Share

290

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2026-01-04 22:49:08

"JAV, kung kailangan mo ang tulong namin. Tawagan mo lang kami ng mommy mo at susunod kami agad sa'yo," bilin ni Jason sa anak.

Pilit na ngumiti si Jav. "I'm okay. Kaya ko po 'yon. Huwag kayong mag-alala sa akin. Saka, kasama ko naman po ang buong team."

"Pero, anak, magpapaiwan ka raw pagkatapos ng business trip mo sa US. Totoo ba 'yon?" tanong ni Honeylet.

Tumango-tang ng ulo si Jav.

"Honey, hayaan mo na muna ang anak mo. Gusto lang niyang mag-enjoy. Alam mo ang pinagdaanan niya. Deserve niya na gawin ang gusto niyang gawin," sabi ni Jason sa asawa.

Napahawak si Honeylet sa braso ng asawa. "Iniisip ko lang wala siyang kasama roon. Sinong mag-aasikaso sa kanya? Malayo ang America para makapunta tayo agad doon..." nag-aalalang sabi niya.

Marahang huminga si Jason bago muling nagsalita. “Anak na natin si Jav, Honey. Matanda na siya. At kung sakaling kailanganin niya tayo, alam mo namang hindi siya magdadalawang-isip na tumawag.”

Sandaling tumahimik si Honeylet. Kita sa mg
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nhen'z Seguera Caj
akala ko hindi nanaman papasukin ni honeylet
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   292

    ANG bilis ng tibok ng puso ni Jav habang nasa loob ng eroplano. Tinawagan siya ng kanyang ina. Pinapauwi siya. Importante raw pero ayaw nilang sabihin sa kanya kung bakit. Agad siyang nagpabook ng flight pauwi ng Pilipinas. Kanina pa siya hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. Nasa tabi siya ng bintana at nakatingin sa mga ulap. Parang gusto na niyang hilahin ang eroplano para makauwi na kaagad sa kanilang mansyon. Habang sa nasa biyahe si Jav, nakahiga na si Elorda. Hindi siya dalawin ng antok. Naiiyak pa rin siya na malamang hindi galit ang magulang ni Jav sa kanya. Tinanggap sila ng mga ito. Hinihintay niya si Jav na dumating. Gusto niyang umasa na uuwi ang asawa para sa kanila. Muli silang mabubuo. Umaga, pinapa-breast ni Elorda ang kanyang bunsong anak, nakaupo sa sopa. Habang sina Dos at Uno ay nakaupo sa sahig, nagkukulay sa kanilang coloring book. "Magmeryrenda muna kayo ng mga bata," sabi ni Honeylet nang makalapit sa mag-iina. Napaangat ang tingin ni Elorda sa biyenang b

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   291

    NAGULAT si Honeylet nang makita ang manugang at mga apo. "Elorda..." mangiyak-ngiyak niyang sambit at napatingin sa mga apo. "Mom, puwede po bang makausap kayo?" Pakiusap ni Elorda sa ginang. "Oo naman. Pumasok kayo." Pinunasan ni Honeylet ang kanyang mga luha at nilapitan si Elorda. "Ito na ba ang apo ko?" Tumango si Elorda bilang sagot. "Puwede ko ba siyang makarga?" Hingi ng permiso na sabi ni Honeylet. Hindi na nagsalita si Elorda at ibinigay si Joy sa biyenang babae. "Pasok na kayo. Tiyak na matutuwa si Jason kapag nakita kayo..." sabi pa ni Honeylet. "Lola..." tawag ni Dos. Napabaling ang tingin ni Honeylet sa kambal. "Ang lalaki na ninyo ni Uno. Babawi si Lola." Wika niya Napangiti ang magkapatid sa sinabi ng ginang. Bahagyang yumakap si Honeylet sa kanila kahit karga pa si Joy, wari’y ayaw pakawalan ang sandaling matagal niyang ipinagdasal. “Pasok na kayo,” ulit niya, masuyo ang tinig. Tahimik na pumasok si Elorda kasama ang mga bata. Pagdating nila sa sala ay suma

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   290

    "JAV, kung kailangan mo ang tulong namin. Tawagan mo lang kami ng mommy mo at susunod kami agad sa'yo," bilin ni Jason sa anak. Pilit na ngumiti si Jav. "I'm okay. Kaya ko po 'yon. Huwag kayong mag-alala sa akin. Saka, kasama ko naman po ang buong team." "Pero, anak, magpapaiwan ka raw pagkatapos ng business trip mo sa US. Totoo ba 'yon?" tanong ni Honeylet. Tumango-tang ng ulo si Jav. "Honey, hayaan mo na muna ang anak mo. Gusto lang niyang mag-enjoy. Alam mo ang pinagdaanan niya. Deserve niya na gawin ang gusto niyang gawin," sabi ni Jason sa asawa. Napahawak si Honeylet sa braso ng asawa. "Iniisip ko lang wala siyang kasama roon. Sinong mag-aasikaso sa kanya? Malayo ang America para makapunta tayo agad doon..." nag-aalalang sabi niya. Marahang huminga si Jason bago muling nagsalita. “Anak na natin si Jav, Honey. Matanda na siya. At kung sakaling kailanganin niya tayo, alam mo namang hindi siya magdadalawang-isip na tumawag.” Sandaling tumahimik si Honeylet. Kita sa mg

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   289

    NAPATITIG sa kawalan si Jav. Hanggang ngayon ay naiwan pa rin ang isip at puso sa San Carlos, kay Elorda at mga anak niya. Isang linggo na mula nang makabalik siya ng Manila. Pilit niyang binubuo ang lahat para sa kanya. Pakiramdam niya nawalan na siya ng buhay. Hindi ka niya kayang magsaya. "Sir Jav, may meeting po kayo after thirty minutes. I will ready the conference room. Papunta na po ang mga board of directors," sabi ni Ann, ang sekretarya niya. Tumango si Jav pero hindi niya agad narinig ang sinabi ng sekretarya. Nakatuon pa rin ang mga mata niya sa bintana ng opisina, tanaw ang magulong takbo ng lungsod, tila sumasalamin sa gulo ng isip niya. “Sir Jav?” muling tawag ni Ann, mas mahinahon. Napakurap siya at bahagyang tumango. “Ah… oo. Salamat, Ann. Ikaw na muna ang bahala.” Pagkaalis ng sekretarya ay napaupo siya nang mas malalim sa kanyang silya. Isang linggo na, pero parang kahapon lang nang iwan niya ang San Carlos. Ang mukha ni Elorda, ang mga mata ng mga anak niya.

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   288

    NAPATIKHIM si Jav nang tuluyan na siyang makatayo sa tapat ng bahay nina Elorda. Saglit siyang huminga nang malalim, pilit pinatatatag ang loob. Ito na siguro ang huling pagkakataon. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at kumatok. Maya-maya’y bumukas iyon at bumungad si Elorda. Natigilan ang babae nang makita siya. May hawak na bulaklak at dalawang supot ng pasalubong. “Jav…” mahinang sambit ni Elorda, halatang hindi inaasahan ang pagdating niya. “Hindi ako magtatagal,” agad niyang sabi, pilit na kalmado ang boses. “Gusto ko lang makita ang mga anak natin bago ako umalis.” Sumilip ang dalawang bata mula sa likuran ni Elorda. Nang makilala si Jav, sabay silang tumakbo palapit. “Daddy!” sigaw ni Uno, mahigpit na niyakap ang kanyang binti. Napayuko si Jav at lumuhod, yakap ang kambal. “May pasalubong ako sa inyo,” aniya sabay abot ng dala niyang supot. “Maging mababait kayo, ha? Makinig kayo kay Mommy.” Nang tumayo si Jav, napansin ni Elorda ang panginginig ng kamay ng asawa na

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   287

    "GOOD morning, Elorda," bati ni Manuel, sabay abot ng bulaklak. "Para saan ang bulaklak, Manuel?" "Wala lang gusto lang kitang bigyan. Masama ba?" Umiling si Elorda. "Hindi naman pero malinaw naman ang sinabi ko na ayoko munang pumasok sa relasyon at ayoko na masaktan kita," diretsong sabi ni Elorda. Ngumiti si Manuel, hindi nabura ang kabaitan sa mga mata niya kahit malinaw ang pagtanggi. “Alam ko,” mahinahon niyang sagot. “Hindi ko naman hinihingi na sagutin mo ako. Gusto ko lang ipaalala na may taong handang umintindi sa’yo, kahit hanggang dito lang muna.” Saglit na natigilan si Elorda. Hindi niya inabot ang bulaklak pero hindi rin niya tuluyang tinanggihan ang lalaki. “Manuel… ayokong magbigay ng kahit anong pag-asa,” mariin niyang sabi. “May mga sugat pa akong inaayos. May pamilya akong iniisip.” Tumango si Manuel. “At nirerespeto ko ‘yon. Hindi ako lalampas sa kung anong kaya mong ibigay.” Bahagya niyang ibinaba ang kamay na may hawak ng bulaklak. “Kaibigan lang. Wala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status