Share

"CHAPTER 03"

Author: rhitscine
last update publish date: 2026-02-02 05:53:52

EULA

"Sir!... Sir!"

Pogi sana kaso bingi. Kanina pa kasi ako nakasunod sa kanya, at kanina ko pa siya tinatawag ngunit hindi naman niya ako naririnig. Ang hirap kaya niyang habulin, ang hahaba ng biyas niya. Halos mapugto ang hininga ko kakalakad-takbo mahabol lamang siya.

Hindi na ko nakatiis, kaya binato ko na siya ng suot kong tsinelas.

"What the heck!" Hawak ko ang dalawang tuhod nang lingunin niya ako, tagaktak ang pawis, at mas malinis pang tingnan ang badjao kumpara sa akin. Nanlalaki ang mga mata niya habang pinapasadahan ako ng tingin.

"Pati ba naman dito sa gubat ay susundan mo ako?" Nakanuot ang noo nito habang pinupunasan ang damit na nadumihan, galing sa ibinato kong tsinelas.

"S-sorry S-sir, K-kanina p-pa k-kita t-tinatawag. N-napakabingi m-mo," nahihirapang sabi ko. Halos maubos ang hangin sa buo kong katawan dahil sa paghabol ko sa kanya.

Doon ko lang napagtanto na naka-wireless earphone pala siya kaya hindi niya ako naririnig. Bahagya niyang tinanggal ang isang pares ng earphone sa kanyang kanang tenga at masama akong tiningnan.

"I-inutusan kasi ako ng Donya na samahan kayo sa rancho. Hindi niyo rin naman kasi kabisado pa ang buong lugar." Kahit papaano ay nabawi ko na ang lakas at sapat na hangin upang makapagsalita ako ng buo at diretso.

"Do I look like a child to you?" Bigla siyang lumapit kaya napaatras ako pero nakorner naman niya ako.

I couldn't help but close my eyes because of his presence. The air around me seemed to shift the moment he drew near, warm and carrying a faint hint of sandalwood that made my heart race against my ribs. Every nerve in my body was tuned to him – the soft rustle of his shirt as he moved closer, the quiet sound of his breathing just inches away from my skin. I prayed that his lips would touch mine, that this would be the moment when all the unspoken feelings between us finally found their voice. But instead of the gentle press I’d imagined, something else landed on my face.

Plok.. ..

"Aray ko!" Sinamaan ko siya ng tingin nang bigla niyang pitikin ang noo ko. Hindi man iyon kalakasan ngunit paniguradong naalog nang very light ang utak ko. Paano kung hindi ko siya maalala, paano na ang anak namin sa panaginip? Dyuskoh Emmanuella, deliryo pa!

"Do you think I was going to kiss you?" Tinanggal ko lang ang sapot sa buhok mo." Nakangising sabi niya kaya agad akong nataranta.

"A-asan! Asan ang gagamba! Wahhhhh....." Hindi ko maiwasang magtatalon dahil sa kaba. Isa kasi ang gagamba sa mga kinakatakutan ko. Ang sakit kasi nitong mangagat at karamihan sa kanila ay may lason.

"Sapot nga lang diba? Wag kang tanga!" Iritableng sabi niya at tinalikuran na ako. Nagsimula na rin siyang maglakad na hindi man lang iniisip na may kasama siyang maikli ang binti.

I took a deep breath and shook my head slightly. He’s always been so grumpy, yet I don’t know why I fell for him. All I know is that I’m flirtatious – at least only with him.

Pinilit ko na naman na humabol sa kanya. Gusto ko sana ay sabay kaming maglakad ngunit nanatili ako sa likuran niya. Mamaya sungitan na naman niya ako o iwan dito sa gitna nang gubat. Malayo-layo na rin ang nalakad namin, ngunit hindi pa sapat iyon dahil malayo pa ang rancho. Siguro'y 30 minutos pa bago kami makarating doon.

Napadaan kami sa puno ng seriales o mas kilala bilang "Flacourtia sp". Isa itong prutas na kaparehas ng ubas, ngunit ang bungay bilugan at kumukulay ng violet kapag hinog. Kung ang ubas ay kakainin nalang, ito nama'y lalamasin muna upang mawala ang mapaklang lasa. Ang puno nito'y matinik at mahirap akyatin. Kumukulay rin sa ngipin ang laman nito, pero ubod ng tamis at sarap naman kapag iyong natikman.

"Wow! Ang daming bunga!" Hindi ko maiwasang mamangha sa dami ng bunga nito. Pati na rin si Sir Akio ay napatigil sa ilalim nang puno.Akala ko'y balak niyang kumuha ng bunga pero agad niya akong tiningnan.

"Nakakain ba to?" Seryosong tanong niya. Ay hindi naiinom yan, prutas nga diba. Kawawa talaga ang mga rich kid, palibhasa ang kilala lang nila ay apple o kung ano pa man na kilalang prutas.

"Oo naman, tikman niyo." Nakangiting sabi ko at pinilit na kumuha sa mababang parte nang sanga pero hindi ko parin ito maabot.

"Pandak!" Bulong niya ngunit rinig ko naman. Gusto ko pa sana siyang sagutin pero pinigilan ko na ang sarili ko. Ipagtatanggol ko pa ba ang height ko kung mismong ako na ang tetistigo. Bwisit!

Kumuha siya nang isa, at huli na para sabihin ko sa kanyang lamasin niya muna.

Bwahhhh.. Cough ..coughh..

Nailuwa niya ito at sunod-sunod na umubo.

"Ang pakla! Fuck shit." Galit na sabi niya habang nakatingin sa akin. Nanatili ako sa pwesto ko at hindi ko maiwasang matawa sa hitsura niya. Kunot na kunot ang noo nito, at hindi maipinta ang mukha.

"Lamasin niyo muna kasi, Sir. Ganito oh," sabi ko sabay agaw ko sa kamay niya nang natitirang isang piraso. Nilamas ko ito na para lamang akong gumagawa ng bilo-bilo. Pinisil ko rin ito upang mahati sa gitna. "Tikman niyo." Nakangiting sabi ko. Akala ko'y magrereklamo pa siya pero agad niya itong kinuha at kinain.

"Not bad, not so sweet, masarap siya." Sabi pa niya at nakita kong kumuha pa siya sa puno at sinunod ang ginagawa ko.

Pinanuod ko lamang siya sa ginagawa niya at mas lalo akong nahulog sa kanya. Hindi siya kagaya ng ibang lalaki diyan na mayabang at maarte, masungit nga lang minsan.

"Sir, tama na yan. Baka hapon na tayo makarating sa rancho. Kumuha nalang ulit tayo mamaya pag-uwe," suhestiyon ko. Mabilis naman siyang tumango at pinagpag ang kamay. Kumapit tuloy ang mantsa ng seryales sa damit niya. Sabagay, bilyonaryo naman siya. Kahit ilang sakong damit ay afford niya.

"Eula , wala kang boyfriend?" Out of nowhere biglaang tanong niya. Literal na nagulat ako pero sinubukan kong ikalma ang kiffy ko.

"Wala naman, Sir." Tipid na sabi ko. Gustuhin ko mang kiligin ay pinigilan ko ang sarili ko.

"Manililigaw?" Ito na ba ang sign Lord? Ang mga tanong ni Sir Akio, may balak ba siyang ligawan ako? Kahit siguro santong paspasan ay papatulan ko kaagad siya. Wala ng intro-intro, oo agad.

Nag-isip muna ako saglit at naalala ko si Pancho. Iyong binatang bantay nang rancho na walang ibang ginawa kundi bumuntot sa akin. Akala mo naman ay natutuwa ako sa kanya dahil sa mga binibira niyang banat. Gusto ko na ngang banatan eh, kung hindi lang mataas ang posisyon ng ama niya sa rancho.

"Si Pancho," Iritableng sabi ko. Sapilitan ba naman akong ligawan ng baliw na iyon. Hinayaan ko nalang, kasi akala ko titigilan niya ako pero mas lalo pa niya akong ginulo.

"Rancho?" Mas lalo pa akong nairita dahil sa bingi kong kasama.

"Pancho, Sir, hindi Rancho." Hindi ko maiwasang magsungit, dahil sa tuwing naalala ko ang lalaking iyon ay nagkakaroon ako ng altapresyon, tumataas ang dugo ko at parang puputok ang lahat ng ugat ko sa kunsomisyon sa kanya.

"Bakit hindi mo pa sagutin?" Seryosong sabi niya. Ang kaninang mga ngiti ko ay napalitan ng ngiwi.

Kasi ikaw ang gusto ko.

"Ayaw ko sa mukhang kabayo." Sa totoo lang, ay may hitsura naman si Pancho. Pogi din, at karamihan ngang kababaihan na nagtatrabaho sa rancho at farm ay siya ang gusto. Hindi ko lang talaga makita ang sarili kong kasama niya. Tiningnan ko si Sir Akio, kitang-kita ko ang pagpipigil niya sa pagtawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • FANTASIZING THE BILLIONAIRE HEIR   "CHAPTER 25"

    EULA Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa malakas na sigaw mula sa sala. Nagkusot muna ako ng mata at tiningnan si Nanay kung tulog pa, pero nagulat ako dahil tanging ang dalawang kapatid ko lang ang nandito sa higaan. Tumakbo ako ng mabilis palabas ng pintuan. Nasa may hagdan pa lamang ako nang makita ko na kung anong nangyayari sa baba. Anong ginagawa nila kay Nanay? "Hindi ka dapat nakikialam sa mga gamit dito. Tingnan mo, nabasag mo ang mamahaling vase na galing pa sa kaibigan ko na nakatira sa Australia!" galit na sigaw ni Doña Beatrice kay Nanay, na nakatungo lang at walang ibang ginawa kundi ang humingi ng paumanhin. "P-pasensya na po, Ma'am. Hindi po ako ang nakabasag niyan—iyong katulong niyo po," sabay turo ni Nanay kay Manang Des, na ngayon ay nakakunot na ang noo. "Bakit ako ang sinisisi mo? Kung hindi ka pakalat-kalat sa daan, sa tingin mo ay mabibitawan ko iyon?" masungit na sabi ng matandang babae. Noon pa man ay ayaw na nito sa akin. Palibhasa'y nanay ni Ira

  • FANTASIZING THE BILLIONAIRE HEIR   "CHAPTER 24"

    AKIO Here we are again, at the rest area near the pool. My father sat with his legs crossed and arms folded, waiting for my arrival. His face was blank, clearly displeased by my presence. I stood before him, awaiting his words, but he remained silent, just looking at me. I was the one who finally broke the silence between us. "Anong pag-uusapan natin, Dad?" kaswal na tanong ko. Ayoko namang magmukhang mahina sa harapan niya. "That helper must be incredibly special to you, since you even have to take in her whole family!" galit na sabi niya kaya hindi ko maiwasang mapakuyom ng kamao. Wala ba siyang pakialam sa mga tauhan niya? "My help to her means nothing else. It's up to you if you want to impute malice to it," seryosong sabi ko habang pinipilit na kumalma. Ayokong sabayan ang init ng ulo niya dahil paniguradong hindi rin naman ako mananalo sa bandang huli. "Besides, they never showed me anything bad when I stayed with them," dagdag ko pa, na mas lalong nagpakunot sa kanyang noo.

  • FANTASIZING THE BILLIONAIRE HEIR   "CHAPTER 23"

    EULA Pagdating namin sa mansiyon ay sari-saring mga mata ang pumalibot sa amin. May mga matang nagtataka, natutuwa, at nagagalit. Sinalubong kami ni Auntie Nessy, nakakunot ang noo nito. "Nahihibang ka na ba, Eula? Bakit mo isinama ang pamilya mo dito? Magagalit si Doña Beatrice at Don Iñigo," Bakas ang matinding pag-aalala sa mukha ni Auntie Nessy. Bigla tuloy dumistansya sila Nanay nang marinig ang sinabi niya. Nagkamot lang ako ng ulo at itinuro si Sir Akio. "Siya ang nagpumilit na isama ko sila Nanay," tila isang bata na nagsusumbong na sabi ko. Natahimik si Auntie Nessy nang tingnan siya nang seryoso ni Sir Akio. Mabilis siyang umalis sa harapan namin at mabilis na pumunta sa kusina. Nang makita namin ang pagbaba ng dalawang matanda sa hagdan ay bigla na lang nagsi-alisan ang mga katulong na kanina pa nakatingin sa amin. "Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi!" Galit na sabi ni Don Iñigo kay Akio. Hindi niya ako pinansin kaya akala ko absuwelto na ako at maglalakad na

  • FANTASIZING THE BILLIONAIRE HEIR   "CHAPTER 22"

    AKIO Today, we're returning to the mansion with Eula's family. I don't know what my Dad will say, but I'm sure he'll be extremely angry with me. "Sigurado ka ba, Sir, na isasama natin ang pamilya ko? Baka kasi magalit si Don Iñigo at Doña Beatrice," nag-aalalang sabi niya. "Anong magagawa ng galit nila sa galit ko?" natatawang sabi ko. Idinaan ko na lamang sa pagyayabang ang takot, kahit alam kong mamaya ay pihadong mababasag ang eardrum ko. "Aalis na ba tayo?" tanong ni Serafino habang dala-dala ang bag na kapag nilagyan pa ng maraming bagay ay paniguradong mapipigtal sa sobrang luma na. Eula and I nodded simultaneously, and he suddenly jumped with joy. But before we could leave, Eula's supposed father suddenly appeared in front of us. He was carrying a bottle of "kwatro kantos" (a local liquor) and chugging it as he walked unsteadily. "M-may outing pala kayo—hik—Di niyo man lang ako sinabihan," sabi nito nang makarating sa pwesto namin. Tiningnan ko si Eula; bakas ang galit

  • FANTASIZING THE BILLIONAIRE HEIR   "CHAPTER 21"

    EULA Kanina ko pa gustong pagtutusukin ang mga mata ng mga nakatingin sa katawan ni Sir Akio. Kung bakit pa kasi siya naghubad ng damit—pwede namang hindi. Ako lang ang may karapatan na makakita niyan. Nakakaasar naman talaga. Hanggang sa pag-uwi ay bitbit ko pa rin ang mainit na ulo, at halos sumayad na rin ang nguso ko sa lupa. "Ate, lalo kang pumapangit kapag nakabusangot ka. Ano ba kasing problema?" tanong sa akin ni Serafino. Mas lalo pang kumunot ang noo ko. Sinabihan lang naman ako ng kapatid ko na pangit, eh magkamukha lang din naman kami. Nauna lang akong lumabas kaysa kanya. "Tigilan mo ako, Koykoy. Ibabalik kita sa sinapupunan ni Nanay kapag sinabihan mo pa akong pangit," nakangusong sabi ko. Koykoy ang palayaw ni Serafino. Tumakbo lang siya ng mabilis, dala ang dalawang maliit na galon na may lamang tubig galing sa bukal. Napabuntong-hininga na lamang ako habang tinatanaw ang kapatid kong nakalayo na. "Baka naman masira na yang damit mo sa sobrang gigil mo?" natatawan

  • FANTASIZING THE BILLIONAIRE HEIR   "CHAPTER 20"

    AKIO Ang unang beses na naisip kong gawin kaya ako sumama sa kanya ay aralin ang buhay na meron sila. Pero isang araw pa lamang ng pamamalagi ay nahihirapan na ako. Walang kahit na anong gamit sila maliban sa lutuan na gawa sa bato; kahoy ang tanging panggatong. Limitado rin ang pinggan na meron sila—sapat lang para sa kanila. Walang kahit anong electric fan; karton lang ay sapat na sa kanila. Kaya naman ang titibay ng braso nila. Ang unan ay hindi kasing lambot ng nasa mansiyon, at ang higaan ay napakatigas—banig kung tawagin nila. Kapag nahiga ka, paggising mo ay babakat na ang bawat hugis nito sa bawat parte ng katawan ko. Nakakaawa man isipin ang buhay nila, pero nakikita ko naman kung gaano sila kasaya. "Where are you—I mean, saan kayo pupunta?" tanong ko kay Serafino. May dala siyang dalawang maliit na galon. Nasa labas kasi ako nagpapahangin dahil sobrang init ng panahon. Parang gusto ko ngang mag-swimming ngayon. "Sa bukal, Kuya. Mag-iigib po ako ng tubig," nakangiting sabi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status