SABADO ng umaga nang atakihin si Carmela nang walang humpay na pagsusuka.
“Ano ba kasing nangyari sa iyo? Diyos ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala pa naman ang ama mo at nasa Maynila. Sa makalawa pa ang balik niya!”Iyon ang mahabang litanya ni Yaya Ising habang inaalalayan siya nito pabalik sa higaan.Okay naman siya kaninang umaga. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit pagkatapos niyang kumain ng almusal ay bigla siyang nakaramdam ng tila pagbaligtad ng sikmura niya. At dahil iyon sa kinain niyang ginisang corned beef.Mabilis na natilihan si Carmela makalipas ang ilang sandali. Pagkatapos ay minabuti niyang palabasin na muna si Yaya Ising ng kanyang kwarto para mas makapag-isip pa ng mabuti.Sinimulan niyang magbilang. Ang binibilang niya ay ang dapat sana’y petsa ng kanyang buwanang daloy.Tama.May nangyari sa kanilang dalawa ni Nestor noong dalhin siya nito sa kubo. Mahigit maraming buwan na ang nakalilipas. At mahigit siyam na buwang na rin silang pagtagong nagkikita ng binata sa kubo.Naniniwala siyang mahal na mahal siya ng lalaki. Kahit pa kung tutuusin ay niloloko nilang dalawa si Victoria. Ang babaeng itinuturing naman siyang matalik na kaibigan.Sa huling naisip ay agad na kinain ng guilt ang dibdib ni Carmela.Hindi niya ginusto ang lahat ng ito. At kahit minsan hindi rin niya inisip na papasok siya sa ganitong uri ng relasyon. Pero nangyari. Dahil mahal niya si Nestor. Mahal na mahal niya ito kaya nga walang pag-aalinlangan niyang paulit-ulit na nagawang ipagkaloob rito ang sarili niya.Agad na natilihan si Carmela sa kanyang na isip.Ngayon mas higit na nagtumindi ang suspetsa niya na baka nga buntis siya.Agad na binalot ng labis na pag-aalala ang dibdib niya.Paano ang gagawin niya kung sakaling tama nga siya ng hinala? Paano niya ipagtatapat ang lahat ng ito sa ama niya? At higit sa lahat, kay Nestor.Masasaktan si Victoria. Tiyak na magagalit ito sa kanilang dalawa. Mawawalan siya ng kaibigan. At hindi niya iyon gustong mangyari.Pero pinasok niya ito. Hindi niya ginamit ang utak niya at mas pinairal ang nararamdaman ng kanyang puso. Mas pinakinggan niya ang kanyang puso.Nasa ganoong ayos siya nang marinig ang magkakasunod na katok sa kanyang pinto.“Hinahanap ka ni Victoria,” si Yaya Ising na siyang nakita niyang sumilip sa kabubukas lang na pintuan ng kanyang silid.Mabilis na napabangon si Carmela. “Ano ho?” Aniya pa gawa ng pagkabigla.Nakita ni Carmela na umangat ang mga kilay ng matanda. “Anong sasabihin ko? Haharapin ko ba?” Tanong pa nito sa kanya.Sandaling nag-isip si Carmela. Pagkatapos niyon ay magkakasunod siyang umiling. “Masama po talaga ang pakiramdam ko Yaya Ising. Nahihilo ako eh,” pagsasabi niya ng totoo.Although, totoo naman talaga iyon. Alam niyang hangga’t hindi niya napapatunayan kung tama ba o mali ang suspetsa niya ay parang hindi pa niya kayang harapin muna si Carmela.Oo nga at mali ang ginagawa niya. Pero ibang usapan na ngayon. Kung sakali man kasing buntis siya at si Nestor ang ama. Tama lang na pakasalan siya ng lalaki.Sa naisip ay lalong nagtumindi ang stress na nararamdaman niya.Sa pagkakataong ito kailangan na nga niyang tanggapin na sira na ang pagkakaibigan nila ni Victoria. At ngayon pa lamang, dapat lang na ihanda na rin niya ang sarili niya sa galit na pwede niyang matikman mula sa kaibigan.*****“BUNTIS ako, Nestor,” pagbibigay alam ni Carmela kay Nestor nang araw na iyon na nagkita sila ng binata.Nang araw na iyon na dinalaw siya ni Victoria nagpahinga lang siya sandali. Natulog at kumain ng pananghalian. Pero pagkagising niya ay agad siyang nagtungo sa ospital para magpatingin sa doktor. Dito nga niya napatunayan ang kutob niya. Dalawang buwan na siyang buntis.Wala siyang pinagsabihan. Hindi rin naman kasi siya nagpasama noon kay Yaya Ising kaya walang alam ang kanyang tagapag-alaga tungkol sa kanyang kundisyon.“B-Buntis ka?” Nasa tono ng pananalita ni Nestor ang pagkabigla sa kanyang sinabi.Kung positibo o hindi ang dahilan ng reaksyon nitong iyon, hindi masabi ni Carmela.Magkakasunod siyang tumango. Habang hindi rin naman niya nagawang itago ang labis na insecurity na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.“A-Ang sabi ng doktor dalawang buwan na raw. A-Ang totoo kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Darating ang time lalaki at lalaki itong tiyan ko at malalaman ni Papa ang lahat at hindi ko rin ito habang buhay na maitata—-.”Hindi na nagawang tapusin pa ni Carmela ang iba pa niyang gustong sabihin dahil hindi na rin niya napaghandaan pa ang sumunod na ginawa ni Nestor. Bigla siya nitong siniil ng halik na naging dahilan ng pagkakabitin ng iba pang gusto niyang sabihin.“Magiging tatay na ako?” Iyon ang narinig ni Carmela na sinambit Nestor matapos nitong pakawalan ang bibig niya.Nagdilat ng paningin ni Carmela. Nagtama ang paningin nila at dito nakita ng dalaga ang katapatan sa mga mata ng lalaking pinakamamahal niya. Hindi niya maipagkakamali ang nakita niyang kasiyahan sa mga mata nito. At humaplos iyon ng husto sa kanyang puso. Kaya napakasaya niya.“M-Masaya ka?” Tanong ni Carmela sa pagitan ng pagpipigil niyang mapa-iyak.Mahigpit na sinapo ni Nestor ang mukha ni Carmela saka ito tinitigan ng tuwid sa mga mata. “Napakasaya ko, Carmela. Napakasaya,” iyon ang walang gatol nitong saad bago siya muling hinalikan.Sa pagkakataong iyon ay nagpatuloy na sa paglalim ang halik na iyon ni Nestor. At hindi tumanggi si Carmela doon. Alam niya kung saan iyon patungo. At nakahanda siya sa lahat ng gustong gawin sa kanya ngayon ng lalaking pinakamamahal niya.Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang lahat ng ito. Ayaw na rin muna niyang isiping masisira ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Victoria.“Mahal na mahal kita, Carmela. Ikaw ang pinakamamahal ko. Patawarin mo ako kung ganito lang ang kaya kong ibigay sa iyo. Sana maunawaan mo at huwag kang susuko. Huwag ka sanang magsasawa.”Nasa tono ng pananalita ni Nestor ang pakikiusap habang nang maingat siya nitong inihihiga sa sahig na kawayan ng kubo.“Mahal na mahal rin kita, Nestor. Lahat kaya kong tiisin, para sa’yo,” sagot niya.Ngumiti si Nestor sa isinagot niyang iyon. Kaya naman nang simulan siyang hubaran ng kanyang nobyo habang angkin nito ang kanyang mga labi ay hindi siya tumanggi. At gaya ng dati, buong puso at buong pagkatao niyang ipinagkaloob sa lalaki ang kanyang sarili.Hindi iyon ang unang pagkakataong nagtalik silang dalawa. Pero sa bawat sandali, palagi ay nagagawang iparamdam sa kanya ni Nestor na ito ang una.Bawat daanan ng labi ni Nestor sa kanyang balat ay parang sinisilaban. At sa lahat ng iyon isa lang ang dahilan na nararamdaman niya. Pag-ibig. Ang pagmamahal na sinasabi sa kanya ni Nestor. Ang ipinadarama nito at ang nakikita rin niya sa mga mata ng binata tuwing tumititig ito sa kanya.SABADO ng umaga nang atakihin si Carmela nang walang humpay na pagsusuka. “Ano ba kasing nangyari sa iyo? Diyos ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala pa naman ang ama mo at nasa Maynila. Sa makalawa pa ang balik niya!” Iyon ang mahabang litanya ni Yaya Ising habang inaalalayan siya nito pabalik sa higaan. Okay naman siya kaninang umaga. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit pagkatapos niyang kumain ng almusal ay bigla siyang nakaramdam ng tila pagbaligtad ng sikmura niya. At dahil iyon sa kinain niyang ginisang corned beef. Mabilis na natilihan si Carmela makalipas ang ilang sandali. Pagkatapos ay minabuti niyang palabasin na muna si Yaya Ising ng kanyang kwarto para mas makapag-isip pa ng mabuti.Sinimulan niyang magbilang. Ang binibilang niya ay ang dapat sana’y petsa ng kanyang buwanang daloy. Tama.May nangyari sa kanilang dalawa ni Nestor noong dalhin siya nito sa kubo. Mahigit maraming buwan na ang nakalilipas. At mahigit siyam na buwang na rin silang pagtagong nagk
GAYA ng napagkasunduan, sinundo siya ni Nestor sa harapan ng bahay nila para samahan siya sa pakikipag-usap sa iba pang mangingisda sa bayan ng Eldoria.Plano talaga niyang magdala ng sasakyan. Pero dahil nga hindi naman pala malayo ang pupuntahan nila ay naglakad nalang siya kasama ang lalaki.“Gusto ko nga palang ipakilala sa iyo ang kasintahan ko, si Victoria,” pakilala pa ni Nestor sa kanya sa isang magandang babaeng tinawag nito sa pangalang Victoria.“Kumusta ka?” aniyang inilahad ang kamay sa babae bilang pakikipagkamay rito na malugod naman nitong tinanggap.Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi ni Victoria kasabay ng malugod nitong pagtanggap sa kanyang pakikipagkamay.“Ikinagagalak ko ang makilala ka, Carmela. Masaya rin ako na nagkaroon ng pagkakataong mabuksan muli ang Eldoria Hotel, Restaurant and Resort. Kahit papaano malaking tulong iyan para magkaroon ng trabaho ang iba pang tao rito maliban sa pangingisda,” ani Victoria.Ramdam ni Carmela ang katapatan sa sinabing i
MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Nestor habang magkasama silang nakatayo ni Ariel sa labas ng gate ng resort. Alam niya kung bakit siya kinakabahan. Dahil kay Carmela.Hindi talaga niya gustong maapektuhan sa kakaibang damdaming nararamdaman niya para sa babaeng iyon. Pero kahit anong gawin niya ay hindi niya mapigilan. At naiinis siya sa sarili niya dahil doon.Si Ariel na ang pinag-door bell niya. Ilang sandali lang at may isang unipormadong katulong na ang nagbukas ng gate. Iniwan sila pansamantala ng kasambahay saka binalikan para patuluyin.“Dito muna kayo, pababa na si Ma’am Carmela. Maghahanda lang ako ng maiinom ninyo,” pagkasabi ay tinalikuran na nga sila ng katulong.“Ang swerte naman natin. Yung anak pala ni Don Martin ang haharap sa atin,” halata ang kasiyahan sa tono ng pananalita ni Ariel bagaman pabulong iyon.Hindi sumagot si Nestor. Nang mga sandaling iyon ay mas nangingibabaw kasi sa kanya ang labis na kabang nararamdaman niya. At lalo pang nagtumindi iyon nang marinig
Victoria and Nestor sat down for dinner, the aroma of freshly cooked dishes wafting through the air. The atmosphere was cozy, with the dim light from a nearby lamp casting a warm glow on the table.Magkasalong kumakain ng hapunan sina Nestor at Victoria nang gabing iyon. Maaliwalas ang gabi at ganoon rin sa loob ng simpleng dampa kung saan matagal nang magkasamang naninirahan ang dalawa.Kalahating oras na rin ang nakalilipas pero nasa hangin pa rin ang mabangong amoy ng piniritong isda na niluto ni Victoria. Katulad ng ipinangako sa kanya ni Nestor. Ibinigay nito sa kanya ang pinakamaganda at pinaka malaki nitong huli.“Alam mo ba, Nestor,” pagsisimula ni Victoria na kinuha muna ang baso saka uminom ng tubig. “May narinig akong balita kanina tungkol sa mga bagong lipat na galing pa ng Maynila.”Mula sa pagkakayuko nito sa sarili nitong plato ay nagtaas ito ng tingin saka sinalubong ang mga titig ni Victoria. “Talaga? Ano naman ang narinig mo?”“Ayun, ‘yung nakabila nga resort eh anak
Bumaba si Carmela mula sa van. Agad na hinahaplos ng malamig na simoy ng hangin ng karagatan ang kanyang katawan habang tinitingnan ang maamong bayan ng Eldoria. Ang mga kalsada, pinaganda ng mga tanim na bougainvillea na may iba-ibang kulay. Maging ang mga naglalakihang istrakturang yari naman sa kahoy. At lahat ng nakikita niya ngayon ay naglalarawan ng isang magandang tanawin na nagsasalita ng isang mas payak na buhay na hindi tinatamaan ng kaguluhan ng lungsod. Sa paglipad ng kanyang tingin sa may pampang kung saan maingat na umaalog ang mga bangkang pangisda gawa ng pagtama ng alon, mabilis na binalot ng kapayapaan ang damdamin ni Carmela. Ang Eldoria ay mayroon kaakit-akit na musika na para bang nananahan na sa kanya puso at pandinig na ngayon lamang nagising. Dahil pakiwari niya ay naghintay iyon sa kanya sa napakahabang panahon. Sandaling nagpaalam si Carmela nang hapong iyon para maglakad-lakad. Hindi malayo sa mansion at resort na binili ng kanyang ama. Naging masaya si
Nakangiting pinanonood ni Victoria ang pagsikat ng araw sa Silangan. Nasa dalampasigan siya noon. Ang maliit nilang bayan na kilala sa lahat bilang Eldoria ang tanyag sa bahaging iyon ng norte bilang may pinaka magandang sunrise at sunset. Nasa ganoong ayos rin siya nang mamataan ang isang pamilyar na lalaking abala naman sa paghahanda para sa gagawin nitong paglalayag.Nestor, with a weathered yet content expression, adjusted the brim of his hat and secured the net over his shoulder. Victoria, her eyes reflecting both love and a touch of sadness, walked alongside him, tracing the sandy path to the waiting boat.Bakas sa mabait na mukha ni Nestor ang pagkahapo. Palapit na ito sa kinaroroonan niya kaya hindi na naghintay pa si Victoria at piniling lapitan ang lalaking pinakamamahal niya. Napangiti pa siya nang makitang bahagyang inayos ng lalaki ang suot nitong sombrero. Habang ang lambat na gagamitin nito ay malayang nakasampay lamang sa balikat nito.Nang makalapit ay agad itong niya