Share

Chapter 2

Author: Xielyne J.
last update publish date: 2026-07-14 22:54:41

CHAPTER 2:

KINABUKASAN, napakunot-noo si Audrey ng bahagyang tumama ang sikat ng araw na tumagos mula sa maliit na siwang ng kulang asul na kurtina. Nang akma na sana siyang bumangon, naramdaman niyang may mabigat na nakadagan sa kaniyang baywang.

Napadako ang kaniyang tingin doon, nanlaki ang kaniyang mga mata ng makitang kamay iyon ng isang lalaki.

Nakayakap ito sa kaniya mula sa likuran. Mahimbing itong natutulog habang magkadikit ang kanilang katawan.

Natuod siya sa kaniyang hinihigaan.

Isa-isang bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa nagdaang gabi.

Mahigpit s'yang napahawak sa kanyang bibig, hindi makapaniwala, at pilit pinoproseso ang mga nangyari.

Makalipas ang ilang sandali, dahan-dahan niyang inalis ang braso ng lalaki sa kanyang baywang, marahang bumangon, at isa-isang pinulot ang nagkalat niyang damit saka isinuot iyon at nagmamadaling tumakas. Hindi na niya nagawang lingunin pa ang lalaki at wala siyang balak makilala ito.

Nang maisara ang p***o, dahan-dahang nagmulat ng mga mata ang lalaki. Iginala ang paningin at nakita niyang wala naroon ang dalaga.

Bumalikwas siya ng bangon. Nang itinaas niya ang kanyang kamay at nakita ang isang forget-me-not flower earrings na naiwan nito.

*****

Samantala nang tuluyang makalabas si Audrey sa naturang hotel, agad siyang pumara at sumakay ng taxi.

Matapos sabihin ang address, ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana. Habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas, pilit niyang pinipigilan ang pagluha.

Sa tuwing maaalala niya ang nangyari kagabi, tila nanlalamig ang kanyang buong katawan. Kagabi ang araw na akala niya makukuha niya ang mga bagay na nararapat sa kaniya. Ngunit nagkakamali siya. Hindi niya inakalang gagamitin ni Sam ang pagkakataon upang sirain siya.

She gritted her teeth, at nandilim ang kanyang mga mata sa matinding galit. Napakuyom siya ng kaniyang kamao, saka marahang napahampas sa upuan.

“Humanda ka sa akin, Samantha.” angil niya sa kaniyang isipan.

****

NANG makarating sa harap ng gate ng kanilang mansyon, nagbayad siya ng kaniyang pamasahe bago bumaba at naglakad papasok.

Ngunit hindi pa man siya tuluyang makapasok sa entrada ng mansyon, rinig niya ang malakas na tawanan mula sa loob. Agad niyang nakilala ang boses na iyon.

“Ano ka ba Kuya Kieffer, bakit mo sa ‘kin binigay ang Diamond Solitaire Necklace? I'm not your fiancé! Kapag nalaman ni Audrey na ibinigay mo sa akin ‘to, sigurado akong babalatan niya ako nang buhay!” may takot ang boses na ani Sam.

“Don't worry. I won't let her do anything to you.”

Napailing si Audrey mula sa kaniyang kinatatayuan, habang pinapanood ang mga ito. Siguro kung iba ang makakita, iisipin ng mga ito na magkasintahan ang dalawa.

Noon pa man, magkaibigan na ang lolo sa ina ni Audrey at ang lolo sa ama ni Kieffer Sala, kaya matagal nang napagkasunduan ng dalawang pamilya na ipagkasundo ang kanilang mga apo.

Nang lumaki na si Audrey, dalawang taon siyang niligawan ni Kieffer, bago niya ito tuluyang sinagot nitong nakalipas lang na buwan. Masaya si Kieffer nang sa wakas ay sagutin niya ito. Pero ngayon, nakita niyang ‘di hamak na mas natutuwa ito habang sinusukat ang kuwentas sa leeg ng babaeng kinamumuhian niya.

Humakbang siya papasok pero tila hindi nakaramdam ang dalawa sa kaniyang presensya.

“Bagay ba sa akin?”

Hindi na nagawang sumagot ni Kieffer nang marinig ang yabag ng takong mula sa kanilang likuran.

Napalingon ito sa kaniya, pati na rin si Sam. Hindi maipinta sa mga mukha ng mga ito ang gulat. Ngunut sa huli ay nakangiti si Kieffer habang pinagmamasdan ang magandang mukha ni Audrey. Subalit unti-unti iyong napawi nang mapansin ang malamig nitong titig.

Bago magkinse anyos, isa nang hinahangaang teen model si Audrey na laman ng iba't ibang magazine at tv commercial. Hindi maikakailang namumukod-tangi ang kaniyang kagandahan, dahilan upang awtomatikong sa kaniya mapunta ang atensyon ni Kieffer.

Nakaramdam naman ng inggit si Sam nang nawala ang atensyon ng lalaki sa kaniya at nailipat ang lahat kay Audrey.

Bahagya siyang naglinis ng lalamunan bago nagsalita.

“Aud, you're here…. By the way, saan ka ba nagpunta kagabi? Pumunta lang ako sa banyo, at pagbalik ko hindi na kita nakita. At saka, bakit ngayon ka lang?....” saglit itong tumigil, tila kinilatis ang kabuuan niya. “Wait…ano iyang nassa leeg mo? Is that hic—?”

Hindi pa man natatapos ni Sam ang sinasabi ay mabilis nang lumapit si Kieffer kay Audrey.

Nang mapansin ang mapupulang marka sa kaniyang leeg, biglang naningkit ang mga mata nito.

“Audrey… what on earth did you do last night?” galit nitong tanong.

“Tsk.” Tinitigan niya si Kieffer. Nangilid ang kanyang mga luha habang nanginginig ang labi.

“Bakit hindi mo tanungin si Sam? Siya ang dahilan kung bakit ako nagkaroon nito!” nanginginig sa galit niya habang ibinabaling ang tingin sa katabi ng nobyo.

“N-No, huwag kang maniwala sa kaniya. Wala akong ginawang masama—”

“No need to explain your side,” pigil ni Kieffer. “I know you're innocent.”

Naniniwala s'yang inosente si Sam, at wala itong kakayahan na magplano ng masama laban sa nobya.

“She's lying —!”

“Enough! I'm not stupid, Audrey, para hindi makilala kung ano iyang nasa leeg mo. Huh! First, I admire you, kung paano mo pahalagahan ang puri mo… but turn's out…” sabay sulyap sa kaniyang leeg, saka umiling. “You're easy to ge—”

“How dare you!”

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Kieffer sa oras na iyon.

Nanginginig sa galit si Audrey. Itinaas niya ang kanyang mukha at buong yabang na tinitigan si Kieffer. Hindi niya akalaing bumaba ang tingin nito sa kaniya. Nasaan na ang lalaking minsang buong pusong nanligaw at rumespeto sa kanya?

Ang lalaking halos sambahin siya at gustong ilagay siya sa tuktok ng kanyang mga palad?

Kagabi, siya ang tunay na biktima.

Siya ang pinagtulungan at nilagay sa panganib ni Sam.

Ngunit sa halip na paniwalaan, siya pa ang siniraan ng lalaking nagsasabing mahal siya. Ito ba ang tinatawag nitong pagmamahal?

“Kif, like I said. Pinlano ni Sam ang lahat kagabi. Hindi ka ba naniniwala sa akin? At mas kakampihan mo ang babaeng iyan?!”

“Where's your evidence?”

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Habang hinihimas nito ang namumulang pisngi.

Hindi siya nakasagot, sa halip ay umiwas pa ng tingin.

“See? Wala kang maipakitang katibayan. Dahil gawa-gawa mo lang iyan para idiin ang kapatid mo! You know what—they’re right, nasa loob ang kulo mo!”

Noon, labis na iginagalang ni Kieffer si Audrey. Ngunit ngayong nalaman niyang may nangyari rito kasama ang ibang lalaki, tila naglaho ang lahat ng paghanga at paggalang na dati niyang nararamdaman.

Doon, napagtanto ni Audrey na kahit anong paliwanag ang gawin niya, hindi siya paniniwalaan ng nobyo.

Sarkastiko siyang napatawa, sabay tingin kay Sam na mabilis namang nagtago sa likuran ni Kieffer, tila takot na takot.

Sa huli, nagpakawala nang malalim na buntonghininga si Audrey.

“Then…let's end the engagement. Wala na ring saysay ang kasalang magaganap.”

Gulat na napatingin si Kieffer. Hindi niya lubos maisip na ganoon kadali kay Audrey na putulin ang kanilang relasyon.

“What do you mean by that?!”

Sa halip na sagutin, lumapit si Audrey kay Sam. Sa isang iglap, isang malakas na sampal ang kaniyang iginawad sa babae.

“You—!”

Sunod-sunod na sampal pa ang sumunod dahilan para halos mawalan ng balanse si Sam. Bago tuluyang bumagsak, nahapit ito palapit ni Kieffer.

“Audrey!” singhal ni Kieffer dahilan para matigilan siya.

Maga at namumula ang maputing mukha ng babae. May dugo pang dumaloy mula sa gilid ng labi nito.

Nakakaawa ang itsura nito, ngunit hindi ito nangahas na gumanti.

“My face… it hurts. Wala naman akong ginagawang masama, bakit mo ako ginaganito, Aud?” Tumingin ito kay Kieffer, tila nagpapaawa.

Tiningnan ng lalaki at hinaplos pa ng marahan ang namamagang mukha nito bago tumingin kay Audrey.

Hindi tuloy maiwasan ni Kieffer na mandiri rito nang maalala ang nangyari kagabi.

“You slut!” galit na sigaw niya bago marahas na itinulak ang nobya. Dahil mataas ang suot nitong takong, nawalan siya ng balanse at bumagsak. “Ikaw na nga itong may kasalanan, ikaw pa ang may ganang magalit at manakit.”

Malakas na tumama ang kanyang ibabang likod sa gilid ng mesa. Sa tindi ng sakit, kusang tumulo ang kanyang mga luha.

Samantala, habang nakasandal sa dibdib ni Kieffer, palihim namang tinaasan ng kilay ni Sam si Audrey. At isang mapanukso at matagumpay na ngiti ang bumakas sa labi nito.

“Let's go, gamutin natin ang pisngi mo.” sabay talikod at inalalayan ni Kieffer si Sam papunta sa kusina.

Mas lalo pang nanikip ang dibdib ni Audrey sa nakita. Imbes na siya ang aluin ng nobyo, pinili nitong kampihan ang babaeng sumira sa kanyang dignidad.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • FROM STRANGER TO DADDY: THE BILLIONAIRE'S LITTLE MIRACLE    Chapter 4

    Chapter 4: FOUR YEARS LATER…. Sa loob ng isang malaking shopping mall sa City, isang napakagandang babae ang agad na nakatawag ng pansin ng lahat. Maputi ang kanyang balat na tila porselana. Mahaba at makinis ang kanyang buhok. Nakapatong sa kanyang ulo ang isang malaking pares ng sunglasses. May matangos siyang ilong at mapupulang labi. Suot niya ang isang fitted T-shirt, beige trousers, at isang pares ng flats na bumagay sa kaniyang simple ngunit eleganteng ayos. Ngunit kahit propesyonal na modelo ay kaniyang mahihigitan sa elegante niyang paglalakad. May itinutulak siyang shopping cart. Nakaupo roon ang isang maliit na batang lalaki. Suot nito ang pulang cap, basketball jersey, denim overalls, at puting sneakers, na lalong nagpatingkad sa cute at sporty nitong itsura. Bagama't natatakpan ng sumbrero ang malaking bahagi ng mukha nito, makikita pa rin ang mapupula nitong labi at guwapong panga. “Mommy, tama na po itong pinamili natin. Sobrang dami na po.” Napangiti si Audre

  • FROM STRANGER TO DADDY: THE BILLIONAIRE'S LITTLE MIRACLE    Chapter 3

    Chapter 3:MATAPOS ang mainit na kumprontasyon, maghapong nagkulong sa kaniyang silid si Audrey. Umiiyak siya habang paulit-ulit na sinasabunan ang sarili. Nang magsawa ay isinubsob niya ang kaniyang ulo sa unan at doon muling Ibinuhos ang lahat. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog siya sa buong hapon na pag-iyak. Maghahating gabi na nang magising si Audrey. Pakiramdam niya ay lumiliyab ang kaniya balat. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan, kaya kahit masakit ang kaniyang buong katawan, bumangon siya upang kumuha ng tubig sa ibaba. Habang naglalakad sa pasilyo, napansin niyang bukas ang ilaw sa master bedroom Nang palapit na siya sa naturang silid, aksidente niyang narinig ang usapan ng ama at madrasta sa loob. “Mahal, hindi ka ba natatakot na malaman ni Audrey…na kasabwat tayo sa plano ni Sam? Nagsumbong sa akin ang mga katulong, sinampal at inakusahan niya si Sam kanina.” “Umabot nga sa akin ang balitang iyan. Pero hangga't hindi umaamin ang anak mo…hindi niya malalaman na

  • FROM STRANGER TO DADDY: THE BILLIONAIRE'S LITTLE MIRACLE    Chapter 2

    CHAPTER 2:KINABUKASAN, napakunot-noo si Audrey ng bahagyang tumama ang sikat ng araw na tumagos mula sa maliit na siwang ng kulang asul na kurtina. Nang akma na sana siyang bumangon, naramdaman niyang may mabigat na nakadagan sa kaniyang baywang. Napadako ang kaniyang tingin doon, nanlaki ang kaniyang mga mata ng makitang kamay iyon ng isang lalaki.Nakayakap ito sa kaniya mula sa likuran. Mahimbing itong natutulog habang magkadikit ang kanilang katawan. Natuod siya sa kaniyang hinihigaan. Isa-isang bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa nagdaang gabi.Mahigpit s'yang napahawak sa kanyang bibig, hindi makapaniwala, at pilit pinoproseso ang mga nangyari.Makalipas ang ilang sandali, dahan-dahan niyang inalis ang braso ng lalaki sa kanyang baywang, marahang bumangon, at isa-isang pinulot ang nagkalat niyang damit saka isinuot iyon at nagmamadaling tumakas. Hindi na niya nagawang lingunin pa ang lalaki at wala siyang balak makilala ito. Nang maisara ang pinto, dahan-dahang nagmu

  • FROM STRANGER TO DADDY: THE BILLIONAIRE'S LITTLE MIRACLE    Chapter 1

    Chapter 1:Sa isang luxury hotel sa BGC idinaraos ni Audrey Cayetano ang kaniya ika-18 birthday, kasama ang ilang kaibigan pati na rin ang anak ng kaniyang madrasta na si Samantha Delos Reyes o kilala bilang Sam.Noong una'y, masaya ang lahat ngunit di nagtagal ay nakaramdam ng pagkahilo si Audrey, na agad namang inalalayan ni Sam.“Oh, my gosh, what happened?” nag-aalalang tanong nito, sabay hawak sa braso niya.“Nahihilo ako.”“Nasobrahan ka siguro sa pag-inom. Hindi porket nasa tamang edad ka, eh aabuso ka na. Ang mabuti pa magpahinga ka na muna sa kuwarto sa itaas.”Tumango si Audrey, sabay pikit ng kaniyang mga mata.Ngunit ang hindi alam ni Audrey, lihim na napangiti si Sam habang siya'y inalalayan.---Sa loob ng isang executive suite sa naturang hotel, nakahandusay sa malambot na karpet si Audrey. Nakalatag ang mahaba niyang maitim na buhok na bahagyang tumatakip sa kanyang mukha.Lumapit si Sam na nakatayo sa likuran ng nakahadusay na dalaga, yumuko, at marahas na itinabi ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status