Parang lumubog ang puso ni Gretchen. Seryoso na talaga ang babae na iwanan ang lahat sa kanilang pamilya. Malungkot siyang ngumiti at marahan na tumango. “I will try to convince him too, Ysabela.” Pangako niya. Iyon na lamang ang magagawa niya para sa babae. May pakiramdam siyang hinding-hindi papayag ang kaniyang ama na pakawalan si Ysabela. Lalo pa’t maselan ang kalusugan nito. Nag-aalala siya sa maaaring maging reaksyon kaniyang ama pero kung buo na ang loob ni Ysabela, kailangan niyang tulungan ito. Gagawin niya ang makakaya para lang maayos na ang gulong ito. “Thank you for everything, Tita.” Buong pusong saad ni Ysabela. Hindi na niya napigilan. Napapikit siya’t niyapos ito, saka naman tumulo ang kaniyang mga luha. Pinunasan niya iyon bago lumayo kay Ysabela. “You’re so brave, Ysa. Thank you for putting up with Greig, for all the things you did for Papa… and for saving me.” Umalis si Gretchen at sa wakas ay napag-isa si Ysabela sa dating kuwarto. Kinuha niya ang cellpho
“Greig!”Pagkatapos na hablutin ang cellphone ay pwersahan naman siyang itinayo ni Greig.“Let me go!”“Ysabela?”Narinig ni Alhaj na tila nagkakagulo sa kabilang linya. Umahon ang kaba sa kaniyang dibdib at naisip na baka saktan ni Greig si Ysabela.“Ysa—”“Hmmm.” Then there’s a muffled sound.Kumunot ang noo ni Alhaj.“Ysabela!” Sigaw niya.D*mn. I have to save her.“You want this, huh?” Narinig niya ang boses ni Greig.Kasabay ng pagkapunit ng damit.Another muffled sound. Parang may gustong magsalita pero pinipigilan lamang.“G-greig, t-tama na.”Tumayo si Alhaj sa kaniyang kinauupuan, medyo sumakit ang gilid ng kaniyang tiyan at dibdib dahil sa biglaang pagtayo. Ang g*g*ng Greig na iyon, nang umalis sila ni Ysabela ay naiwan ang ilang tauhan nito para ipabugbog siya.“Akin ka lang, naiintindihan mo?”Nagtagis ang kaniyang bagang nang marinig ang paos na boses ni Greig sa kabilang linya.“No one could have you.”Kumuyom ang kaniyang kamay.Nasa panganib nga ang buhay ni Ysabela.N
Saka niya lang naisip na simula nang alukin niya ito ng hiwalayan, ngayon na lang ulit pumayag si Ysabela na may mangyari sa kanila.At iyon ay para tuldukan na ang lahat sa kanila.F*ck. I knew it, she’s also into that m*th*rf*ck*r! Panghuhusga ng kaniyang isip.Tumalikod siya't dali-daling umalis.Umuwi siya para tingnan ang kalagayan ni Ysabela at gusto niyang magpahinga dahil sa nangyari ngayong araw.Marami siyang hinabol na meeting, nakalimutan na niyang maglunch para lang magawa ang lahat ng trabaho ngayon.Umuwi siya para makausap si Ysabela. Gusto niya lang maayos ang lahat, sabihin sa babae na magsimula ulit sila, pero ngayon na ito naman ang bumibitaw sa kaniya parang hindi niya kayang tanggapin.Natulala si Ysabela nang mawala na si Greig, hindi niya alam ang mararamdaman. Saglit siyang tumayo pero nahilo din agad.Dahan-dahan siyang bumalik sa pagkakaupo at pinakiramdaman ang sarili.Nang maramdaman ang pag-akyat ng asido sa kaniyang lalamunan, dali-dali siyang tumakbo pa
“G*g* ka ba?” Parang nagpantig ang tainga ni Greig at nakalimutan na maloko minsan si Patrick. Sinubukan niyang tumayo pero nauna na si Archie. Inawat siya’t agad na ibinalik sa upuan. “Stop making st*p*d jokes like that, Pat.” Awat ni Archie. Alam niyang lasing na si Greig dahil pangalawang bote na niya ito ng alak. Masyado pa naman matapang ang ini-order nito kaya ngayon ay ganito na lang ang reaksyon. Humalakhak si Patrick. “G*g*.” Kumento niya. Inabot niya ang baso saka uminom na rin. “Ikaw ang g*g*!” Balik ni Greig. Ngumisi lang siya sa kaibigan. Medyo natutuwa na ganito na ang reaksyon ni Greig. Samantalang dati ay nasasakyan pa nito ang mga biro niyang pag-agaw kay Ysabela. “Kung ayaw mo naman palang mapunta siya sa iba, ba’t pumapayag kang hiwalayan ka?” Hamon niya. “T*ng*na mo, Roa.” Si Greig sa malamig na boses. “Tingin mo gusto ko rin na hiwalayan ako ni Ysabela?” Saglit na natahimik ang buong silid sa sinabi ng lalaki. Nakangiting sumimsim si Patrick sa inumin,
Pagod na pinagmasdan ni Ysabela ang kaniyang telepono. Hindi siya magpapaapekto, tama lang ang kaniyang desisyon. Si Natasha dapat ang tawagan ni Patrick para alagaan si Greig kung nagpakalasing man ito.Ngunit hindi niya pa rin kaya, ginulo niya ang kaniyang buhok at bumalik sa kama.Hindi siya aalis, papanindigan niya ang desisyon.Tapos na, hindi na dapat sila gumawa ng anumang bagay na muling magdudulot ng komplikadong sitwasyon.Pinakinggan niya ang mahinang tibok ng kaniyang puso. Malungkot siyang ngumiti sa sarili at saka pumikit.D*mn, if you could only teach your heart to choose wisely.Dapat pala ang pinili niya, iyong mahal siya, hindi ‘yong siya lang ang nagmamahal. Hindi na sana siya ngayon nahahati at nagdurusa dahil sa pagdalaw ng kaniyang konsensya.“What a life.”Nang mag-ring muli ang kaniyang cellphone, napabangon siya.Iniisip niyang si Patrick iyon, pero nang makita ang pangalang nakalagay sa screen, medyo nawala ang matinding kaba sa kaniyang dibdib.“Sabby!” Sig
“Alhaj is just helping, Von. Don’t sound like you’re making some malicious conclusion again.”Nagtaas ng kilay si Yvonne. Sumimsim ito sa inorder na iced coffee.“Dinala ka sa Palawan. Ilang araw kayo doon?”“Dalawa.” Sagot niya.“Tapos hinanap ka ni Greig. Halos ipahalughog ang bawat sulok ng Manila para lang mahanap ka.” Nagkibit-balikat ito.“That makes sense. Kaya pala muntik nang mabaliw.”Kumunot ang kaniyang noo. Tumuwid siya ng pagkakaupo at tiningnan ng mariin ang babae.Nakita niya ang saglit na pagpanic sa mukha nito nang titigan niya ito ng mariin.“Teka nga, nasa Bohol ka nang mga araw na iyon. Kababalik mo palang hindi ba? Bakit parang sa tono ng pananalita mo parang may alam ka.”Muli itong uminom. Ikiniling nito bahagya ang ulo at nag-iwas ng tingin.“It’s a small world, Ysabela.” Sagot nito.Ngunit hindi siya kumbinsido, may kutob siyang may itinatago si Yvonne.“And obviously, he’d go mad. Iniwan mo ba naman para sumama kay Alhaj.” Dagdag ni Yvonne.“Wait. I’m alread
“I’m with the driver, Von. Hindi mo na ako kailangan ihatid.” Tumayo siya at sumunod naman si Yvonne. Hinalikan niya ito sa pisngi at nagpaalam na. Ngumiti lang sa kaniya ang babae. Naglakad siya paalis ng cafe, malayo palang ay natanaw na niya ang driver na bumaba ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto. “Tumawag si Lora, Ma’am. Nakauwi na raw si Sir Greig.” Balita nito sa kaniya. Binuksan niya ang cellphone, walang mensahe o tawag. Hindi na siya inabisuhan ni Patrick. Nagkarera ang kaniyang dibdib. “Umuwi na tayo, Manong.” Aniya. Naniwala siya kay Patrick nang sabihin nito na nawalan ng malay si Greig dahil sa kalasingan. Naniwala din siyang dumudugo ang sugat nito. Nag-alala siya, pero ibinaon niya ang pag-aalala sa pinakailalim ng kaniyang puso. Kung nakauwi na si Greig, ibigsabihin ay maayos na ito, hindi ba? Pero mas lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang matanaw na niya ang malaking gate ng villa ni Greig. Gusto na niyang bumaba at tingnan kung ano ang kalaga
Tulala si Ysabela nang makapasok sa kaniyang kuwarto. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kama at naupo.Mapait siyang ngumiti kasabay ng pagkahilog ng kaniyang mga luha. Kahit anong pagkukunwari, may epekto pa rin talaga si Greig sa kaniya.Kahit Anong pilit niyang magkunwari na matapang at matatag, kapag mag-isa nalang siya, ramdam niya ang matinding sakit sa kaniyang dibdib.Muli ay pinunasan niya ang mga luha.Stop crying will you?Patuloy sa pagbuhos ang kaniyang mga luha at patuloy naman ang kaniyang pagpunas. Nilulunok niya ang mga hikbing gustong kumawala.Kailangan niyang maging matatag sa desisyong ito. Hindi pwedeng ngayon pa lang ay panghinaan na siya.Tinakpan niya ang bibig nang mas lumakas ang kaniyang pag-iyak.Why are you crying? Reklamo niya.Why am I even crying?Ngayon niya napagtanto na hindi pala talaga madaling ibaon nalang sa limut ang nararamdaman niya.Humiga siya sa kama at hinayaan na ang kaniyang sarili na iyakan ang mga bagay-bagay.Bakit hindi?Paano
Gabi na nang makauwi si Archie mula sa hospital. Hindi man lang siya nakapagpahinga sa paghahanap ng kasagutan sa mga tanong niya.Ngunit ayon sa nakuha niyang impormasyon, lihitimong anak ni Rizzo ang batang naospital. Anak nito si Coleen sa pagkabinata. Sa Pilipinas ipinanganak ang batang babae, ngunit sa ibang bansa pinalaki.Maliban sa mga impormasyong iyon ay wala na siyang nakuhang iba pa. Hindi na rin nakapagbigay ng impormasyon sa kaniya si Patrick dahil iyon lang din ang laman ng database ng ospital.Binuksan niya ang kaniyang computer pagkauwi galing sa ospital. Sa kaniyang opisina siya tumuloy para tingnan ang pinadalang email ng kaniyang assistant sa kaniya.May sarili siyang office sa kaniyang condo unit. Gusto niyang nakabukod lamang ang kaniyang opisina sa kaniyang kuwarto para maging productive pa rin siya kahit na nasa condo lamang siya.Buong araw yata siyang hindi nagpakita sa kompanya. Nasa ospital lamang siya maghapon, naghahanap ng mga bagay na makakatulong sa ka
Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo
"You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan
Napahinga na lamang ng malalim si Patrick, alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Archie. Hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil magiging sinsitibo lamang ito pagpinag-usapan na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng kaibigan, alam niyang nagsisisi ito ng husto sa nangyari noon kay Yvonne. Sinisisi pa rin nito ang sarili hanggang ngayon. Lalo pa at hindi lamang isang tao ang nawala sa buhay nito nang mangyari ang insidente noon. Nagdadalang-tao si Yvonne. Sabay na nawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Dahil sa kagagawan niya. Kaya siguro ganito na lamang si Archie kung umakto. Maybe he’s thinking that he could also experience Greig’s luck. Maybe he's considering the idea that Yvonne is alive and the child also was able to survive. Sa kanilang tatlo, si Greig ang pinakamaswerte sa lahat. Kung kailan akala nila ay wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang buhay nito ay saka naman aksidenteng natagpuan ni
“What’s wrong with you?” Ibinaba ni Patrick ang dala-dalang chart at tinitigan ng matiim si Archie. Hindi nito napansin na nakalapit na siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Sa malayo pa lang ay natanaw na niya si Archie. Sa laki ng katawan nito ay agad na mapapansin ang lalaki, lalo pa't mag-isa lamang ito sa mahabang upuan at nakatulala sa kawalan. Kung hindi niya kilala ang lalaki ay baka naisip na niyang wala na ito sa katinuan. Nang marinig nito ang kaniyang boses ay agad na tumayo si Archie at hinarap siya. Umawang ang bibig nito, ngunit halatang hindi alam ang sasabihin sa kaniya, kaya nagsalubong naman ang kaniyang kilay. He looks confused and f*ck*d. What happened? Bulong ng kaniyang isip habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa ah?” Sita niya sa kaibigan. Itinikom ni Archie ang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Mahigit tatlong oras na ito sa may bench, naghihintay na mapadaan siya sa koridor para makapag-usap sila.