Share

079

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-07-17 21:20:48

SINALUBONG ni Jav ang ina nang makita niya itong lumabas sa library. Niyakap niya ang ina na ikinaigtad ni Honeylet.

"Thanks, Mom. Hindi n'yo po alam kung gaano ako kasaya," masayang pasasalamat ni Jav sa ina nang bumitaw siya sa pagkakayakap dito.

Nakatuon lang ang mga mata ni Elorda sa mag-ina. Hinayaan niya sila at hindi nakisingit sa pinag-uusapan nila. Ayaw niyang magbigay ng dahilan upang muling magalit ang ina ng kanyang asawa. Sapat na ang pagtanggap na nakuha niya mula sa kanila na patitirahin siya sa mansyon kasama ang kanyang mag-ama.

Masamang tinapunan ng tingin ni Honeylet si Elorda na karga ang isa sa kambal. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Muling bumaling siya ng tingin sa anak.

"Hindi ako ang may gusto nun, si Jason ang may gusto. Huwag mong isipin na tinanggap ko na ang asawa mo bilang parte ng pamilyang ito dahil sa pagtira niya sa mansyon. 'Di pa rin magbabago ang impresyon ko sa kanya na hindi ko siya gusto. Si Dindi pa rin ang mamanuganing ko." Walan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rissa Bien
grabe naman ang nanay ni Jav
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Ayyy bad nman ng nanay n jav hwag nlng kayo makitira doon
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   079

    SINALUBONG ni Jav ang ina nang makita niya itong lumabas sa library. Niyakap niya ang ina na ikinaigtad ni Honeylet. "Thanks, Mom. Hindi n'yo po alam kung gaano ako kasaya," masayang pasasalamat ni Jav sa ina nang bumitaw siya sa pagkakayakap dito. Nakatuon lang ang mga mata ni Elorda sa mag-ina. Hinayaan niya sila at hindi nakisingit sa pinag-uusapan nila. Ayaw niyang magbigay ng dahilan upang muling magalit ang ina ng kanyang asawa. Sapat na ang pagtanggap na nakuha niya mula sa kanila na patitirahin siya sa mansyon kasama ang kanyang mag-ama. Masamang tinapunan ng tingin ni Honeylet si Elorda na karga ang isa sa kambal. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Muling bumaling siya ng tingin sa anak. "Hindi ako ang may gusto nun, si Jason ang may gusto. Huwag mong isipin na tinanggap ko na ang asawa mo bilang parte ng pamilyang ito dahil sa pagtira niya sa mansyon. 'Di pa rin magbabago ang impresyon ko sa kanya na hindi ko siya gusto. Si Dindi pa rin ang mamanuganing ko." Walan

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   078

    “OKAY na ang lahat,” sagot ni Jav na punong-puno ng lambing ang boses sa asawa. “Gusto ni Dad na tumira tayo dito sa mansyon.” Napasinghap si Elorda. “Ha?” Parang namali siya ng dinig. Ang akala niya na hindi siya matatanggap ay kabaliktaran pala. Unti-unting nabakas sa kanyang mukha ang tuwa. “Oo. Gusto raw niyang makasama ang kambal. Gusto niya tayong makasama rito, kasama sila Mommy at Daddy. Sabi pa niya, excited na siyang mag-alaga sa mga apo niya." Bakas rin ang tuwa sa mukha ni Jav. Sandaling natigilan si Elorda. Parang hindi totoo ang narinig niya. Mula sa kaba niya kanina noong papunta palang sila sa mansyon, pagkatapos ay hindi pa naging maganda ang reaksyon ng ina ni Jav noong makita siya. Parang sobrang ang hirap i-proseso sa kanyang utak iyon. “Totoo ba?” bulong niya na tila hindi makapaniwala. Tumango si Jav at hinawakan ang kamay niya. “Totoo, mahal ko. Ayaw niya na mapalayo tayo sa kanilq. Ayaw rin niyang lumaking malayo kay Dad ang mga anak natin. Kaya gusto ni

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   077

    HUMINGA muna ng malalim si Jason bago nagsalita.“Honey, hayaan mo muna sila. Kung ito ang buhay na pinili ng anak natin,” saka siya tumingin kay Jav. “I want you and your wife to move here in the mansion. Gusto kong makasama ang mga apo ko. Lalaki pa naman silang dalawa, mga magiging tagapagmana sila ng pamilya Monasterio pagdating ng araw. Dapat lang na kasama ko sila rito sa mansyon." Nahimigan ni Jav ang ama na tila proud pa ito na kambal na lalaki ang unang anak nila ng kanyang asawa. Napasinghap si Honeylet sa sinabi ng asawa. Agad siyang napalingon kay Jason na nanlalaki ang mga mata. “Are you out of your mind, Jason? Gusto mong tumira rito ang hampas-lupang ‘yon? Hindi ko pa nga siya tinatanggap bilang manugang, tapos ngayon... patitirahin mo na siya dito?” Nakasimangot ang mukha niya na nkataas ang kilay pa na giit niya. “Mas maigi pa siguro kung ang kambal na lang ang tumira rito, ‘wag na ang nanay nila.” Napailing si Jason sa pagiging reklamadora ng kanyang asawa.

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   076

    NAPANGITI si Jav. “Yes, Dad. Pero hindi pa po sila puwedeng kumain ng solid food." Lumingon si Jason kay Elorda at kahit sandali, tumama ang mga mata nila. May bahagyang tango siyang ibinigay, na agad namang ginantihan ni Elorda ng magalang na ngiti. Ngunit si Honeylet ay nanatiling tahimik. Minsan ay naglaladlad lang ng ulam sa plato niya, minsan ay pasimpleng sumusulyap kay Elorda. Halatang may bumabagabag pa rin sa damdamin ng ginang. Nilingon ni Jav ang ina. “Mom, tikman mo po ‘tong sinigang. Luto pa naman ‘yan ni manang, paborito mo ‘yan. Hindi po ba? “Hindi pa ako gutom,” matipid na sagot ni Honeylet, saka uminom ng tubig. Muling natahimik ang mesa. Nilingon ni Elorda si Jav, at kahit wala itong sinasabi, ramdam niya ang pag-aalala nito sa mga mata. Hindi niya alam kung kailan pa magiging magaan ang loob ng ina ni Jav sa kanya. Pero para sa pamilya nila at para sa kambal handa siyang maghintay. "I don't like her for you, Jav. Sa itsura palang ng babaeng iyon, mukha na siy

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   075

    "MOM... Dad..." tawag ni Jav sa kanyang mga magulang. Nilapitan niya ang ama na walang reaksyon ang mukha at hinalikan ito sa pisngi, kasunod ang kanyang ina. Nagkakawag si Dos na karga ni Jav. Agad naman itong kinuha ni Elorda sa asawa. Ang tahimik ng mag-asawa na nakatingin kay Elorda at kina kambal. Parang hindi malaman ni Elorda ang iaakto sa harapan ng mga ito dahil sa blankong ekspresyon ng mga mukha nila. Hindi rin niya mahulaan ang iniisip nila dahil sa ngayon palang niya nakaharap ang mga magulang ng asawa. "She's my wife Elorda and my twins son, Uno and Dos," proud na pakilala ni Jav sa kanyang mag-iina. Saka niya binalingan ang asawa. "Mahal ko, parents ko nga pala. Mr. Jason and Mrs. Honeylet Monasterio..." "Good morning po," magalang na bati ni Elorda na yumukod ng kaunti bilang respeto sa mga magulang ng asawa. "Let's go inside..." tanging nasambit ni Honeylet saka tumalikod ito. Ni hindi man gumanti ng bati sa asawa ng kanyang anak. Nagkatinginan sina Elorda at

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   074

    NAKATAYO sa harap ng vanity mirror si Elorda, tahimik na pinagmamasdan ang sarili. Hindi niya alam kung magugustuhan ba ng ina ni Jav ang suot niya o baka masyadong makapal ang make up niya. Ngayon na ang araw na pupunta silang mag-iina sa mansyon. Ipapakilala na sila ni Jav sa kanyang mga magulang. Hindi niya inaasahan na magkakaron ng lakas ng loob ang asawa niya na humarap ang magulang nito na kasama silang mag-iina. Hindi niya maiwasang hindi kabahan. Kahit ilang beses nang sinabi ni Jav na magiging maayos ang lahat ay may bahagi pa rin sa puso niya ang nag-aalangan. Paano kung hindi sila tanggapin? Paano kung matahin siya dahil sa siya mismo? 'Di niya naman ikakaila ang malaking agwat nila ni Jav. Saka, maraming babae ang mas nakakahigit sa kanya. Hinaplos niya ang buhok at inayos ang laylayan ng kanyang bestidang kulay asul. Pilit niyang pinatitibay ang loob. Hindi siya perpekto, pero alam niyang totoo ang pagmamahal niya kay Jav, at higit sa lahat, hindi siya kailanman

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status