LOGINAKIO
Knock! Knock! Narinig ko ang malakas na katok sa pintuan kaya agad ko itong binuksan, ngunit hindi siya ang babaeng gusto kong makita. "Good morning, Sir Akio. Ito na po ang pagkain niyo," nagpapa-cute na sabi niya ngunit naiinis ako sa pagmumukha niya. "Hindi ikaw ang inaasahan kong magdadala ng pagkaing 'yan sa'kin. Where's Eula?" seryosong sabi ko dahilan para matigilan siya. "S-sabi niya kasi, ako na po ang m-magdala," nauutal na sabi niya. "Lumabas ka at ibigay mo 'yan sa kanya. Kakainin ko lang 'yan kung siya ang magdadala," seryosong sabi ko at hindi na siya pinansin. Tinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa cellphone dahil ang gulo ng mga kaibigan ko sa group chat. Puro mga nude pictures nang iba't ibang babae ang mga sini-send nila—mga siraulo talaga. "Sorry, Sir, lalabas na po ako," naiiyak na sabi ng babae ngunit hindi na ako sumagot. Narinig ko na lamang ang pagsarado ng pintuan. Ilang minuto rin ang inantay ko bago ko narinig ang muling pagkatok sa aking pintuan. Mabilis akong tumayo at pinagmasdan ito. Sumalubong sa akin si Eula dala ang isang tray na puno ng pagkain. "G-good morning po ulit, Sir," nahihiyang sabi nito dahil kitang-kita ko ang pamamawis ng kanyang noo. Bakit ba takot na takot sila sa presensya ko? Wala naman akong balak gawin sa kanila. "I-ito na po ang pagkain niyo," nangangatal na sabi nito habang ibinababa ang mga pagkain sa lamesa. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa pagiging kabado niya. Hindi siya kagaya ng ibang babae diyan na kulang na lang ay ibalandra sa akin ang kanilang katawan. Napaka-inosente niya sa kanyang pananamit, katayuan, simple, at hindi na kailangan pang ayusan. Meron din siyang perpektong katawan na kahit na sinuman ay paniguradong titigisan. "Natatakot ka ba sa akin?" tanong ko habang pinagmamasdan ang bawat paglapag niya ng pagkain. Hindi ko rin maiwasang mapatingin sa malulusog niyang dibdib dahil nakayuko siya sa akin. "B-bakit naman ako matatakot sa inyo? H-hindi ka naman siguro nangangain, Sir, hehe," tumawa siya nang peke at tiningnan ako sa mata. Akala ko ay lalabanan niya ang mga tingin ko, pero wala pang segundo ay yumuko na naman siya. "Paano kung sabihin ko sa'yong nangangain ako? Magpapakain ka ba?" nakangisi pa ring sabi ko, at kitang-kita ko kung paanong ang maputi niyang pisngi ay biglang namula. "G-gutom lang 'yan. K-kumain na po kayo," nauutal na sabi nito at tumayo nang tuwid habang hawak ang tray na ipinangtatakip niya sa kanyang malulusog na dibdib. "M-mauuna na po ako," dugtong pa niya. Nakapamulsa akong humarap sa kanya at sinalubong ang kanyang mga mata, ngunit tumungo na naman siya. "Sa susunod na haharap ka sa'kin, ayoko nang tumutungo ka. Mukha ka kasing tanga," seryosong sabi ko sa kanya, at nakita ko kung paano siya naestatwa. Sinenyasan ko siya na lumabas na dahil baka kapag nagtagal pa siya rito ay may magawa na talaga akong hindi maganda sa kanya. I'm ELIXER AKIO SULLIVAN—nag-iisang anak ng pinakamayamang negosyante rito sa Albay. Kami ang nagmamay-ari sa mga naglalakihang lupain at palayan dito at sa iba pang karatig na lugar sa Bicol. Currently, I'm 25 years old at malapit na nilang ibigay sa akin ang titulo. Sa ngayon ay tinuturuan na nila ako, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong interes sa kanilang mga yaman. Ang gusto ko lamang ay maging simpleng mamamayan, ngunit hindi umaayon sa akin ang kapalaran. Mabilis kong binalingan ang relo ko, malapit na ring mag-alas dyes (10 am). Kailangan ko kasing pumunta sa rancho dahil iyon ang utos ng aking ama. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil ayokong nakakaamoy ng ihi at tae ng kung ano pa man na mga hayop. May magagawa ba ako? Kahit siguro humiling ako ng isa pang kapatid kay Lord para siya na lang ang magmana ng lahat ay paniguradong hindi ako pagbibigyan. Menopause na kasi ang nanay ko at uugod-ugod na rin ang tatay ko. Binalingan ko ang pagkain at bahagyang napangiti. Sino naman ang makakaisip ng ganitong posisyon sa ulam? Dalawang bilog na itlog at isang hotdog—parang nakikita ko ang ari ko sa ulam. Umiling na lamang ako at nagsimula nang kumain. May ham, pansit, fried rice, at kung ano-ano pang nakalagay sa pinggan ko—hindi ko rin naman ito mauubos. Matapos kong kumain ay nagbihis na ako—nakaligo na rin naman kasi ako kaninang madaling araw. Nagsuot lamang ako ng kumportableng sando at mahabang salawal. Mahirap na, baka kapitan pa ako ng kung ano-anong insekto doon. Pagkatapos ay lumabas na ako. Doon ay naabutan ko sila Mom and Dad na abala sa kanilang almusal. "Son, come here," tawag sa akin ni Mom nang makita niya ang pagbaba ko sa hagdan. Isa-isa namang nagtinginan sa akin ang mga maid na nakapalibot sa kanila. Ang iba ay kinikilig, at ang iba naman ay seryoso lamang, pero isa lamang ang nakaagaw ng aking pansin. Si Eula na nagdidilig ng mga halaman sa labas. Napangiti ako habang tinitingnan siya, kumakanta kasi siya at bahagyang sumasayaw. Hindi man marinig ang boses niya rito sa loob ay kitang-kita ko naman ang pagiging masaya niya sa ginagawa niya. Nakapamulsa akong lumapit kila Mom and Dad, at muling ibinalik ang seryosong mukha. "Pupunta ka na ba sa rancho?" seryosong sabi ni Dad na agad ko namang tinanguan. "Kailan ka kaya gigising nang maaga para pumunta doon?" dugtong pa nito kaya napapikit na lamang ako. Hindi naman kasi ako manok para gumising nang maaga. "Iñigo!" saway ni Mom sa kanya. "What? Sinasabihan ko lang 'yang anak mo. Ini-spoil mo eh, kaya namimihasa," seryoso pa ring sabi ni Dad, bagamat mahinahon ang salita nito ay paniguradong kumukulo na ang dugo niya. Kailan kaya ako gigising na walang sermon at 'di nakakarinig ng pagtatalo? Hayys...Bumuntong-hininga ako at nakangiting bumaling sa kanila. "Aalis na po ako," nakangiting sabi ko kahit naiinis na 'ko. "Maglakad ka na lang. Huwag mong gagamitin ang trucktora. Gagamitin iyon ni Mang Ben mamaya," seryoso pa ring sabi ni Dad kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Paglalakarin niyo ako?" may inis sa mga tinig na sabi ko. Tumango ang matanda kaya wala na akong nagawa kundi ang bumuntong-hininga at tumango. "Iñigo, baka katihin 'yang anak mo sa daan. Masukal pa naman papunta sa rancho," sabi ni Mom pero umiling lang si Dad. "Okay lang 'yan, Beatrice, nang matuto 'yang anak mo. Ako nga ay natuklaw pa ng ahas bago natuto," matigas na sabi ni Dad. Kailangan pa palang matuklaw ako ng ahas para ma-appreciate ni Dad ang ginagawa ko? Tsk. "Okay lang, Mom. Alis na po ako," paalam ko at nakapamulsang naglakad palabas ng bahay.AKIO "Sir! Hindi naman dito ang daan papuntang rancho. Saan tayo pupunta? Anong gagawin mo sa akin?" Tiningnan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya. Hindi na naman kasi siya nakainom ng gamot; pa-oa siya ng pa-oa. "I just want to climb the mountain. We'll head to the ranch later," I said briefly and kept walking. "Pero baka dumating doon ang tatay niyo at wala tayo. Lagot na naman tayo!" hesterikal na sabi niya, kaya napatigil ako sa paglalakad. May punto siya. Paano nga kaya kung pumunta siya ng rancho at hindi niya ako inabutan doon? Paniguradong mapapagalitan na naman ako ng sobra. Hindi ko maiwasang mapapikit. Wala man lang akong magawa. Gustong-gusto ko rin namang magdesisyon para sa sarili ko, pero parang nakatali na ako sa pamilyang meron ako. Sunod-sunuran na lang ako sa tatay ko. Nakakaasar! "Fine, let's go!" I said irritably to her and we turned back toward the ranch. As we walked, I remembered how Mom treated Eula's family. I felt so sorry for them. It was like I was
EULA Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa malakas na sigaw mula sa sala. Nagkusot muna ako ng mata at tiningnan si Nanay kung tulog pa, pero nagulat ako dahil tanging ang dalawang kapatid ko lang ang nandito sa higaan. Tumakbo ako ng mabilis palabas ng pintuan. Nasa may hagdan pa lamang ako nang makita ko na kung anong nangyayari sa baba. Anong ginagawa nila kay Nanay? "Hindi ka dapat nakikialam sa mga gamit dito. Tingnan mo, nabasag mo ang mamahaling vase na galing pa sa kaibigan ko na nakatira sa Australia!" galit na sigaw ni Doña Beatrice kay Nanay, na nakatungo lang at walang ibang ginawa kundi ang humingi ng paumanhin. "P-pasensya na po, Ma'am. Hindi po ako ang nakabasag niyan—iyong katulong niyo po," sabay turo ni Nanay kay Manang Des, na ngayon ay nakakunot na ang noo. "Bakit ako ang sinisisi mo? Kung hindi ka pakalat-kalat sa daan, sa tingin mo ay mabibitawan ko iyon?" masungit na sabi ng matandang babae. Noon pa man ay ayaw na nito sa akin. Palibhasa'y nanay ni Ira
AKIO Here we are again, at the rest area near the pool. My father sat with his legs crossed and arms folded, waiting for my arrival. His face was blank, clearly displeased by my presence. I stood before him, awaiting his words, but he remained silent, just looking at me. I was the one who finally broke the silence between us. "Anong pag-uusapan natin, Dad?" kaswal na tanong ko. Ayoko namang magmukhang mahina sa harapan niya. "That helper must be incredibly special to you, since you even have to take in her whole family!" galit na sabi niya kaya hindi ko maiwasang mapakuyom ng kamao. Wala ba siyang pakialam sa mga tauhan niya? "My help to her means nothing else. It's up to you if you want to impute malice to it," seryosong sabi ko habang pinipilit na kumalma. Ayokong sabayan ang init ng ulo niya dahil paniguradong hindi rin naman ako mananalo sa bandang huli. "Besides, they never showed me anything bad when I stayed with them," dagdag ko pa, na mas lalong nagpakunot sa kanyang noo.
EULA Pagdating namin sa mansiyon ay sari-saring mga mata ang pumalibot sa amin. May mga matang nagtataka, natutuwa, at nagagalit. Sinalubong kami ni Auntie Nessy, nakakunot ang noo nito. "Nahihibang ka na ba, Eula? Bakit mo isinama ang pamilya mo dito? Magagalit si Doña Beatrice at Don Iñigo," Bakas ang matinding pag-aalala sa mukha ni Auntie Nessy. Bigla tuloy dumistansya sila Nanay nang marinig ang sinabi niya. Nagkamot lang ako ng ulo at itinuro si Sir Akio. "Siya ang nagpumilit na isama ko sila Nanay," tila isang bata na nagsusumbong na sabi ko. Natahimik si Auntie Nessy nang tingnan siya nang seryoso ni Sir Akio. Mabilis siyang umalis sa harapan namin at mabilis na pumunta sa kusina. Nang makita namin ang pagbaba ng dalawang matanda sa hagdan ay bigla na lang nagsi-alisan ang mga katulong na kanina pa nakatingin sa amin. "Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi!" Galit na sabi ni Don Iñigo kay Akio. Hindi niya ako pinansin kaya akala ko absuwelto na ako at maglalakad na
AKIO Today, we're returning to the mansion with Eula's family. I don't know what my Dad will say, but I'm sure he'll be extremely angry with me. "Sigurado ka ba, Sir, na isasama natin ang pamilya ko? Baka kasi magalit si Don Iñigo at Doña Beatrice," nag-aalalang sabi niya. "Anong magagawa ng galit nila sa galit ko?" natatawang sabi ko. Idinaan ko na lamang sa pagyayabang ang takot, kahit alam kong mamaya ay pihadong mababasag ang eardrum ko. "Aalis na ba tayo?" tanong ni Serafino habang dala-dala ang bag na kapag nilagyan pa ng maraming bagay ay paniguradong mapipigtal sa sobrang luma na. Eula and I nodded simultaneously, and he suddenly jumped with joy. But before we could leave, Eula's supposed father suddenly appeared in front of us. He was carrying a bottle of "kwatro kantos" (a local liquor) and chugging it as he walked unsteadily. "M-may outing pala kayo—hik—Di niyo man lang ako sinabihan," sabi nito nang makarating sa pwesto namin. Tiningnan ko si Eula; bakas ang galit
EULA Kanina ko pa gustong pagtutusukin ang mga mata ng mga nakatingin sa katawan ni Sir Akio. Kung bakit pa kasi siya naghubad ng damit—pwede namang hindi. Ako lang ang may karapatan na makakita niyan. Nakakaasar naman talaga. Hanggang sa pag-uwi ay bitbit ko pa rin ang mainit na ulo, at halos sumayad na rin ang nguso ko sa lupa. "Ate, lalo kang pumapangit kapag nakabusangot ka. Ano ba kasing problema?" tanong sa akin ni Serafino. Mas lalo pang kumunot ang noo ko. Sinabihan lang naman ako ng kapatid ko na pangit, eh magkamukha lang din naman kami. Nauna lang akong lumabas kaysa kanya. "Tigilan mo ako, Koykoy. Ibabalik kita sa sinapupunan ni Nanay kapag sinabihan mo pa akong pangit," nakangusong sabi ko. Koykoy ang palayaw ni Serafino. Tumakbo lang siya ng mabilis, dala ang dalawang maliit na galon na may lamang tubig galing sa bukal. Napabuntong-hininga na lamang ako habang tinatanaw ang kapatid kong nakalayo na. "Baka naman masira na yang damit mo sa sobrang gigil mo?" natatawan
AKIO Everything I do is new to me, yet it all feels normal and fills me with immense happiness. This is the life I want—to live simply. It was a dream I could never achieve before, because as long as I carry the Sullivan surname, everything in my life has been controlled. I can’t help but envy Eu
EULA Wala pang kalahati simula ng baybayin namin ang daan papunta sa bukid pero itong amo ko ay halos mapugto na ang hininga dahil sa matinding pagod. "Kaya mo pa?" Ang tinig ay hindi nag-aalala kundi nang-aasar. Siraulong Pancho, ang hilig niyang gawing mahina si Sir Akio. Tumayo ng tuwid ang a
AKIO "Hindi kapa ba bababa o gusto mong kargahin pa kita?" I said seriously. She looked like her soul had left her body. The horse wasn't even going that fast for her to be so scared. "Ah, tapos na pala?" Parang bangag na sabi niya. Nawala ata siya sa sarili niya. Tinulungan ko pa siyang makababa
EULA Pasado alas nuebe ng gabi ay nakauwe na kami sa mansyon. Ang pagod sa aking katawan ay hindi maaaring maibsan ng isang gabing pahinga lamang. Para akong binugbog, masakit ang likod, masakit ang paa, isama pa natin ang ulong kanina pa kumikirot. Buong maghapon kasi ay galing kami sa initan, ng







