“HINDI ba at napaka-gwapo niyang bata, Nestor?” ang masayang tanong ni Victoria kay Nestor nang gabing iyon.Nailibing na kaninang hapon si Lucia. At gaya ng gustong mangyari ni Aling Simang, kinalinga at minabuti niyang akuin nang kanya si Lucas.Sa totoo lang, hindi lang naman dahil sa kinausap siya ni Aling Simang kaya niyang kinuha ang sanggol. Dahil katulad na rin ng sinabi niya, gusto niyang mabigyan ng chance ang isang pamilya kasama si Lucas at ang mahal niyang si Nestor.“Sigurado ka ba sa gusto mong mangyari, Victoria? Mabigat na responsibilidad ang pag-aalaga ng bata. Bukod pa sa hindi naman tayo mayaman,” ani Nestor habang nakaupo ito sa may mesa at humihigop ng mainit na kape.Noon nakangiting sinulyapan ni Victoria si Nestor saka muling niyuko at inamoy ang ulo ng batang mahimbing pa ring natutulog sa kanyang mga bisig.“Oo naman. At isa pa, gusto kong maranasan ang maging nanay. Alam mo naman ang totoong dahilan kung bakit sa kabila ng kahit matagal na tayong nagsasama
Last Updated : 2025-10-15 Read more