LOGINSa gabi ng kaniyang ika-18 kaarawan, gumuho ang buong mundo ni Audrey Cayetano. Sa likod ng engrandeng selebrasyon, lihim siyang nilason ng anak ng kaniyang madrasta, at ipinain sa isang planong sisira sa kaniyang pangalan. Ngunit sa pagtakas niya, hindi niya inaasahang mapupunta siya sa silid ng isang misteryosong lalaki… isang pagkakamaling magbabago sa kaniyang kapalaran magpakailanman. Kinabukasan, natuklasan niya ang mas masakit na katotohanan—ang kaniyang ama, ang taong pinaniwalaan niyang kakampi niya, ay isa palang traydor na matagal nang ninanakaw ang lahat mula sa kaniyang pamilya. Tinapon, pinahiya, at iniwan… pinili ni Audrey na mawala. Ngunit makalipas ang apat na taon, muli siyang bumalik—hindi na bilang mahina at inosenteng dalaga, kundi bilang isang babaeng handang bawiin ang lahat. Kasama ang kaniyang anak… at ang lihim na maaaring magpabagsak sa lahat ng sumira sa kaniya. Ngunit paano kung ang misteryosong lalaking minsang tumulong sa kaniya… ay ang parehong taong muli niyang makakaharap? At ang taong makakatulong sa kaniyang anak? Sa laban ng pag-ibig, kapangyarihan, paghihiganti at pag-asa—sino ang tunay na magwawagi?
View MoreChapter 4: FOUR YEARS LATER…. Sa loob ng isang malaking shopping mall sa City, isang napakagandang babae ang agad na nakatawag ng pansin ng lahat. Maputi ang kanyang balat na tila porselana. Mahaba at makinis ang kanyang buhok. Nakapatong sa kanyang ulo ang isang malaking pares ng sunglasses. May matangos siyang ilong at mapupulang labi. Suot niya ang isang fitted T-shirt, beige trousers, at isang pares ng flats na bumagay sa kaniyang simple ngunit eleganteng ayos. Ngunit kahit propesyonal na modelo ay kaniyang mahihigitan sa elegante niyang paglalakad. May itinutulak siyang shopping cart. Nakaupo roon ang isang maliit na batang lalaki. Suot nito ang pulang cap, basketball jersey, denim overalls, at puting sneakers, na lalong nagpatingkad sa cute at sporty nitong itsura. Bagama't natatakpan ng sumbrero ang malaking bahagi ng mukha nito, makikita pa rin ang mapupula nitong labi at guwapong panga. “Mommy, tama na po itong pinamili natin. Sobrang dami na po.” Napangiti si Audre
Chapter 3:MATAPOS ang mainit na kumprontasyon, maghapong nagkulong sa kaniyang silid si Audrey. Umiiyak siya habang paulit-ulit na sinasabunan ang sarili. Nang magsawa ay isinubsob niya ang kaniyang ulo sa unan at doon muling Ibinuhos ang lahat. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog siya sa buong hapon na pag-iyak. Maghahating gabi na nang magising si Audrey. Pakiramdam niya ay lumiliyab ang kaniya balat. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan, kaya kahit masakit ang kaniyang buong katawan, bumangon siya upang kumuha ng tubig sa ibaba. Habang naglalakad sa pasilyo, napansin niyang bukas ang ilaw sa master bedroom Nang palapit na siya sa naturang silid, aksidente niyang narinig ang usapan ng ama at madrasta sa loob. “Mahal, hindi ka ba natatakot na malaman ni Audrey…na kasabwat tayo sa plano ni Sam? Nagsumbong sa akin ang mga katulong, sinampal at inakusahan niya si Sam kanina.” “Umabot nga sa akin ang balitang iyan. Pero hangga't hindi umaamin ang anak mo…hindi niya malalaman na
CHAPTER 2:KINABUKASAN, napakunot-noo si Audrey ng bahagyang tumama ang sikat ng araw na tumagos mula sa maliit na siwang ng kulang asul na kurtina. Nang akma na sana siyang bumangon, naramdaman niyang may mabigat na nakadagan sa kaniyang baywang. Napadako ang kaniyang tingin doon, nanlaki ang kaniyang mga mata ng makitang kamay iyon ng isang lalaki.Nakayakap ito sa kaniya mula sa likuran. Mahimbing itong natutulog habang magkadikit ang kanilang katawan. Natuod siya sa kaniyang hinihigaan. Isa-isang bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa nagdaang gabi.Mahigpit s'yang napahawak sa kanyang bibig, hindi makapaniwala, at pilit pinoproseso ang mga nangyari.Makalipas ang ilang sandali, dahan-dahan niyang inalis ang braso ng lalaki sa kanyang baywang, marahang bumangon, at isa-isang pinulot ang nagkalat niyang damit saka isinuot iyon at nagmamadaling tumakas. Hindi na niya nagawang lingunin pa ang lalaki at wala siyang balak makilala ito. Nang maisara ang pinto, dahan-dahang nagmu
Chapter 1:Sa isang luxury hotel sa BGC idinaraos ni Audrey Cayetano ang kaniya ika-18 birthday, kasama ang ilang kaibigan pati na rin ang anak ng kaniyang madrasta na si Samantha Delos Reyes o kilala bilang Sam.Noong una'y, masaya ang lahat ngunit di nagtagal ay nakaramdam ng pagkahilo si Audrey, na agad namang inalalayan ni Sam.“Oh, my gosh, what happened?” nag-aalalang tanong nito, sabay hawak sa braso niya.“Nahihilo ako.”“Nasobrahan ka siguro sa pag-inom. Hindi porket nasa tamang edad ka, eh aabuso ka na. Ang mabuti pa magpahinga ka na muna sa kuwarto sa itaas.”Tumango si Audrey, sabay pikit ng kaniyang mga mata.Ngunit ang hindi alam ni Audrey, lihim na napangiti si Sam habang siya'y inalalayan.---Sa loob ng isang executive suite sa naturang hotel, nakahandusay sa malambot na karpet si Audrey. Nakalatag ang mahaba niyang maitim na buhok na bahagyang tumatakip sa kanyang mukha.Lumapit si Sam na nakatayo sa likuran ng nakahadusay na dalaga, yumuko, at marahas na itinabi ang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews