya ang tamis ng unang halik.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • FALLEN PROMISE (FILIPINO)   KABANATA 6 “PREGNANCY”

    SABADO ng umaga nang atakihin si Carmela nang walang humpay na pagsusuka. “Ano ba kasing nangyari sa iyo? Diyos ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala pa naman ang ama mo at nasa Maynila. Sa makalawa pa ang balik niya!” Iyon ang mahabang litanya ni Yaya Ising habang inaalalayan siya nito pabalik sa higaan. Okay naman siya kaninang umaga. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit pagkatapos niyang kumain ng almusal ay bigla siyang nakaramdam ng tila pagbaligtad ng sikmura niya. At dahil iyon sa kinain niyang ginisang corned beef. Mabilis na natilihan si Carmela makalipas ang ilang sandali. Pagkatapos ay minabuti niyang palabasin na muna si Yaya Ising ng kanyang kwarto para mas makapag-isip pa ng mabuti.Sinimulan niyang magbilang. Ang binibilang niya ay ang dapat sana’y petsa ng kanyang buwanang daloy. Tama.May nangyari sa kanilang dalawa ni Nestor noong dalhin siya nito sa kubo. Mahigit maraming buwan na ang nakalilipas. At mahigit siyam na buwang na rin silang pagtagong nagk

  • FALLEN PROMISE (FILIPINO)   KABANATA 5: ANG UNANG HALIK NI CARMELA

    GAYA ng napagkasunduan, sinundo siya ni Nestor sa harapan ng bahay nila para samahan siya sa pakikipag-usap sa iba pang mangingisda sa bayan ng Eldoria.Plano talaga niyang magdala ng sasakyan. Pero dahil nga hindi naman pala malayo ang pupuntahan nila ay naglakad nalang siya kasama ang lalaki.“Gusto ko nga palang ipakilala sa iyo ang kasintahan ko, si Victoria,” pakilala pa ni Nestor sa kanya sa isang magandang babaeng tinawag nito sa pangalang Victoria.“Kumusta ka?” aniyang inilahad ang kamay sa babae bilang pakikipagkamay rito na malugod naman nitong tinanggap.Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi ni Victoria kasabay ng malugod nitong pagtanggap sa kanyang pakikipagkamay.“Ikinagagalak ko ang makilala ka, Carmela. Masaya rin ako na nagkaroon ng pagkakataong mabuksan muli ang Eldoria Hotel, Restaurant and Resort. Kahit papaano malaking tulong iyan para magkaroon ng trabaho ang iba pang tao rito maliban sa pangingisda,” ani Victoria.Ramdam ni Carmela ang katapatan sa sinabing i

  • FALLEN PROMISE (FILIPINO)   CHAPTER 4: ISANG MAINIT NA GABI KASAMA SI VICTORIA

    MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Nestor habang magkasama silang nakatayo ni Ariel sa labas ng gate ng resort. Alam niya kung bakit siya kinakabahan. Dahil kay Carmela.Hindi talaga niya gustong maapektuhan sa kakaibang damdaming nararamdaman niya para sa babaeng iyon. Pero kahit anong gawin niya ay hindi niya mapigilan. At naiinis siya sa sarili niya dahil doon.Si Ariel na ang pinag-door bell niya. Ilang sandali lang at may isang unipormadong katulong na ang nagbukas ng gate. Iniwan sila pansamantala ng kasambahay saka binalikan para patuluyin.“Dito muna kayo, pababa na si Ma’am Carmela. Maghahanda lang ako ng maiinom ninyo,” pagkasabi ay tinalikuran na nga sila ng katulong.“Ang swerte naman natin. Yung anak pala ni Don Martin ang haharap sa atin,” halata ang kasiyahan sa tono ng pananalita ni Ariel bagaman pabulong iyon.Hindi sumagot si Nestor. Nang mga sandaling iyon ay mas nangingibabaw kasi sa kanya ang labis na kabang nararamdaman niya. At lalo pang nagtumindi iyon nang marinig

  • FALLEN PROMISE (FILIPINO)   KABANATA 3: ELDORIA RESORT

    Victoria and Nestor sat down for dinner, the aroma of freshly cooked dishes wafting through the air. The atmosphere was cozy, with the dim light from a nearby lamp casting a warm glow on the table.Magkasalong kumakain ng hapunan sina Nestor at Victoria nang gabing iyon. Maaliwalas ang gabi at ganoon rin sa loob ng simpleng dampa kung saan matagal nang magkasamang naninirahan ang dalawa.Kalahating oras na rin ang nakalilipas pero nasa hangin pa rin ang mabangong amoy ng piniritong isda na niluto ni Victoria. Katulad ng ipinangako sa kanya ni Nestor. Ibinigay nito sa kanya ang pinakamaganda at pinaka malaki nitong huli.“Alam mo ba, Nestor,” pagsisimula ni Victoria na kinuha muna ang baso saka uminom ng tubig. “May narinig akong balita kanina tungkol sa mga bagong lipat na galing pa ng Maynila.”Mula sa pagkakayuko nito sa sarili nitong plato ay nagtaas ito ng tingin saka sinalubong ang mga titig ni Victoria. “Talaga? Ano naman ang narinig mo?”“Ayun, ‘yung nakabila nga resort eh anak

  • FALLEN PROMISE (FILIPINO)   KABANATA 2: ANG KAGANDAHAN NI CARMELA

    Bumaba si Carmela mula sa van. Agad na hinahaplos ng malamig na simoy ng hangin ng karagatan ang kanyang katawan habang tinitingnan ang maamong bayan ng Eldoria. Ang mga kalsada, pinaganda ng mga tanim na bougainvillea na may iba-ibang kulay. Maging ang mga naglalakihang istrakturang yari naman sa kahoy. At lahat ng nakikita niya ngayon ay naglalarawan ng isang magandang tanawin na nagsasalita ng isang mas payak na buhay na hindi tinatamaan ng kaguluhan ng lungsod. Sa paglipad ng kanyang tingin sa may pampang kung saan maingat na umaalog ang mga bangkang pangisda gawa ng pagtama ng alon, mabilis na binalot ng kapayapaan ang damdamin ni Carmela. Ang Eldoria ay mayroon kaakit-akit na musika na para bang nananahan na sa kanya puso at pandinig na ngayon lamang nagising. Dahil pakiwari niya ay naghintay iyon sa kanya sa napakahabang panahon. Sandaling nagpaalam si Carmela nang hapong iyon para maglakad-lakad. Hindi malayo sa mansion at resort na binili ng kanyang ama. Naging masaya si

  • FALLEN PROMISE (FILIPINO)   KABANATA 1 “SI VICTORIA AT ANG DAGAT”

    Nakangiting pinanonood ni Victoria ang pagsikat ng araw sa Silangan. Nasa dalampasigan siya noon. Ang maliit nilang bayan na kilala sa lahat bilang Eldoria ang tanyag sa bahaging iyon ng norte bilang may pinaka magandang sunrise at sunset. Nasa ganoong ayos rin siya nang mamataan ang isang pamilyar na lalaking abala naman sa paghahanda para sa gagawin nitong paglalayag.Nestor, with a weathered yet content expression, adjusted the brim of his hat and secured the net over his shoulder. Victoria, her eyes reflecting both love and a touch of sadness, walked alongside him, tracing the sandy path to the waiting boat.Bakas sa mabait na mukha ni Nestor ang pagkahapo. Palapit na ito sa kinaroroonan niya kaya hindi na naghintay pa si Victoria at piniling lapitan ang lalaking pinakamamahal niya. Napangiti pa siya nang makitang bahagyang inayos ng lalaki ang suot nitong sombrero. Habang ang lambat na gagamitin nito ay malayang nakasampay lamang sa balikat nito.Nang makalapit ay agad itong niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status