“T*ngina! Saan ka pa kumuha ng gatas?” iritang tanong sa akin ni Ryder habang nakatitig sa hawak kong boxed milk. “Sa akin na ’yan!” Agad niyang inagaw ito kaya ang straw na lang ang naiwan sa bibig ko, tapos bigla pa niyang ibinato kung saan.
Narinig ko pang may napa-daing dahil natamaan sa ginawa niya. Buti na lang karton at hindi bote. G*go rin kasi ’tong si Ryder. “Nasa bar tayo, Reiner. Wala sa ilalim ng daster ng nanay natin.” Sabay lapag niya ng isang baso ng beer sa harap ko. “Mag-aala-dragon ang mama ko kapag nahuli n’yang hindi ko ininom ‘yung gatas na pinuslit n’ya sa bag ko,” depensa ko. “You can just throw it away, Reiner, kung napipilitan ka lang naman na uminom ng gatas,” sagot niya nang walang pakialam. “I know, pero hindi ako katulad mong walang konsensya,” singhal ko sa kanya. Sa halip na masaktan ay humagalpak lang siya ng tawa, tipikal na si Ryder—hindi tinatablan ng kahit anong pambabara. Kinuha ko ang baso ng alak sa harap ko at nilagok iyon nang tuloy-tuloy. Napa-ngiwi ako nang maramdaman ang pait at lamig na dumaloy sa lalamunan ko, parang apoy na may kasamang yelong dumidikit sa loob. Umiinom din naman ako paminsan-minsan, pero hindi tulad ni Ryder na para bang ginawa nang tubig ang beer. “One more thing,” Ryder said as he snatched the eyeglasses off my face, making me curse loud and hard. “F*ck you! Give that back! I can’t see sh*t without it, you a**hole!” I have 20/500 vision, so not wearing my glasses isn’t an option—without them, I’m practically crippled. “Hahaha! Tita will punch your mouth if she hears you cursing,” natatawang sabi ni Ryder.“Sa akin na muna ’tong salamin mo. Tsaka sigurado naman akong may dala ka palaging back-up contact lens sa bag mo.” "A**hole." I hissed. "Look, girls are eyeing you." “G*go! Paano ako makakakita kung kinuha mo sa’kin ang salamin ko?” Pinagti-tripan talaga ako ng kumag na ‘to. Minsan naiisip kong basagin ng bote ang ulo n’ya—baka sakaling maayos ang wiring ng utak n’ya. Bahala na kung sa hospital o sa mental institution siya diretso pagkatapos. “Wear your contact lenses, my a**hole friend,” sagot pa niya. Napabuntong-hininga na lang ako bago kinapa sa loob ng bag ang case ng contact lenses ko. Nang makuha ko iyon, tumayo ako at naglakad para pumunta ng banyo. Kinailangan ko pang makipagbuno sa siksikan ng mga lasing at nagsasayaw na tao, halos masabuyan pa ako ng beer bago makarating sa pintuan. Pero bago pa ako tuluyang makapasok, isang babae ang biglang humarang sa harap ko. "Hi, handsome," bati sa akin ng babae habang pinapaikot sa daliri n'ya ang ilang hibla nang mahaba n'yang buhok. Her face is blurry, kaya hindi ko matukoy kong anong itsura n’ya. Iiwas na sana ako, pero agad niyang iniharang ang katawan niya sa daraanan ko. “Ahm… can I help you?” tanong ko, pilit pinapakalma ang tono ng boses ko. Sa halip na sumagot, isang malandi at mababang tawa ang pinakawalan niya—tawang nagpatayo ng balahibo ko at nagpakunot ng noo ko. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. "Miss, I really need to use the restroom." "Okay. I'll come with you." "W-What? Why? This is men's restroom. Ba–" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong hilahin papasok ng banyo. Para bang wala siyang pakialam na may dalawa pang lalaki roon bukod sa amin. “Nice chikababes,” mapang-asar na sabi ng isa sabay tapik pa sa balikat ko bago umalis. Samantalang tahimik lang na lumabas ang isa pa, kaya’t naiwan kaming dalawa ng babae. Diretso ako sa sink at inilabas ang case ng contact lenses ko. Doon ko ito mabilis na isinuot kahit ramdam ko ang pagkailang—parang may butil ng buhangin na pilit pumapasok sa mata ko. Sh*t. Hindi talaga ako komportable dito. Matagal na itong nakatambak sa bag ko, halos inamag na sa tagal ng hindi paggamit. Pagkabagay ng paningin ko, bumungad sa salamin ang repleksyon niya. Nakasandal siya sa isang cubicle, naka-cross ang mga braso sa dibdib habang nakakagat-labi. Dahil sa postura niya, mas lalo pang umumbok ang dibdib na kanina pa parang pilit na kumakawala sa pagkakaipit ng suot niya. Ang paraan ng pagtitig niya sa akin—mapang-akit, walang pakialam—nagpataas ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Sh*t! Kaya pala mapang-asar ang tono ng pananalita ng kaninang lalaki dahil parang inararo ng 10-wheeler truck ang mukha ng babaing 'to. Okay. I'm exaggerating. She has the s*xy body na talagang paglalawayan ng mga kalalakihan pero kapag nag-angat ka ng tingin sa mukha n'ya ay doon ka na matuturn-off. I'd rather exag my word than say the p-word. Everyone’s beautiful, right? Sure. Maybe she wasn’t blessed on the outside, pero siguro may tinatago naman siyang ganda…sa loob. Somewhere. "Wait," pagpigil n'ya sa akin. "Don't leave me here." "I have to go, miss. Nag-aantay sa akin ang kaibigan ko." Hinawakan ko ang pulso niya at marahang inalis ang kamay niya sa braso ko. Pero bago pa ako tuluyang makawala, itinulak niya ako nang malakas kaya bumangga ang likod ko sa pinto ng cubicle. "I’ll let you go after you’re done pleasuring me," bulong niya, puno ng pagnanasa. Bago pa man dumampi ang labi niya sa akin, biglang lumipad ang pinto ng banyo. Sa lakas ng pagkakasipa, halos mawasak iyon at tumilapon ang mga piraso ng kahoy sa sahig. Mabilis na sumunod ang tunog ng matutulis na takong na unti-unting lumapit. Ilang saglit pa, tumigil ang yabag sa harap namin—at doon ko nakita si Fana. Nakatayo siya, malamig at mabangis ang tingin, para bang handa siyang laslasin ng mata niya ang babaeng kaharap ko. “This ain’t no f*ck motel! If you two want to start banging each other, do it somewhere else—not in the damn restroom of my bar!” Fana snapped. "N-Nagkakamali k–" "Sorry, Ms. Fana. We’ll leave. Tara na, baby. Let’s continue in my condo," singit ng babae, walang kaabog-abog at sobrang kapal ng mukha—hindi na nga kagandahan, feeling entitled pa. "I'm not coming with you," mariin kong sagot. Binawi ko ang kamay ko mula sa kanya at tuluyang humarap kay Fana. Nanatili pa rin ang malamig at hindi maipintang ekspresyon sa mukha n’ya. "You rejected me… para sa pangit na ‘yan?!" singhal n’ya, halatang tinatamaan ang pride. Here goes the p-word. "Are you talking about me? How dare you?!" singhal ng babae, halos umusok na sa inis ang mukha. "I’ve been one of your loyal customers for years, tapos ganito lang igaganti mo sa akin?!" "You’re free to go, miss. Paki ko. Hindi ka kawalan sa bar ko." "You b*tch!" Akmang susugurin na sana ng babae si Fana nang mabilis akong pumagitna sa kanilang dalawa. Sinalo ko ang pulso ng babae saka s'ya hinila palabas ng banyo. Delikado ang buhay n'ya kay Fana. Baka mabali ng bampirang 'yon ang leeg n'ya kapag hindi s'ya tumigil. “Go home. You’re only acting like this because you’re drunk,” I said once we finally stepped out of the bar. “No. I want to spend the night with you. Come on, my condo’s just nearby.” Yumapos s'ya sa bewang ko na nagbigay kilabot sa akin. Humaplos din ang kamay n'ya sa dibdib ko kaya naman mas lalo akong kinilabutan. She looked like she was trying to act cute, but there was nothing cute about her face. I shoved her off without a second thought, flagged down a taxi, and pushed her inside until he was out of sight. Si kuyang taxi driver na lang ang landiin n'ya. "WHERE have you been?" tanong agad ni Ryder pagbalik ko sa mesa. May yakap s’yang dalawang babae, tig-isa sa magkabilang gilid, habang salit-salitang hinahalikan s’ya sa leeg na para bang tropa lang ang beer at babae sa kanya. Imbes na sagutin pa ang tanong niya, binuhos ko na lang sa lalamunan ko ang beer. Mas madali pang lunukin ang pait kaysa magpaliwanag. Iniisip ko kung pupunahan ko sa rooftop si Fana. Baka nandoon siya. Kanina kasi nang balikan ko sa banyo, wala na siya roon. Gusto kong linawin, magpaliwanag kahit papaano… pero paulit-ulit kong sinasaway ang sarili ko. Bakit ko ba gustong gawin ‘yon, eh wala namang dapat akong ipaliwanag? Wala naman kaming kahit ano… di ba? “Reiner, sino sa dalawa ang gusto mong magpainit sa’yo ngayong gabi? Pili ka na, para lang tayong um-oorder sa menu,” Ryder teased. “You can have them both,” I replied flatly, not even bothering to hide my lack of interest. "What's the problem? Bumalik ka lang galing banyo, gan'yan na kalukot ang mukha," puna ni Ryder. Nang maubos ko na ang laman ng baso ko, saka ako tuluyang nakapagdesisyon. I want to see her—and explain everything. Otherwise, she might sneak into my room again and slit my throat. And I’m not letting that happen. “Hoy! Saan ka pupunta?” Ryder called out, but I ignored him and headed straight out of the bar. I made my way to the stairs leading to the rooftop, but before I could reach the top, a man stepped in front of me, blocking my path. "Si Fana ba ang pakay mo?" tanong sa akin ng lalaki. Napaubo ako ng bigla n'yang ibuga sa mukha ko ang usok ng sigarilyo n'ya. "Sorry bro, pero hindi kita pweding paakyatin. She's not in a mood," dagdag pa n'ya na tuluyang nagpasalubong ng mga kilay ko. Spokeperson ba s'ya ni Fana? "I really need to talk to her. Kung iniisip mong may gagawin akong masama sa kanya ay doon ka nagkakamali." “Nope. Opposite of that. What I’m afraid of is that she might kill you. Like I said, she’s not in the mo—” A sudden crash—something breaking hard—cut off the words of the man standing in front of me. The sound came from Fana’s rooftop cabin. Moments later, a piercing scream followed by Fana’s sobs shattered the night air. Could this be because of what happened earlier? "I told you." "S-She won't hurt me." "Hahaha. At paano ka naman nakakasigurado?" tanong ng lalaki, may halong pang-aasar ang ngiti. "Look, kung talagang kailangan mo siyang makausap nang masinsinan, mas makakabuti pang bumalik ka na lang next week… o baka next month pa. Baka sakaling malinaw na ang kaisipan niya by then." "Next month?" napasinghal ako. "Yeah. She won’t be okay for days… months… or even years. She’s grieving right now." "Grieving?" bulong ko, halos hindi makapaniwala. Mukhang mali ang akala ko. Hindi pala ako ang dahilan kung bakit siya galit, kung bakit siya umiiyak. May mas malalim pa. Bago ko pa man makapagtanong ulit, isang matinis na sigaw ang muling sumambulat mula sa loob ng cabin, mas malakas, mas puno ng sakit. "It's impossible for you to talk to her today, mortal," malamig na saad ng lalaki, at nagdilim ang mga mata niya. "Kung gusto mo, ia-update na lang kita… kapag naging okay na siya." "Who are you?" "I'm Tobias Guerrero, but you can call me Toby," nakangiti niyang pakilala saka n’ya inilahad sa akin ang kamay niya. Walang pag-aalinlangan ko iyong tinanggap. "Interesting," aniya, mas lalong lumawak ang ngisi niya—ngiting hindi ko malaman kung may halong pang-uuyam. Kaagad kong binawi ang kamay ko nang maramdaman ko ang higpit ng pagkakahawak niya. "I'll come back tomorrow," mariin kong saad. "Magsasayang ka lang ng oras, mortal," tugon niya na may bahid ng pangmamaliit. "She will not be here tomorrow." "Kaano-ano mo ba si Fana, at parang kilalang-kilala mo siya?" "We're best friends," mabilis niyang sagot, kasabay ng mapanuksong titig. "Are you jealous?" Pinili kong hindi patulan ang biro niya. "I'll come back tomorrow," inulit ko, saka ko siya tinalikuran bago pa ako maubusan ng pasensya.* Bestfriend? I doubt it.So, here's another cunning but not a vampire-ish story...MANY YEARS LATERCHILDHOOD DAYS“Stay away from me unless you want me to put an end to you,” Flavia muttered with a threatening edge as she felt someone take the empty swing beside her. She didn’t have to look; she knew it was Toby. Even after all these years, she could still recognize the presence of the man she despised the most.His scent was still the same. Walang pinagbago ang binata kahit pa maraming taon silang hindi nagkita.“Stalking those kids again?”“Shut up,” mariing saad ni Flavia.“Balita ko, break na raw kayo ng long-time boyfriend mo.”Mabilis na napalingon si Flavia kay Toby. Nakangisi ito nang pagkalawak-lawak, dahilan para lalo siyang mainis sa pagmumukha nito.“Huh! Mali yata ang chismis na nakuha mo. Hawk and I are getting married soon. Oo, break na kami bilang mag-boyfriend at girlfriend—dahil magiging mag-asawa na kami.” Pagmamayabang ni Flavia na lalong nagpaigting ng panga ni Toby sa galit.“Let’s see—”
5 YEARS LATER"Fanessa!"My hand froze in midair, just inches from the doorbell on the gate. Five years had passed since I last heard that name, and yet the mere sound of it still struck me like a wave, sharp and undeniable. Even now, after all this time, it could still make my heart race, as if she had never really left, as if her absence had never carved such a hollow space in my life.Limang taon na ang lumipas, pero siya pa rin ang laman ng puso ko.I never moved on.Napatingin ako nang may batang babae na lumabas mula sa bahay sa tapat ko, yakap-yakap ang isang… uwak? Tama, isang uwak nga. Napakunot ang noo ko. Hindi ba delikado para sa batang edad niya ang humawak ng gano’ng hayop?Bigla siyang napahinto nang mapansin ako. “Hi po! Kayo po ba ’yung sinasabi ni Daddy na bisita niya today?” inosente niyang tanong.“O-oo. Ako nga. I’m your Tito Ninong Reiner.”"Tito ninong! Yehey! Kita na kita." Hagikgik n'ya.Siya na mismo ang nagbukas ng gate. Binitawan niya ang hawak na uwak saka
“You're stronger than you think, Reiner. Kahit wala ako sa tabi mo, alam kong magagawa mong tumayo sa sariling mga paa. Lagi mong tatandaan — mahal na mahal kita.”Gusto ko man sumunod sa kanya, iyon ang paulit-ulit na nagpe-play sa isip ko tuwing sinusubukan kong kitilin ang sarili.Hindi ko alam kung paano sisimulan ang buhay ko ngayong wala na siya.“Naayos mo na ba ang mga dadalhin mong gamit, anak?” tanong ni Mama nang pumasok siya sa kwarto.“Opo,” maiksi ang sagot ko — walang sigla ang boses at walang emosyon ang mukha.“Kung ganoon, ibaba mo na ang mga maleta mo. Mayamaya, nandito na si Ryder para ihatid tayo sa airport.” Tumango lang ako.Limang buwan na ang lumipas mula nang mamatay si Fana, pero para sa akin ay parang kahapon pa rin ang lahat. Masakit pa rin; hindi ko pa rin alam paano maibsan ang kirot na dulot ng pagkawala niya. Ang mga araw ko nang wala siya ay nakakasakal.Ngayon na naiintindihan ko na kung bakit tinanggal niya noon ang mga alaala ko — alam niyang magigi
REINER"Fana! Wait!" sigaw ko habang hinahabol ang papalayo niyang bulto. Kanina pa ako tumatakbo papalapit sa kanya pero hindi ko siya maabot. "Fana!" pagtawag ko ulit. Nagbabakasakaling lingunin niya ako, pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad palayo.She can't hear me.Napahawak ako sa magkabila kong tuhod habang hinahabol ang hininga ko dahil sa pagod."Reiner."Mabilis akong napatingin kay Fanessa nang tawagin niya ako. Nakaharap na siya ngayon sa akin, pero dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya ay hindi ko masyadong makita ang kanyang anyo — alam ko lang na nakangiti siya. I can feel it."F-Fana, come here. Please," pagmamakaawa ko.I opened my arms wide, my heart pounding with hope as I waited for her to rush into my embrace. But then, slowly, she shook her head—hesitant, distant. The warmth I’d been longing for slipped away, and my shoulders fell, heavy with the weight of rejection.“I have to leave now. Take care of yourself, Reiner. While I’m gone, I want you to r
Napadaing ako nang idiin pa lalo ng bantay ang sibat sa leeg ko. Hinawakan ko ang hawakan ng sibat at pinilit ilayo ang talim sa katawan ko, pero nanalo pa rin siya — muling sumubsob ang sibat at pumasok sa sugat ko."Hahaha! Iyan ang mga napapala ng traydor na katulad mo! Isusunod ko ang kapatid mo kapag napatay na kita!"Muli akong namilipit sa sakit. Hindi ko magawang pagalingin ang sarili dahil sa paulit-ulit niyang pagsaksak. Kung ipagpapatuloy pa niya ito, tiyak na mahihiwalay ang leeg ko sa katawan ko.Nakangisi, lumapit si Oslo at hinawakan ang buhok ko; hinila niya ito."Ahhhhh!" sumigaw ako, nanginginig sa galit at sakit."Cut her throat — no. Cut her whole neck," inutusan niya ang bantay.The guard named Silas ripped the spear from my neck, but before the tip could touch my skin again, the man vanished before my eyes. In the next breath, a thunderous crack rang out from the end of the hallway—walls splitting, stone rupturing with the force of an unseen impact. I turned just
“Fana!” sigaw ni Thana nang makapasok ako sa kwartong pinagdalhan sa akin ni Ama at Zel.Thana, Ryder, Reiner, and my mother were already there, their expressions a mix of patience and quiet concern, clearly showing they had been waiting for us long before we finally arrived.“A-Anong ibig sabihin nito?” tanong ko, halatang naguguluhan. Dapat ay kagabi pa sila umalis, pero bakit nandito pa rin sila?“Sinalakay ng mga tauhan ni Supremo ang pinagtataguan nila kahapon,” paliwanag ni Ama. “Mabuti na lang at nandoon din ako at si Zel, kaya nagawa naming protektahan sila. Kung hindi, nag-cross ang landas namin ng apo ko—baka nagawa na ni Supremo ang plano niya laban sa mga kaibigan mo.”Mahigpit akong niyakap ni Thana nang makalapit siya sa akin.“Pinag-alala mo ako,” sabi niya, may luha sa mga mata.Ginantihan ko siya ng mahigpit na yakap.“Thana, kakausapin ko lang muna sina Ama,” paalam ko.“Sige,” sagot niya.Bumaling ulit ako kay Ama at Zel nang bumalik si Thana kina Ryder.I didn’t dar