The Billionaire And Her Hidden Identity

The Billionaire And Her Hidden Identity

last updateLast Updated : 2026-10-01
By:  Midnight GhostOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
18views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Kiera Valmont, She was betrayed by the man she loved. She lost everything because she trusted the man she thought would always stand by her side, pero sa huli, siya rin pala ang magiging dahilan ng pagbagsak niya. Wala siyang kaalam-alam na ang boyfriend niya ay may relasyon sa sarili niyang half-sister. At ang mas masakit? Hindi lang pala pagtataksil ang lahat ng iyon. They were after her wealth. One by one, everything that belonged to her was taken away until she had nothing left. And when she tried to fight back, they made everyone believe that she was insane. She was locked inside a mental hospital despite having nothing wrong with her. But she refused to stay there. She escaped. Wala siyang pera, walang matatakbuhan, at higit sa lahat, wala siyang alam kung sino ang maaari niyang pagkatiwalaan. Hanggang sa isang babae ang nakakita sa kanya habang desperado siyang humihingi ng tulong. Vivian Claire Sebastian, ang babago sa buhay niya. Kailangan nito ng taong magpapanggap bilang siya. Alam ni Kiera na kalokohan yun, ngunit pumayag siya sa isang kasunduan dahil gusto niyang makaligtas. Kailangan niyang magpaggap bilang fiance ng isang lalake. Isang lalaking hindi niya kilala. Zayn Alistair, Isa sa pinakamakapangyarihan, pinakapribado, at pinakaruthless na billionaire sa bansa. Ang tanging alam ni Zayn ay darating ang kanyang fiancée. Ang hindi niya alam, ibang babae ang haharap sa kanya. At habang tumatagal ang kanilang pagsasama, unti-unting nahuhulog si Zayn sa babaeng akala niya ay si Vivian. Akala niya, ang pagpapanggap ay magiging daan para makapagsimula siyang muli. Pero paano kung ang lalaking pinagsinungalingan niya ang siya ring lalaking unang magtuturo sa kanya kung paano muling magmahal? At paano kung matuklasan ni Zayn na ang babaeng kasama niya ay hindi si Vivian?

View More

Chapter 1

Simula - Betrayal

SIMULA

Wala na talagang mapaglagyan ng saya si Kiera nang makatanggap ng mensahe na approved na naman ang isang project niya sa isang malaking kompanya. Ilang segundo niyang tinitigan ang mensahe sa cellphone niya bago napangiti nang malawak.

Para siyang nasa era at talagang nakalutang.

Wala na siyang mahihiling pa.

Everything was finally falling into place.

Sa dami ng pinagdaanan niya bago niya narating ang buhay na mayroon siya ngayon, masasabi niyang sulit ang lahat. Hindi naging madali ang pagbuo niya ng sariling pangalan at negosyo, pero sa bawat tagumpay na natatanggap niya ay lalo siyang naniniwalang tama ang lahat ng pinili niya.

At higit sa lahat, hindi lang career ang meron siya.

May taong minamahal si Kiera.

Si Frey.

Ang boyfriend niyang limang taon na niyang kasama at tumulong sa kanya dahil isang taon na niyang hinahayaan ito na ihandle ang kompanya niya.

At sana lang ay maisip na ng boyfriend niya na mag-propose sa kanya dahil kung magpo-propose na nga ang boyfriend, walang pag-aatubili siyang papayag. Para sa kanya ay perpekto na ang buhay niya.

Minsan nga ay naiisip niya kung kailan kaya nito balak gawin iyon.

Hindi naman niya kailangan ng engrandeng proposal.

Hindi niya kailangan ng mamahaling singsing o isang napakalaking event.

Gusto lang niyang malaman na pareho sila ng direksyong tinatahak.

Gusto niyang makasama si Frey habang-buhay.

Kaya naman nang matapos niya ang trabaho niya nang mas maaga kaysa inaasahan, isang ideya ang pumasok sa isip niya.

Pupuntahan niya si Frey.

Surpresahin niya ito.

She was happy to surprise her boyfriend at his condo.

Hindi niya sinabi rito na pupunta siya. Gusto niyang makita ang reaction nito kapag bigla siyang lumitaw sa harap nito.

Sa isip niya, baka sakaling may surpresa rin itong inihahanda para sa kanya.

Baka sakaling sa araw na iyon ay marinig na niya ang tanong na matagal na niyang hinihintay.

Will you marry me?

Napangiti siya sa sariling isip.

Pero…

Lahat ng sa tingin niya ay perpekto sa buhay niya ay biglang naglaho.

Pagbukas niya ng p***o ng condo, hindi proposal ang sumalubong sa kanya.

Hindi yakap.

Hindi halik.

Hindi ang lalaking mahal niya na masayang sasalubong sa kanya.

Ang bumungad sa kanya ay ang magkapatong na dalawang mahalagang tao sa kanya.

Si Frey na boyfriend niya at pinagkakatiwalaan niya sa lahat…

at ang half sister niyang si Tiffany na tinuring niyang buo niyang kapatid.

Parang biglang tumigil ang mundo ni Kiera.

Hindi siya agad nakagalaw.

Hindi rin siya agad nakapagsalita.

Para bang tumanggi ang utak niyang tanggapin ang nakikita ng mga mata niya.

Pero kahit ilang beses pa niyang ipikit ang mga mata niya, pagdilat niya ay ganoon pa rin ang nasa harapan niya.

Frey.

Tiffany.

Magkasama.

Sa condo nito.

Sa isang sitwasyong hindi na niya kailangang ipaliwanag pa sa sarili niya.

“Kiera—”

“Mga baboy kayo!”

Nadudurog na sigaw ni Kiera at walang pag-aatubiling dumampot ng mga bagay na puwedeng niyang ibato sa dalawa.

Hindi niya na alam kung ano ang una niyang naramdaman.

Galit. Sakit. Pagkamuhi. Pagtataksil.

Lahat ay sabay-sabay na sumabog sa dibdib niya. Ni para na siyang namamanhid bigla at hindi na alam ang gagawin sa nadatnan niya.

Kitang-kita niya ang pagmamadali ng dalawa na magsuot ng mga damit nila, pero hindi natigil si Kiera sa pagdampot ng mga bagay.

Until she held a vase.

Mahigpit niya iyong hinawakan habang nanginginig ang kamay niya.

Hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya.

Gusto niyang saktan ang dalawa.

Gusto niyang wasakin ang lahat.

Gusto niyang alisin sa harapan niya ang dalawang taong ilang minuto lamang ang nakalipas ay kabilang sa pinakamahalagang tao sa buhay niya.

Pero bago pa niya maibato iyon ay nakalapit na si Frey at hinawakan ang kamay niya para pigilan siya.

“Shit! Stop! Papapatayin mo ba kami?! It’s not what you think, Kiera—”

“Pvtang ina, Frey!”

Ibinaba ni Kiera ang vase ngunit nanatili ang galit sa mukha niya.

“I’m a fvcking virgin, but I know what the two of you are doing! Huwag mo akong pagmukhaing tanga! It’s not what I think? Gag0 ka! Paano mo…” Napahikbi si Kiera bago ipagpatuloy ang sasabihin. “Paano mo nagawa sakin to?” Nanghihinang sambit niya.

Halos hindi na niya makita nang maayos ang mukha ng mga ito dahil sa dami ng luha sa mga mata niya.

Hindi niya alam kung bakit kailangan pa nitong magsinungaling.

Ano pa ang ipapaliwanag nito?

Ano pa ang kailangan niyang makita?

Malinaw naman na. Subrang linaw naman na.

Sinubukan ni Kiera na kumawala sa hawak nito, pero mariin siyang hinawakan ni Frey.

“Can you fvcking calm down!”

This time, galit na rin si Frey.

At doon lalo siyang nasaktan.

Hindi ito nagsorry.

Hindi ito nakiusap.

Galit pa ito sa kanya.

“Babe, that’s enough. Nakita na niya, ano pa ba at itatanggi mo?” Iritang sambit naman ni Tiffany na ngayon ay nakadamit na at nakaupo sa kama at naglalagay pa ng hikaw sa tenga niya.

Para bang walang nangyari.

Para bang ordinaryong araw lang iyon.

Para bang hindi nito kakabutas sa puso ng sarili nitong kapatid.

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Kiera ang kapatid niya.

Umaasa siyang makikita rito ang kahit kaunting pagsisisi.

Kahit kaunting hiya.

Kahit isang luha.

Pero sa halip na makonsensya ang kapatid niya ay natawa pa ito.

“Stop looking at me like that.”

Tumayo si Tiffany habang inaayos ang hikaw niya.

“Hindi mo naman masisi ang boyfriend mo na ikama ang ibang babae dahil hindi mo naman magawang ibigay ang sarili mo sa kanya.”

Napasinghap si Kiera. Hindi siya makapaniwala na nakakapagsalita ng ganito ang kapatid niyang college pa lang.

“Stop acting like you are some Maria Clara, Sister.” Natatawang sambit pa nito at saka tuluyang tumayo.

Napasinghab si Kiera habang sobrang daming luha ang lumalabas sa mata niya.

“Tiffany,” mariin na sambit ni Frey.

Pero humakbang na si Kiera at lumapit dito.

She looked at her sister.

Tinitigan niya ang mukha nito.

Ang mukha ng taong minahal niya bilang buo niyang kapatid.

Ang taong ipinagtanggol niya.

Ang taong pinagkatiwalaan niya.

At ngayon, siya rin pala ang taong kayang gumawa nito sa kanya.

Itinaas ni Kiera ang kamay para sampalin ito, but before she could do it ay hinawakan na ni Frey ang kamay niya para pigilan ito.

Napasulyap si Kiera kay Frey.

“You…”

Nanginginig ang labi niya.

“How fvcking dare you. Sa dami ng tao, pvtang ina. Kapatid ko pa?” Sinubukan niyang hilahin ang kamay niya mula rito dahil gusto niyang saktan ang dalawang nasa harapan niya.

“Kailan…” Naputol ang boses niya. “Kailan niyo pa ako niloloko?” She asked at hindi man lang naitago ang pagkawasak ng boses niya.

Napapikit lang si Frey at saka bumuntong hininga.

At ang katahimikang iyon ay sapat nang sagot para kay Kiera para mapagtantong matagal na nila siyang niloloko.

“Magsalita ka, Frey!” Kahit na ganoon ay nasabi pa ni Kiera yun.

Pero si Tiffany na ang nagsalita para sa kanya.

“Isang taon na.”

Nanlaki ang mga mata ni Kiera.

“Isang taon na akong kinakama ng boyfriend mo, Ate.”

Para bang may kumuyom sa puso niya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status