LOGINFirst love nina Lucas at Clarissa ang isa't-isa. Mga bata pa lamang nang umusbong ang pagkakaibigan at wagas na pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa. Subalit, sa isang hindi inaasahang pagkakataon, isang sumpa ang sumira sa kanilang magandang pagsasama. Dahil si Clarissa ay hindi para kay Lucas. Dahil si Clarissa ay para sa dagat.
View MoreNakangiting pinanonood ni Victoria ang pagsikat ng araw sa Silangan. Nasa dalampasigan siya noon. Ang maliit nilang bayan na kilala sa lahat bilang Eldoria ang tanyag sa bahaging iyon ng norte bilang may pinaka magandang sunrise at sunset. Nasa ganoong ayos rin siya nang mamataan ang isang pamilyar na lalaking abala naman sa paghahanda para sa gagawin nitong paglalayag.
Nestor, with a weathered yet content expression, adjusted the brim of his hat and secured the net over his shoulder. Victoria, her eyes reflecting both love and a touch of sadness, walked alongside him, tracing the sandy path to the waiting boat.
Bakas sa mabait na mukha ni Nestor ang pagkahapo. Palapit na ito sa kinaroroonan niya kaya hindi na naghintay pa si Victoria at piniling lapitan ang lalaking pinakamamahal niya. Napangiti pa siya nang makitang bahagyang inayos ng lalaki ang suot nitong sombrero. Habang ang lambat na gagamitin nito ay malayang nakasampay lamang sa balikat nito.
Nang makalapit ay agad itong niyakap ni Victoria. Pagkatapos ay sinimulan niyang sundan ang daang tinatahak nito sa buhangin suot ang botas nitong gawa sa goma.
“Mag-iingat ka, Mahal ko. Biyayaan ka sana ng dagat ngayong araw,” aniyang ngiting-ngiti itong pinakatitigan ng may pagmamahal.
Noon napabungisngis muna si Nestor saka siya sinagot. “Masyado kang nag-aalala, Victoria. Kailan ba naging maramot sa akin ang dagat?” tanong-sagot pa nito saka siya niyuko at dinampian ng isang simpleng halik sa mga labi.
Hindi na sumagot pa si Victoria. Nang marating nila ang parte kung saan nagtatagpo ang linya ng tubig at dalampasigan ay saka naman nagsimulang sumayaw-sayaw ang bangka ni Nestor sa saliw ng paghampas ng mga alon. Noon ito yumuko saka masuyong hinalikan sa noo ang dalaga.
“Babalik ako bago ang paglubog ng araw. Hintayin mo ako,” anito pa sa karaniwan ng nitong mabait na tono.
Tinanguan lang ni Victoria ang sinabing iyon ng kanyang kasintahan.
“Gabayan sana ng dagat ang iyong daraanan kasabay ng pagyakap sa iyo ng alon ng kaligtasan,” aniya pa.
Ilang sandali pa at itinaas ni Victoria ang dalawang kamay saka sinimulang kausapin ang dagat gamit ang isang orasyon. Nagpatuloy sa paggalaw ang kanyang mga labi. Walang ibang nakakaintindi sa sinasabi niya. Tanging siya at ang dagat lamang nang mga sandaling iyon ang nag-uusap.
Agad na ngumiti si Nestor saka tinitigan si Victoria ng may pagmamahal.
“Maraming salamat, Mahal ko. Uuwian kita ng magandang huli mamaya.”
As Nestor set sail into the cerulean expanse, Victoria stood on the shore, her eyes following the boat until it became a mere speck on the horizon. The town, awakening to the gentle caress of the morning sun, seemed to join Victoria in her silent communion with the sea.
Habang pumapalaot sa dako pa roon ay nanatiling nakatayo si Victoria sa dalampasigan. Pinanood niya ang papalayong bangka ng hanggang magmistula na lamang itong tuldok sa kanyang paningin.
Pinanood niya ang papalayong bangka hanggang sa tuluyan na nga itong naglaha sa kanyang paningin.
Unti-unti ay nagsimulang magising ang bayan ng Eldoria. Kasabay iyon ng tila ba banayad na paghaplos rito ng mainit na sikat ng araw. At ang lahat ng iyon ay sinabayan ng tahimik na pakikipag-ugnayan ni Victoria sa dagat.
*****
ARAW-ARAW ganito ang buhay ni Victoria. Ang Eldoria para sa kanya ay may puso na kalakip na ng tila ba pag-awit ng dagat. Ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan ay mistulang musika sa kanyang pandinig na araw-araw mula noong siya ay magka-isip ay palagi na nga niyang pinananabikan.
Sa mismong bayan kung saan hindi na halos magkamayaw ang mga tao gawa ng pagiging abala para maitawid ang pang-araw-araw na pamumuhay. Masayang nakikipagpalitan ng ngiti si Victoria. Masaya siyang makita ang mga ito at ganoon rin naman ang mga ito sa kanya.
Ang mga taga-bayan, sanay na sa pagiging misteryosa at kahanga-hangang aura ni Victoria. Ito ang dahilan kaya ang lahat ay iginagalang siya.
Alam ng lahat kung ano siya at kung ano ang tunay niyang pagkatao. Kung saan siya nanggaling at kung bakit may mga gabing nagsasagawa siya ng ritwal sa ilalim ng bilog na buwan.
Anak si Victoria ng isang kilalang mangkukulam na nakatira naman sa kabilang bayan. Ang bayan ng Lirendal. Pero hindi niya ipinagmamalaki ang tungkol doon.
Ang nanay niyang si Lorencia o mas kilala sa tawag na Loring ay walumpu at apat na taong gulang na. Pero malakas pa rin ito. Alam naman niya kung bakit. Dahil sa taglay nitong itim na kapanghayarihan na aminado siyang kahit papaano ay mayroon siya. Pero hindi iyon ganap. Hindi pa siya pumapayag na tanggapin ang kapangyarihan nito at ang lahat ng iyon ay dahil kay Nestor.
*****
“Kung mayroon man kaming hinihintay dito, iyon ay ang pagpapakasal ninyong dalawa ni Nestor, Victoria,” isang payat at morenang babae ang nagsabi niyon.
Malapad na napangiti si Victoria sa kanyang narinig. “Ikaw talaga, Sinang, alam mo namang nag-iipon pa si Nestor para sa kasal namin,” aniyang nahihiya pang nagyuko ng ulo.
Napahagikgik si Sinang sa sinabing iyon ni Victoria. “Hay naku, hindi naman kailangang engrande ang kasal. Ang mahalaga maselyuhan na ang matagal ninyong pagsasama. Aba, eh kung tutuusin kasal nalang naman talaga ang kulang sa inyong dalawa, hindi ba?” pagpapatuloy ni Sinang.
“Oo nga,” si Dolor naman na kasalukuyang abala sa pagbibilad ng mga dinaing nitong isda na ibinebenta nito sa bayan. “Pagkatapos nun anak naman ang kasunod,” anito pa.
Agad na natahimik si Victoria kasabay ng pagkakapalis ng ngiti sa kanyang mga labi. Isang malungkot na buntong hininga ang sumunod niyang pinakawalan. Pagkatapos niyon ay kumilos siya para sana pumasok na sa loob ng kanyang bahay na yar isa nipa na nakatayo sa di kalayuan.
Paano ba niya sasabihin sa mga ito na wala siyang kakayahang magbuntis? At paano niya aaminin na ang isang katulad niyang may taglay na itim na kapangyarihan na minana pa niya sa kanyang inang mangkukulam ay walang lakas ng loob na buksan kay Nestor ang usapin tungkol sa pagpapakasal. Dahil ang totoo hindi pa man ay nilalamon na ng panibugho ang puso niya. Lalo pa at walang alam ang kanyang kinakasama tungkol sa kundisyon niya.
Nasa ganoon ayos si Victoria nang mapuna niya ang magkakasunod na van na dumaan sa kanilang harapan. Sinundan niya ng tingin ang mga iyon kaya nakita niyang huminto sa tapat ng isang malaki mansion na dati ay lumang resort sa kanilang bayan.
“Ah, baka sila ‘yung sinasabi ng ibang taga rito na nakabili ng resort na iyan. Eh ang sabi mayaman raw at galing Maynila. Biyudo na raw ang nakabili at isa lang ang ang anak. Babae raw at napakaganda!”
Ang sinabing iyon ni Dolor ang tila nag-utos kay Victoria para lingunin muli ang mga ito.
“Naku, para sa akin wala nang mas gaganda pa kay Victoria. Kaya nga sa kanya nahulog ang pinakagwapong mangingisda dito sa bayan natin!” sagot naman ni Sinang.
Napangiti lang si Victoria sa narinig saka ibinalik ang paningin sa marahil tatlong van na ngayon ay nakahinto sa tapat ng gate ng lumang resort. Hindi nagtagal nakita niyang bumaba mula sa isa sa mga sasakyan ang isang mestisang babae na nakasuot ng kulay dilaw at mahabang bestida. Mamula-mula ang alon-alon nitong buhok, balingkinitan ang pangangatawan at kahit pa malayo ay mukhang napakaganda nga nito.
Ilang sandali pa katulad ng inaasahan niya ay narinig na niyang nagbulungan ang mga tao sa paligid niya. Bumubulalas ng labis na paghanga para sa babae. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa mga naririnig niya. Pero hindi na rin niya iyon gaanong nabigyan ng pansin dahil mas natuon ang atensyon niya sa kaba na biglang umusbong sa puso niya sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan.
“ANO ang namamagitan sa inyong dalawa ng taga-lupang iyon, Clarissa?” seryosong tanong ni Queen Marasela sa kay Clarissa.Nagtumindi ang kabog ng dibdib ni Clarissa sa tanong na iyon. Pero ang totoo, hindi lang ang tanong ang dahilan kaya nakaramdam siya ng ganoon. Kasama na rin ang tono ni Queen Marasela at maging ang kaseyosohan sa mukha nito nang salubungin niya ang titig nito sa kanya.“Akala ko ba nagkakaunawaan na tayo noon pa man?” ang muling isinatinig nang reyna nang manatili siyang tahimik.“M-Mahal ko siya, Mama,” aniyang nagyuko ng mga ulo saka malungkot na nagbuntong hininga.Pinigilan niya ang sarili niyang mapaiyak. Alam niyang pagbabawalan siya ng reyna na makipagkita pa rin kay Lucas. Pero ano ang gagawin niya? Mahal niya ang binata at mas nanaisin pa niyang mamatay nalang kung mawawala ito sa buhay niya.“Hindi ko na gustong nakikipagkita ka sa kanya, Clarissa!” mababa ang tono pero mariin ang bawat salitang binibitiwan nito.Inaasahan na ni Clarissa ang tungkol doon
PRESENT DAYMATAMIS ang ngiting pumunit sa mga labi ni Jessa. “Halika na, hinahanap ka na na Queen Marasela,” anitong hinawakan ang kamay niya saka nagtangkang hilahin siya palangoy.Pero hindi nagpahila si Clarissa. Sa halip ay nanatili siya sa malaking batuhang iyon.“Hindi pa ba kayo nagkikita ni Lucas?” tanong nito dahil sa kanyang ginawa.Magkakasunod siyang umiling. “Matagal na, parang anim na buwan na yata,” ang malungkot niyang sambit saka nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga.“Baka hindi pa siya nakababalik mula sa serbisyo niya,” pagpapalagay ni Jessa.Nagkibit ng mga balikat niya si Clarissa at pagkatapos ay bumitiw n amula sa pagkakahawak niya sa malaking bato.Sa batuhang iyon siya iniwan noon ni Carmela nang gabing mabunyag sa Eldoria ang tungkol sa pagkatao niya. Pirmi silang nagkikita doon ng kanyang mga magulang pati na rin si Nanny Norma at ang kanyang lolo. Parang wala namang nagbago kung tutuusin. Nagpatayo kasi ng bahay si Anthony sa may parteng iyon ng
SA PAGLIPAS ng mga araw ay nanatiling ganoon ang buhay ni Clarissa. Minabuti ni Martin ang magbayad ng tao na pwedeng pumuno ng tubig dagat sa swimming pool. Kapag ganoon ay pirming nasa loob ng bahay ang anak niya at sa bath tub naman naglalagi. “Mukhang tama ang Papa. Tama kayo ni Papa, Anthony,” ani Carmela na sinundan ang sinabi ng isang mabigat na buntong hininga. Nasa komedor sila noon at magkasabay na kumakain ng agahan. Si Clarissa dahil nga pinupuno pa ng tubig ang swimming pool ay nasa bath tub sa loob ng banyo sa kwarto nilang mag-asawa. Kanina nang iwan nila doon ang anak ay mahimbing na natutulog ang bata. Habang si Nanny Norma ay abala naman sa paghahanda ng pagkain para sa pananghalian.“Anong ibig mong sabihin, Carmela?” tanong sa kanya ni Anthony.Muli siyang nagbuntong hininga saka sinalubong ang mga titig ng lalaki. “Mukhang magiging mas maayos si Clarissa sa dagat,” aniya.Mabigat ang mga salitang binitiwan niya. Kasimbigat hinanakit na nagpapahirap ngayon sa kan
Kung kailan napatahan ni Carmela ang anak, niya, hindi na niya masabi. Marami itong tanong na kahit si Anthony ay hindi nasagot. At ang lahat ng iyon ay nagdulot ng paghihirap sa kanyang kalooban.Sa paglipas ng mga araw ay nanatili sa malaking bahay si Clarissa. At kahit hindi naging madali, minabuti ng kaniyang ama na pansamantalang bigyan ng bakasyon ang mga katulong at trabahador habang hindi pa nila napagpapasiyahan kung ano ba talaga ang dapat nilang gawin. Hindi rin kasi alam ng mga ito ang tungkol sa tunay na kundisyon ng bata. Iniiwasan kasi nilang may makaalam na iba para na rin sa safety ng anak niya.Sa huli ay tanging siya, si Martin, si Anthony si Nanny Norma na lamang ang naiwan doon, kasama si Clarissa.“Babalik nalang kami ng Maynila, Papa. Sa tingin ko mas makabubuti iyon para sa anak ko,” aniya habang tahimik na pinanonood si Clarissa na lumalangoy sa malaking swimming pool ng kanilang mansyon. Kasama nito si Anthony na nakaupo sa lounging chair na nasa gilid ng poo






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.