Good Evening. Maagang update dahil sa mga comment niyong nakakataba ng puso.🫶
“Greig!”Pagkatapos na hablutin ang cellphone ay pwersahan naman siyang itinayo ni Greig.“Let me go!”“Ysabela?”Narinig ni Alhaj na tila nagkakagulo sa kabilang linya. Umahon ang kaba sa kaniyang dibdib at naisip na baka saktan ni Greig si Ysabela.“Ysa—”“Hmmm.” Then there’s a muffled sound.Kumunot ang noo ni Alhaj.“Ysabela!” Sigaw niya.D*mn. I have to save her.“You want this, huh?” Narinig niya ang boses ni Greig.Kasabay ng pagkapunit ng damit.Another muffled sound. Parang may gustong magsalita pero pinipigilan lamang.“G-greig, t-tama na.”Tumayo si Alhaj sa kaniyang kinauupuan, medyo sumakit ang gilid ng kaniyang tiyan at dibdib dahil sa biglaang pagtayo. Ang g*g*ng Greig na iyon, nang umalis sila ni Ysabela ay naiwan ang ilang tauhan nito para ipabugbog siya.“Akin ka lang, naiintindihan mo?”Nagtagis ang kaniyang bagang nang marinig ang paos na boses ni Greig sa kabilang linya.“No one could have you.”Kumuyom ang kaniyang kamay.Nasa panganib nga ang buhay ni Ysabela.N
Saka niya lang naisip na simula nang alukin niya ito ng hiwalayan, ngayon na lang ulit pumayag si Ysabela na may mangyari sa kanila.At iyon ay para tuldukan na ang lahat sa kanila.F*ck. I knew it, she’s also into that m*th*rf*ck*r! Panghuhusga ng kaniyang isip.Tumalikod siya't dali-daling umalis.Umuwi siya para tingnan ang kalagayan ni Ysabela at gusto niyang magpahinga dahil sa nangyari ngayong araw.Marami siyang hinabol na meeting, nakalimutan na niyang maglunch para lang magawa ang lahat ng trabaho ngayon.Umuwi siya para makausap si Ysabela. Gusto niya lang maayos ang lahat, sabihin sa babae na magsimula ulit sila, pero ngayon na ito naman ang bumibitaw sa kaniya parang hindi niya kayang tanggapin.Natulala si Ysabela nang mawala na si Greig, hindi niya alam ang mararamdaman. Saglit siyang tumayo pero nahilo din agad.Dahan-dahan siyang bumalik sa pagkakaupo at pinakiramdaman ang sarili.Nang maramdaman ang pag-akyat ng asido sa kaniyang lalamunan, dali-dali siyang tumakbo pa
“G*g* ka ba?” Parang nagpantig ang tainga ni Greig at nakalimutan na maloko minsan si Patrick. Sinubukan niyang tumayo pero nauna na si Archie. Inawat siya’t agad na ibinalik sa upuan. “Stop making st*p*d jokes like that, Pat.” Awat ni Archie. Alam niyang lasing na si Greig dahil pangalawang bote na niya ito ng alak. Masyado pa naman matapang ang ini-order nito kaya ngayon ay ganito na lang ang reaksyon. Humalakhak si Patrick. “G*g*.” Kumento niya. Inabot niya ang baso saka uminom na rin. “Ikaw ang g*g*!” Balik ni Greig. Ngumisi lang siya sa kaibigan. Medyo natutuwa na ganito na ang reaksyon ni Greig. Samantalang dati ay nasasakyan pa nito ang mga biro niyang pag-agaw kay Ysabela. “Kung ayaw mo naman palang mapunta siya sa iba, ba’t pumapayag kang hiwalayan ka?” Hamon niya. “T*ng*na mo, Roa.” Si Greig sa malamig na boses. “Tingin mo gusto ko rin na hiwalayan ako ni Ysabela?” Saglit na natahimik ang buong silid sa sinabi ng lalaki. Nakangiting sumimsim si Patrick sa inumin,
Pagod na pinagmasdan ni Ysabela ang kaniyang telepono. Hindi siya magpapaapekto, tama lang ang kaniyang desisyon. Si Natasha dapat ang tawagan ni Patrick para alagaan si Greig kung nagpakalasing man ito.Ngunit hindi niya pa rin kaya, ginulo niya ang kaniyang buhok at bumalik sa kama.Hindi siya aalis, papanindigan niya ang desisyon.Tapos na, hindi na dapat sila gumawa ng anumang bagay na muling magdudulot ng komplikadong sitwasyon.Pinakinggan niya ang mahinang tibok ng kaniyang puso. Malungkot siyang ngumiti sa sarili at saka pumikit.D*mn, if you could only teach your heart to choose wisely.Dapat pala ang pinili niya, iyong mahal siya, hindi ‘yong siya lang ang nagmamahal. Hindi na sana siya ngayon nahahati at nagdurusa dahil sa pagdalaw ng kaniyang konsensya.“What a life.”Nang mag-ring muli ang kaniyang cellphone, napabangon siya.Iniisip niyang si Patrick iyon, pero nang makita ang pangalang nakalagay sa screen, medyo nawala ang matinding kaba sa kaniyang dibdib.“Sabby!” Sig
“Alhaj is just helping, Von. Don’t sound like you’re making some malicious conclusion again.”Nagtaas ng kilay si Yvonne. Sumimsim ito sa inorder na iced coffee.“Dinala ka sa Palawan. Ilang araw kayo doon?”“Dalawa.” Sagot niya.“Tapos hinanap ka ni Greig. Halos ipahalughog ang bawat sulok ng Manila para lang mahanap ka.” Nagkibit-balikat ito.“That makes sense. Kaya pala muntik nang mabaliw.”Kumunot ang kaniyang noo. Tumuwid siya ng pagkakaupo at tiningnan ng mariin ang babae.Nakita niya ang saglit na pagpanic sa mukha nito nang titigan niya ito ng mariin.“Teka nga, nasa Bohol ka nang mga araw na iyon. Kababalik mo palang hindi ba? Bakit parang sa tono ng pananalita mo parang may alam ka.”Muli itong uminom. Ikiniling nito bahagya ang ulo at nag-iwas ng tingin.“It’s a small world, Ysabela.” Sagot nito.Ngunit hindi siya kumbinsido, may kutob siyang may itinatago si Yvonne.“And obviously, he’d go mad. Iniwan mo ba naman para sumama kay Alhaj.” Dagdag ni Yvonne.“Wait. I’m alread
“I’m with the driver, Von. Hindi mo na ako kailangan ihatid.” Tumayo siya at sumunod naman si Yvonne. Hinalikan niya ito sa pisngi at nagpaalam na. Ngumiti lang sa kaniya ang babae. Naglakad siya paalis ng cafe, malayo palang ay natanaw na niya ang driver na bumaba ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto. “Tumawag si Lora, Ma’am. Nakauwi na raw si Sir Greig.” Balita nito sa kaniya. Binuksan niya ang cellphone, walang mensahe o tawag. Hindi na siya inabisuhan ni Patrick. Nagkarera ang kaniyang dibdib. “Umuwi na tayo, Manong.” Aniya. Naniwala siya kay Patrick nang sabihin nito na nawalan ng malay si Greig dahil sa kalasingan. Naniwala din siyang dumudugo ang sugat nito. Nag-alala siya, pero ibinaon niya ang pag-aalala sa pinakailalim ng kaniyang puso. Kung nakauwi na si Greig, ibigsabihin ay maayos na ito, hindi ba? Pero mas lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang matanaw na niya ang malaking gate ng villa ni Greig. Gusto na niyang bumaba at tingnan kung ano ang kalaga
Tulala si Ysabela nang makapasok sa kaniyang kuwarto. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kama at naupo.Mapait siyang ngumiti kasabay ng pagkahilog ng kaniyang mga luha. Kahit anong pagkukunwari, may epekto pa rin talaga si Greig sa kaniya.Kahit Anong pilit niyang magkunwari na matapang at matatag, kapag mag-isa nalang siya, ramdam niya ang matinding sakit sa kaniyang dibdib.Muli ay pinunasan niya ang mga luha.Stop crying will you?Patuloy sa pagbuhos ang kaniyang mga luha at patuloy naman ang kaniyang pagpunas. Nilulunok niya ang mga hikbing gustong kumawala.Kailangan niyang maging matatag sa desisyong ito. Hindi pwedeng ngayon pa lang ay panghinaan na siya.Tinakpan niya ang bibig nang mas lumakas ang kaniyang pag-iyak.Why are you crying? Reklamo niya.Why am I even crying?Ngayon niya napagtanto na hindi pala talaga madaling ibaon nalang sa limut ang nararamdaman niya.Humiga siya sa kama at hinayaan na ang kaniyang sarili na iyakan ang mga bagay-bagay.Bakit hindi?Paano
Ibinaba ni Natasha ang kaniyang kubyertos. Bumaling siya ng tingin kay Greig. “I have an appointment with Dra. Menso, k-kung hindi ka pupunta ngayong umaga sa trabaho, baka pwede mo ‘kong samahan.” Malumanay nitong saad. Ysabela uncomfortably shifted on her seat. Nakatutok ang kaniyang tingin sa pagkain at ayaw sanang pansinin si Greig at Natasha pero masyadong sensitibo ang kaniyang pandinig. “Where’s Ada?” “I’m scared, Greig. It’s just an appointment, titingnan lang ni Dra. Menso ang kalagayan ko. Please, come with me.” May pagmamakaawa nitong sabi. “I cannot come with you, Nat. Ysabela and I have something to do.” Napaangat siya ng tingin dahil sa sinabi ni Greig. Si Natasha ang una niyang nakita, nakakunot ang noo nito at may dumaang sakit sa mga mata nito. Unti-unti niyang nilingon si Greig, nakatingin ito sa kaniya at tila hinihintay lamang na tapunan niya ito ng tingin. “Come on, Nat. Let’s go, ako na ang maghahatid sa iyo kay Dra. Menso.” Ani Patrick. Nagbaba
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan
Napahinga na lamang ng malalim si Patrick, alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Archie. Hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil magiging sinsitibo lamang ito pagpinag-usapan na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng kaibigan, alam niyang nagsisisi ito ng husto sa nangyari noon kay Yvonne. Sinisisi pa rin nito ang sarili hanggang ngayon. Lalo pa at hindi lamang isang tao ang nawala sa buhay nito nang mangyari ang insidente noon. Nagdadalang-tao si Yvonne. Sabay na nawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Dahil sa kagagawan niya. Kaya siguro ganito na lamang si Archie kung umakto. Maybe he’s thinking that he could also experience Greig’s luck. Maybe he's considering the idea that Yvonne is alive and the child also was able to survive. Sa kanilang tatlo, si Greig ang pinakamaswerte sa lahat. Kung kailan akala nila ay wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang buhay nito ay saka naman aksidenteng natagpuan ni
“What’s wrong with you?” Ibinaba ni Patrick ang dala-dalang chart at tinitigan ng matiim si Archie. Hindi nito napansin na nakalapit na siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Sa malayo pa lang ay natanaw na niya si Archie. Sa laki ng katawan nito ay agad na mapapansin ang lalaki, lalo pa't mag-isa lamang ito sa mahabang upuan at nakatulala sa kawalan. Kung hindi niya kilala ang lalaki ay baka naisip na niyang wala na ito sa katinuan. Nang marinig nito ang kaniyang boses ay agad na tumayo si Archie at hinarap siya. Umawang ang bibig nito, ngunit halatang hindi alam ang sasabihin sa kaniya, kaya nagsalubong naman ang kaniyang kilay. He looks confused and f*ck*d. What happened? Bulong ng kaniyang isip habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa ah?” Sita niya sa kaibigan. Itinikom ni Archie ang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Mahigit tatlong oras na ito sa may bench, naghihintay na mapadaan siya sa koridor para makapag-usap sila.
"I don't want to cause trouble—" "Then, don't do this." Putol agad sa kaniya ng babae. Nakita niyang nagtagis ang bagang nito bago matalim siyang tiningnan. "Don't trouble us. And if it's not too much, please, don't make a scene. I don't know you, and I don't even know why you want to take me when obviously I don't know you! May batang naghihintay sa amin. Kaya kung ayaw mo naman pala ng mangugulo, then let us go." Lumingon ito kay Rizzo at humawak sa braso. Hinila nito ang lalaki at tuluyan na naglakad. Walang siyang nagawa nang lagpasan na lamang siya ng babae at ni Rizzo pagkatapos niyang matulala dahil sa mga sinabi nito. Nanigas ang kaniyang katawan sa gulat at pagtataka. Hindi niya inaasahan na ganoon siya kakausapin ng babae. Oo at kamukhang-kamukha ng babae iyon si Yvonne, ngunit sa pananalita at kilos ay ibang-iba ito. This woman is fearless. She's cold and straight forward. She isn't afraid of anything. She's not afraid of me. Isip niya. Kung si Yvonne, alam niya
There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.
Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting
Naiwan siyang nakatulala nang umalis si Lindsy.Ang sugat na matagal nang nakakubli ay tila inalisan ng harang. Nalantad iyon ay humapdi dahil sa mga matatalim na salita ng babae. Ngayon niya napagtanto na mas malalim pala ang sugat kumpara sa kaniyang iniisip. O baka mas lumalim iyon dahil hinayaan niyang nakakubli?Maybe she was right. Bulong niya.Maybe I've been so guilty for the past years that I no longer care about money. It means nothing to me. Humugot siya ng malalim na hininga at nang mapuno ng hangin ang kaniyang baga ay sumikip naman ang kaniyang dibdib.Noon pa man, alam na niya na nagkakaroon lamang ng halaga ang pera kapag nagagamit niya iyon sa may kabuluhang bagay.Kagaya na lamang nang magpagawa siya ng mausoleum.Milyones ang inilabas niyang pera para lamang maging maganda ang libingan ni Yvonne. Binayaran niya rin ang ilang pulitiko at mambabatas para lamang mabigyan siya ng legal na permiso na hukayin ang labi ng babae at ilipat iyon sa mausoleum na kaniyang pina