“What happened? Bakit nakabusangot ka?” tanong sa akin ni Toby habang inihahanda ang mojito na inorder ko.
“Wala,” mabilis kong sagot kahit na sa loob-loob ko ay nagngangalit ako sa inis dahil sa nangyari kanina. Ang kapal ng mukha ng mortal na ‘yon na tanggihan ang alok ko—at para saan? Para ipagpalit lang ako sa isang pangit? Arrghh! Humanda s’ya mamaya. Pupuslit ako sa kwarto n’ya at sasakalin s’ya sa pagtulog n’ya hanggang sa mawalan s’ya ng hininga. Hmp. Akala n’ya siguro magiging mabait ako dahil lang sa may utang na loob ako sa kanya. Never! “S’ya nga pala, nakita ko ang lalaking niligtas mo noong nakaraang araw kay Mateo?” pahayag ni Toby. “Oh tapos?” labas sa ilong na tanong ko. “Wala lang,” natatawang saad n’ya kaya naman sinamaan ko s’ya ng tingin. Alam na alam ko kapag nakabungisngis ang bampirang ‘to. Yes. Toby is a pureblood vampire, just like me. Among our kind, he’s the only one I truly trust. Why? Because, unlike most vampires, he shares my conviction—our hunger should not demand the slaughter of humans. He still feeds on human blood, yes, but he does it without extinguishing lives. His source is the blood bank, carefully acquired and controlled. In a world where countless vampires take pleasure in hunting, Toby and I stand apart. That’s what makes him different… and why he’s the closest thing I have to an ally. Siguradong may ideya na si Toby na hindi lang basta-basta sa akin ang mortal na ‘yon. Sa tuwing nagkakaroon kasi ng gulo dito sa bar ay hindi ako nakikialam. I always enjoy the uproar. Mga bouncer ko ang nagreresulba sa away kaya nang makita ako ni Toby at ng iba pa na nakialam sa nangyaring gulo noong nakaraang araw ay maraming nagulat at namangha. Now that I think about it…ano bang pumasok sa kukute ko para pagurin ang sarili kong iligtas ang taong ‘yon? Conscience? Nahh! Impossible. “Here’s your mojito.” I picked up my mojito and swiveled on the stool to get a glimpse of the customers dancing on the dance floor. Akmang iinumin ko na sana ang hawak konkon alak nang bigla itong dumulas sa kamay ko. Kasabay no’n, parang may matalim na kirot na bumaon sa dibdib ko—isang biglaang lungkot at hinagpis na hindi ko maipaliwanag. Something’s wrong. It feels like a deep sadness is squeezing my heart, making it hard for me breathe. Rosalie. “Fana, are you okay?” Toby asked me with deep concern. I only nodded in response. I needed to check on my friend Rosalie. I wouldn’t be at ease until I was sure she was fine. “Miss Fana,” tawag sa akin ni Melissa kaya napalingon ako sa kanya. “Nasa kabilang linya po si Thana. Sa akin s’ya tumawag dahil hindi ka raw n’ya ma-contact.” Kinuha ko mula sa kamay ni Melissa ang phone n’ya. Iniwan ko muna sila at pumasok sa storage room para doon kausapin si Thana. Hindi kami magkakarinigan kung mananatili akong nakaupo ‘ron. “Thana, napatawag ka?” tanong ko, pero isang hagulgol lang ang lumabas sa kanya—mas lalo lang nagpatindi sa masamang hinala ko. “F-Fana…” “Bakit ka umiiyak, Thana?” “M-Mom’s dead.” Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ang bigat ng balitang iyon ay bumagsak sa akin. Namalayan ko na lang na basag na ang phone na hawak ko dahil sa higpit ng pagkakakuyom ng mga kamao ko. Malalaki ang hakbang ko palabas ng kwarto. Sinalubong ako nina Toby at Melissa, pero hindi ko sila binigyan ng pansin. Iniwan ko ang sirang phone sa counter at dire-diretsong lumabas ng bar. Pagpasok ko sa cabin, saka ko na pinakawalan ang isang malakas na palahaw. I cried my heart out. This was the day I had been afraid of for so long—the day I could be separated from someone I valued more than anything. A heavy dread weighed on my chest, and the thought of losing her made my heart ache with an unbearable emptiness. I can’t feel her presence anymore. Napayakap ako sa sarili ko habang nakaluhod sa sahig, humahagulhol ng todo. Wala na ang nag-iisang tao na nagbigay halaga sa akin sa kabila ng pagiging iba ko… sa kabila ng pagiging halimaw ko. Wala na si Rosalie. “Fana,” “J-Just leave me alone, Toby,” pakiusap ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. “P-Per―” “Get out!” asik ko. Hindi ko napigilan ang biglang paglabas ng pangil ko, at sigurado akong pula na rin ang mga mata ko nang malasahan ko ang sarili kong dugo dahil sa pagkakaangil ko. I f*cking bit my own tongue. “It’s okay to grieve, Fana, pero huwag mong hahayaang kainin ka ng kalungkutang nararamdaman mo. It’s not healthy for you. Alam mo ang puwedeng mangyari kapag hinayaan kong lamunin ka ng emosyon mo,” pahayag ni Toby bago siya tuluyang lumabas ng cabin. Nanghihinang ibinangon ko ang sarili ko mula sa pagkakasalampak sa sahig, pilit na pinapakalma ang sarili, pero kahit anong gawin ko, pinapangunahan pa rin ako ng sakit na bumabalot sa puso ko. Itinukod ko ang kamay ko sa mesa at nilagok ang dugo na nasa baso. “Ahhh!” sigaw ko, saka ko ibinalibag ang mesa sa pader. “You can’t leave me like this, Rosalie!” Hagulgol ko nang todo, puno kirot at pangungulila sa mga sandaling ito. “FANA,” Thana’s voice called out as she ran toward me, her footsteps quick and urgent. Without a second thought, I opened my arms and pulled her into a tight, lingering embrace. I knew we desperately needed this connection—each other’s support and understanding—especially since we had both endured the same heartache of losing her. In that hug, our sorrow felt a little lighter, and for a moment, the world seemed to pause around our shared pain. Thana’s body was trembling. Umiiyak na siya ngayon sa balikat ko, kaya naman mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. “N-Nakangiti s-s’ya, Fana… My mom was peacefully sleeping, smiling. H-Hindi s’ya nahirapan sa mga huling sandali niya.” “We can overcome this, Thana. After all, Fana and Thana are stronger and braver…” “…when they’re together,” nakangiting dugtong ni Thana. Iyon ang laging sinasabi ni Rosalie. Habang lumalaki si Thana, ini-imagine niya na magmumukha kaming kambal na dalawa, kaya pati pangalan ng anak niya ay isinunod niya sa akin. Rosalie and I had always nurtured a bond between Thana and me, ensuring she would grow up feeling connected and safe with my presence. Perhaps Rosalie had quietly known that this day would inevitably arrive—that moment when life would demand farewells too painful to bear alone. She must have understood that when the time came, Thana and I would be each other’s anchor, holding on tightly in the face of loss. “W-Where is she? I need to see her,” I said, my voice shaking. “Mamaya pa ihahatid ng morgue si mom dito.” Tumango lang ako. “Thana, alam kong wala ka pang tulog. You look pale. Matulog ka muna at mag-ipon ng lakas ngayon, kasi mas lalo kang mawawalan ng pahinga kapag nagsimula na ang burol ni Rosalie,” pahayag ko. Malungkot na ngumiti si Thana. “I can’t sleep. Alam kong pagod na ang katawan ko, pero hindi ko magawang makatulog.” “I can sing you a lullaby.”Alok ko habang hinahaplos ang buhok n’ya. “Hahaha. I’m not a baby anymore, Fana,” sagot niya, may ngiti sa labi pero halong lungkot sa mga mata. “Tingnan mo nga, parang magkaedad na tayo sa tangkad at itsura nating dalawa.” Sa mundong kinagagalawan ko, tanging si Rosalie at Thana lang ang mga mortal na nakakaalam na bampira ako. Wait, may isa pa pala. Si Reiner. I can’t believe I tell him my gravest secret without hesitation. “I know, but you’re still our baby…damulag.” Thana chuckled and hug me again. “I’m lucky that I still have you, Fana.” “Me too.” NANGINGINIG ang kamay ko nang hawakan ko ang salamin ng casket na kinalalagyan ni Rosalie. “You look beautiful,” bulong ko, pilit na pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha. “Sigurado akong kasama mo na ngayon si June. I want to be happy for you, Rosalie, pero hindi ko kayang ngumiti sa harap ng kabaong mo, knowing na hindi na kita makikita o makakausap ulit. We’ve been together for decades. Ikaw ang mortal na matagal kong nakasama at itinuring kong pamilya… kaya sobrang… sakit.” I clenched my fists tightly, hoping it would hold back the storm of emotions pounding in my chest. Pain, grief, and heartache—all mixed together—and I didn’t know where to place myself in the middle of it all. This pain in my heart feels strangely familiar, like I’ve been hurt this deeply before. Maybe it’s because I’ve lived so long that time has buried most memories, especially the painful ones, leaving only faint echoes that resurface now. Sometimes, I find myself wishing I were just a mortal. Their lives are far from easy—the days are short, full of struggles and uncertainties—but somehow, there’s a genuine sense of happiness and fulfillment in the fleeting moments they live. I’ve spent centuries watching people die, enduring endless suffering and loss, yet I’ve never known the kind of simple, quiet contentment that mortals seem to carry naturally. Not even my vampire powers, immortality, or every advantage I possess can fill that emptiness or make me truly happy. “Fana,” tawag sa akin ni Thana kaya mabilis kong pinunasan ang basa kong pisngi. “Nakatulog ka ba ng maayos?” tanong ko sa kanya. “Oo. Thank you,” saad n’ya. “Alam kong ayaw na ayaw mong ginagamit ang kapangyarihan mo sa aming mga mortal pero ginawa mo pa rin para makapagpahinga ako.” “You needed to rest,” sagot ko na lang. Besides being able to hear their thoughts, I also have the ability to reach into their consciousness and manipulate it. I could control humans like puppets, bending their actions and decisions to my will—but I’ve never allowed myself to use it that way. Out of respect for their free will, I deliberately block them from my mind, keeping a distance between my power and their autonomy. Every pure-blood vampire possesses a unique gift, a power that sets them apart from others. This is mine—a skill both dangerous and extraordinary, but one I’ve learned to wield with restraint and honor. “Thank you.” “Thana, gusto mo bang tumira kasama ko?” “I would love to. Pero sure ka ba na gusto mo akong makasama ang mortal na katulad ko?” “Oo naman. You’re like a daughter and a sister to me, and I’m sure na ‘yon din ang gustong mangyari ni Rosalie,” pahayag ko. “Kung okay sa’yo, okay din sa akin,” nakangiting sagot ni Thana, pero hindi sumabay ang mga mata niya sa ngiting ‘yon. She’s grieving. Matagal-tagal pa ang aabutin bago kami tuluyang masanay sa pagkawala ni Rosalie. Handa akong maging sandalan ni Thana. I’ll wear my happy mask just to make her happy at para hindi siya mag-alala sa akin… pero sino naman ang sasalo sa akin sa kalungkutang ‘to? I just wish I had someone to lean on. Really now, Fana? You’ve lived independently for thousands of years. Continue doing that without relying on anyone. — sigaw ng isip ko.So here's another cunning but not a vampire-ish story...***MANY YEARS LATERCHILDHOOD DAYS "Lumayo-layo ka sa akin kung ayaw mong tapusin ko ang buhay mong h*nayupak ka," pagbabanta ni Flavia nang maramdaman ang presensya ni Toby nang tumabi ito sa bakanteng swing na katabi n'ya. Kahit hindi n'ya ito lingunin ay sigurado s'yang ito ang lalaking kinamumunghian n'ya ng maraming taon. His scent is still the same. Walang pinagbago ang lalaki sa maraming taong paghihiwalay nila. "Stalking those kids again?" "Shut up," madiing saad ni Flavia. "Balita ko ay break na kayo ng long time boyfriend mo." Mabilis na napalingon si Flavia kay Toby dahil sa naging pahayag nito. Nakangiti ito sa kanya ng pagkalawak-lawak kaya hindi n'ya mapigilang mairita pa lalo sa pagmumukha nito. "Huh! Mukhang maling chismiss ang nasagap mo. Hawk and I are getting married soon. Oo, break na kami sa pagiging mag-boyfriend at girlfriend dahil magiging mag-asawa na kami." Pagmamalaking ni Flavia na nagpa-igtin
5 YEARS LATER"Fanessa!" Natigil ako sa dapat na pagpindot ng doorbell mula sa kaharap kong gate nang muling marinig ang pangalan na 'yon matapos ang limang taon. May epekto pa rin pala sa akin ang pangalan ni Fana. Nagagawa pa rin nitong patibukin ng mabilis ang puso ko kahit maraming taon na s'yang wala sa tabi ko.5 years had passed, pero s'ya pa rin ang laman ng puso ko. I never move on. Nakita ko ang isang batang babae na lumabas sa kaharap kong bahay habang yakap-yakap ang isang...uwak? Tama! Isang uwak nga ang yakap n'ya. Hindi ba delekado para sa batang katulad n'ya ang gan'yang hayop?Natigil lang s'ya sa pagtakbo nang makita ako. "Hi po. Ikaw po ba ang sinasabi ni daddy ka na bisita n'ya today?" Inosenteng tanong n'ya sa akin. "O-Oo. Ako nga. I'm your tito ninong Reiner.""Tito ninong! Yehey! Kita na kita." Hagikgik n'ya. S'ya na mismo ang nagbukas ng gate. Binitawan n'ya ang hawak n'yang uwak saka n'ya hinawakan ang kamay ko. Hinila n'ya ako papasok pero kaaga
'You're stronger than you think, Reiner. Kahit wala ako sa tabi mo ay alam kong magagawa mong tumayo sa sarili mong mga paa. Lagi mong tatandaan, mahal na mahal na mahal kita.' – Gustuhin ko man na sumunod sa kanya ay iyon naman ang paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko sa tuwing sinusubukan kong kitilin ang sarili kong buhay.Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang buhay ko ngayong wala na s'ya sa tabi ko. "Naayos mo na ba ang mga gamit na dadalhin mo, anak?" tanong sa akin ni mama pagpasok n'ya sa kwarto ko."Opo," tipid kong sagot–walang kabuhay-buhay ang boses ko at walang emosyon ang mukha ko. "Kung ganun ay ibaba mo na ang mga maleta mo. Mayamaya lang ay nandito na 'yon si Ryder para ihatid tayo sa airport." Tumango lang ako kay mama bilang sagot.Limang buwan na ang lumipas nang mamatay si Fana pero para sa akin ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Masakit pa rin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang gagawin ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko sa
REINER"Fana! Wait!" sigaw ko habang hinahabol ang papalayo n'yang bulto. Kanina pa ako tumatakbo papalapit sa kanya pero hindi ko s'ya magawang abutin. "Fana!" pagtawag ko ulit sa kanya. Nagbabakasakaling lingunin n'ya ako pero nagpatuloy lang s'ya sa paglalakad palayo sa akin.She can't hear me.Napahawak ako sa magkabila kong tuhod habang hinahabol ang hininga ko dahil sa kapaguran. "Reiner."Mabilis akong napaangat nang tingin kay Fanessa ng tawagin n'ya ako. Nakaharap na s'ya ngayon sa akin pero dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha n'ya ay hindi ko gaanong makita ang maganda n'yang mukha pero alam kong nakangiti s'ya sa akin. I can feel it."F-Fana, come here." Binuksan ko ang mga braso ko, naghihintay na tumakbo s'ya papunta sa akin at yakapin ako pero bumagsak ang mga balikat ko nang dahan-dahan s'yang umiling. "Kailangan ko nang umalis. Take care of yourself, Reiner. Habang wala ako ay gusto kong alagain mong mabuti ang sarili mo. I won't forbid you to fall
Napadaing ako nang idiin pa lalo ng bantay ang sibat sa leeg ko. Hinawakan ko ang handle at pinilit na ilayo ang talim sa laman ko pero nanalo pa rin s'ya sa pagbaon nito pabalik sa sugat ko. "Hahaha! Iyan ang mga napapala ng traydor na katulad mo! Isusunod ko ang kapatid mo kapag napatay na kita!"Muli akong namilipit sa sakit. Hindi ko magawang pagalingin ang sarili ko dahil sa paulit-ulit n'yang pagsaksak sa akin. Kapag ipinagpatuloy n'ya pa ito ay siguradong tuluyang hihiwalay ang leeg ko sa katawan ko.Nakangising lumapit sa akin si Oslo saka n'ya hinawakan ang buhok ko at hinila 'yon."Ahhhhh!" Nanggagalaiti kong sigaw sa kanya."Cut her throat–No. Cut her whole neck," utos n'ya sa bantay. Binunot ng bantay ang sibat sa leeg ko pero bago pa man 'yon muling dumikit sa balat ko ay mabilis nang nawala sa harap ko ang lalaki. Narinig ko na lang ang malakas na pagbitak ng mga pader sa dulo ng hallway kung saan nandoon ang bantay at nakahandusay.Bigla ring nawala si Oslo sa
"Fana!" tawag sa akin ni Thana nang makapasok ako sa kwartong pinagdalhan sa akin ni ama at Zel. Nasa loob si Fana, Ryder, Reiner at si ina na mukhang kanina pa naghihintay sa pagdating namin. "A-Anong ibigsabihin nito?" Naguguluhan kong tanong. Dapat ay kagabi pa sila umalis pero bakit nandito pa rin sila?"Sinalakay ng mga tauhan ni Supremo ang pinagtataguan nila kahapon. Mabuti na lang at nandoon din ako at si Zel kaya nagawa namin silang protektahan. Kung hindi siguro nag-cross ang landas namin ng apo ko ay baka nagawa na ni Supremo ang plano n'ya sa mga kaibigan mo," sagot ni ama.Mahigpit akong yinakap ni Thana nang makalapit s'ya sa akin. "Pinag-alala mo ako." Iyak n'ya kaya naman ginantihan ko rin s'ya nang mahigpit na yakap. "Thana, kakausapin ko lang muna sina ama." "S-Sige." Bumaling ulit ako kay ama at Zel nang bumalik si Thana kina Ryder. Hindi ko na tinapunan pa ng tingin si Reiner dahil ramdam ko ang masama ng n'yang tingin sa akin. "Ano nang manyayari ngay