Share

240

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-12-10 20:22:12

LUMABAS nang kotse si Jav. Napaharap siya sa matayog na gusali, ang Javinzi Emterprise. Ang kompanya na dati ay parang extension lang ng sarili niyang mundo. Pero ngayon, pakiramdam niya ay isa na itong lugar na kailangang muli niyang kilalanin. Parang sa loob ng ilang taon ngayon lang ulit siya nakatunton sa kompanyang kanyang minahal t inalagaan.

Huminga siya nang malalim. Hindi niya akalaing babalik pa siya rito pagkatapos ng lahat. Ganoon pa man, naroon na siya. Wala nang atrasan.

Pagtapak niya sa lobby, sabay-sabay na napalingon ang ilang empleyado. May kumindat na pagkilala, may nagtatakang nakataas ang kilay, at mayroon ding halatang nangangapa kung sila nga ba ang iniisip nila.

“Good morning, Sir Jav,” bati ng guard na agad tumppindig nang tuwid.

Tumango lang si Jav. “Morning.”

Habang papunta sa elevator, ramdam niyang sinusundan siya ng mga mata. Pero hindi iyon ang ikinabigat ng dibdib niya, kundi ang mga alaala. Kung paano siya dati nagmamadaling pumasok dito, haw
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ashurii Mante Poli
thanks po.. more updates pa please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   242

    PAGKALABAS nila ng bahay, ramdam ni Jav ang panginginig ng katawan ni Elorda. Hindi niya alam kung dahil sa lamig ng hangin, sa sakit, o sa takot. Pero isang bagay ang sigurado niya, hindi siya pwedeng humina. Pagkabukas pa lang niya ng pinto ng sasakyan, napahawak nang mas mahigpit si Elorda sa leeg niya. “M-Mahal… hindi ko alam kung aabot tayo…” hingal nitong sabi, nanlalambot na ang tuhod. “Aabot tayo,” madiin niyang sagot habang maingat na isinasakay ang asawa sa front seat. “Tingnan mo ako, mahal. Hindi kita pababayaan.” Halos mapatid si Elina at Sicandro sa pagmamadaling sumakay sa likuran. “Bilisan mo na, Jav!” sigaw ni Sicandro, hindi maitago ang kaba sa boses. Mabilis na pinasibad ni Jav ang sasakyan palabas ng garahe. Habang umaandar sila, sunod-sunod ang daing ni Elorda at bawat isa ay parang suntok sa dibdib ni Jav. “Aahh… Jav… ang sakit… Mahal, hindi ko na ata kaya…” Hinawakan agad ni Jav ang kamay niya habang isang kamay ang nasa manibela. “Kaya mo. Naririnig m

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   241

    "HI, mahal ko... kumusta ang unang araw mo sa JE?" tanong ni Elorda kay Jav. Kauuwi lang ng asawa niya at sinalubong niya iyon. Nakangiting napatingin si Jav sa asawa. “Nakakapagod… pero masaya,” sagot ni Jav, humugot muna ng malalim na hinga bago yumakap kay Elorda. “Ibang-iba na ang JE ngayon. Ang daming nagbago. Pero siguro… kaya ko namang sabayan.” Hinaplos ni Elorda ang likod niya, ramdam ang bigat ng araw na dala nito. “Alam kong kakayanin mo. Ikaw pa? Kahit anong bigay nila sa’yo, kaya mong lampasan.” Napangiti si Jav, medyo napapikit pa habang nakasubsob sa balikat ng asawa. “Alam mo, mahal… habang nasa opisina ako kanina, ang iniisip ko lang, maka-uwi agad dito. Miss na miss na kita. Kayo ng mga bata." Napadako ang tingin niya sa maumbok nang tiyan ni Elorda. Napahalakhak nang mahina si Elorda at hinila ang mukha ni Jav para tingnan ito. “Gano’n? First day mo pa lang, nami-miss mo na ako agad? Saka, okay lang kami ng mga anak mo sa bahay." “Siyempre, miss ko na kayo. H

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   240

    LUMABAS nang kotse si Jav. Napaharap siya sa matayog na gusali, ang Javinzi Emterprise. Ang kompanya na dati ay parang extension lang ng sarili niyang mundo. Pero ngayon, pakiramdam niya ay isa na itong lugar na kailangang muli niyang kilalanin. Parang sa loob ng ilang taon ngayon lang ulit siya nakatunton sa kompanyang kanyang minahal t inalagaan. Huminga siya nang malalim. Hindi niya akalaing babalik pa siya rito pagkatapos ng lahat. Ganoon pa man, naroon na siya. Wala nang atrasan. Pagtapak niya sa lobby, sabay-sabay na napalingon ang ilang empleyado. May kumindat na pagkilala, may nagtatakang nakataas ang kilay, at mayroon ding halatang nangangapa kung sila nga ba ang iniisip nila. “Good morning, Sir Jav,” bati ng guard na agad tumppindig nang tuwid. Tumango lang si Jav. “Morning.” Habang papunta sa elevator, ramdam niyang sinusundan siya ng mga mata. Pero hindi iyon ang ikinabigat ng dibdib niya, kundi ang mga alaala. Kung paano siya dati nagmamadaling pumasok dito, haw

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   239

    "GUSTO mo bang magpahatid sa driver, Jav? O gusto mong kunin ang kotse mo?" Natitigilan si Jav sa kanyang narinig. "Puwede na sa akin. Isa pa bumalik ka na sa JE. Mas mainam na ibalik ko sa'yo ang pamamahala ng kompanya..." Kinusot-kusot ni Jav ang kanyang mga mata. Isa pang gumimbal sa kanyang pagkatao. Ang JE, matagal na rin na itong wala sa mga kamay niya. "Sigurado po kayo?" tanong niya na napatingin sa Mommy niya. Tumango si Jason, tila ba matagal niya itong pinag-isipan bago sabihin. “Anak, ibinalik ko na sa’yo ang lahat ng dapat ay sa’yo. Hindi ko na kayang ulitin ang mga pagkakamali ko noon. JE is yours. Ikaw ang dapat namumuno, hindi ako.” Napakurap si Jav, hindi alam kung matatawa ba o maiiyak ulit. “Dad, ang JE po? Sa akin na ulit?” Ngumiti si Jason, isang ngiting hindi niya madalas makita noon. Maluwag at walang pagdududa. “Yes, son. Your name, your vision, your company. Pinanghawakan mo ‘yon kahit kami ang dahilan kung bakit nawala sa’yo. Hindi ko hahayaang manatili

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   238

    HINDI nakapaniwala si Jav sa naging reaksyon ng Mommy at Daddy niya. Ang akala niya ay magagalit ang mga ito sa kanya. Pero kabaliktaran sa inaasahan niya. “Parang panaginip po na makita kayong masaya sa desisyon ko. Hindi ko po ito nakuha noon,” sabi ni Jav na maluha-luha. Natahimik sandali ang Mommy niya, bago dahan-dahang lumapit at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. “Anak. pasensya ka na kung hindi ka namin nabigyan noon ng suporta. Ang dami naming kinakatakutan, ang dami naming maling desisyon. Pero hindi kami tumigil magmahal sa’yo. At ngayon, gusto naming bumawi," mahinahon pero mabigat ang boses nito. Sumunod na lumapit si Jayson, inilagay ang kamay sa balikat ni Jav. “We weren’t the parents you needed back then,” aniya. “But we’re trying. Patawarin mo kami sa ginawa namin sa iyo noon, Jav. At ngayong nakita naming kaya mong tumayo at piliin ang tama para sa pamilya mo." Napanganga si Jav nang bahagya, hindi makapaniwala. “Dad…?” Tumango ang ama niya. “Yes, son. We’

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   237

    NAPATAKIP ng kamay si Elina sa bibig niya, halatang hindi makapaniwala. Unti-unting namasa ang mga mata nito habang nakatingin sa anak. “Elorda…” mahinang tawag niya na nanginginig ang boses. “Anak, matagal ko nang pangarap na maikasal ka nang masaya. Hindi iyong itinatago sa lahat ng tao. Tapos marami pa ang galit sa'yo. Ngayon, parang nabunutan ako ng tinik. Makikita rin ka namin ng Itay mo na ikasal sa simbahan." Lumapit si Elina at agad na niyakap si Elorda, maingat para hindi siya mahirapan dahil sa tiyan. Mahigpit ang yakap, pero puno ng lambing. “Inay…” naiiyak ring wika ni Elorda. “Sobrang happy ko. Hindi ko in-expect na gagawin 'yon si Jav. Hindi ko nga alam kung iiyak ako o tatawa kasi naka-towel ako habang nagpo-propose siya…” Natawa si Elina, umiiyak pa rin. “Kahit nakasapin ka pa ng kumot, anak. Ang mahalaga mahal ka niya. At gusto ka niyang pakasalan nang buo, nang malinis ang hangarin.” Pinunasan ni Elorda ang mata niya. “Sabi pa niya, mahalaga raw na may proper we

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status