로그인A/N: This chapter contains sensitive themes involving trauma, violence, blood, and disturbing psychological scenes. Please read with care, especially if these topics may be triggering for you. Your peace of mind comes first. 🖤
A/N: This chapter contains sensitive themes involving trauma, violence, blood, and disturbing psychological scenes. Please read with care, especially if these topics may be triggering for you. Your peace of mind comes first. 🖤 “B-bakit ako?” nahihiyang tanong ni Reign. “Kailangan bang may rason para mahalin ka? ’Di ba? Kusa mo lang naman nararamdaman ’yon.” Bahagyang natigilan si Reign. Pero— “Mahal mo pa rin siya?” putol ni William. “Ang ibig kong sabihin… a-ano…” napayuko si Reign. “Hindi tayo bagay. You’re successful, mayaman, mabait… lahat nasa ’yo na. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya mo kung katulad ko lang ang papatulan mo?” Marahang hinawakan ni William ang magkabilang balikat niya. “At isa pa—” unti-unting pumatak ang luha ni Reign. “H-hindi na ’ko malinis… Mas bagay sa ’yo ang babaeng kapareho mo ng estado sa buhay… h-hindi ako…” nangingilid ang luhang sabi niya. “Shhhh…” marahan siyang niyakap ni William. “Tapos ka na bang saktan ang sarili mo?” seryosong tano
Napahawak sa dibdib si Leona. Mabilis niyang inabot ang isa pang picture pero bahagya siyang natigilan nang makita si David. Kasama no’n ang medical records niya. X-ray results. Mga larawan ng sugat at pasa sa katawan niya, at dokumentong may nakasulat na mayroon siyang repeated head trauma. Unti-unting nanginig ang kamay niya. Napalunok siya saka marahang inabot ang tablet. Pagkabukas niya— Isang video agad ang bumungad. Nasa hospital bed siya habang hawak ni Michael ang braso niya. “Mommy, trust me…” mahinang sabi nito sa video. Biglang nanlamig ang buong katawan ni Leona nang makita niyang sinuntok siya nito sa sikmura. Sunod-sunod na eksena ang biglang pumasok sa isip niya. May sumisigaw. May humihila sa kanya. May dúgo. May lalaking galit na galit. “Dapat ka nang mámatay.” Mariin siyang napahawak sa ulo. “Ahh—” napayuko siya habang hinihingal. Biglang bumukas ang pinto. “Tita?” mabilis na lumapit si William. “Ayos lang po ba kayo?”Hindi agad nakasagot si Leona
Mabilis na binuhat ni William si Reign. “Reign! Reign, gising!” Halos mag-panic ang boses niya habang pinupunasan ang umaagos na dúgo sa katawan nito. “Call the doctor!” agad niyang utos sa nurse. “Now!” “Tinawagan ko na po,” sagot ng nurse habang nagmamadaling kumuha ng gamit. “On his way na po siya.” Maingat na ibinaba ni William si Reign sa kama. “Pressure,” utos ng nurse habang mabilis na tinatapal ang tela sa sugat. “Kailangan nating pigilan ang pagdurugo.” Hindi umalis si William sa tabi ni Reign. Mahigpit niyang hawak ang kamay nito. “Tsk! Bakit mo ba kasi ginawa ’yon?!” may inis sa boses niya. “A-ako dapat ang poprotekta sa ’yo, hindi ikaw!” mariing sabi niya. Bahagyang ngumiti si Reign. “A-ano ka ba… malayo sa bituka ’to.” Tipid siyang ngumiti. “S-si Mama… bantayan mo siya, ha.” Parang nahihirapan ang boses nito. Sa kabilang gilid, nakatayo si Leona. Nanlalaki ang mga mata niya habang nanginginig ang buong katawan. Hindi niya maalis ang tingin sa dúgo… s
“Tama na!” malakas na hiyaw ni Leona. “Nasasaktan na ’ko, ano ba?!” pilit siyang kumakawala, pero unti-unti na siyang nauubusan ng lakas.Mas humigpit ang pagkakahawak nito sa buhok niya—sabay ug!—muli siyang inuntog sa matigas na bagay.“Ngayong alam mo na ang sikreto ko… dapat ka nang mamatay…” malamig na bulong ng boses ng lalaki sa tainga niya.Dinukot nito ang baríl sa bulsa at mariing itinapat sa noo niya.Dahan-dahan nitong pinipindot ang gatilyo.“Tama na!” basag ang boses na sigaw niya.Bigla siyang napabalikwas ng bangon.Nanlalabo ang paningin niya habang pilit hinahabol ang hininga. Mariin siyang napapikit, pilit inaalala kung sino ang lalaki sa panaginip—pero kahit anong isip niya, wala siyang maalala.“A-ano ba ’yon… panaginip ba ’yon? O totoong nangyari?” bulong niya.Bahagya siyang napasandal sa headboard ng kama. “Diyos ko…” lumuluhang bulong niya. “Ano ba itong nangyayari sa buhay ko?”Unti-unti siyang nagmulat ng mata. Marahan niyang pinunasan ang luha at pilit nag-
Sa loob ng isang pribadong silid sa hospital, nakahiga pa rin si Leona at mahimbing ang tulog. Napatingin ang doktor sa kanya nang biglang gumalaw ang daliri niya, parang anumang oras ay magigising na. “Sigurado ba kayo rito?” mahinang tanong ng doktor, halatang kinakabahan. “Ilang oras na lang, baka magising na siya.” Napatingin si Reign sa ina niya. Bahagyang nanginig ang labi niya bago siya sumagot. “Opo, doc. Nakahanda na po ang lahat.” Basag ang boses niya. “Kung mananatili pa dito si Mama… mas lalo lang siyang mapapalapit sa mga taong gumugulo sa isip niya.” Sandaling natahimik ang doktor. “Salamat sa tulong,” mahinang sabi ni William. Bahagyang ngumiti ang doktor. “Wala ’yon. Hindi rin naman ako mapupunta dito kung hindi ako natulungan ng pamilya mo noon.” “Huwag mo nang banggitin ’yon,” sagot ni William. “Nandiyan ka dahil magaling ka.” Hindi na sumagot ang doktor. Tumingin na lang siya kay Leona. Sa labas ng pinto, may isang tauhan ni David na nakasandal sa pader, a
Pagdating sa hospital, agad na isinugod si Leona sa emergency room. Naiwang nakatayo sa labas sina Reign, William, at ang mga pulis. Bukas-sara ang pinto, sunod-sunod ang pasok ng nurse at doctor. Amoy antiseptic ang paligid, pero hindi ’yon ang napapansin ni Reign. Hindi niya maalis sa isip niya ang nangyari. ’Yung pagtulak sa kanya. ’Yung tingin ni Leona. Parang wala siyang halaga. Sa kabilang gilid, nakaupo si David. Nakasandal, naka-cross ang paa, at may bahagyang ngiti sa labi. Para bang wala lang ang lahat. Napatingin si Reign dito. Unti-unting nag-init ang dugo niya. “Hayop ka!” mariing sigaw niya habang papalapit. “Kasalanan mo ang lahat ng ’to!” Napatingin ang ilang tao sa hallway. Pero hindi siya tumigil. “Anong ginawa mo sa mama ko?!” nanginginig ang boses niya sa galit. Bahagyang napailing si David, saka tumayo. Maayos pa rin ang postura, parang hindi apektado. “Ano ka ba, hija…” malumanay niyang sabi, pero may bahid ng pang-aasar. “Mahal na mah
REIGN’S POVBahagya akong natigilan. Seryoso ba siya? Makikipag-date talaga siya kay Cassandra? Napayuko ako at napakagat nang madiin sa ibabang labi. “What are you waiting for?” malamig na tanong ni Michael, nakatingin sa akin na parang nagbabantay. Seryoso talaga siya. Nanginginig ang mga kamay
REIGN’S POV Nagising ako na parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa ulo ko. Napahawak ako sa sentido. Masakit. Pero— Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Parang nanigas ang katawan ko habang naghahalikan sila sa harap ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong pigilan sila. Pero wala akong
REIGN’S POV Napabalikwas ako ng gising nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Tss! Akala ko pa naman tumatawag na si Michael—alarm lang pala. Walang ganang humiga ulit ako sa kama. Pipikit pa lang sana ako nang— “Shit, late na ’ko!” Pasado alas-otso na ng umaga. Napangiwi ako nang maramdama
REIGN’S POV Tinapik ni Daddy ang balikat ko, na para bang kino-comfort ako. “Ano bang problema?” seryosong tanong ni Daddy kay Michael. “Kung dahil lang sa mana—” “Hindi n’yo ako naiintindihan, Dad!” putol ni Michael sa kanya. “Wala akong pakialam sa pamana n’yo. Kaya kong kumita ng pera sa sari







