Share

CHAPTER 19 “FIRST DUET”

“KANINA ka pa?” tanong ni Daniel sa kaniya nang datnan siya nito sa roof deck na abala sa pagbabasa ng libro. 

“Hindi naman, mga fifteen minutes palang,” sagot ni Ara saka isinara ang binabasa niyang libro. 

Noon naupo si Daniel sa tabi niya saka ibinaba ang isang paperbag. “Kumain ka muna, baka gutom ka na,” anitong inilabas sa papel na yari sa bag ang dalawang sandwich saka iniabot sa kaniya ang isa pagkatapos ay isinunod naman nito ang dalawang bote ng malamig na mineral water. 

“Salamat, tama ka gutom na nga ako,” si Ara na tumawa ng mahina bago sinimulang kainin ang ibinigay na sandwich sa kaniya ni Daniel. 

Mataman lang siyang tinitigan ng binata pagkatapos ay tumango habang nakangiti. “Naalala ko lang, hindi ba nabanggit mo sa akin  na may kakambal ka?”  

“Oo, si Bella,” sagot niya habang ngumunguya ng sandwich. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status