Share

Chapter 120.4

last update Last Updated: 2024-11-20 14:24:07

NAPALUNOK SI SERENE AT TUMITIG SA MGA MATA NITO. “pwede ba na dito na lang ako tumira?” maingat na tanong niya rito dahil kailangan niyang itago mula dito ang kanyang mga study materials. May mga inuutusan itong maglinis sa suite nito kaya hindi maiiwasang makita nila ang mga ito.

Dahil doon ay ang kanyang unit ang pinaka maganda niyang tirhan para kahit papano ay maitatago niya ang mga iyon mula kay Pierce. Sandaling nabalot ng nakakabinging katahimikan ang paligid. Ang mainit na kapaligiran ay biglang nawala sa isang iglap. Tinitigan siya ni Pierce at pagkatapos ay pinagsakilop ang mga labi nito. “Serene, ganun ba talaga ka-grabe ang mga ginawa ko para mag-isip ka ng ganyan sa akin?” malamig na tanong nito sa kaniya.

“Hindi naman sa gan—” bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay agad na siyang pinutol nito.

“Okay, sige.” sagot nito at sandali siyan natigilan nang marinig niya ang sagot nito. Mukhang hindi ito sang-ayon ngunit bigla na lamang itong pumayag bigla. “Kaya lang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   WAKAS

    DAHAN-DAHANG IMINULAT NI Serene ang kanyang mga mata. Nang mga oras na iyon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang pagkahilo niya. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid at puting kisame ang bumungad sa kaniya. Nang itaas niya ang kanyang kamay ay doon niya nalaman na naka-swero pala siya at doon nag-sink in sa kaniya ang lahat. Habang magkayakap sila ni Pierce ay bigla na lang umikot ang paningin niya. At sa mga oras na iyon ay nasa ospital siya pero nang igala niya ang kanyang paningin ay wala naman siyang kasama doon kundi tanging siya lang mag-isa.Nasaan si Pierce? Bakit wala ito sa tabi niya? Hindi niya tuloy maiwasang isipin ang lahat ng mga nangyari kanina, kung panaginip lang ba ang lahat ng iyon ngunit nang itaas naman niya ang kanyang kamay ay nakita niya doon ang singsing na isinuot sa kaniya ni Pierce kung saan ay nasiguro niya na hindi nga iyon panaginip kundi totoong nangyari iyon. Ang hindi lang niya maiwasang isipin ay kung nasaan ito. Dahan-dahan siyang umupo sa k

  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 133.1

    NAPANGITI SI PIERCE SA kanyang ama na may panunuya ang mga mata. “Noon pa man ay niloko mo na ang ina ko kaya wala kang karapatan na sabihin sa akin ang mga yan.” malamig na sabi niya rito at pagkasabi niya nito ay dali-dali siyang tumalikod upang umalis na doon.“Tumigil ka!” galit na sigaw ni Andrei sa kaniya ngunit nagbingi-bingihan si Pierce sa tawag ng kanyang ama ay hindi tumigil sa kanyang paglalakad.Sa gilid ay agad naman na nagdilim ang mukha ni Nicole dahil talaga ba na aalis ito ay iiwan siya doon na mag-isa para pagtawanan ng lahat? Hindi niya maiwasang maikuyom ang kanyang mga mata. Dahil sa labis naman na galit ni Andrei ay biglang nagsikip ang dibdib niya at nahirapan siyang huminga. Sa sumunod na segundo ay bigla siyang bumagsak sa sahig.Gulat na gulat ang mga tauhan ni Andrei at dali-daling nilapitan ito upang tulungan at kargahin upang dalhin sa ospital. Ang isang tauhan nito ay binalingan ni Nicole. “Sundan mo si Pierce at sabihin mo na bumalik siya.” utos niya ri

  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 132.5

    BIGLA NAMANG NAPUNO ng panunuya ang mga mata ni Pierce anng marinig niya ang usapan ng mga ito. “Status lang ang hiningi niya kaya pumayag ako. Pero ang totoo ay gusto mo rin talagang pakasalan ako hindi ba?” tanong ni Pierce kay Nicole.Nakita niyang natigilan si Nicole ngunit mabilis na nagsalita ang kanyang ama. “Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa mga bagay na yan. Ang importante ay ang makapagbihis ka na muna.” sabi nito sa kaniya.“Hindi na kailangan pang ipagpaliban pa, pag-usapan na natin ngayon.” sabi niya rito. Ipinikit ni Pierce ang kanyang mga mata at naging malamig ang ekspresyon. “Kahit na maging mag-asawa kaming dalawa at magkaroon ng anak, sa tingin niyo ba ay mabubuhay ang bata at ipapanganak niya?” tanong niya sa mga ito.Nang marinig ni Nicole ang bagay na iyon ay namutla nag kanyang mukha. Ang mukha din ni Andrei ay naging madilim at naging marahas ang paghinga dahil samatinding galit. “Hindi niyo ba alam na kahit makabuo kami ay ipapalaglag at ipapalaglag niy

  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 132.4

    PINAPUNTA SIYA NG KANYANG ama sa isang hotel kung saan ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Pagkapasok niya pa lang sa punction hall ay agad niyang nakita na napapalamutian ang buong paligid. Dahil dito ay agad na kumunot ang kanyang noo at napuno ng pagkalito. Sa sumunot na segundo ay nakita niya ang mga salitang Engagement na nakalagay sa malaking electronic screen sa gitna ng stage.Hindi nagtagal ay dahan-dahang umakyat si Nicole ng stage habang nakaupo sa electric wheelchair nito at pagkatapos ay tumingin sa kaniya ng puno ng pagmamahal na naging dahilan para magdilim ang kanyang mukha. Nilingon niya si Liam na nakatayo sa tabi niya ng mga oras na iyon. “Anong nangyayari?” naguguluhang tanong niya rito.Nakita niya naman ang pagpapawis ng noo nito at mukhang kinakabahang tumingin sa kaniya. Napalunok si Liam nang makita ang madilim na mukha ng kanyang amo. Hindi ba nito alam kung ano nangyayari at kung bakit sila naroon? Paano nangyari na hindi nito alam kung isa ito sa mga pang

  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 132.3

    ILANG MINUTO DIN sa labas si Serene bago siya bumalik sa silid ni Pierce. Pagkapasok niya ay naabutan niya itong bihis na. Puno ng pagtataka at pag-aalala ay agad niya itong nilapitan. “Anong ibig sabihin nito? Saan ka pupunta? Hindi ka pa magaling?” tuloy-tuloy na tanong niya rito.Bigla niya tuloy naalala ang tawag kanina at dahil doon ay hindi niya namalayang nakaramdam ng pagkabalisa sa kanyang puso. “Saan ka pupunta?” tanong niya ulit dito nang hindi ito sumagot sa unang tanong niya kanina.“Well, pinapatawag ako ni DAd.” sagot nito sa kaniya na bigla niyang ikinatigas bigla. Naisip niya bigla ang petsa kung kailan nila dapat kuhanin ang sertipiko at may ilang araw na lang ang nalalabi. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili at pagkatapos ay biglang nagtanong.“Gusto mo bang makipaghiwalay?” tanong niya rito at hindi ito sumagot sa kaniya. Malalim lang itong nakatingin sa kanyang mga mata at ang pananahimik nito ay malinaw ng sagot sa kaniya. Napakuyom ang kanyang mga palad. B

  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 132.2

    NANG NASA IBANG BANSA pa sila ay naunang nagising si Pierce kaysa kay Serene kung saan ay nanatili itong tulog marahil sa matinding panghihina. Dahil nga sa wala namang nakitang problema sa pagsusuri kay Serene ay agad niyang ipinaayos ang lahat at sumakay sila sa isang helicopter upang makauwi sa bansa para doon na rin tuluyang magpagaling.Pagdating nila doon ay muli niyang ipinasuri si Serene kung saan ay naging pareho lang din naman ang lumabas na resulta at nanatili pa rin itong tulog sa sumunod na araw na para bang nag-iipon ng lakas nito. Maharil ay talagang matindi ang kanyang pinagdaanan kung kayat mas lalo pang tumindi ang galit na naramdaman niya sa lalaking iyon.Ilang sandali pa ay yumakap si Serene kay Pierce nang marinig niya ang sinabi nito kung paano sila nakauwi ngunit pagkasandal niya sa dibdib nito ay may naalala siya kung kaya ay bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya at tumingin dito. “Si Mike? Nasaan siya? Patay na ba siya?” tanong niya rito.Umiling si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status