Share

Chapter 3

Author: Xielyne J.
last update publish date: 2026-07-14 22:54:46

Chapter 3:

MATAPOS ang mainit na kumprontasyon, maghapong nagkulong sa kaniyang silid si Audrey. Umiiyak siya habang paulit-ulit na sinasabunan ang sarili. Nang magsawa ay isinubsob niya ang kaniyang ulo sa unan at doon muling Ibinuhos ang lahat. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog siya sa buong hapon na pag-iyak.

Maghahating gabi na nang magising si Audrey. Pakiramdam niya ay lumiliyab ang kaniya balat. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan, kaya kahit masakit ang kaniyang buong katawan, bumangon siya upang kumuha ng tubig sa ibaba.

Habang naglalakad sa pasilyo, napansin niyang bukas ang ilaw sa master bedroom

Nang palapit na siya sa naturang silid, aksidente niyang narinig ang usapan ng ama at madrasta sa loob.

“Mahal, hindi ka ba natatakot na malaman ni Audrey…na kasabwat tayo sa plano ni Sam? Nagsumbong sa akin ang mga katulong, sinampal at inakusahan niya si Sam kanina.”

“Umabot nga sa akin ang balitang iyan. Pero hangga't hindi umaamin ang anak mo…hindi niya malalaman na kasabwat tayo. Hayaan mo lang siyang maniwala na kampi tayo sa kaniya.”

“Sabagay, maganda nga siya, pero isa s'yang uto-uto! At saka siguradong hindi niya naiisip na tunay mo ring anak si Sam, hindi ba?” tugon ng babae.

“At lalong hindi niya alam na bago mo pa pinakasalan ang kanyang ina, matagal na tayong magkarelasyon. Pinakasalan mo lang ang kaniyang ina dahil sa kayamanan ng pamilya ng kanyang lolo.” dagdag pa nito.

“Tama ka. Katulad lamang siya ng baliw niyang ina—napakadaling utuin. Simula pagkabata, pinalaki ko siyang parang prinsesa kaya kailanman ay hindi siya magdududa. At kahit malaman pa niya ang totoo, ano naman ang magagawa niya?” saglit itong tumigil bago nagpatuloy.

“Nailipat ko na sa pangalan ko ang lahat ng ari-arian ng matanda. Bagama't hindi natuloy ang orihinal nating plano kagabi, at hindi natin nalaman kung sinong lalaki ang nakasama niya, wala na ring saysay iyon. Sira na ang pangalan ni Audrey. At natitiyak akong hindi na siya tatanggapin ng pamilya Sala para maging asawa ng nag-iisang tagapagmana ng Sala Corporation.”

Habang nakatayo sa labas ng p***o, nanginginig si Audrey. Pati ang kaniyang mga labi ay bahagyang nanginginig.

Hindi siya makapaniwala sa mga narinig, tila nanigas ang kanyang buong katawan.

Dati, kabilang sa apat na pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa ang pamilya ng kanyang lolo sa ina. Ngunit matapos mamatay sa aksidente ang kanyang tiyuhin at pumanaw naman ang kanyang lolo dahil sa atake sa puso, unti-unting bumagsak ang kanilang angkan.

Nagmana ang kanyang ina ng malaking shares sa kumpanya at ilang ari-arian, ngunit dahil wala itong talento sa negosyo at dumaranas pa ng depresyon, ang kaniya ama ang humawak ng lahat ng pamamahala sa kumpanya.

Kalaunan, naghiwalay ang kanyang mga magulang. Nagpunta sa ibang bansa ang kanyang ina upang magpagamot at magpagaling, habang si Samuel ang nagpatuloy sa pamamahala ng kompanya.

Ngunit palihim pala nitong inilipat sa sarili niyang pangalan ang lahat ng ari-arian nila.

Mula nang lumala ang kondisyon ng kaniyang ina, ang kaniyang ama na ang tanging kinagisnan niyang magulang. Lumaki siyang nakukuha ang lahat ng kaniyang gusto at laging pinapaburan ng ama. Kaya spoiled at medyo mapagmataas siya.

Naalala niya na kahit pinapahiya at kinakalaban niya ang madrasta, Kailanman ay hindi siya pinagalitan ng ama. Akala niya, mahal na mahal siya nito.

Hindi niya kailanman naisip na pinakasalan lamang ng kanyang ama ang kanyang ina dahil sa kayamanan ng kanyang lolo.

Hindi rin niya inakalang si Sam pala ay anak ng kaniyang ama. Ang amang matagal niyang minahal at iginalang… ...isa palang anay na unti-unting sumisira sa pundasyong pinaghirapang itayo ng kaniyang lolo.

Para lamang maihanda ang daan para kay Sam, nagawa nitong sirain ang sarili din nitong anak. O baka… hindi siya nito tunay na anak. Napailing siya habang pilit nilulunok ang kirot na bumabalot sa kaniyang dibdib. Hindi na niya alam kung alin ang mas masakit—ang pagtataksil ng nobyo o ang katotohanang mismong ama niya ang sumira sa kaniyang buhay.

Hindi na siya tumuloy sa ibaba. Tahimik siyang bumalik sa kanyang silid at muling isinubsob ang mukha sa unan. Hindi nagtagal, nabasa iyon ng kanyang mga luha.

Sa gabing iyon, may kung anong tuluyang namatay sa puso ni Audrey. Ang pagmamahal niya sa amang minsan niyang hinangaan ay napalitan ng matinding poot.

****

MAKALIPAS ANG DALAWANG BUWAN...

Sa loob ng isang marangyang function hall ng hotel na napapalamutian ng naggagandahang mga bulaklak at kumikislap na mga ilaw, ipinagdiriwang nina Sam at Kieffer Sala ang isa sa pinakamahalagang araw ng kanilang buhay. Sa harap ng kanilang mga pamilya, kaibigan, at mga mahal sa buhay, nagpasya silang pagtibayin ang kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng banal na kasal.

Habang nagpapalitan ng vows at singsing ang dalawa… malamig na ngumiti si Audrey.

“Tsk. Kasura.”

Pagkatapos ng seremonya, lumabas siya ng bulwagan. Ngunit agad siyang sinundan ni Sam, suot ang matataas nitong takong.

Pinagmasdan nito ang napakagandang mukha ni Audrey, at nawala na ang dating maamong anyo nito.

Puno ng panunuya ang ngiti nito bago nagsalita.

“Hey, Audrey, saan ka pupunta?” pigil niya. “Alam mo, matagal kong hinintay ang araw na 'to. Ang sarap palang makita kang bumagsak at mawalan ng lahat.”

Bahagya siyang tumawa bago sumulyap kay Kieffer, na abala sa pakikipag-usap sa mga bisita.

“Matagal na kitang gustong alisin sa landas ko. At ngayon, nakuha ko na ang lahat ng gusto ko—pati si Kieffer. From now on, I'm the young madam of the Sala family.”

Napangisi siya.

“Hindi ba sabi mo noon, pabigat lang ako? Tingnan mo ako ngayon. Mas maganda na ang buhay ko kaysa sa'yo. Hawak na ni Daddy ang kumpanyang iniwan ng lolo mo, at kasal na kami ni Kieff.”

Lumapit pa siya nang bahagya.

“Ayaw mo sa akin? Fine. Ayaw ko rin naman sa ‘yo. Kung hindi lang gusto ni Daddy na mapangasawa ko si Kieffer, matagal ka na niyang ipinadala sa States. Pero ngayon, wala ka nang lugar dito. Umalis ka na, hanapin at magsama kayo ng mamang mong baliw.”

Napatiim-bagang si Audrey at napakunot ang kaniyang noo.

“Wala kang karapatang tawaging baliw ang mama ko!” Itinaas niya ang kaniyang kamay upang sampalin si Sam.

Ngunit bago pa niya ito magawa, biglang dumating si Kieffer at marahas siyang itinulak.

“Don't you ever lay your hands on her again! She's my wife now! Aud, sa susunod na pagbubuhatan mo pa siya ng kamay … hindi na kita palalagpasin.”

Ibinaling ng lalaki ang mga mata kay Sam, “Nasaktan ka ba?”

Iling lang ang naging tugon ng asawa.

“Tara na, bumalik na tayo sa loob.”

Tahimik na pinanood ni Audrey habang inaakay ni Kieffer si Sam pabalik sa loob ng hotel. Hindi man lang ito lumingon sa kaniya kahit isang beses. Unti-unting nanlabo ang kaniyang paningin. Biglang kumirot ang kaniyang sikmura at napahawak siya sa kaniyang bibig. Sa sumunod na sandali, tuluyan siyang naduwal.

“Gosh! Anong nangyayari?” mahina niyang bulong. Luminga-linga siya sa paligid, nang masiguradong walang nakakita, agad niyang tinahak ang labas at nagtungo sa parking area kung saan nakaparada ang kaniyang sasakyan.

*****

“CONGRATULATIONS, you're pregnant.”

Nanlaki ang mga mata at nagpagting ang kaniyang mga tainga nang marinig ang sinabi ng doktor.

“P-Po?”

“I said, you're pregnant,” pag-uulit ng doktor habang tinitingnan ang lab. results hawak nito.

“No… that's impossible.”

“I'm sorry to say… but iyan ang lumabas sa laboratory result mo.”

Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Makalipas ang ilang minuto, mahina siyang nagsalita.

“Dok… hindi ko puwedeng ituloy ‘to.”

Kakaabot pa lamang niya sa tamang edad.

Paano niya palalakihin ang sanggol sa kaniyang sinapupunan?

“Are you sure…?”

“Yes, Dok.” Mabilis niyang sagot.

Ibinaba ng doktor ang hawak at deretso siyang tinitigan sa kaniyang mga mata.

“To be honest... if you choose to terminate this pregnancy, there's a possibility that you may never be able to have children in the future.”

Nanlaki ang kaniyang mga mata sa narinig. Biglang nanlamig ang buo niyang katawan, at tila nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Hindi niya namalayang napahigpit ang kapit niya sa laylayan ng kaniyang damit habang unti-unting pumapatak ang mga luha.

“A-Ano po?” halos pabulong niyang tanong, nanginginig ang boses.

Napayuko siya, saka marahang ipinatong ang isang kamay sa kaniyang tiyan. Kanina lamang ay buo na ang loob niyang tapusin ang pagbubuntis, ngunit ngayon ay unti-unting nabasag ang desisyong iyon.

“Paano kung ito na lang ang magiging pagkakataon kong maging ina?”

Napapikit siya nang mariin. Hindi na niya alam kung alin ang mas matimbang—ang sakit na dinadala niya o ang posibilidad na hindi na siya kailanman magkakaanak.

Muli niyang hinaplos ang kaniyang tiyan. Wala pa man siyang nararamdamang galaw, ngunit sa unang pagkakataon, naisip niyang may isang munting buhay na umaasa sa kaniya.

"Pwede... pwede ko po bang pag-isipan muna?" mahina niyang sambit, halatang nagdadalawang-isip na sa desisyong kanina lang ay sigurado na siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • FROM STRANGER TO DADDY: THE BILLIONAIRE'S LITTLE MIRACLE    Chapter 4

    Chapter 4: FOUR YEARS LATER…. Sa loob ng isang malaking shopping mall sa City, isang napakagandang babae ang agad na nakatawag ng pansin ng lahat. Maputi ang kanyang balat na tila porselana. Mahaba at makinis ang kanyang buhok. Nakapatong sa kanyang ulo ang isang malaking pares ng sunglasses. May matangos siyang ilong at mapupulang labi. Suot niya ang isang fitted T-shirt, beige trousers, at isang pares ng flats na bumagay sa kaniyang simple ngunit eleganteng ayos. Ngunit kahit propesyonal na modelo ay kaniyang mahihigitan sa elegante niyang paglalakad. May itinutulak siyang shopping cart. Nakaupo roon ang isang maliit na batang lalaki. Suot nito ang pulang cap, basketball jersey, denim overalls, at puting sneakers, na lalong nagpatingkad sa cute at sporty nitong itsura. Bagama't natatakpan ng sumbrero ang malaking bahagi ng mukha nito, makikita pa rin ang mapupula nitong labi at guwapong panga. “Mommy, tama na po itong pinamili natin. Sobrang dami na po.” Napangiti si Audre

  • FROM STRANGER TO DADDY: THE BILLIONAIRE'S LITTLE MIRACLE    Chapter 3

    Chapter 3:MATAPOS ang mainit na kumprontasyon, maghapong nagkulong sa kaniyang silid si Audrey. Umiiyak siya habang paulit-ulit na sinasabunan ang sarili. Nang magsawa ay isinubsob niya ang kaniyang ulo sa unan at doon muling Ibinuhos ang lahat. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog siya sa buong hapon na pag-iyak. Maghahating gabi na nang magising si Audrey. Pakiramdam niya ay lumiliyab ang kaniya balat. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan, kaya kahit masakit ang kaniyang buong katawan, bumangon siya upang kumuha ng tubig sa ibaba. Habang naglalakad sa pasilyo, napansin niyang bukas ang ilaw sa master bedroom Nang palapit na siya sa naturang silid, aksidente niyang narinig ang usapan ng ama at madrasta sa loob. “Mahal, hindi ka ba natatakot na malaman ni Audrey…na kasabwat tayo sa plano ni Sam? Nagsumbong sa akin ang mga katulong, sinampal at inakusahan niya si Sam kanina.” “Umabot nga sa akin ang balitang iyan. Pero hangga't hindi umaamin ang anak mo…hindi niya malalaman na

  • FROM STRANGER TO DADDY: THE BILLIONAIRE'S LITTLE MIRACLE    Chapter 2

    CHAPTER 2:KINABUKASAN, napakunot-noo si Audrey ng bahagyang tumama ang sikat ng araw na tumagos mula sa maliit na siwang ng kulang asul na kurtina. Nang akma na sana siyang bumangon, naramdaman niyang may mabigat na nakadagan sa kaniyang baywang. Napadako ang kaniyang tingin doon, nanlaki ang kaniyang mga mata ng makitang kamay iyon ng isang lalaki.Nakayakap ito sa kaniya mula sa likuran. Mahimbing itong natutulog habang magkadikit ang kanilang katawan. Natuod siya sa kaniyang hinihigaan. Isa-isang bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa nagdaang gabi.Mahigpit s'yang napahawak sa kanyang bibig, hindi makapaniwala, at pilit pinoproseso ang mga nangyari.Makalipas ang ilang sandali, dahan-dahan niyang inalis ang braso ng lalaki sa kanyang baywang, marahang bumangon, at isa-isang pinulot ang nagkalat niyang damit saka isinuot iyon at nagmamadaling tumakas. Hindi na niya nagawang lingunin pa ang lalaki at wala siyang balak makilala ito. Nang maisara ang pinto, dahan-dahang nagmu

  • FROM STRANGER TO DADDY: THE BILLIONAIRE'S LITTLE MIRACLE    Chapter 1

    Chapter 1:Sa isang luxury hotel sa BGC idinaraos ni Audrey Cayetano ang kaniya ika-18 birthday, kasama ang ilang kaibigan pati na rin ang anak ng kaniyang madrasta na si Samantha Delos Reyes o kilala bilang Sam.Noong una'y, masaya ang lahat ngunit di nagtagal ay nakaramdam ng pagkahilo si Audrey, na agad namang inalalayan ni Sam.“Oh, my gosh, what happened?” nag-aalalang tanong nito, sabay hawak sa braso niya.“Nahihilo ako.”“Nasobrahan ka siguro sa pag-inom. Hindi porket nasa tamang edad ka, eh aabuso ka na. Ang mabuti pa magpahinga ka na muna sa kuwarto sa itaas.”Tumango si Audrey, sabay pikit ng kaniyang mga mata.Ngunit ang hindi alam ni Audrey, lihim na napangiti si Sam habang siya'y inalalayan.---Sa loob ng isang executive suite sa naturang hotel, nakahandusay sa malambot na karpet si Audrey. Nakalatag ang mahaba niyang maitim na buhok na bahagyang tumatakip sa kanyang mukha.Lumapit si Sam na nakatayo sa likuran ng nakahadusay na dalaga, yumuko, at marahas na itinabi ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status