Mag-log inChapter 4:
FOUR YEARS LATER…. Sa loob ng isang malaking shopping mall sa City, isang napakagandang babae ang agad na nakatawag ng pansin ng lahat. Maputi ang kanyang balat na tila porselana. Mahaba at makinis ang kanyang buhok. Nakapatong sa kanyang ulo ang isang malaking pares ng sunglasses. May matangos siyang ilong at mapupulang labi. Suot niya ang isang fitted T-shirt, beige trousers, at isang pares ng flats na bumagay sa kaniyang simple ngunit eleganteng ayos. Ngunit kahit propesyonal na modelo ay kaniyang mahihigitan sa elegante niyang paglalakad. May itinutulak siyang shopping cart. Nakaupo roon ang isang maliit na batang lalaki. Suot nito ang pulang cap, basketball jersey, denim overalls, at puting sneakers, na lalong nagpatingkad sa cute at sporty nitong itsura. Bagama't natatakpan ng sumbrero ang malaking bahagi ng mukha nito, makikita pa rin ang mapupula nitong labi at guwapong panga. “Mommy, tama na po itong pinamili natin. Sobrang dami na po.” Napangiti si Audrey habang tumingin sa bata. “Wala ka na bang gustong idagdag anak?” Nang itingala ng bata ang kanyang ulo, napalingon ang maraming tao. “Wow, ang guwapo naman ng batang iyan. Ang cute pa ng nunal niya sa ibabaw ng kaniyang bibig at may dimples pa.” sabi ng isa sa mga mamili na nakasabay nila. “Oo nga, kaya lang medyo maputla ang balat niya.” Tiningnan at nginitian na lamang ni Audrey ang mga ito saka tumingin sa anak. “Kung wala ka nang ibang gusto, pumunta na tayo sa counter para makauwi na tayo.” “Okay na po ako sa mga binili natin, Mommy.” Akmang itulak na ni Audrey ang cart nang may narinig siyang tumawag sa kaniyang pangalan mula sa kanilang likuran. “Aud—! Hintay!” Si Brianna Nicolas—ang best friend ni Audrey ang tumawag. Napatingin ang ilang namimili pero agad ding bumalik sa kanilang ginagawa. Bago pa man maka-react si Audrey, naunahan na siya ng kaniyang anak. “Nangnang!” masiglang bati ni Matthew. Mabilis na lumapit si Brianna at niyakap nang mahigpit si Audrey. Mula high school ay naging matalik na silang magkaibigan. Kahit apat na taon silang hindi nagkita dahil nanirahan si Audrey sa ibang bansa, palagi naman silang nagvi-video call. Matapos nilang magkayakapan, agad namang niyakap ni Brianna si Matthew. “Nangnang… I can't breathe.” Napatawa si Brianna at binitawan ang bata. Pero hindi pa rin niya maalis ang tingin sa guwapong bata. “Aud, ang ganda talaga ng genes mo.” nanggigil pang hinawakan ang pisngi nito. “Pwede bang reserve ko na si Matt bilang future boyfriend ko?” “Sira! Alam mo tigil tigilan mo nga iyang pagbabasa mo ng mga forbidden love online. Kung anu-ano na pumapasok d'yan sa utak mo.” “Puwede ba ngani…” “Tumigil ka nga!” umirap si Audrey, pero kalaunan'y natawa din. “Bata pa ang anak ko para sa topic na iyan, Bri.” “Oo na. Naguwapuhan lang naman ako, tapos napaka-honest pa.” Sabay kabig ng buhok at ipinatong sa tainga. “Sira ka talaga…” Nagkunwaring nagtampo si Brianna. “Hmp! Ang unfair n'yo talagang mag-ina.” Umiling si Audrey at tinapik ang balikat ng kaibigan. “Hay naku…hindi ka pa din nagbabago. Matampuhin ka pa din.” “Paanong ‘di magtatampo… hindi mo man lang ako sinabihan na uuwi na pala kayo. Edi sana nasundo ko kayo sa Airport.” Kumunot-noo si Audrey. “Sorry na… biglaan kasi ang uwi namin.” Bumuntonghininga ito. “O siya, pagkatapos natin dito, kumain tayo sa labas… don't worry, treat ko.” Ngumiti at tumango si Audrey bilang tugon. **** Sa isang Exclusive fine dining restaurant pumasok sina Brianna at Audrey kasama ang anak nito. Ngunit sinalubong sila ng waiter. “Good evening, Ma'am, Pasensya na po. Naka-reserve ang buong restaurant ngayong gabi.” Napasimangot si Brianna. “What? Ang yaman naman ng taong iyon para ipasara ang buong restaurant.” Ngumiti si Audrey. “Bri… its okay. Humanap na lang tayong ibang makakainan.” Ngunit hindi pa rin napigilan ni Brianna ang pagrereklamo. “Pero…” “Its okay, lumabas na lang tayo. Baka ipakaladkad pa tayo sa guwardiya kapag nagpumilit tayo.” “Tsk.” Walamg nagawa si Brianna kundi sumunod sa kundi sumunod sa suhistyon ng kaibigan. NANG tuluyang makalabas ng restaurant, nagpaalam si Brianna sa mag-ina. “Aud, hintayin n'yo na lang ako dito. Kukunin ko lang ang sasakyan.” Tumango si Audrey bilang tugon. Habang naghihintay sila sa likod ng isang malaking haliging marmol, biglang tumunog ang selpon ni Audrey. Lumayo siya nang kaunti upang sagutin iyon. Samantala, habang sumandal si Matthew sa haligi at tahimik na nagmamasid sa paligid. Bigla niyang nakita ang isang matangkad at malamig na lalaki na lumabas sa umiikot na pintuan ng restaurant. Suot nito ang mahabang itim na amerikana. Perpektong nakabagay ang pantalon nito sa mahahaba nitong binti. Maayos ang maikli nitong itim na buhok. Napakaguwapo ng kanyang mukha, na parang inukit ng isang mahusay na iskultor. Matalim ang kanyang mga mata. Malamig ang kanyang ekspresyon. At mula pa lamang sa kanyang tindig, dama na ang likas niyang awtoridad na nagbibigay-galang at takot sa sinumang makakita sa kanya. Hindi napigilan ni Matthew na mapangiti. “Ang cool at guwapo naman ng uncle na iyon. Pero... mas guwapo pa rin ako nang kaunti." Mabilis na naglalakad ang lalaki, habang may isang magandang dalagang sunod nang sunod sa kanya. Bahagyang nakakunot ang noo ng malamig na lalaki, at wala man lang itong balak huminto upang hintayin ang dalaga. Mukhang kaawa-awa ang babaeng pilit na humahabol sa kanya. “Kuya Kenji, alam kong mali ang ginawa kong pagpapanggap na utos iyon ng kapatid mo para lang maipareserba ang restaurant at maimbitahan ka rito. Pero malapit na akong mag-aral sa ibang bansa. Hindi mo ba ako puwedeng samahan kahit isang hapunan man lang?” Nakanguso ang dalaga habang namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Ngunit nanatiling walang emosyon ang lalaki. “I don't make it a habit na makipagkainan sa mga babae.” Kahit umiiyak na ang dalaga, hindi man lang ito lumingon. Diretso lamang siyang naglakad. “I like you!” Malakas na sigaw ng dalaga sa likuran nito. Napahinto naman ang maraming tao sa harap ng hotel upang panoorin ang eksena. Samantala katatapos lamang ni Audrey sa kanyang tawag sa telepono nang mapalingon din siya. Ang nakita lamang niya ay ang umiiyak na babae at ang likuran ng lalaking nakasuot ng mahabang amerikana na napakaganda ng tindig. Nang akmang aalis na siya ng tingin, narinig niya ang malamig at mayabang na tinig ng lalaki. “I'm not interested.” Malinaw at walang pag-aalinlangang sabi nito. Hindi napigilan ni Audrey na tingnan pa nang ilang sandali ang likuran ng lalaki. Perpektong bumagay sa kanyang matangkad at balingkinitang katawan ang itim nitong coat. Napakalakas ng kanyang aura na maging ang mga babaeng balak sana siyang kuhanan ng litrato ay hindi naglakas-loob lumapit. “Aud, ano'ng tinitingnan mo?" Tanong ni Brianna, na kararating lamang sakay ng kotse. Paglingon muli ni Audrey, wala na ang lalaki. Napailing siya at bahagyang napangiti. “N…Nothing.” Bago sumakay sa sasakyan, biglang lumingon si Matthew kay Audrey. “Mommy, nakita mo ba iyong cool na uncle kanina?”Chapter 4: FOUR YEARS LATER…. Sa loob ng isang malaking shopping mall sa City, isang napakagandang babae ang agad na nakatawag ng pansin ng lahat. Maputi ang kanyang balat na tila porselana. Mahaba at makinis ang kanyang buhok. Nakapatong sa kanyang ulo ang isang malaking pares ng sunglasses. May matangos siyang ilong at mapupulang labi. Suot niya ang isang fitted T-shirt, beige trousers, at isang pares ng flats na bumagay sa kaniyang simple ngunit eleganteng ayos. Ngunit kahit propesyonal na modelo ay kaniyang mahihigitan sa elegante niyang paglalakad. May itinutulak siyang shopping cart. Nakaupo roon ang isang maliit na batang lalaki. Suot nito ang pulang cap, basketball jersey, denim overalls, at puting sneakers, na lalong nagpatingkad sa cute at sporty nitong itsura. Bagama't natatakpan ng sumbrero ang malaking bahagi ng mukha nito, makikita pa rin ang mapupula nitong labi at guwapong panga. “Mommy, tama na po itong pinamili natin. Sobrang dami na po.” Napangiti si Audre
Chapter 3:MATAPOS ang mainit na kumprontasyon, maghapong nagkulong sa kaniyang silid si Audrey. Umiiyak siya habang paulit-ulit na sinasabunan ang sarili. Nang magsawa ay isinubsob niya ang kaniyang ulo sa unan at doon muling Ibinuhos ang lahat. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog siya sa buong hapon na pag-iyak. Maghahating gabi na nang magising si Audrey. Pakiramdam niya ay lumiliyab ang kaniya balat. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan, kaya kahit masakit ang kaniyang buong katawan, bumangon siya upang kumuha ng tubig sa ibaba. Habang naglalakad sa pasilyo, napansin niyang bukas ang ilaw sa master bedroom Nang palapit na siya sa naturang silid, aksidente niyang narinig ang usapan ng ama at madrasta sa loob. “Mahal, hindi ka ba natatakot na malaman ni Audrey…na kasabwat tayo sa plano ni Sam? Nagsumbong sa akin ang mga katulong, sinampal at inakusahan niya si Sam kanina.” “Umabot nga sa akin ang balitang iyan. Pero hangga't hindi umaamin ang anak mo…hindi niya malalaman na
CHAPTER 2:KINABUKASAN, napakunot-noo si Audrey ng bahagyang tumama ang sikat ng araw na tumagos mula sa maliit na siwang ng kulang asul na kurtina. Nang akma na sana siyang bumangon, naramdaman niyang may mabigat na nakadagan sa kaniyang baywang. Napadako ang kaniyang tingin doon, nanlaki ang kaniyang mga mata ng makitang kamay iyon ng isang lalaki.Nakayakap ito sa kaniya mula sa likuran. Mahimbing itong natutulog habang magkadikit ang kanilang katawan. Natuod siya sa kaniyang hinihigaan. Isa-isang bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa nagdaang gabi.Mahigpit s'yang napahawak sa kanyang bibig, hindi makapaniwala, at pilit pinoproseso ang mga nangyari.Makalipas ang ilang sandali, dahan-dahan niyang inalis ang braso ng lalaki sa kanyang baywang, marahang bumangon, at isa-isang pinulot ang nagkalat niyang damit saka isinuot iyon at nagmamadaling tumakas. Hindi na niya nagawang lingunin pa ang lalaki at wala siyang balak makilala ito. Nang maisara ang pinto, dahan-dahang nagmu
Chapter 1:Sa isang luxury hotel sa BGC idinaraos ni Audrey Cayetano ang kaniya ika-18 birthday, kasama ang ilang kaibigan pati na rin ang anak ng kaniyang madrasta na si Samantha Delos Reyes o kilala bilang Sam.Noong una'y, masaya ang lahat ngunit di nagtagal ay nakaramdam ng pagkahilo si Audrey, na agad namang inalalayan ni Sam.“Oh, my gosh, what happened?” nag-aalalang tanong nito, sabay hawak sa braso niya.“Nahihilo ako.”“Nasobrahan ka siguro sa pag-inom. Hindi porket nasa tamang edad ka, eh aabuso ka na. Ang mabuti pa magpahinga ka na muna sa kuwarto sa itaas.”Tumango si Audrey, sabay pikit ng kaniyang mga mata.Ngunit ang hindi alam ni Audrey, lihim na napangiti si Sam habang siya'y inalalayan.---Sa loob ng isang executive suite sa naturang hotel, nakahandusay sa malambot na karpet si Audrey. Nakalatag ang mahaba niyang maitim na buhok na bahagyang tumatakip sa kanyang mukha.Lumapit si Sam na nakatayo sa likuran ng nakahadusay na dalaga, yumuko, at marahas na itinabi ang







